webnovel

Chapter 6

Chapter 6 : One Last Time

Wala ako sa sariling nakatitig sa sarili ko sa salamin habang suot suot ang wedding gown. Hindi ko namalayan ang mga araw na lumipas at ngayon ang araw ng kasal namin ni Caden. Bilang lang ang oras ng tulog ko kagabi dahil kahit hindi totoong dream wedding ko ang mangyayari nandoon parin yung kaba. Ang daming mga tanong sa isip ko. Ni nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba ito pero wala na naman akong pagpipilian. If I wouldn't consider my breakup of Daniel to be the reason of marrying him. I still need to do it for the sake of our business. Kapag nakasal kami bilyon ang madagdag sa networth ng kompaniya at malaki ang mawawala kung mawala sa amin ang loob ng mga Escariaga. If a marriage between our family and Escariaga will take place , hindi na imposible may  merging na mangyayari. And if that happen , we will be the top business family clan in the country.

Previously I will always choose love over anything like this business matter but the man I love give me a reason to do otherwise.

Tumunog ang phone ko dahilan para maagaw nito ang atensyon ko mula sa repleksyon ko.

I sigh when Daniel's name pop up. Hindi na ako nagparamdam sa kaniya nitong nakaraang araw hanggang ngayon. Hindi ko sinasagot ang tawag at nire-replayan ang text nito. Para saan pa? Para sa isa na namang kasinunggalingan? Ayoko ko na. Nakakasawa.

I decline the call , block his number and delete it in the contacts.  Matagal ko naring dinelate ang mga pictures naming dalawa.

Caden is right. Mas mature ako kung magpapakasal ako sa kaniya kaysa sa sikaping buuin ang nasira na. Fairytales and happy ending does happen but not in reality. It was just another childish belief. I'm not childish.

"Still doubting to do it?." napalingon ako sa pinto. Sumalubong sa akin ang pigura ni Caden habang suot suot ang white suit paired with a black bow tie.

To be honest he's also handsome. Just manly , mysterious , serious , appealing , charming  and sexy way of  handsomeness. Daniel has this kind and cute way of being handsome. More on being a boy rather than a man.

"By your reaction I could guess I am way to handsome today." aniya at inayos ang bow tie.

Pero kung ugali ang pag-uusapan. He's losing it. May pagkahangin talaga siya.

"Thats good. Para naman kahit papaano gwapo ang magiging groom ko."  sarkastiko kung ani  at sa huling pagkakataon ay inayos ang sarili ko.

"You're beautiful." bahagya akong napangisi.

"An example of beautiful conversation again?."

"You're fast learner."

Paano ka hindi matuto kung with action talaga? Naisip ko ngang baka teacher ang isang to. Ang dami kasing alam sa pagtuturo kaso nang tanungin ko si Tita nang magkausap kami kahapon hindi naman daw. Tinanong ko kung bakit mukhang ang lalim ng hugot niya sa buhay pero kibit balikat lang naman ito maging si Tito. Dito na kasi kami natulog sa mansyon nila sa Quezon simula kahapon para mas madali dito narin kasi ang venue ng kasal.

"For one last time. You sure you're going to do it?." biglang tanong nito.

Nagbutunghininga ako. Ano pa ang silbi ng katanungang iyon kung iisa lang naman ang sagot. Yes! Dahil wala naman akong pagpipilian and his family would never eve think about cancelling the wedding.

"Wala na akong magagawa."

"You think so?."

"I'm not marrying you because of what happened to me though it kind of related but the main reason is for business. Hindi mo ba alam kung ilang milyon o bilyon ang madagdag sa kita ng kompaniya namin kapag nagpakasal tayo? A lot of money."

"Magpapakasal ka lang para sa pera?."

"May iba pa ba dapat na dahilan?."

"You want to marry the man you love right?."

"I already told you I don't believe in love anymore. Stop mentioning anything related to it." nanahimik naman ito pagkasabi ko noon.

"Pero." bumaling ako sa kaniya.

