webnovel

Chapter 12

Chapter 12 : Worried

Unti unting naging mapayapa ang mga araw na sumunod sa pamamalagi ko sa pamamahay ni Caden. Kahit minsan naiinis ako sa kaniya dahil sa mga pang-aasar nito , I slowly getting used to it. Naging mas malapit rin ako kay kina Zach at Zarah maging kay Mang Rene at iila pang mga tauhan sa farm.

Tumatawag si Daniel sa akin but our conversation won't last long. Nagiging maayos na rin ako pero ayoko na munang abalahin ang sarili ko sa bagay na iyon.

Biyernes ng umaga , magha-harvest sina Caden ng mga itlog sa poultry farm. I've been there just once pero hindi ko kinaya ang amoy. Pagkagising ko ay wala ng tao sa bahay maliban sa akin. Madalas napapatagal na rin ang paggising ko dahil sa magandang klima rito. Mapapasarap ang pagtulog mo. I was in the kitchen when I heard the doorbell rang. Inubos ko na muna ang kape ko bago tinungo iyon at binuksan. Tumambad sa akin si Paolo. Isa sa mga nagtatrabaho sa kwarto na pinapapa-ayos ni Caden para sa akin.

"Morning ma'am.." ngumiti ako rito at binuksan ng malawak ang pinto.

"Deretso na po ako sa taas." paalam niya. Tumango lang din ako.

"Sina Sir Caden po?." bigla niyang tanong ng nasa hagdan na.

"Nasa poultry farm na."

"Sige po. Akyat na po ako."

Nang mawala ito sa paningin ko ay saka ako bumalik sa kusina upang ipaghanda ang sarili ng agahan. I was in the middle of eatimg my breakfast when I heard a noise above. Natahimik rin naman pagkatapos noon. I tried to ignore it but my guts are telling me something risky. Sa huli tumayo ako at iniwan ang pagkain at tinungo ang taas.

Sinilip ko ang ginagawang kwarto. Pagpapalit ng tiles at pagpipintura ng dingding na lamang ang kailangang tapusin roon.

"Paolo?." Wala ito roon. Muli akong lumabas at saglit na natigilan ng makitang bukas ang pinto ng kwarto ni Caden na siya ring tinutuluyan ko pagsamantala. Sa pagkakaalala ko naman ay sinirado ko iyon ng lumabas ako.

Driven by the curiosity and my guts telling me. I headed toward it , slowly. Sinilip ko ang loob at muli akong nakarinig ng mumunting ingay. I open the doors wide. Hindi agad tumambad sa akin si Paolo. Nang makapasok lamang ako sa loob ay saka ko ito nakita sa loob ng walk-in-closet habang sinusubukang buksan ang cash vault ni Caden na naroon.

"What do you think are you doing?."

Gulat ang namayani sa kaniyang mukha ng magsalita ako. My eyes landed at the small table knife he was holding which he seem been using to open the lock of the vault.

"Ninanakawan mo ba kami?."

Hindi siya agad nakasagot at naging malikot ang mga mata.

Mabilis kung nilapitan ang burglar alarm na nasa kwarto at pinindot iyon. The alarm went on.  Natutop ako sa kinatatayuan ko sa muling pagharap ko ng makita si Paolo na nakatayo roon habang nakatutok sa leeg ko ang kutsilyo.

"Ayaw kung umabot sa ganito pero pinilit niyo ako."

His eyes screams threats. Hindi ko gaanong kilala at close ang nagtatrabaho sa kwarto but it seem they weren't nice at all. Itatarak sana nito ang kutsilyo sa akin pero nakaiwas ako. I stumble down the bed to the floor. I groaned at the sudden pain as my back hit the hard marble. The hell!

"Do you think you can get away with this?." I ask trying to brave and stood up again.

Sinubukan niya ulit akong saksakin pero nakaiwas agad ako. But it didn't stop him from trying. Damn it! He's a damn criminal. Akala ko Maynila lang maraming ganito. Dito rin pala.

