webnovel

Gaze at the Empyrean and say, Hi!

Filipino- English Rigel Kienne Vasquez, a Silver Steppers dancer from Holy Trinity University of Asia (HTUA), never expected to fall in love again after he broke up with her ex girlfriend 2 years ago. Then, he met Kc a girl drummer with full of dreams and perseverance that will change his perspective in life. But destiny is so mischievous. Do you think their relationship will survive?

Luminous_Stellar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
38 Chs

Chapter 2

Alas-sais palang ng umaga ay nagising na 'ko kahit na alas-nuwebe pa naman ang pasok ko, dahil kailangan ko pang mag-aral ulit dahil natulugan ko ito kagabi.

Kinuha ko na ang mga libro, papel at ballpen ko. Sinimulan kong isulat ang mga keywords dahil mas maraming nareretain sa utak ko pagsinusulat ko ang mga ito.

Matapos kong reviewhin ang Theory of Architecture, nag plantsa na 'ko ng aking uniporme at pagkatapos ay bumaba na'ko upang kumain.

"Oh anak gising ka na pala!" Gulat na sabi ni mama habang nag hahanda ng pagkain sa lamesa.

"Sa'n ka galing kagabi ma?" My brows furrowed.

"Ah diyan lang anak."

"Saan po 'yong dyan lang? Dyan lang sa lalaki mo?" I tried so hard to remain calm.

Hindi na nakasagot pa si mama.

"Imbis na trabaho po hinahanap niyo, bakit lalaki pa 'yong hinahanap mo? Matutulungan po ba tayo ng lalaki mo sa mga gastusin dito sa bahay?" I tried so hard to tone down my voice because I still respect my mom.

Pagkatapos magluto ni mama ay umakyat na siya para gisingin si Jillian, kaya naman umupo na'ko para kumain.

Matapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis. Pagkababa ko nakita kong kumakain sila kuya, lola, at Jillian, si mama naman ay natulog na sa taas.

"Alis na po ako." I kissed them on their cheeks.

"Ingat ka." Habilin ni kuya.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Ingat ka apo."

"Opo la, I love you."

Sinimulan ko ng lumakad paalis ng bahay. Sumakay akong tricycle papunta sa school.

Pagkadating ko sa classroom ay agad na hinanap ng mga mata ko ang aking kaibigan.

"Asa'n na kaya 'yon?" I asked myself.

Habang wala pa kaming Professor ay nagbasa muna ako. Maya-maya ay dumating na si Mica na sobrang lapad ng ngiti.

"Bakit ngiting aso ka?" I asked.

"Because my best friend passed!" Mica proudly said.

"Huh?" I asked with confusion.

Agad niya 'kong niyakap, muntik na kami matumbang dalawa.

"You passed the audition! Congrats Kc!" Sabay tili.

"Pa'no mo nalaman?"

"Malamang, bago ko pumunta dito dumaan muna 'ko sa bulletin board. I'm so proud of you!" She said, happily.

Dumating na ang Professor namin kaya agad na natahimik si Mica.

Nagsimula na din kaming mag quiz. At pagkatapos ay nagparecitation ang professor namin.

Pagkadismissed dumiretso na agad kami sa next class namin.

"This is exhausting!" Mica complained.

"May architectural visual communications pa tayo Hahahaha, chill ka lang!" I said while tapping her shoulders.

Pagkadating namin sa next class namin ay magsisimula na dapat mag discuss ang Prof namin ngunit natigilan siya ng makita kami.

"Good morning Ms." Bati namin ni Mica.

"Please be seated" she gestured us to come over.

Then she start discussing.

"Architecture is not just a picture of visual understanding how Designers create and communicate through visual means, but means of visual communication via diagrams, sketches, charts, photographs, video, and animation

in fundamental to the process of exploring concepts and

disseminating information to shape, the everyday quality of

life for individuals, communities and societies."

Nagpatuloy lang ang discussion namin hanggang sa maubos ang oras. Tinuro niya din sa 'min paano mag visualize ng mga ideas. Because architects develop to understand the importance of presentation drawings to clearly communicate with their final visual communications.. Kaya naman pinapagawa niya kami ng sampo'ng iba't-ibang klase ng drawings, na ipapasa next meeting.