Nakaupo na ito sa couch sa gilid at inaayos ang polo.

"Wala ka ba talagang babaeng gustong pakasalan?." tumigil ito sa ginagawa at bumaling sa akin.

"What do you mean?." kunot noo niyang tanong.

"Wala ka ba talagang girlfriend o babaeng mahal na gusto mong pakasalan?."

Sandali na naman siyang natahimik at mukhang malalim ang iniisip.

"Why do you ask?."

"Baka lang ayaw mo naman talaga sa kasal na to."

"What's need to be done should be  done." aniya at bumalik sa ginagawa.

"Hindi ba mas matanda sayo si Brytte. Bakit ikaw ang unang ipapakasal? I thought it would be the eldest?."

Taas kilay naman itong muling bumaling sa akin. Bumuga pa ito ng hangin na akala mo ay iritang irita na sa akin. Gusto ko lang naman magkaroon ng kahit kaunting kaalaman sa kaniya.

"Bakit ba ang dami mong tanong?."

"Kasi wala akong alam sayo?." patanong kung sagot.

"Let's just say I'm way too way deserving than him."

"May away ba kayong magkapatid?."

Mas lalong nadagdagan ang inis sa mukha nito.

"Gusto ko lang naman malaman.  You two don't look okay to me."

"Stop minding my life. You should mind yours." saad nito at tumayo na.

"Anyway I just came here to check on you. I'll wait outside." pagkasabi noon ay lumabas na ito.

Sumunod namang pumasok si Mommy na puno ng pag-aalala ang mukha.

"Hija."

"Why? You look pale mom."

"Daniel was outside."

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng semento at na-estatwa sa kinauupuan ko.

"He want to talk to you."

"W-where are he is now?." hindi magkamayaw ang kaba na naramdaman ko sa pagkakataong ito na hindi ko alam kung anong dahilan.

Sabay kaming napalingon ni mommy ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Daniel.

"Scarlette.."

Umiwas ako ng tingin at bumaling kay mommy.

"Give me some minutes mom." nag-aalala muna itong bumaling kay Daniel.

"Ayos ka lang ba rito? Tatawagin ko ba si Caden?."

"Don't bother him mom. I'll handle it."

Ngumiti ako para makasiguradong ayos lang. Nag-aalangan naman itong lumabas.

"What do you want?." malamig kung tanong sa kaniya na nanatiling nakatayo malapit sa may pintuan at tulalang nakatingin sakin to be specific sa suot kung wedding gown.

"Daniel!." nabalik ito sa sarili at napatingin ng tingin sa akin.

Ilang beses siyang nagbuka ng bibig pero hindi agad nakasagot. Naroon na naman ang kalungkutan sa mga mata nito and I still admit those sorrow affect me still. Ayoko talaga na nalulungkot siya pero anong magagawa ko kung ito talaga ang nakatadhanang mangyari.

Ipinukol ko na lang ang tingin ko sa sahig.

"A-akala ko ba bibigyan mo akong oras?."

"I did."

"Pero ano to? Bakit magpapakasal ka parin sa kaniya?."

"I give you time and space but it doesn't mean I would nor marry him anymore. At saka baka sakaling sa mga panahong iyon matuto na ako at maiintindihan ko na ang lahat. Maybe after then I would be able to see your side , to understand everything that happen between us and so I'll be able to finally make a decision but for now it is the best option I have."

Gusto ko mang humingi ng paliwanag sa nakita ko sa larawan pero pinigilan ko na ang sarili ko. Kasinunggalingan lang naman ang sasabihin niya kaya wag na lang.

Hindi ito nagsalita. Pagkaraan ng ilang sandali at nagbutunghininga ito.

"Kung yun ang gusto mo. Hahayaan kita. But answer me just this one last time. Hindi mo naman talaga siya mahal  ako naman talaga diba?."

"Hindi ko alam." saad ko at tumayo na. Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang kasal.

"Umalis ka na. Wag kang manggulo rito." tinungo ko ang pinto pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap ako sa kaniya.