Sa pangatlong subok niya ay nadaplisan ang kanang braso ko. Susubok pa ulit siya but I was quick to pull the lamp beside me and eventually hitting his head with it. Malakas ang naging paghampas ko roon kaya naman natumba siya at nawalan ng malay. May kaunting dugo sa kaniyang ulo. Nagsimula ring humapdi ang magdugo iyong daplis ko. Mahina akong napamura habang pinipigilan iyon.

"Avery!." I heard voices downstairs. Hindi ako sigurado kung sino sino pero paniguradong kasama noon si Caden

Ilang saglit pa ay pumanhik sa loob si Caden kasunod si Zach at Zarah. Saglit pa siyang napatingin sa walang malay na si Paolo.

"Nagnakaw siya at sinubukan naman niya akong patayin ng mahuli ko."

Lumipat ang tingin ni Caden sa kutsilyo na nasa sahig. There's a drop of blood on it.

"There's blood. Are you hurt?."

Mabilis ang kaniyang hakbang papalapit sa akin.

"Daplis lang." sagot ko at ipinakita sa kaniya ang daplis na natamo ko.

"Fvck." mura niya at binalingan si Zarah.

"Get the medicine kit." utos niya rito. "And get that fvcking bastard out of here." mariing utos naman niya kay Zach na agad na umalis at bumalik na may kasamang mga lalaki at mukhang mga tanod ng barangay at saka pinagtutulungang buhatin ito palabas.

Nang makabalik si Zarah dala ang kit ay mabilis na nilinis ni Caden ang sugat ko.

"Ako na. Kaya ko." Kung tutuusin ay napakaliit lamang sugat na iyon para ikabahala.

Nang subukan kong kunin ang bulak sa kaniya ay iniwas niya iyon.

"Ako na."

There's a mix of anger and worries in his eyes.

"Daplis lang naman yan. There's nothing to worry about."

Nakaupo ako sa kama habang nasa gilid siya at ginagamot parin ang sugat ko.

"What if it wasn't just a scratch?." saglit niya akong sinulyapan. May galit sa mata. Bakit ba siya galit?

"Ayos na ako." Binawi ko ang braso ko mula sa kaniya. Tumigil na rin naman ito sa pagdurugo.

"You're not." Matigas niyang saad at muling kinuha ang braso ko.

"I'm fine." Kinuha ko ulit iyon sa kaniya.

"You're not." muling saad niya.

Tiningnan ko ito. Mas maalam pa siya sakin.

"I know what I feel. I'm fine."

"You're not." Pilit niya.

"When I said I'm fine. I'm fine. Why do you keep insisting I'm not? Kapag sinabi ko sinabi ko. It always work with Daniel. Why not you?."

Hindi na ng niya ako kinukulit kapag sinabi kong ayos na ako. Tatantanan na agad niya ako. 

I sigh a little bit irritated.

"I'm not you fvcking ex boyfriend!." tumaas ang kaniyang boses dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya. He's eyes are in flames of anger and frustration.

Galit?

Kusa kong inilahad sa kaniya ang aking braso. Hindi naman niya kailangang magalit diba? Sinulyapan ko si Zarah na naroon pa rin at nakatingin lang sa amin. Mahina siyang natawa. Nakita ito ni Caden kaya naman agad siyang yumuko at umalis.

Abala ang mga mata ko sa pagtitig kay Caden habang bumalik ito sa paglilinis ng sugat ko at paglalagay ng band aid roon.

"Maliit lang naman yan—

I cut my own words when he look up. Still with furious eyes. Maliit lang naman talaga iyon para ikabahala masyado.

Pagkatapos niya roon ay tahimik siyang tumayo at lumabas dala ang kit. Ilang minuto ay muling pumanhik si Zarah sa loob.

