CHAPTER 18 : Annulment
I woke up groaning in so much pain and a throbbing head. Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko sa sakit. Hindi ko agad maimulat ang mga mata at halos magpagulong-gulong na sa kama hawak hawak ang ulo ko at kagat kagat ang labi dahil sa sakit.
"Shit!." I curse when I felt an upset stomach. Nabalewala ko ang sakit ng ulo at mabilis na bumangon saka tinakbo ang banyo para doon magsuka.
Sa dami noon ay sumakit ang lalamunan ko at nagluha ang mga mata. I don't know why long I've been throwing up. Pagkatapos ng pagsusuka ay bumalik naman ang sakit ng ulo ko. Umiiyak akong napaupo sa malamig na tiles at halos yakapin na ang toilet bowl dahil pagkalipas ng iilang segundo ay nagsusuka na naman ako.
Parang nawalan ako ng kaluluwan matapoa ang pagsusuka na iyon. I manage to stand up. Babalik na sana ako sa kwarto para magmukmok ulit dahil sa sakit ng ulo nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Gulong gulo ang aking buhok. Maputla ang aking labi.
Natigilan naman ako ng makita ang aking leeg. There's a bruise in it. Nang hawaka ko iyon ay masakit. Napatingin naman ako sa kamay ko at may pasa rin roon tila galing sa isang mahigpit na pagkakatali.
"Yes. Just stay like that , baby girl. Let me pleasure you."
Napatakip ako ng bibig nang maalala iyon. Nag-unahan ulit ang mga luha sa aking mga mata habang nanatiling nakatitigvsa sariling repleksyon sa salamin habang nanumbalik ang mga pangyayari kagabi.
Muli akong napaupo sa sahig habang patuloy sa pag-iyak.
"No...No.." mariin akong umiiling. "Walang nangyaring ganoon. Wala.."
Sa bawat pilit ko sa sarili kong maniwala na hindi nangyari ang naalala ko ay mas lalo akong naiiyak.
"H-hindi..." kinakapos ako ng paghinga dahil sa bigat ng pakiramdam. "No.."
Tuluyan na akong napahagulhol at napakuyom ng kamao.
"Avery?."
Saglit akong natigil sa pag-iyak nang may tumawag sa akin. Sa kabila ng pag-iyak ay lumingon ako. Sa bukana ng pinto nitong banyo ay tumambad sa akin ang pamilyar na anyo.
"C-Caden..."
Tinitigan ko ito habang inaanalisa kung totoo bang nandito siya at nang masiguro kong nandito nga siya ay agad akong tumayo at sinugod ito ng mahigpit na yakap.
"Caden..." muli akong humagulhol.
"Ssshhsshh. Tahan na." alo niya at marahang hinaplos ang buhok ko.
Umiling ako. How can I be okay after what happened?
"C-Caden.."
"If you're worried about what happened last night. Don't worry. Nothing happened. Wala siyang nagawang masama sayo. Mabuti na lang at naabutan kita agad."
Sa sinabi niya ay nabawasan ang naramdaman kung bigat at bahagyang nakahinga ng maluwag.
"You're okay now. Tahan na."
"I-I was scared."
"You don't have to be scared now. I'm here. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sayo."
Tuluyang nawala ang takot na naramdaman ko nang yumakap ito sa akin pabalik.
Napahawak naman ako sa ulo ko nang bumalik ang kirot roon. Agad rin akong inalalayan ni Caden pabalik sa kama. Doon ko na lang din napansin na nandito pala ako sa condo ko.
"I've cooked you some soup. It will ease your hangover." inilapag niya sa akin ang tray na naglalaman ng mainit na sabaw.
Mabuti na lang at nakatulong ito gaya ng sabi niya para mabawasan ang sakit sa ulo ko. Matapos akong makakain ay naligo na rin ako para mas mawala ang hangover. Pagod parin ang pakiramdam ko kaya nanatili akong nakahiga sa kama at nagmumukmok. Paulit-ulit rin sa isip ko ang nangyari kagabi.
