"Good morning girl!" Mica greeted me.
"Morning" I greeted, not looking at her.
"May chika ako sa'yo!" Mica happily said.
"Ano ba 'yon Mica? Ang aga-aga napakachikadora mo talaga!" I chuckles.
"Well ako lang naman 'to 'yong chikadora ng taon, just kidding. Someone gave me a flyer earlier and they're looking for vocalist and a drummer." She said while handing me a flyer.
"Oh? Anong gagawin ko dyan?" I raised my eyebrow.
"Kc sumali ka! Magaling kang mag drums 'diba? Kung maganda lang boses ko baka sumali na 'ko. Don't waste the opportunity, grab it!" She said enthusiastically.
"Nako Mica, 'wag mo ng tangkain, baka pag ikaw naging vocalist ng banda 'di pa nagsisimula umuwi na sila." I teased her.
"Ang harsh mo Kc! Palibasa pinagpala ka dahil andami mong talents." She said with sadness in her voice.
'Di na ko nakapagsalita pa, dahil dumating na ang terror naming professor.
Nagsimula na siyang mag discuss, at halos buong klase ay inaantok dahil sobrang lamya niya magturo, wala man lang kabuhay-buhay.
Maya-maya ay nagpalabas na siya ng 1/4 .
"Sabi na nga ba may quiz nanaman sakanya." I rolled my eyes.
"As usual." Mica said, sarcastically.
"Number 1! What is the minimum lot frontage of single detached corner lot?"
"Kc ano nga 'yon?" Mica asked, whispering.
Pasimple niyang nilaglag ang ballpen para marinig ang sagot.
"12" I answered so fast.
"Miss Fernandez and Miss Castillo why are you murmuring? I said no cheating!" Pinanlakihan kami ng mata ng prof namin.
"I'm sorry sir, my pen fell off pinapakuha ko lang po kay Fernandez."
We continue taking the quiz then we check it after.
"Look who's the highest? I know it's you, it's always you Kc." Sabi ni Mica na parang siguradong-sigurado siya.
"Hindi ako sure sa mga sagot ko baliw." Dahil miski ako ay inaantok habang nagtuturo si Sir.
"Class please quiet, I will announce the score, 38 is the passing score over 50 and if you fail this quiz, be ready for the recitation next meeting."
Agad na umingay sa loob ng classroom namin at nagsimulang mamroblema ang aking mga kaklase. Bakas sakanilang mga muka ang kaba.
"Our highest is Fernandez 45 over 50. De luna 43, Santos 41, Domingo 39, Castillo 38. The rest failed! 40 kayo, at lima lang ang pumasa? Nagsasayang ba kayo ng tuition? class dismissed!" Inis na sabi ng aming professor at padabog na lumabas ng classroom.
"Buti nalang umabot pa 'ko sa passing score saktong-sakto lang, Walang pa sobra." Mica said, with satisfaction.
"Hindi ka naman special kaya walang pasobra shunga, pasalamat ka at hindi tayo nahuli kanina kung hindi baka na disciplinary action na tayo ngayon."
"Bago niya tayo masita planado ko na lahat ng palusot ano kaba hahahaha, galing-galing mo talaga." She giggled.
Lalabas na sana kami ng school para kumain ng makita ni Mica 'yong dalawang lalaki na namimigay ng flyers malapit sa gate.
"Hey! Hey! Where and when is the audition?" Mica asked with a smile on her face.
"Nakalagay po sa flyers 'yung details by the way mamaya pong 4:30 pm, sa music hall 'yung audition." The guy answered.
"Oh I didn't read it, btw thank you." She turned her back, and look behind then winked at him.
"Kc sumali ka na! Dali na! Pag nakapasa ka mag-aaral na 'kong mabuti I swear." Mica said, trying to convince me.
"Sayang lang oras ko dyan, tsaka andaming plates lagi, ayokong bumagsak baka mawala scholarship ko dito sa HTIU (Holy Trinity International University). Babayadan mo ba napakamahal na tuition dito pag bumagsak ako? Ha?" I sarcastically asked.
"You know what para ka kayang BDO girl, you always find ways, kahit napakaraming plates natatapos mo naman on time. Kaya I'm sure na kapag sumali ka dyan kaya mong i-manage time mo." Mica said, still convincing me.
"Pa'no ka nakakasiguro?" I raise my eyebrow, "Pag-iisipan ko muna."
Naglakad na kami palabas ng school para kumain sa isang coffee shop, Mica will treat me because I got the highest score. Wala lang naman daw 'yon sakaniya, dahil barya lang 'yong magagatos niya para do'n.
Pagkarating namin sa TEAnaPIE coffee shop, dumiretso na agad si Mica sa counter.
She looked at me, "What's your order ma'am?" She imitate like a crew.
"1 blue berry cheese cake and 1 raspberry truffle cappuccino frappe please!" Maarte kong sabi.
