Chapter 7 : Fixing My Broken Heart
"Congratulations Mrs. Escariaga." nakangiting bungad sa akin ni Troy nang makapasok ako sa bar. Umaga pa lang kaya't walang customer. May iilang dumadaan para sa kaunting inuman pero umaalis din kaagad. Mas marami talagang customer kapag gabi.
Maliban kasi sa masasarap na drinks lahat din ng mga tauhan sa bar charming and appealing. Handsome and beautiful bartenders and waitress. Troy had a good reputation of managing a business. Maliban kasi na siya ang head ng lahat ng bartender rito siya rin ang may-ari at manager. I fail to mention it.
"How did you know?." I asked and sit in the counter in front of him.
Abala naman ang ibang tauhan sa paglilinis at paghahanda ng bar para mamayang gabi. I heard they're organizing a party of some sort.
"Its all over in Buzz-N." saad nito.
Buzz-N is a media platform more like a tabloid wherein almost secrets happenings in the society are compromised. Arrange marriages of famous business clan , scandals of politician or their affiliates they've been dispatching a lot of information to the public about things no one think ever is possible. But the platform have been not too worthy to trust because of its questionable sources. That's why most of the netizen consider their information such as of heresy or baseless accusations of mere rumors that doesn't prove anything or even trying to get proven but business clans , prestige wealthy families , politicians and others know better well than those rumors.
"The two of you look good."
Hinarap niya sa akin ang phone nito at ipinakita ang picture namin ni Caden sa kasal kahapon.
I just shrug and pour myself and orange juice.
"Ano na ngayon ang gagawin mo?." sumulyap ito sa akin mula at nagsimulang maglinis ng mga baso.
"Maybe fixing my broken heart."
Troy chuckled and left his work to focus on me.
"That would be hard."
"I know. But there's no harm in trying. Maybe after then I'll be able to set things right."
Lumabas ito sa counter at naupo sa upuan sa kabila ko.
"Narinig ko ring nagpunta si Daniel sa kasal niyo kahapon. Anong nangyari?."
Nagkibit balikat ako.
"Everything was fine."
"Really? Hindi ka man lang niya pinigilang magpakasal sa iba?."
"Yun naman talaga ang dahilan kaya siya nandoon."
"And what did you do?."
"I don't want to talk about it."
"You cannot fix your heart or move on if you keep avoiding this things. Kung gusto mo talaga maintindihan ang mga nangyari o maka-move on kailangan mong sanayin ang sarili mong isipang parte na ng buhay mo ang nangyari. You should get used of the pain it bring. Kapag nasanay ka na , makaka-move ka rin."
"Isa ka pang pilosopo."
"What?."
Ningitian ko ito. "Wala. Anyway. I'm here to bid goodbye."
"Goodbye?. Aalis ka?."
"Not too far. Sa Quezon na muna ako. That was what what Tita Carol want."
Ngumuso ito. "You're going to live with Caden?."
Tumango ako.
"Sa iisang bahay?."
"Not on the same room." bahagya itong natawa.
"Goodluck then. Wish you the best. At kung kailangan mo ng tulong ko. I'm just one call away." he said and wink at me.
Nagpasalamat ako rito at nagpaalam narin. Maybe the best things first to do in order to fix myself was to distance from the place I've been hurt the most. You know , start a new fresh life and getting ready to look back without that same sting in the heart , more stronger and wiser.
I jam to some music in the radio while I was driving just to cover up the memories of Daniel and I during our roadtrips amongst the heavy traffic.
Dumeretso ako sa kompaniya para sa pansamantalang pamama-alam. Hindi naman pwedeng biglaan ko na lang iwanan ang mga employee ko. Magtatrabaho parin naman ako pero hindi na gaya ng dati na namamalagi sa kompaniya. Mom was right. I need to focus on my life before anything else. Matapos ko kasing mag-aral , nagtrabaho na agad ako sa kompaniya kung kaya't hindi ko man lang naranasang gumala o mag-travel sa iba't ibang bansa.
Panay ang bulungan ng mga tao sa kompaniya nang dumating ako. Ito rin kasi ang unang pagkakataon na nagpakita ako sa kanila matapos ang nangyari. I need to do a lot of stitching to gather back my courage to face them despite of what had happened. Ako kasi itong nahihiya. How ironic!