I should be thankful that Caden arrived. Kung hindi ay baka kung saang kalye na ako nakahiga ngayon at mababalitaan na lang walang buhay at pinagsamantalahan nang kung sinuman.
"Ilang bote ba ang nainom mo kagabi?." nabigla ako sa tanong ni Caden. Kanina pa tahimik ang loob kaya inakala kong mag-isa lang ako.
Pagkalingon ko ay naroon pala ito sa couch at prenteng nakaupo habang magka-krus ang dalawang kamay. Blanko ang mukha at matamang nakatitig sa akin. His intent stares makes me intimidated. I look away trying to count how bottle I had last night.
"Uhm...Three?." I don't know actually. Hindi ko na maalala.
"You had nine bottles." muli akong napalingon sa kaniya.
Nine? Dalawang bote lang ang kaya ko. No wonder ganoon na lamang ang pagsusuka ko at muntikan na akong magahasa dahil sa kalasingan. Pero?
"How did you know that?." taka kong tanong.
He didn't answer. Tinitigan niya lang ako.
"Why did you drink that much? Pinabayaan mo na ang sarili mo. You almost got raped. You're being careless. What's gotten in your mind?."
Nawalan ako ng sasabihin sa mga pangaral niya.
"What do you think are you doing?." may bahid na galit ang kaniyang boses.
"Wag mo ng isipin iyon." umiwas ako ng tingin at tumitig sa kawalan.
"Do not think about it? Are you insane?! You almost got raped-
"Alam ko!." natigilan ito. "Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin kung gaano ako katanga!."
Hindi ko na maiwasang magtaas ng boses.
"Kailangan. It's not a simple matter!." dahilan niya.
"I'm tired Caden. Iwan mo muna ako. I want to be alone." nagtalukbong ako ng kumot.
"Again?." saglit siyang natahimik. "You're tired? You want to be alone? You don't want me to be here? Don't you realize? Don't you learn?."
I hear his footsteps toward me but I don't dare look at him.
" Scarlette Avery Young , don't you realize that every time you said those words to me is the exact time you badly need me? Hindi ba at sinabi ko na sayo na kung gusto mong tulungan ang sarili mo , you need to accept the hand offered to you. Hindi ibig sabihin na niloko ka ng isang lalaki ay lahatin mo na. You can't decide not to trust someone just because someone broke your trust. Magkaiba ang tao , Avery. Wag mong lahatin."
I cursed inside before facing him with intense gaze.
"Then tell me Caden? Tinulungan mo ba ako?."
"I did. Kaya nga ako nagpakasal sayo diba?."
"Ako ang nagpakasal sayo. You we're supposed to marry Cassey. Bakit nga ba hindi na lang siya ang ikinasal sayo? Ayos lang naman siguro kahit na may anak na siya."
"Sinusumbatan mo ba ako? Baka nakakalimutan mong binigyan kita ng pagkakataon na isipin ang desisyon mo."
"Yeah you did! But you always left me with no choice!." hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magalit.
"I left you with no choice? What? Sinasabi mo ba sakin ngayon na kasalanan ko kaya ka nandito ngayon at hindi parin makapag-move on? Remember , you choose this way. Why blaming me?!."
"I'm not blaming you!." pareho na kaming galit ngayon.
"You sounded like one!."
Napairap ako at padabog itong hinarap.
"Siguro mas mabuting tapusin na natin to. I want an annulment. Mukhang wala rin namang naitulong ang kasal na to sakin."
Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya lumabas ng kwarto. Mabilis rin siyang nakabalik at inilahad sa akin ang isang brown envelope.
"Sign it. I will process the papers as soon as I get back to the Philippines."
Kinuha ko ang mga dokumenrto sa loob at agad na pinirmahan saka muling ibinalik sa kaniya.