"Nagpunta si Caden sa pulisya. He'll report the incident. Dito ka na lang daw muna sa loob." saad nito. Tinanguan ko lamang siya at inabala na lamang ang sarili ko sa phone. Nilinis niya ang kalat roon at umalis na rin pagkatapos.

The day was dead boring. Bantay sarado ako ni Zach at Zarah bilin raw ni Caden. Pagbaba ko pa kaninang tanghali ay may mga tao sa bahay na naglagay ng mga karagdagang security measures raw. Hindi ko pa nakita ulit si Caden mula kaninang umaga hanggang maghapunan. It was already ten at night , I was still wide awake. Hindi dinadalaw ng antok nang pumanhik si Caden. Bagaman gising pa ako ay pinatay ko na ng ilaw. Pinakiramdaman ko ito. I heard the bathroom door open and then close. Pagkatapos ng ilang minuto ay muling bumukas ang pinto. I heard his bed creak. Sinilip ko ito. He's back on me.

Tatagilid sana ako kung saan kaharap ko ito pero naipit ko ang sugat ko. Maliit lang iyon pero medyo may kasakitan.

"Aww." mahina kung daing. Nang tingnan ko iyon ay bahagyang nagdugo.

"What happened?." bahagya akong nagulat ng nasa gilid ko na si Caden. He was staring down at me with weary eyes.

"W-wala—

Mabilis niyang kinuha ang braso ko at tiningnan. Nang makita ang pagdudurugo nito ay agad siyang kumuha ng ibang band-aid at pinalitan ito.

"What happened to Paolo?." I ask breaking the silence between us.

"He's in jail. You don't have to worry."

Pagkatapos nitong mapalitan ay bumalik na rin ito sa sariling kama.

"Rest now." saglit ko siyang sinilip bago muling nahiga.

There's an unexplainable awkwardness between us. Something I cannot tell what. Muli ko siyang sinilip at bahagyang pang nagulat ng makitang nakatingin rin pala ito sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Biglang nag-init ang pisngi ko sa hiya. I can still feel his stares at my back. Ramdam na ramdam ko iyon.

"Avery?." I heard him call.

Hindi ko siya nilingon at nagpapanggap na tulog na. Parang biglang nahihiya akong tumingin sa kaniya. What the hell?

Mariin akong napapikit at pinilit makatulog. Namayani ang katahimikan sa silid pero dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko. Damn! Pinilit kung kumalma at makatulog. I did but in the middle of my sleep I was disturb by a nightmare.

Pawisan akong nagising sa kabila ng malamig na gabi.  My chest is heaving up and down fast. Ilang beses akong napalunok. Hindi naman siguro mangyayari iyon. Pilit kung inalis ang napanaginipan ko but everytime I try it just came back. It was Daniel. Pinuntahan niya ako. He kidnap me. He threaten me. He—Oh ghad! Few drops of tears stream down my face. I suddenly felt scared. Paranoid that it will come true.

Nilingon ko si Caden. He was in deep sleep. Payapa ang pagtulog. I hate to wake him up just because I'm damn scared but it's what my guts are telling me. I need his help.

"C-Caden." I stammered not knowing why. Maybe because of the shame. I bit my lip when he didn't respond. Hindi ito nagising.

"Caden.." I tried again. Now I sound no shame at all. I could handle this on my own that was been my mind telling me about. But it was just my pride. I know , I need someone to soathe my aching heart. I need someone to lean on.

Lumakas ang mga luha ko ng hindi parin ito magising. I sit up and lean against the headboard while wrapping myself with my comforter. Every time I glance at the corner of the dark room. I can see Daniel. His evil smirk. His eyes threatening. Isinubsob ko ang mukha ko sa aking mukha at pilit pinapalitan ang takot.  I'm not weak. I should not be scared like this.

Gulat akong nag-angat ng tingin ng may humawak sa akin. Scared that it might be him. He's here to take me away. Ayoko.

"Avery.."

Nawala ang takot ko ng tumambad sa akin si Caden. My fear subside but my tears just went pooling. Mabilis kong siyang hinila at yinakap habang paulit-ulit na binabanggit ang panaginip ko.