"Andami naman!" Our classmates whine in protest.

"Okay class twenty na ang gagawin niyo puro kayo reklamo. 1st year palang kayo, mas madami pa diyan gagawin niyo sa susunod." Galit na sabi ng prof namin.

"Ms. naman." Reklamo ng iba naming kaklase.

"Wtf sana okay ka lang Ms." I whispered to myself.

"It's a prank, I'm just kidding class! Ten lang talaga, to be submitted next meeting. Class dismissed."

"Palabiro talaga 'tong prof na 'to." Bulong ko sa aking sarili.

Pumunta muna kami ni Mica sa cafeteria para kumain.

Pagkatapos ay pumunta kami sa susunod naming klase.

"Guys wala pa din daw si Ms. Sungit hanggang ngayon sign lang ng attendance." Our class president announced.

Matapos namin pumirma, lumabas na kami ni Mica.

Inaya ko siya sa music hall.

Nang makarating kami doon ay nakita namin ang tatlong lalaki na nagpapractice at nagtatawanan. Ngunit natigilan sila ng makita kami ni Mica.

"Oh ayan na pala 'yong drummer nating pangmalakasan eh." sabi nung lalaking tawa nang tawa.

They introduced themselves one by one and they offered their hands.

"Dylan Daxton Santos, Dax for short para pag tatawagin niyo 'ko alam ng mga tao na daks ako." He chuckles.

"Daks amp, pre alam kong jutay ka 'wag mo ng ikaila." Casper said.

"Juan Miguel De Castro, Migs nalang." He playfully raised his eyebrows.

"Casper Enriquez." Maikling sabi niya.

"Kelphie Cassiopeia Fernandez, tawagin niyo nalang akong Kc. Si Mica nga pala best friend ko." Pagpapakilala ko.

"Michaella Flynt Castillo, Mica for short kung ayaw niyong Mica, odi babe nalang." She chuckles, "just kidding guys!"

Pagkatapos namin makilala ang isa't-isa ay nagpractice na kami habang si Mica naman ay nanunuod lamang sa'min.

Halatang manghang-mangha siya sa boses ni Casper dahil sobrang ganda at ansarap pakinggan, You'll might fall in love with his voice.

Masaya silang kasama, ambilis kong naging kumportable sakanila.

"Nagugutom na 'ko." Dax said while massaging his tummy.

Nagpresinta naman si Mica na siya nalang bibili.

"Samahan na kita." Migs volunteered.

"Sige para may kargador ako sayang ang beauty ko kung pagbubuhatin niyo lang ako." Mica said while laughing.

"Grabe ka naman! Sa pogi kong 'to?" Tinuro ni Migs ang sarili, "Magiging kargador mo lang ako? Tsss pwede bang maging jowa mo nalang ako?" Pagbibiro ni Migs.

"Oppsss ikaw ba si Lightning Mc queen?" Mica asked sarcastically.

"Hindi, ako to si Natoy! Si Natoy na mahal na mahal ka." Migs said with matching feelings,

"Hahahaha just kidding."

Nagtawanan kaming lahat dahil sa asaran nilang dalawa.

"Tara na nga." Aya ni Migs.

Umalis na sila Mica at Migs.

Habang inaantay namin silang bumalik ay nag kwentuhan muna kaming tatlo.

Bigla-biglang bumanat ng pang aasar si Dax.

"Kc alam mo hubog dyosa ka, kaso para kang si Robin Padilla maglakad." Dax said.

"Alam mo ikaw? Isa nalang mapopompyang na kita gamit cymbals!" I fired back.

Tawa naman ng tawa si Casper dahil 'di na nakaimik pa si Dax.

"Wala ka pala kay Kc, Dax eh." Panggagatong ni Casper.

"Takot lang niyang pompyangin ko siya!" I chuckles.

"Kachat ko chix ko, 'wag kang magulo." Dax said.

Maya-maya ay dumating na sila Mica at Migs na may dalang dalawang box ng pizza at 1.5 na coke.

"Walang tubig Mica?" I raised a brow.

"Oh I forgot, 'di ka nga pala umiinom ng soft drinks." She said, while her hand was on her lips.

"Punta lang akong Cafeteria." Paalam ni Casper.