"For one last time please assure me you love. Kung hindi mo naman alam kung mahal mo pa ako hanggang ngayon just tell me you did when we we are together."

Tinitigan ko lang ito.

"Please. Kapag sinabi mo yun aalis na ako. Hahayaan na kita per maghihintay parin ako. I will be always there with wide open arms waiting for you and no matter what happened walang salita kitang mamahalin hindi ulit dahil kailanman hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo. Just please give me a little hope. Please."

"Minahal kita." binitawan niya ang braso ko pero nanatili ang titig sa akin.

"I love you Scar." Aniya

"Get out now."

"Pasensya ka na kung gagawin ko to."

Kunot noo akong napatingin sa kaniya.

"Do what—

Napako ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya akong halikan dahil sa gulat at hindi ko man lang siya nagawang itulak kahit narinig ko ang pagbukas ng pintuan at baka may makakakita sa amin. In just one kiss everything went flashing back into my mind. The friendship , the romantic relationship , the hugs , the kisses , the laughter and smiles as well as the struggles and success in life , the anniversarys and occasion we had together , the memories and the scene in the hotel , his begs , his lies , the time I almost lost myself and this marriage.

I felt his lips left against mine but I could not still able to react. Nanatiling nakapinid ang aking isip sa mga nangyari. Tears started to flow which I could not hold anymore.

"Your time is up."

Mabilis akong tumalikod at pinahid ang mga luha ko nang marinig ang boses ni Caden. He must be the one that open the door and unfortunately see Daniel kissing me.

"She might be married to you but remember she will never love you." may pagbabanta sa boses ni Daniel.

Pinapakinggan ko lang ang dalawa sa likuran ko at nagdadasal na matiwasay na aalis si Daniel at wala nang gulo pang mangyayari.

Pigik na tumawa si Caden.

"I know. You don't have to worry." sinulyapan ko ang mga ito at nakita ko pa ang pagtapik ni Caden sa balikat ni Daniel.

"Wag kang mag-aalala. Ibabalik ko naman siya sayo....sa tamang panahon."

Parehong nalukot ang noo namin ni Daniel sa sinabi. What does he mean by that?

"For the last time I'll give you the privilege to watch your woman getting married with me." sumulyap sa akin si Caden at may mapang-asar na ngiti sa labi.

"After all as you said. She doesn't love me." He smirk at me.

Bumaling ito kay Daniel at pinalabas na siya. Muli itong sumulyap sa akin bago tuluyang lumabas habang naiwan kami ni Caden sa loob.

Napalunok ako ng makita ang blanko nitong mukha. Dumagdag pa ang mga mata nitong kung makapanuri ay hinuhubadan ka na ata. Nandoon pa ang nakataas niyang kilay.

"He kissed me." pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin. Ramdam ko kasing galit ata siya sa nakita.

"I saw." simpleng ani nito at balik na naman sa katahimikan kanina.

"I think we need to go. The ceremony will start soon." hinawakan ko ang gown at naglakad palabas.

Natigilan naman ako nang manatili itong nakatayo at hindi man lang gumagalaw.

"Gusto mo ba talagang tumuloy?." tanong nito habang nakatalikod parin sakin.

May pagtatalo na naganap sa isip at puso ko pero sa huli nanaig sa isip ko sina mommy. Sobra na ang kahihiyan na nangyari sa kanila. Dadagdagan ko pa ba? At hindi pa ako handang gumawa ng desisyon. Seeing how Caden seem to be so professional in handling this kind of situation baka sakaling matulungan niya ako na gawin ang tamang desisyon sa tamang pagkakataon kapag nakuha ko na ang tama sa mali at kung anong dapat sa hindi considering all the consequences and everything.

"Yeah. Wala nang atrasan."

Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. Ngayon lang ako nakahanap ng kasiguraduhan sa desisyon ko. Sabi naman niya ibabalik niya ako kay Daniel sa tamang panahon and maybe that time I'll be able to understand everything. Sa ngayon sa kaniya na muna ako. Cause partly I believe everything what he said.

