webnovel

CHAPTER 8: Annoyed

"Tito Jay! Bangon ka na daw po!" Sigaw ni Tummy habang hinihila ako patayo sa'king kama.

"10 minutes pa Tummy.." 'Ika ko habang nakapikit. Ayoko pang tumayo! Inaantok pa'ko!

"Malilintikan ka na naman nyan kay Mommy!"

"Sige na...susunod na'ko..." Antok kong sabi.

"Bumaba na po ka'yo ah!" Naramdaman kong umalis na si Tummy kaya umidlip muna 'ko kaso hindi na'ko makatulog. Argh! Gusto ko pang matulog!

Bigla 'kong naalala yung nangyari kahapon kaya agad akong napatayo sa'king higaan.

"Panaginip lang ba 'yun?" Nilibot ko ang tingin sa'king kwarto at wala kong nakita na kung sino. Nakahinga ako ng malalim. Panaginip lang pala ang lahat,'kala ko totoo na.

"Gising kana pala." Napatalon ako sa'king higaan kaya nahulog ako sa kama.

"Aray..." Ang sakit ng ulo ko. "Ano bang--!!" Nanlaki yung mata ko ng makita yung babae na nasa panaginip k--- Hindi,ibig sabihin hindi yun panaginip?!

"Masakit ba?" Hinawakan nito ang aking ulo na nauntog at hinimas ito. Agad kong inalis ang kamay nya.

"Andito ka parin?" Tanong ko. Bahagya kong sinampal ang aking sarili.

Nasaktan ako. Ibig sabihin totoo ang lahat.

"Baliw kaba? Ba't mo sinasampal ang sarili mo?"

"Hindi pala ko nananaginip kahapon?"

"Naniniwala kana ba?"

"Hindi." Tumayo na'ko. "Kaya umalis kana rito."

"Hindi ako aalis." 'Ika nito sabay pout. "Kung ayaw mong maniwala papatunayan ko sa'yo."

"Sige ba! Pero bago 'yun....maliligo muna 'ko." Agad kong kinuha ang tiwalya ko bago lumabas ng kwarto.

Sigurado kaya yung babaeng yun? Pero what if multo nga sya at may misyon syang gagawin? Matatakot kaya 'ko? Pero maraming akong tanonngusto kong masagot mula sa kanya.

Nag-hubad na'ko ng damit at nag-simulang maligo.

Kung multo nga sya at hahanapin nya ang tadhana nya para muling bumalik sa katawan nya,bakit ako lang ang nakakakita sa kanya? Tsaka nakakausap ko rin sya at nahahawakan pero sila Ate,Kuya Carlo at Tummy hindi sya nakikita. Ako ba ang makakatulong sa kanya? Hindi 'e. Wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman sya kilala at isa pa hindi nya rin kilala ang sarili nya.

Kaya nya ba sinabing hahanapin nya ang tadhana nya para hanapin rin kung sino sya?

Hayst! Bakit ko ba iniisip yung problema nya?! Sumasakit lang ang ulo ko!

"Tapos kana?" Napatalon ako sa gulat ng makita yung babae sa'king likod....

Sa likod ko? "Yah!" Agad kong kinuha ang tiwalya para takpan ang pang-ibaba ko.

"Ayos kalang?" Pa-inosenteng tanong nito.

"Ano bang-- Anong bang ginagawa mo rito ha?!" Sigaw ko.

"Binabantayan ka." Binabantayan?! Pati ba naman sa C.R andito parin sya?!

"Manyak kaba?! Pati ba naman sa pag-ligo ko nakasunod ka?!"

"Hoy Jay! Sino bang sinisigawan mo riyan?!" Sigaw ni Ate.

"A-ah...w-wala Ate!"

"Bilisan mo jan,kakain na ta'yo!"

"Sige Ate! Patapos na'ko!" Muli akong humarap sa'king likod pero hindi ko na nakita yung babae. Paano nakalabas 'yun?

Agad kong tinapos ang pag-ligo ko at dali-daling nag-bihis.

"Kumain kana Jay." Bungad ni Ate.

"Nasa'n si Kuya Carlo?" Tanong ko. "Tsaka si Tummy?"

"Umalis sila,dinala muna ni Carlo si Tummy sa manugang ko kaya sa isang linggo pa sila makakauwi."

"Susunod ka ba ro'n?"

"Bukas,kaya maiiwan muna kita rito."

"S-sige." Hindi ko alam pero bigla 'kong hindi naging kompotarble. Kapag iniiwan ako rito ni Ate ayos lang naman sa'kin pero simula ng dumating ang wirdong babaeng palaging nakasunod sa'kin bigla 'kong natakot.

Umupo na'ko at kumain na kami ni Ate.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo Jay?" Tanong ni Ate habang nag-sasandok ng kanin.

"Oo,bakit mo natanong?"

"Kahapon pa kasi ako nag-aalala sa'yo,ang weird mo kahapon tsaka parang nawawala ka sa sarili mo."