"Bakit pa aalis 'yon? 'Diba kumakain ng pizza 'yon?" Mica asked them.

They just shrugged.

Pagkabalik ni Casper may dala na siyang tubig.

"Kc oh." He gave me the bottled water.

"Oy thank you! Nag abala ka pa." I gave him a smile.

"Welcome." He smiled back.

"Ba't siya lang meron?" Tanong ni Dax na parang nang aasar.

"Bumili ka ng sa'yo!" Casper yelled at him.

"Yieeee!" pang-aasar nila sa'min.

"Kumain na nga tayo, puro kayo kalokohan." I awkwardly said.

"Uyyyyy change topic hahaha." Mica said.

"Sige 'wag kang kakain ah!" I Threatened Mica.

"Ako bumili, tapos ako 'di makakain? That's not right Kc!"

Kumain na kami pagkatapos ay niligpit namin ang kalat at nagsimula na muling magpractice.

Maya-maya ay dumating ang head ng Music department.

"Very good guys, keep it up." He said while clapping.

"Good afternoon Sir." Bati naming lahat.

"I have something to tell you, since hindi kayo masyadong magpeperform dito sa school occasionally lang, you can look for a Gig sa mga bar, malay niyo madiscover at sumikat kayo."

"Talaga Sir?" Tanong ni Dax.

"Yes! kaya galingan niyo guys, alis na ko may klase pa kasi ako." Naglakad na siya palabas ng music hall.

"Sige Sir thank you." Sabay-sabay naming sabi.

Nagpatuloy kaming magpractice hindi namin namalayan na madilim na pala.

Nagpunta na kami sa parking lot at doon na nag usap-usap.

"So anong plano natin?" Casper asked seriously.

"Hanap na tayo ngayon ng bar na naghahire ng band." Dax said.

"Sama ka ba Kc? Ikaw Mica?" Tanong ni Migs.

"Sorry I need to go home guys daddy texted me already, bye Kc take care." Pagpapaalam ni Mica.

"Si Kc lang may bye at take care?" Tanong ni Migs na parang batang nagtatampo.

"Ingat." Sabi naming lahat bago pa makasakay si Mica sa kotse niya.

Umalis si Mica ng hindi pinapansin ang sinabi ni Migs.

"Kaninong sasakyan gagamitin natin?" Tanong ni Migs na bakas pa din ang lungkot sa kanyang mukha.

"Kay Casper nalang." Dax answered.

Pumunta kami sa tapat ng sasakyan ni Casper at sumakay sa loob.

"Saan tayo guys?" Casper asked.

"Try natin do'n sa XG noble bar." Dax said.

Habang papunta kami sa sinasabing bar ni Dax, nakaidlip ako sa sobrang pagod.

"Kc wake up, we're already here." Casper said while tapping my shoulders lightly.

Tumayo na kami at lumabas sa sasakyan. Pagkapasok namin sa loob ay nakakarinding ingay ang narinig ko galing sa malalaking speaker.

Ngayon palang ako nakapunta sa bar dahil 'di naman ako kagaya ni Mica na party goer.

Nauna na silang tatlo para mag tanong sa manager ng bar. Naiwan ako dito sa gilid dahil ansakit ng ulo ko nakulangan ata 'ko sa tulog.

Maya-maya ay may lalaking sumandal sa pader malapit sa'kin at parang lasing na, amoy na amoy ko ang alak kahit na medyo malayo siya.

Nagulat ako ng bigla siyang matumba, agad ko itong tinulungang tumayo. Ngunit sa kasamaang palad nasukahan niya 'ko.

Agad ko siyang dinala sa couch na malapit.

"Bwiset ang baho! Nakakairita yung amoy ng suka mo, Iinom-inom ng alak 'di naman pala kaya! Asan ba mga kasama mo?" I asked with annoyance in my voice.

"S-sorry sa abala miss nasukahan pa kita, I can handle it don't worry." He apologized.

"I can handle it don't worry." Pang gagaya ko, "tsk kaya daw handle sarili, eh natumba na nga." I sarcastically said, then I rolled my eyes.

Umalis na 'ko sa harapan niya dahil sa sobrang inis ko, Pumunta muna kong CR para linisin ang sarili ko.