"Ms. President!." sinalubong ako ng yakap ni Thalia. Vice-president ng kompaniya at siyang acting president ngayon kapalit ko. She was on of our foundations scholar at siyang pinakamalapit sa amin. Dati itong general manager at ako ang VP nang si Cassey pa ang President pero bumaba ito sa pwesto nang mapagplanuhan ang kasal nila Caden. Gusto niya daw kasi munang lubusin ang oras na meron siya pero nanatili naman itong major shareholder ng kompaniya kahit hindi ko alam kung ano ng posisyon niya ngayon matapos ang nangyari.
"How are you?." agad niyang tanong nang makaupo kami sa loob ng opisina.
"Never been better."
"Babalik ka na sa trabaho?."
Mapakla akong ngumiti.
"Actually I'm not here to come back. I'm here to bid goodbye."
"Ha?."
"Sa Quezon na muna ako. Magpapahangin lang."
"Masyado na ba talagang polluted ang hangin rito sa Maynila at sa Quezon ka na magpapahangin?." natatawa nitong saad.
"Its not polluted naman kaso nakaka-suffocate."
Her mouth formed an O.
"Naiintindihan kita. Ganyan din ako nung first heartbreak ko eh." tinapik nito ang balikat ko.
"Basta kapag kailangan mo ng tulong. I'm here."
Nakakagaan rin sa loob na alam mong may mga taong nandiyan para tumulong sayo sa pagkakataong hindi mo na kayang mag-isa. Kahit papaano ay hindi ka parin nag-iisa sa laban kaso nakakahiyang mandamay ka pa ng ibang tao kaya't mas gustuhin kung ayusin na lang ang lahat sa sarili kung paraan.
Nanatili ako sa opisina ng ilang oras at kausap ito. Nagpaalam narin ako sa mga employee ng Presidents Department. Halos lahat din kasi sa kanila ay malapit na sa akin.
Masakit rin naman na tumalikod ka sa lugar na tahanan rin ng mga magagandang mong alaala pero kailangan para makalimutan mo iyong mga masasama.
Tumuloy na ako sa bahay matapos sa kompaniya. Mag-aayos pa ako ng gamit na dadalhin.
My eyebrows arched as I saw Cassey's car in the garage. Ibig sabihin lang noon ay nandito siya. At hindi ako nagkakamali dahil agad na bumungad sa akin ang kaniyang pigura nang makapasok ako sa loob ng bahay. Bumaba ang tingin ko sa maletang dala dala nito.
"Where are you going?." tiningnan niya lang ako. Hindi ko mabasa ang iniisip nito.
"It's sad to see the two of us leaving."
"Don't start Scarlette."
"Hindi ako ang nagsimula nang kung anumang nangyari satin ngayon. Alam mo yan."
"Fine! It was my fault. Pero hindi ko naman ginusto ang nangyari. At kahit na gustuhin ko naman sayo naman papabor lahat diba."
Napairap ako. All this time she was pretending like a good sister to me while deep inside she was hating me down to the deepest dahil lang sa sinapit nito.
"Whatever. You always talk trash."
Nilagpasan ko na lang ito at umakyat na sa taas. Mukhang pinalayas siya ni dad sa bahay and she can't blame me for that. Hindi ko ginusto ang nangyari at kung hindi rin niya ginusto , it was her fault. Siya ang nagsimula at puno't dulo ng lahat. At kung mayroon mang dapat sisihin sa aming dalawa. It was her.
It doesn't justify for me to blame when I don't see her struggle or I was given far more choices than her to live her life. As if naman hindi siya makikinabang kapag nakasal sila ni Caden.
Binalot ko na ang ang mga gamit na dadalhin ko sa Quezon. Ngayong araw narin kasi mismo ako aalis rito. Payag naman sina mommy at malaki na ako para alagaan ang sarili ko. I just need to get my senses back in different ambiance kung saan sa medyo malayo rito.
Hapon na ng sunduin ako ni Caden. Hindi narin ako nakipag-usap kina mommy dahil alam na nila ang desisyon ko at wala naring magbabago.