"It was just a dream."

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang mga luha ko. Bahagyang akong kumalma. Yumuko ako dahil sa hiya. Yeah right. It was just a dream. Masyado akong drama. Ako na mismo ang nagpahid ng mg luha ko.

"S-Sorry for waking you up." I heave a deep breath and settle myself back to bed.

Muli kong ipinikit ang mga mata at kinalimutan ang nangyari. Bahagya akong napamulat ng lumubog ang kama. Caden was sitting on the edge , leaning against the headboard.

"Nothing bad will happen to you." Tila pangako niya at hinaplos ang buhok ko. Naging payapa ang kalooban ko sa ginawa niya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. I was even more at peace as his warm hand radiate back to me. I close my eyes again feeling the calmness he brought to me.

"Magpahinga ka na. Babantayan kita."

My senses  drifted back to sleep as I felt him kissed my forehead.

Caden is still asleep when I woke up. Nanatili itong nakasandal sa headboard. Mataas na rin ang sikat ng araw. I suddenly felt guilty for causing too much trouble to him. Dahan dahan akong bumangon at iniiwasang magising ito. Inayusan ko ito ng kumot bago tinungo ang banyo at naligo. Tulog parin ito ng matapos ako. I decided to go down first at ipaghanda na lang ito ng agahan pambawi.

Naabutan ko si Mang Rene na kakatapos lang sa pagluluto.

"Magandang umaga hija."

"Good morning , manong."

"Gusto mo bang uminom ng tsaa?." alok nito.

"Ako na pong bahala."

"Sige. Kapag kailangan mo ako , nasa labas lang ako. Pakakainin ko iyong mga isda." Tinanguan ko ito.

"Ahm. Manong?." tawag ko rito. Muli itong napalingon sa akin.

"Do you mind if I ask Caden's breakfast routine."

He give me a doubtful look but still went on telling me. Bago lumabas ay binigyan pa ako nito ng makahulugang ngiti. Nakapagluto na ito kaya ihahanda ko na lang. Nagtimpla rin ako ng kape gaya ng sinabi ni Mang Rene. Hindi ko alam pero kinakabahan ako bigla. I'm not used to prepare breakfast for anyone even for Daniel.

I took glance at the setting of the table.  I felt conscious.  Would he like it? What would he feel? Am I doing this right?

Napahilamos ako sa mukha. I never know this was this hard. Muli kung tiningnan ang mesa. Anong mararamdaman niya kung ipaghahanda ko siya ng hapunan? Anong iisipin niya? Maybe. I should not have done this. Liligpitin ko na sana ang mga iyon nang siya ring pagpasok ni Caden.

"Where's Mang Rene? He should be doing that."

"A-Ahm.." I straightened my back and cleared my throat.

"He was out feeding the fish. " napatango ito.

"Kumaina ka na?." tanong niya at naupo. Kinakabahan akong umiling.

"Let's eat then." yaya niya. Tahimik akong umupo habang hind iinaalis ang tingin rito. He take the cup of coffee and take a sip of it. Hindi namam siguro niya alam na ako ang may gawa noon.  It is my first time making a coffee for someone. Hindi ko rin iyon tinikman kanina kaya hindi ko alam kung tama ba ang timpla ko.

Shit! Dumoble ang kaba ko. Bigla akong nanlamig. I gaze away. Naglagay ako ng pagkain sa aking plato. Nanginginig ang mga kamay ko habang ginagawa iyon.

"Ikaw ang nagtimpla?." muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko sa tanong niya.

"Ha?." Mas lalo lamang akong kinain ng kaba. Tinuro niya ang tasa ng kape.

"Uhm..Y-yeah. J-just trying—

Damn!Damn! Gusto kong maglaho.

"It's good." maang akong napatingin sa kaniya. I felt quite proud. Pero talaga? First time ko iyon.

"Thank you."