"Nakakadiri talaga sobrang baho!" I said, irritatedly.

Ang kulay puti kong uniporme ay naging dilaw dahil sa suka.

Pagkatapos kong linisin ang sarili ko ay lumabas na ko ng Cr.

"Andito lang pala si Kc." Migs said, sounded so concerned.

"Anong nangyare sa'yo? Ba't ganiyan kulay ng uniform mo? Tsaka ang baho." Dax asked.

"May lalaki kasi kanina, bigla siyang natumba, tinulungan ko na nga nasukahan pa 'ko." I explained.

"Saan? Uupakan ko." Dax said, while bumping his fist.

"Huwag na! Lasing na nga ata 'yon uupakan mo pa." Pagpipigil ko kay Dax.

"Tara sa kotse Kc." Aya ni Casper.

"Uy ano 'yan ha? 'Wag naman kayo sa kotse gumawa ng kababalaghan." Birong sabi ni Dax.

"Stupid! Papahiramin ko lang si Kc ng t-shirt."

"Uy defensive." Dax said teasing Casper.

Agad akong sumunod kay Casper papunta sa kotse n'ya.

"Here." Abot niya sa damit at pabango.

"Spray mo nalang perfume ko para 'di mo na maamoy 'yong suka nung gagong sumuka sa'yo." Inis na sabi ni Casper.

"Salamat Casper." I gave him a smile.

Pumasok ako sa kotse para mag palit ng damit, tinted naman ang kotse ni Caspee kaya okay lang. Medyo malaki 'yong damit na pinahiram ni Casper pero okay na 'to, kaysa naman umuwi akong amoy suka.

Pagkatapos, umalis na kami para umuwi.

"Ano nga palang sabi sainyo ng Manager?" I curiously asked, while we are on the way home.

"We can start tomorrow 9 pm." Dax answered.

"Pre sa school mo nalang kami hatid ni Dax, ando'n pa kotse namin eh." Singit ni Migs.

"Para magkaroon din kayo ng alone time ni Kc, ayiieeee!" Pang-aasar ni Dax.

"Tumigil ka nga diyan Dax." Saway ni Casper.

Nakarating na kami sa school at bumaba na 'yong dalawang ugok.

"Bye Mr. and Ms. Enriquez Ingat." Dax yelled teasing us, before he went inside his car.

Binatukan naman siya ni Migs.

Umalis na kami ni Casper pag kasakay ng dalawa sa kotse nila.

"Sa'n bahay mo Kc?" Casper asked.

"Huwag mo na 'ko ihatid baka out of the way, sayang sa gas." Pagtanggi ko.

"Hindi okay lang, hatid na kita para safe ka makauwi, gabi na kaya." He said trying to convinced me.

Aapila pa sana 'ko dahil nakakahiya kaso ayaw ni kuya na umuuwi akong mag-isa kapag gabi dahil baka mapahamak ako, kaya sinabi ko nalang ang address ng bahay namin.

Sa kanto lang ako nagpahatid kay Casper.

"Casper salamat, isasauli ko nalang 'tong t-shirt mo pagkanalabhan ko na." I said then smiled at him.

"You're always welcome, 'Wag na Kc sa'yo nalang 'yan." He winked at me.

Tumalikod na'ko at naglakad na, pero pagkalingon ko ay hindi pa din umaalis si Casper.

Kumaway ako sakaniya.

Ngumiti naman siya pabalik.

Pagkarating ko sa bahay 9:30 na pala ng hating gabi. Buti naman at naabutan ko 'tong bahay ng malinis, tiningnan ko din si Jillian natutulog na, Si lola naman nanunuod sa sala.

Nagmano ako sakaniya at hinalikan ang kamay niya.

"La kumain ka na ba? Asa'n nanaman po si mama?" Tanong ko.

"Oo kumain na 'ko kanina pa, Pagkatapos magluto at mag linis, pagkatulog ni Jillian umalis na ang mama mo."

"Kain lang po ako la." Paalam ko.

Pagkatapos kong kumain kinuha ko na ang mga gagamitin ko para sa paggawa ng architectural visual. Buti nalang at walang pasok bukas magagawa kong pag puyatan ang mga ito.

______________________________________________