I watch as the pictures of my home and the home of my memories of both good and bad faded into my sight. Huminga ako ng malalim. I need to do it to start anew. To live again and be able to bring back the Scarlette Avery Young before mixed up.
That Scarlette Avery Young. The positive , energetic and cheerful lady.
I leave in this place with broken heart. I wish the moment I set foot back in here would be very different. That I would be healed.
MARAMING mga bagay ang pumasok sa isip ko habang natatanaw ang papalapit na larawan ng magiging bago kung tahanan. Ang lugar na pinagdadasal kung maging gamot sa duguan kung puso. The place for me to fix this broken heart of mine.
"W-where are we going?." puno ng pagtataka kung tanong kay Caden nang sa halip na tumigil ito sa mansyon nila ay dumeretso lang ito sa pagdrive.
"You think we'll going there?."
"Hindi na?." umiling lang ito.
Ilang metro ang tinakbo ng sasakyan palayo sa mansyon ng mga Escariaga. Wala akong nakikitang bahay sa di kalayuan dahil sa matataas ng iba't ibang klase ng puno at pine trees na nasa daanan.
Ilang saglit pa ay bumungad sa akin ang black steel gate. May dalawang poste ng ilaw ang nakatayo sa gilid nito at sa gitna ng gate nakaukit sa gintong kulay ang buong pangalan ni Caden.
Ibig sabihin lang noon ay may sarili siyang pamamahay sa loob ng lupaing ito. I didn't expect that. Akala ko kasi ay titira kami kasama ang mga magulang nito at si Brytte. That would also mean na kami lang dalawa sa bahay nito. Nabanggit kasi ng ina nito na masyado siyang independent at hindi gusto ang mga katulong katulong.
Hindi naman ako takot na kami lang dalawa. He's so professional at everything and no personal matter involve kaya wala akong inaasahang mangyayari o kinatatakutan na mangyari dahil wala naman talagang mangyayari.
"This is your house?." paninigurado ko nang makapasok kami sa loob ng gate. Tanging tango ang naging sagot nito.
Mga malalaking puno at malalagong halaman ang nadaanan namin matapos makarating sa isang bahay. Kadalasang gawa sa glass at metal ang bahay with the prominent color of black , grey and brown.
"Were here." aniya at pinarada ang sasakyan.
Lihis sa akala ko may katulong na sumalubong sa amin at siyang nag-akyat ng mga gamit ko sa taas. Para itong bahay sa gitna ng malawak na berdeng lupain na napapaligiran ng mga iba't ibang puno at halaman. Kulay asul rin ang malawak na langit at iilang ulap lamang ang naroon. Malamig ang hangin , matiwasay at tahimik ang paligid. Walang malalakas na preno ng mga sasakyan at nakakasilaw na ilaw sa mga matataas na gusali. Halos berde ang kula na makikita mo maliban na lang sa mga makukulay na bulaklak sa paligid at iba't ibang kulay ng mga bungang kahoy. Umalingawngaw rin sa paligid ang mga huni ng hayop at tunog na mula sa kalikasan. Parang mga pana na ang mga ibon na nagsisiliparan sa gitna ng malawak ng kalangitan.
This looks like a paradise at pakiramdam ko mas mapapabilis talaga ang oplan fixing my broken heart sa lugar na ito. No stress. Reconciling with nature.
"Hindi ka ba papasok?."
Napatingin ako kay Caden. Hindi parin pala ito pumapasok ng bahay at nakaabang sa may pinto. Tahimik akong naglakad paloob.
Maganda ang interior ng loob ng bahay. Pero hindi ko na ito pinagbigyan pa ng pansin. Gusto ko na munang magpahinga kaya tinanong ko na si Caden sa kwarto ko. Hindi naman siya sumagot at pinasunod lang ako paakyat sa ikalawang palapag.
"Unfortunately under renovation ang magiging kwarto mo kaya sa iisang room na muna tayo."
"Oka—Wait. What?!."
Walang gana niya akong nilingon.
"I said we'll be sharing the same room."
Binuksan nito ang pinto at naunang pumasok sa loob. Naiwan naman akong nakatulala sa may pinto habang pinoproseso ng utak ko ang sinabi nito.
Sa iisang kwarto kami? Hell no! Hindi nga kami nagsasama noon sa iisang kwarto ni Daniel sa kaniya pa kaya.