Then I look for a table for 2.
After 15 minutes our order finally arrived.
We ate very quick, because in 30 minutes we still have class to attend.
"What's our next subject?" Mica asked while we are walking heading back to school.
"Architectural design."
"Architectural design?" Gulat niyang tanong, "Ugh I really hate it napakaraming pinapagawa." She rolled her eyes.
"It's basic you know." I said, trying to tease Mica.
"Basic your face!" Mica rolled her eyes again.
"Joke lang naman 'di ka mabiro." I sais.
We arrived at our next class on time. Buti nalang wala pa 'yong professor naming maganda ngunit ubod ng sungit.
"Guys please be seated I have something to announce, Miss sungit wouldn't be here today she has important things to do, just kindly sign the attendance then you're free to go." Our class president said.
"Gaano ba ka importante 'yong gagawin niya para 'di pumasok? Tsss sayang tuition ng mga estudyante." I rolled my eyes.
"Ano ba Kc? atleast walang plates na gagawin ngayong araw, may oras ka para makapag audition do'n sa banda."
"May sinabi ba kong mag o-audition ako?" I raised a brow.
"No, but you said you'll think about it." She smiled.
Dahil nga wala kaming teacher sa library kami tumambay ni Mica. Buti nalang at hindi masungit yung librarian na nagbabantay kung hindi, 'di ako makakatulog dito.
Umidlip muna 'ko, maya-maya lang ay ginising na 'ko ni Mica.
"Kc 'di ka ba nagugutom?" She whispered.
"Hindi pa naman, anong oras na ba?" I lifted my head.
"1:30 na kaya, tara na sa cafeteria." Mica held my hand and drag me to the cafeteria.
"Ano sayo?" Mica asked.
"Kahit ano." Walang ganang sagot ko.
"Excuse me?" She raised her eyebrow and put her hand on her waist, "Walang kahit ano dito!" Then she rolled her eyes.
"Eh ano 'yang mga tinda dyan? Kung walang kahit ano dito?"
"K fine, 'wag kang mag reklamo kung ano dalhin ko sayo ah?"
"Oo, 'di naman ako maarte." I proudly said.
Umalis na si Mica para umorder, maya-maya dumating na siya na may kasamang lalaki.
"Oh asan na kakainin ko?" My brows furrowed.
"Here, kainin mo 'yan ah?" Hindi pa siya nakuntento tinulak niya pa 'yung lalaki palapit sa'kin kulang nalang mahalikan na'ko.
"Wtf Mica! Puro ka katarantaduhan."
Pinaghahampas ko siya, kulang nalang sapakin ko na ang braso niya, pasalamat siya at kaibigan ko siya.
Buti naman umalis na 'yung lalaking inaya ni Mica dito sa table namin dahil baka pati siya mahampas ko.
"You said you're not maarte? Nang binigyan ka ng kakainin, ayaw mo naman." She chuckles.
"Sige lapain mo 'yon! Tutal mukha ka namang aso." I said trying to annoy her.
"No, I'm too pretty para lang lapain ko ang gano'ng uri ng lalaki. Order na 'ko ng totoong pagkain." She said, before walking away.
Kumakain na kami, ng maalala ko ang audition mamaya.
"Should I go?" I asked Mica with confusion.
"Of course, grab the opportunity."
"Alam mo ba kung ano tinutukoy ko?"
"Yes, audition."
Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa field para doon magpalipas ng oras.
"Hindi ka pa ba uuwi Mica?"
"Nope, I'll wait for you. I'm going to cheer you later."
"Tsk. Feeling cheerleader!" I sarcastically said.
"Ayaw mo pa?" She raised her eyebrow.
"Just kidding." I smirked.
Habang nag-aantay kaming mag 4:30 inalarm ko muna ang phone ko at naglaro, pang patay oras lang.
Habang si Mica naman ay biglang sumandal sa braso ko, ng tingnan ko siya ay tulog na pala, muntik pang tumulo ang laway niya sa uniform ko.
Maya-maya lang tumunog na ang cellphone ko. Ginising ko na rin si Mica para ayain siyang pumunta sa music hall.
"Kc mag ayos ka kaya muna, Let me put you some lipstick." Kinuha niya ang lipstick sa bag niya.
"Audition para sa banda pupuntahan ko, hindi beauty pageant hindi ko kailangan magpaganda, natural na kagandahan lang sapat na."
"Sabi ko nga, okay let's go." Binalik niya sa bag ang lipstick niya at nagsimula ng maglakad.
Nang nasa tapat na kami ng music hall bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Ngayon na lang ulit ako hahawak ng drum stick at tutugtog baka nalimutan ko na kung paano.
"Kc are you okay?" She asked worriedly.
"Hmmm kinakabahan lang." I bit my lower lip.
"You can do it! I believe in you." She gave me a thumbs up.