"Pagod lang siguro ako Ate."

"Jay,hindi mo kailangang i-rush ang sarili mo sa pag-aaral basta ang mahalaga makapag-tapos ka at ma-enjoy mo ang buhay mo." Napangiti ako sa sinabi ni Ate. Hindi man yun ang dahilan kung bakit ako nababalihasa pero masaya ako dahil naiintindihan ni Ate ang kalagayan ko. "Kahit hindi maging mataas ang magiging grades mo,proud parin si Ate sa'yo." Ginulo nito ang aking buhok.

"Salamat Ate." Dahil sa kanya naramdaman ko ulit ang salitang 'Pamilya'. Simula ng lumayas ako si Ate na ang naging pamilya ko kaya hinding-hindi ko sya bibiguin lalo na't malaki ang utang ko sa kanya. "Pangako Ate,kahit anong mangyari makakabawi ako sa'yo." Ngumiti ito.

Kung papipiliin man ako,mas gusto kong makasama sila Ate at Tummy kesa sa tunay kong pamilya.

Bigla 'kong nabulunan ng makita ko yung babae sa likod ni Ate at dahan-dahan itong umupo sa tabi ni Ate.

"Ayos kalang?" Tanong ni Ate sabay abot ng tubig sa'kin. Kinuha ko ang tubig at agad na inom. "Ang clumsy mo talaga."

"Sorry Ate." Muli kong tinignan yung babae at nakatingin lang ito sa mga pagkain.

"Tapusin mo na yang pagkain mo para makapag-linis na'ko." Mag-sasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang telepono ni Ate. "Hello?"

Ilang segundo ring tumahimik si Ate. "Yes Sir,pupunta na'ko jan." Tumayo si Ate sa kanyang kinauupuan. "Jay,kailangan kong umalis,may emergency kasi."

"Sige Ate,ako nalang ang mag-lilinis,ingat ka." Muli nitong ginulo ang aking buhok at kinuha nya ang kanyang bag bago umalis.

"Bye Jay!"

'Ng makaalis si Ate agad 'kong hinarap yung babae.

"Gusto mo ba 'kong patayin sa gulat ha?!"

"Hindi naman kita ginugulat ah? Tsaka kasalanan ko bang magugulatin ka?"

"Ba't bigla-bigla ka nalang kasing sumusulpot?!" Hindi ito sumagot at bahagyang napakamot sa kanyang ulo. "Sa susunod sabihin mo sa'kin kung saan ka pupunta,hindi yung kung saan-saan ka nalang sumusulpot tsaka 'wag mo'kong susundan sa C.R!"

"Ano naman kung sundan kita sa C.R? Masama ba 'yun?"

"Natural! Babae ka,lalaki ako! Kaya hindi pwedeng makita ng babae ang katawan ko! Tsaka privacy yun! Privacy!" Sigaw ko. Inuubos nya talaga ang pasensya ko!

"Gano'n ba yun? Pero 'wag kang mag-alala wala naman akong nakita 'e." Nilagay nito ang kanyang braso sa lamesa at tumingin sa mga pagkain.

"Gusto mo bang kumain?" Umiling ito at nanatiling nakatingin sa pagkain.

"Hindi kumakain ang multo." Napakunot ang noo ko. "Maniwala ka man sa hindi...multo ako at hindi ako kumakain."

"Pero natutulog ka?" Sarkastiko kong tanong.

"Oo,pero isang araw lang yun dahil dun yun yung araw na nakabalik ako sa mundo ng mga tao."

"So hindi ka na rin pala natutulog simula nung araw na yun?" Umiling ito. "'E nasa'n ka kapag tulog na kami?"

"Nasa tabi mo,binabantayan ka."

"Binabantayan mo'ko? Pero--"

"Sino pala yung babae na kausap mo kanina? Asawa mo ba yun?" Nanlaki ang mga mata ko. Saang planeta naman nya nakuha ang mga tanong na 'yan?!

"Ate ko yun! Tsaka ang bata ko pa para mag-asawa 'no!" Sigaw ko.

"Ahhhh...ilang taon kana ba?"

"Ba't ba ang dami mong tanong?" Sarkastiko kong sabi.

"Masama bang magtanong? Kapag nagtanong ka sa'kin,hindi ko rin sasagutin!" Hindi ko napigilang matawa. Ang cute nya rin palang mag-tampo...

Aish! Erase! Erase! Ano bang iniisip ko?

"25 years old na'ko."

"Pwede ka na palang mag-asawa 'e."

"Pwede naman pero ayoko pa."

"Bakit naman?"

"Alam mo ang chismosa mo siguro nung nabubuhay kapa." Pangangasar ko.

"Aba! Hindi 'no! Nagtatanong lang 'e." Tumayo ito at pumunta sala.

Hindi ko maiwasang mapangiti,kahit papano pala masayang kausap 'tong wirdong babaeng 'to,minsan nakakairita pero minsan masayang kasama. Ayos narin pala kung sya ang makakasama ka sa linggong 'to.