He quickly stormed out of the room. Nang maka-alis siya ay namayani ang katahimikan. Nakatulala ako sa kawalan.
*I want an annulment*
Muling bumalik sa isipan ko ang sinabi ko kanina lang. Doon lang din nag-sink in sa utak ko ang sinabi kong iyon.
"Shit..."
Anong sinabi ko. Damn! I must be out of my mind. He's right. Tama siya. Sa bawat pagkakataon na ayaw kong tanggapin ang tulong niya ay doon ko naman kailangang kailangan and yet I said I want an annulment? Ang tanga tanga ko! Ang tanga tanga mo Avery!
Napaupo ako sa kama habang sising sisi sa nagawa ko. Naalala ko ang nangyari kagabi , kung hindi dahil sa kaniya ay wala na ako ngayon. Damn!
I bit my hard lip. Mabilis akong lumabas at sinundan ito. Pero dahil ilang minuto na ang lumipas mula ng umalis ito ay hindi ako sigurado kong maabutan ko pa ba siya but I hope. Halos magkadapa dapa na ako sa kakatakbo at kakahanap rito at baka hindi pa siya nakakalayo.
"Excuse me." nilapitan ko agad ang security guard nitong gusali.
"Yes ma'am?."
"Have you seen..." napatigil ako dahil hindi ko pala nadala ang phone ko para sana magpakita ng picture ni Caden but I realize wala rin naman pala akong picture niya.
"Ma'am?." muli akong napatingin sa kaniya at umiling.
"Never mind."
Lumabas ako ng gusali at nilibot ang halos bawat kalye. Pero sa dami ng tao at sasakyan ay mahirap para sa mga mata kung mahagilap siya.
Muntikan pa akong masubsob sa kalsada nang matapilok ako dahil sa pagmamadali. Matapos ang ilang minutong paghahanap ay sumuko rin ako. He'd probably gone by now. At kahit nandito pa siya , ano namang sasabihin ko? I don't even know. Nakakahiya na sa kaniya.
But still I wish he's still here. May pag-asa na sana. I was never alone despite having Daniel and Cassey cheating on me and everyone siding them both. I have Caden and now I push him away. Ngayon mag-isa na lang talaga ako.
Umiiyak at paika-ika akong naglakad pabalik sa condo unit ko. Masakit ang paa ko na natapilok kanina lang. Hanggang kailan ba ang malas ko? Forever na ba?
"Where did you go?."
I froze as I heard those words as I open my units door. Tumambad sa akin si Caden. Eyebrows arched , lips forming a thin line , forehead creased , blank face and hand on the side of his waist. He just look so fine.
I blink once and twice. He's here. Nakaramdam ako ng kakaibang saya nang maramdamang nandito parin siya.
"Caden.." My eyes are teary eyed. Hindi ko alam pero parang mas naging iyakin pa ako mula nang makilala ko ang lalaking to.
"You have to sign this too." bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya. Isa pa iyong dokumento para sa annulment papers.
I look back to him and his eyes are fixed on my teary one.
"You have to sign it-
I didn't let him speak anymore as I held both of his cheek with my palm and kiss him. Ramdam na ramdam ko ang pagkatigil niya pero.
I immediately realize I wasn't doing the right thing but instead of pulling away , break the kiss and say sorry to him , I move my hands to the back of his neck and pulled him down. He stilled more. Gusto kong magmulat nang mata para makita ang hitsura niya pero alam kung mali itong ginagawa ko at hindi ko alam kung paano ito malalampasan ngayon. Isa itong kahihiyan. Kahit kailan ang tanga mo talaga!
I want to hit myself. Sa inis ko ay humigpit ang hawak ko sa kay Caden na nanatiling walang response. Mas nakakahiya diba? Lasing pa siguro ako kaya ko ginawa to. Yeah. I'm still drunk. Ha! Keep persuading yourself Avery. Ang tanga mo talaga. Now , I don't know what to do anymore.