"That would not happen. I'm sure there's still a vacant room in here!." sabi ko rito mula sa labas.
Ayokong pumasok sa loob!
Muli naman itong lumabas at tiningnan ako like saying 'seriously?'
Sinalubong ko ang mga titig nito. There's no way in hell I'll share the same room with him.
"You don't have to worry. We have different beds. Pumasok ka na sa loob ng makapagpahinga ka na." pagkasabi nito ay muli na siyang bumaba at iniwan ako.
Wala naman akong magawa kung hindi ang pumasok na lang sa loob. Minimalist ang loob ng kwarto. May queen size black bed , sofa at tv. Yung closet naman ay walk-in. Malaki rin ang banyo. May glass door papunta sa terasa. May iilang paintings na nakasabit sa dingding bilang disenyo. May iisa namang picture frame ni Caden na nakasabit sa dingding sa ibabaw ng kama. Pati sa picture frame ay napakasungit nito.
Dinala ko na lang sa loob ng walk-in closet ang mga maleta ko. Mamaya ko na siguro ito iaayos at pagod narin ako. Bumalik ako at naupo sa kama at muling pinagmasdan ang loob ng kwarto.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin inaakalang sa loob ng ilang linggong lumipas sobrang laki ng nabago sa buhay ko. The whole new environment and the whole new company of people.
Napahiga ako sa kama at tumitig sa kisame.
Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ko ngayon.
Ano ng mangyayari ngayong kasal na ako? Ano pang mga pagbabago ang mangyayari ngayong ang layo na ng buhay ko sa dati?
Mas lalo akong napagod sa kakaisip na hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Ilang oras akong nakatulog. Pagsilip ko sa terasa ay madilim narin. Pagsulyap ko sa relo ko ay mag alas sais na ng gabi. Kakaibang tahimik ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Hindi ako sanay sa mga nakakabinging katahimikan. Nasanay ako sa abala at maingay na paligid ng Maynila.
Dapat sanayin ko na ang sarili ko mula ngayon. Mas nakakabuti naman itong tahimik ng magkaroon ako ng kapayapaan.
Nakasalubong ko naman si Caden habang paakyat ng hagdan. Bahagya pa itong nagulat ng makita akong pababa. Mabilis naman itong nakabawi sa reaksyon.
"Maghahapunan na." tipid nitong sabi at bumalik sa pagkababa.
Sa totoo lang habang tumataas ang araw na kasama ko ito ay mas lalo akong nahihiwagaan. Kung makapagsalita kasi ito parang ang dami niya nang kahit sa unang tingin mo sa kaniya hindi halatang ang dami niyang alam.
Sumunod ako rito. Nadatnan ko ang iilang tao na naghahanda ng mga pagkain sa mesa. Maliban sa katulong na sumalubong kanina sa amin wala na akong nakikilala sa mga narito. Yung lalaki at babae namang kasama noong katulong na sumalubong amin kanina mukhang bata pa. Either mas matanda sa akin ng ilang taon o magkaedad lang kami.
Napatingin sa akin ang babae at ningitian ako.
"Upo na po kayo senyorita."
Malumanay ang boses nito at puno ng galang.
Umupo na lang din ako habang hinihintay silang matapos.
"You're working here?." tanong ko rito.
Hindi nawala sa labi nito ang ngiti.
"Opo. Magkapatid po kami ni Zach." aniya sabay turo sa lalaki na kasama nito.
"How old are you?." tanong ko dahil mukhang magkaedad lang kami.
"29 na po."
"Can you stop saying po. Hindi naman magkalayo ang edad natin. Just call me by my name. I'm Scarlette Avery. You can call me by my first name or by the second."
"Ang bait niyo pala hija." biglang sambit ng katulong na sumundo sa amin kanina.
Nakakainis lang dahil hindi ko alam ang mga pangalan nila.
"Thank you. Sino po nga kayo?."
"Mang Rene. Ako ang tagapamahala nitong hacienda kapag wala si senyorito. Ito naman si Zarah at Zachary , mga pamangkin ko." turo niya sa dalawa
Mabuti na lang at alam ko na ang mga pangalan ng mga ito.