Pumasok na kami sa music hall at mas lalo pa 'kong kinabahan dahil nakita kong madaming tao, ang crowded tuloy sa loob, nanlamig ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba. I hate crowds and attentions.
"To those people that are going to audition, please write your name here. We will start in a few minutes." The head of music department announced.
Pagkatapos kong isulat ang pangalan ko, umupo muna 'ko.
Habang nag-aantay kami ni Mica na tawagin ang pangalan ko ay mayroong lalaking tumabi sa akin.
"You're going to audition? He asked, curiously.
"Yes." I answered so fast.
"Okay good luck." He winked at me.
After a few minutes tinawag din ang pangalan ko
"Kc Fernandez."
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagpunta sa harapan upang mag perform. Kinakabahan kong pinakilala ang sarili ko .
"Good afternoon everyone I'm Kelphie Cassiopeia Fernandez, Kc for short and I'm an architecture student." Pagpapakilala ko.
Atsaka ako dumiretso papunta sa mini stage. Nagulat ang mga tao ng umupo ako sa tapat ng drum set.
"Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng marunong magdrums?" I whispered to myself.
Bago magsimula ang kantang Moves like jagger ay pinaikot ko muna sa aking daliri ang drum stick.
Agad na namangha ang mga tao sa loob ng music hall at pumalakpak.
Nagsimula ng tumugtog ang kanta at sinabayan ko naman ito, at gumagawa ako ng tricks kapag tumitigil panandalian ang kanta.
Akala ko ay nalimutan ko na kung paano gumamit ng drums ngunit hindi pala, wala pa ding nagbago.
Matapos kong tumugtog ay tumayo ang mga tao at nagpalakpakan.
Bumalik ako sa upuan ko para puntahan si Mica.
"Mica tara na, uwi na tayo." Aya ko sakaniya.
"Pa'no mo malalaman results?" She asked.
"Tatanong ko nalang do'n sa lalaking pinagtanungan mo kaninang umaga 'di naman nila agad a-announced 'yon."
Bago kami lumabas ay nagtanong muna 'ko.
"Anong sabi Kc?"
"Bukas daw, tingnan nalang sa bulletin board."
Pagkatapos no'n umuwi na kami ni Mica dahil may quiz nanaman kami kinabukasan.
Pagkadating ko sa bahay, nadatnan ko si Jillian na napakadungis.
"Jillian asan si mama? Halika nga dito, lilinisan kita."
"Ate umalis si mama may kasamang lalaki inutusan pa nga 'kong pakainin si lola at painumin ng gamot." She said with her small voice.
"Tangina! Mapapamura ka nalang talaga, nanay ba talaga namin 'yon? walang kwenta, lalaki hinahanap imbis na trabaho. Uutusan pa si Jillian ilang taon palang 'tong batang 'to, palibasa alam niyang responsable mga anak niya, hindi kagaya niyang iresponsable sa buhay." I said to myself.
"Jillian si kuya wala pa ba?"
"Ate sabi ni kuya pagtapos niya daw sa isa niyang trabaho maghahanap pa daw siya ng isa pang trabaho dagdag kita daw."
Matapos kong linisan at bihisan si Jillian, pinuntahan ko si lola sa kwarto para mag mano.
"La uminom ka na bang gamot?"
"Oo apo, si Jillian ang nagpainom sa'kin buti nalang at napakabait niyong mga bata, 'di man kayo magkakapatid sa ama kahit kailan 'di niyo tinuring na iba ang isa't-isa."
"Si mama lang naman po ang problema dito."
"Pasensiya na apo ah? Pinalaki ko naman ng maayos 'yon, hindi naman ganiyan dati ang nanay niyo, ngayon kayo itong nahihirapan dahil sa mga ginagawa niya." Lola said, trying not to cry.
"Alam ko naman po 'yon la, anlaki ng pinagbago ni mama parang hindi ko na nga siya kilala. Lola matulog ka na ah?" I kissed her hand before I came out of her room.
"Napakarami namang kalat sa bahay na 'to!" I sighed.
Naglinis muna ko ng kalat bago kumain pagkatapos ay pinatulog ko na din si Jillian atsaka ko nagreview para sa quiz namin bukas.
Hindi ko namalayan na nakatulog na'ko sa sobrang pagod. Nagulat nalang ako ng tapikin ni kuya ang braso ko.
"Kc isarado mo na 'yang libro at humiga ka na sa higaan mo." He said while tapping my shoulders.
Andito na pala si kuya tinignan ko ang orasan, ala-una na pala ng madaling araw.
"Kuya si mama andiyan na ba?"
"Wala pa din, 'wag mo ng antayin 'yon uuwi 'yon kung gusto niya, matulog ka na." He seriously said.
"Good night kuya."
"Good night." Then he kissed my forehead.
______________________________________________
You should watch Moves like jagger-cover by VelaBlue