Bumalik ako sa loob at hinila ito palabas.

"Sure na ako. Kaya tara na. Baka magbago pa ang isip ko."

Bahagya itong natawa at kinuha ang braso nito na hila hila ko. At siya naman itong humawak sa gown ko. Ang taas rin kasi at ang hirap maglakad.

Paglabas ng mansyon ay namataan ko pa si Daniel sa di kalayuan na nakatayo sa gilid ng kaniyang kotse. Kahit malayo ito sa amin alam kung nagtama ang mga mata namin.

I smiled.

I love you Daniel. Till this moment that I am marrying someone else.  Pero habang inaayos ko pa ang sarili ko , kay Caden na muna ako.  There's nothing to worry about cause as you said I don't love him the way I love you. Sa tamang panahon babalik rin ako and then I'll be wearing this white gown walking down the aisle  with you by my side and fulfill my dream to become Mrs. Daniel Salvatore Montereal. Sa tamang panahon babalik din ako.

Huminga ako ng malalim at humawak sa braso ni Caden habang inalalayan kami ng coordinator patungo sa may red carpet. Naroon ang mga magulang nito at ang kapatid na nakangiti pero halatang fake. Nasisigurado ko talagang may alitan sila. May pag-aalala naman sa mukha nina mommy at daddy. Tinanguan ko lang sila upang iparating na ayos na ang lahat at wala na dapat ipag-alala.

Siguro nga ito talaga ang dapat kung gawin. Aayusin ko na muna ang sarili ko bago ang lahat.

For one last time in this moment I took one last glance at Daniel staring us from afar.

Till the next right time.

"Pwede ka pang tumakas. Nandyan pa ang one true prince charming in shining knight armor mo." inirapan ko lang si Caden.

Hindi talaga niya naiintindihang kailangan kung magpakasal sa kaniya dahil sa negosyo. Hindi naman magtatanggal iyon. Kapag siya na ang namahala sa negosyo nila , pwede na kaming magpa-annul. The passage of management in his hand would take five years but as we

got married it would be lesser than it , maybe two or three at pagkatapos noon we can part ways.

"Goodluck then soon to be Mrs. Escariaga." hindi ko na siya pinansin at nakatutok lang sa mga bagay bagay sa paligid. Matatapos din ang lahat nang ito.

Nagsimula na ang ceremonya. Wala nang entourage ang mahalaga lang naman doon ay ang marriage contract na magpapatunay na kasal na nga kami.

Medyo nangingnig ang paa ko habang papalapit sa kinaroroonan ng paring magkakasal sa amin. Balita ko ay matalik itong kaibigan ng mga Escariaga at siyang kinuha nila upang magkasal sa amin. Kung bakit kailangan pa kasing may ganito kung pwede namang pirmahan na lang namin yung contract o di kaya sa judge na lang kami magpakasal o di kaya sa ibang bansa para mas mapadali.

Napatingin ako kay Caden ng pisilin niya ang kamay ko. Doon ko lang din na-realize na nasa harap na kami ng pari. Pabaling-baling pa ito sa aming dalawa at tila nagtatanong ang mga mata kung handa na ba kami sa desisyong ito.

Ituloy niyo na po baka magbago na naman ang isip ko.

All throughout the ceremony. I was listening to the priest and doing the  exact thing I should do.

Hindi parin ako makapaniwalang gagawin ko to.

The exchange of rings , vows and I dos have passed and we have reached the end and the new beginning.

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."

Hindi ko maiwasang hindi magtaas ng kilay sa pari sa harap namin. Sorry naman kung masama iyon pero kailangan pa talagang may ganoon pa. Sa totoo lang sobrang napakatotohanan talaga ng nangyari ngayon kung hindi ko lang namin alam na kahit pa man legally it was official but still it was a whiter shade of lie.

"Avery." kumunot ang noo kung napabaling kay Caden. I really can't believe I just did this.