"Halos dito na lumaki itong dalawa. Dito narin sila nagtatrabaho sa hacienda pagkatapos makapag-aral."
Tahimik lang akong nakikinig sa mga ito. Hindi ko din alam kung nasaan si Caden dahil wala ito rito.
"Pero ma'am. May tanong lang ako kung ayos lang naman."
"Ayos lang po."
Binigyan ko ng tipid na tango si Mang Rene.
"What is it?."
"Totoo bang kapatid ka nung unang dapat ipakasal kay señyorito.?"
Bahagya akong natigilan nang marinig ang tanong nito pero agad ding nakabawi.
"Yeah."
Natahimik ang tatlo. Siniko naman ni Zarah ang tiyuhin.
"Nagtanong lang naman." bulong ni Mang Rene pero sapat parin para marinig ko.
Tinaasan naman siya ng tingin ng pamangkin na lalaki. Nakikita ko talaga na magkadugo sila.
"Ayos lang po yun. Sinanasanay ko na ang sarili ko sa katotohanan na yun."
Napatango silang tatlo.
Bahagyang natahimik ang paligid. Ramdam ko ang bagong ambiance ng lugar a lot different from home. Ngayon pa lang miss ko na ang dati kung bahay maging sina mommy. I don't even still yet realize how I am gonna live my life far away from the places and the people I used to live with.
"Ayos lang po ba kayo señyora?." may pag-aalalang tanong ni Mang Rene sa akin.
Tipid akong ngumiti. Maybe yes but partly no. In short naguguluhan parin ako.
"I'm fine and please stop calling me ma'am or señyora. Call me by my name. Pleade?."
"As you wish Avery.."
Bahagya akong natigilan ng tawagan nga ako ni Zachary gamit ang pangalan ko. Naninibago lang siguro. Its been awhile since I got a interaction to strangers.
Hindi naman nakaiwas sa akin ang pagkunot ng noo nina Mang Rene at Zarah. Hindi makapaniwala ang mukha na ginawa nga niya.
"Kuya?." Zarah warned him.
"What?." inosente niyang tanong sa kapatid.
"Ayos lang talaga. Mas komportable ako kapag pangalan lang ang tawag niyo sa akin. Hindi nakaka-pressure. " ani ko at bahagyang natawa.
"No pressure ma'am I mean Miss Avery. Ang totoo po ganoon ang naramdaman namin lahat ng una kaming umapak rito but actually , mabait po talaga si señyorito. Kapag mas nakilala niyo ho siya mas maiintindihan niyo ang pagkatao niya pero kapag una pa talaga kayong magkilala , most of people's first impression to Sir Caden was arrogant and unkind. But most of it are wrong impression."
Napatango ako. Sana nga dahil sa totoo lang ay nakakapikon at nakakaasar ang masamang ugaling nito.
"Masungit ba talaga siya noong una niyo siyang nakilala?."
"Oo." sabay na ani ng tatlo.
"Gaano kasungit?."
Natahimik muna ang mga ito na wari ay nag-iisip.
"Why do you ask?." bigla akong napalingon sa likuran ko ng magsalita si Caden.
As usual walang ka-emosyon emosyon ang mukha at bahagyang nakataas ng kilay. Hindi ba nakakabawas sa appeal niya ang masungit na mukha na yan? O baka lang naman sa akin lang siya masungit?
"Masama?."
Tumaas pa ang kilay nito at tinitigan ako. Naupo narin ito sa pinaka-dulo ng mesa pero hindi parin inaalis ang tingin sa akin.
"What?." I asked raising an eyebrow.
"If you want to know anything about me , ask me myself. Hindi lahat ng sinasabi ng iba tungkol sakin ay totoo."
"So hindi totoong masungit ka sa umpisa pero mabait naman kapag nagtagal ang pagsasama niyo ng isang tao?."
Bumaling siya sa tatlo na nakaupo na kaharap ko.
"Sinong nagsabi nun?." sabay na tinuro ni Zachary at Manang Rene si Zarah.
Ngumisi naman ito.
"Totoo naman diba?."
Caden just smirk and glance back at me.
"It depends kung sinong tao ang pinag-uusapan natin." makahulugan nitong sabi at nagsimula ng kumain.