But honestly , sobrang lambot ng mga labi niya. At parang ayaw ng humiwalay ng labi ko sa kaniya. Oh please! Lupa kainin mo na ako.
Itinulak ako ni Caden. Nagulat ako roon. Naapakan ang pride ko. Una hindi siya humalik pabalik at pangalawa itinulak niya ako.
"Avery?." Maang akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Breathe." Nang sabihin niya iyon ay doon ko lang napagtantong hindi talaga ako humihinga. Mabilis na nagbaba-taas ang dibdib ko habang kumukuha muli ng hangin.
"Ayos ka na?."
Nahihiya akong tumango at piniling manatiling nakayuko.
"Good." napatingin ako sa kaniya pero nang magtagpo ang mga mata namin ay muli akong napayuko dahil sa hiyang naramdaman.
Nasulyapan ko ang pagtalikod nito.
"Caden?." natigil siya sa pagtawag ko.
I bit my lip when he look back. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya tinawag.
"Bakit?." tulala akong nakatingin sa kaniya. "Do you want to kiss me again?."
Muntik akong mapaubo sa sinabi niya.
"N-No.. S-sorry.. I-I d-didn't-
"Stop stuttering."
Damn!
"Sorry. I didn't intend to do that."
Tinalikuran niya ako at nagtungo siya sa kusina. Sinundan ko naman ito habang pilit nagpapaliwanag.
"I really don't intend to..." mas lalo akong nahiyang banggitin iyon.
"To?."
I sigh in defeat. "to kiss you.."
Tumaas ang kilay ko ng matawa siya. He look amused.
"Hindi mo sinasadya?." tila pang-aasar niyang tanong. He coolly leaned against the fridge while crossing his arms at me.
"Sabihin mo sa akin saang banda? For as far as I can remember , you-
Hindi ko pinakinggan ang susunod niyang sasabihin at tumakbo papasok sa kwarto at nagtalukbong ng kumot roon. I'm doomed! Sobra sobra na ang kahihiyan na ginagawa ko. Siguro nga marami talaga ang nainom ko kagabi at hanggang ngayon ay wala parin ako sa katinuan.
Pero. Hindi ma-alis alis sa isipan ko ang lambot ng labi niya. I never kiss someone with that soft and addictive lips. I never had butterflies in my belly before whenever I kiss Daniel. Hindi rin naman ganito magwala ang loob ko dahil lang sa isang halik. But as my lips collided with that of Caden , I was lost. Bigla akong nawala sa mundo and all I care is him and me and our lips. Bakit ganoon?
Maang akong napahawak sa labi ko at kahit na sinasabi ng isipan ko na magtino ay wala itong magawa para pigilin ang ngiti na kumawala sa labi ko. Ilang saglit rin ay nabalik ako sa huwisyo at mariin na umiling.
Bakit ako nakangiti?
Bumangon ako habang yakap yakap ang comforter ko at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Habang nakatitig ako sa mga sariling labi ko ay naalala ko ang labi niya at bigla naman akong kinikilig. Like WTF?!
Ano bang mayroon sa labi niya at ganito kalakas ang epekto sa akin?
"Wala naman.."
Halos malaglag ako sa kama nang bigla siyang magsalita sa gilid ko. Ni hindi ko siya namalayang pumasok at lumapit sa akin.
Malakas ba ang pagkakatanong ko roon? That was suppose to be in my mind? Dagdag kahihiyan naman.
"I'm still drunk." dahilan ko na lang. "T-that's why I did that." nauutal pa ako. Walanghiya!
"If that's the case. You should never drink that much. People will misunderstood your actions. Paaasahin mo lang sila."
Tumaas ang kilay ko sa huling linya nito. Paaasahin ko sila? Bakit? Umasa ba siya na may ibang dahilan kung bakit ko siya hinalikan maliban sa lasing pa ako?