Tikom lang ang bibig ko ng inangat nito ang suot kong belo. Sandali pa niya akong tinitigan bago hinalikan. I just close my eyes and thought everything was just a lie. Hindi totoo ang lahat , magtatapos din ito.  I just need to hold on and believe in this lies.

Umalingawngaw sa paligid ang palakpak ng mga naroon. Maliban sa mga pamilya namin minus Cassey naroon ang legal counsel ng bawat pamilya , mga malalaking business partners ng dalawang pamilya at mga tauhan at katulong.

Matapos ang kasal dumeretso na sa reception ang mga bisita habang excuse muna kami kasandali para sa saglit na picture taking. As usual as per requested by our parents. May picture taking na kami kanina kasama ang mga magulang namin. Maging si Brytte at mga bisita.

Papalubog narin ang araw at hindi maitatangging maganda ang tanawin dahil sa mga malalago at magagandang kahoy na nasa paligid. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang lupain nila dahil hindi pa naman ako nakakalibot roon.

"Please sit here." magalang na utos sa aking ng photograhper.

Gaya ng sa nagkasal sa amin kilala rin ito ng mga Escariaga.

Sunod sunuran lang din ako sa sinasabi nito at saka umupo sa inilagay niyang upuan. Inayos nito ang gown ko at inutusan naman si Caden na tumayo sa gilid ko.

"Please smile."

Kumuha ito ng ilang shot at chineck ang kuha bago bumaling sa amin.

"Can you smile with your eyes?." tanong nito. I just sigh. Hindi ko kaya iyon hindi naman talaga ako totally masaya sa nangyayari.

"Shall I put my eyes in my mouth?." pilosopong tanong ni Caden dahil nababanas na rin ito sa suot na masyado ng pormal though he looks so gentleman in that way.

Napabutunghininga naman ang kumukuha sa amin.

"Look. It was my job to take a photo of you two like a real couple. Paano maniniwala ang mga tao na totoo yung nasa larawan kung ang lungkot niyo tingnan. Mas mukha pa kayong pinabagsakan ng lupa kaysa sa kinasal." sermon nito.

Inirapan lang din naman siya ni Caden at nagkapa-meywang.

"I'm already hungry."

Hindi naman kami pinansin nito at patuloy lang sa pagkuha kahit wala na talaga kaming gana.

"Last na to at kung gusto niyong matapos agad to. Smile with feelings. Kahit kunwari lang."

Sumunod na lang din kami dahil pagod na ako at gusto ko nang mahiga sa kama at matulog. This is too much for me to handle.

Inalalayan ako nitong muling tumayo. Muli nitong inayos ang gown at belo ko maging ang hawak kung bouquet ng bulaklak. Pinatayo naman niya sa gilid ko si Caden at pinahawak ako sa braso nito.

"For the last shot." anunsyo nito.

The sky have become orange as the sun have set in the east.

Pinaharap ako nito kay Caden.

"Act like you're going to kiss her." sabay na tumaas ang kilay naming dalawa at humarap sa kaniya.

"Come on! Kunwari lang naman." napairap na lang ako at muling bumaling kay Caden na wala na naman sa mood.

He ordered me to put my hand in its nape as if like pulling him for a kiss. I just need to hold on for a bit. Paalala ko sa sarili ko at nang matapos na ang lahat.

I was stunned when instead of Caden acting like he's going to kiss me he planted a kiss on my forehead and waited for the shot.

"We're done here. Kakain na ako. Let's go." yaya nito sa akin.

"Mauna ka na." ani ko at inayos ang sarili ko.

Tumango lang naman ito at nauna nang bumalik sa reception.

The photographer handed me his camera.

"Thought you want to see."

Tahimik ko na lang tinanggap iyon at tiningnan.

There's a lot of words you can tell by just looking at it. Kahit ayos naman ang mga kuha at nadala ng filters ang kunwarian namin ni Caden if I was the one looking at it I certainly felt the lies behind it but...

"It was picturesque."