Well , kahit naman ako ay hindi alam ang dahilan kung bakit ko siya biglang hinalikan. Iyon lang talaga ang pumasok sa isip ko nang makita ko siya. Akala ko kasi ay tuluyan na siyang umalis kasi nga annuled na kami. Oh. May kailangan pa nga pala akong pirmahan.
"Y-yung annulment papers , final na ba?." mahinang tanong ko.
Sandali siyang nanahimik kaya nag-angat ako ng tingin. Umiwas naman agad siya ng tingin.
"May kailangan ka pang pirmahan." aniya at lumabas para siguro kunin ang papel na iyon.
For some reason , bumigat ang puso ko habang iniisip ang annulment. I thought we will be so much memories after three years but it turned out this is the end for the both of us. Pero ayokong munang malayo sa kaniya? I'm a stupid and a fool. Paano na lang ako kapag wala siya? Anong gagawin ko?
"You need to sign this." Inilahad niyang muli sa akin ang papel. Tinitigan ko lang iyon , ayaw ng mga kamay kong abutin iyon at pirmahan.
"Avery?." tawag niya sa akin. I look up to him with both weary and sorry eyes.
"Sorry.."
"Pirma mo lang ang kailangan ko. Not your sorry." Malamig na sabi niya. Mas lalong bumigat ang dibdib ko.
"P-pwede bang bawiin ang pirma ko kanina?." I don't care if I sound begging basta ba ay hindi lang mangyaring annul na kami. Hindi muna ngayon. Hindi ko pa kaya nang wala siya.
Hindi siya sumagot.
"Please?." nangilid ang luha sa gilid ng aking mga mata. "Sige na , Caden. Please.."
He look away. Tumayo ako at nilapitan ito.
"Caden , please. Wag muna ngayon." nanatiling siyang walang imik.
Yinakap ko ito. Bahala na kung kahihiyan na naman ang aabutin ko o iisipin niyang iba ang dahilan ko sa pagyakap sa kaniya at hindi dahil lasing lang ako. I'm not really doing this because I'm just drunk. I'm doing all of this for him to stay. I never beg anyone to stay not even with Daniel. Mahirap siyang pakawalan pero mas mahirap si Caden.
I don't know why but I felt so attached to him despite the only few months we spent together. Ganoon kalakas ang epekto niya sa akin.
I hug him tighter and tighter as he become more unresponsive. Kung kanina ay mabigat ang puso ko , nasasaktan na ako ngayon dahil sa pagbabalewala niya. I know I don't mean that much to him but...but can I just be someone important to him. Please.
Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ang mga braso niyang gumanti sa akin ng yakap. Mas lalo akong napayakap sa kaniya habang pigil luhang ibinaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib.
Ako ang unang kumalas sa yakapan naming dalawa matapos ang ilang minuto pero nanatili ang mga kamay ko sa kaniyang balikat. Ayokong umalis. Ayokong malayo sa kaniya. I don't care how embrassing it may seem. Tahimik ako habang pinapakiramdaman ito.
Umangat ang mga mata ko sa kaniya nang lumapat sa aking leeg ang kaniyang kamay. Unti unti akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko nang lumapit sa akin ang kaniyang mukha. Last night the same situation happen and I'm scared but with him now , instead of being scared , my heart is beating fast with the anticipation of what will happen next.
Halos pigil hininga ako nang iilang hibla na lang ang layo sa pagitan ng aming mga labi. I can feel his warmth against my skin and all I can do is stare at his mesmerizing eyes.
"Avery.." His voice came in a low cold baritone tone. Napapikit ako sa paraan ng kaniyang pagtawag. Kakaiba at ibang iba rin ang dulot nito sa akin.
Hinapit niya ang aking baywang dahilan para tuluyang muling maglapat ang mga labi namin. Ever since we meet , I wasn't sure of how everything works and neither now. Now that things seems getting out of plan , out of control and out of our contract. But I don't care.
Everything is real.