Ngumiti ito sa akin. Kumalma na ko ngayong nagustuhan pala niya ito. I didn't expect that.

"Finish your breakfast. I'll be right outside. " aniya at tumayo. Dinala nito ang kaniyang kape.

"Thank you for the coffee." dagdag pa niya at hinalikan ang buhok ko bago lumabas.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ito. Parang nanggaling ako sa isang intense debate na nakasalalay ang buhay ko. It feels like it huh? It's an overwhelming one. As if like I've done something one could be proud of.

Matapos kumain ay sumunod rin ako sa labas. Nadatnan ko si Caden na may kausap na mga tao.

"Good morning ma'am." bati ng mga ito sa akin.

"Who are they?." tanong ko kay Caden.

"They'll enhance the security measure of the house."

"Para saan?." taka kung tanong. Masyado ng secure ang bahay na ito. What's more to put?

"I can't risk. You almost died yesterday." tinaasan ko siya ng kilay.

"It was just a cut." Death is too much.

"Even little cuts hurt." makahulugan niyang saad. He's right pero kinakailangan ba talaga? In the end it was his decision to make not mine.

Nagpunta ito sa farm matapos mabilinan ang mga tao sa bahay sa gagawin nila. Sinama naman niya ako dahil baka ano na naman ang mangyari sa akin. He's too paranoid. Ayoko ng ganoon na sobrang higpit ng isang tao sa akin. Even Daniel before , I still want to make my own decision. But for Caden's case , I couldn't resist. Titingnan lang niya ako uurong na agad ang dila ko sa pagrereklamo.

"I'll go up." paalam ko kay Caden. He was busy over some papers in his desk.

"You'll stay here." natigil ako sa akmang paglabas. Mas gusto ko roon sa taas. Marami pa ring bunga ang mga puno kaya maaliw ako sa pagkain kaysa sa mabagot rito sa loob at wala namang ginagawa.

"Its boring here." reklamo ko. Kanina pa ako lakad ng lakad rito sa loob at pinag-aaralan ang bawat sulok nitong silid.

"Fine." He stood up and gather all his things.

"Anong ginagawa mo?."

"You're not going in there alone."aniya at naunang lumabas. Sumunod ako sa kaniya.

"I understand that what happen yesterday got you worried but maybe it wasn't enough to make you paranoid like this. I'm safe. I am totally am. You dont have to guard me all the time. You don't have to keep me by your side all the time."

He's not my bodyguard for sake!

"It's not your decision to make and I'm not doing this as your bodyguard or else. You're still my wife."

I didn't argue at all. I get it , hindi siya iyong tipo ng lalaki gaya ni Daniel na hahayaan lang ako sa anong gusto ko. Inaayaw niya ako palagi. Kung ma-pride ako , hinding hindi talaga kami magkakasundo.

Sa taas na ito nagtrabaho. Mabuti naman roon at mas preskong ang hangin.

"Can I pick one of them?." paalam ko bago inabot ang isang pumpong ng mangga na abot kamay lang sa kinatatayuan ko.

"Be careful. Don't stay over the edge. You'll fall." tiningnan ko ang baba. Hindi naman masyadong mataas pero hindi ako sigurado kong kapag bumagsak ako ay wala akong buto na mababali sa akin o kung buhay pa ba ako.

"Okay." Mahigpit ang kapit ko sa railings habang sinusubukang abutin iyon. Mas masarap kainin ang ikaw mismong ang pumitas.

Pero hindi rin pala madali iyon. Sa tuwing umiihip kasi ang hangin ay nalalayo ito sa kamay ko.

"Hangin naman oh." I tried to reach for it again. But I failed. Nakailang subok ako bago tuluyang maabot iyon. Agad ko iyong pinitas pero ng magawa ko ay nawalan naman ako ng balanse at muntik ng mahulog. Napatili pa ako sa takot.

Buti na lang—

"Damn it Avery!." I turned around to see Caden's upset face.

"I told you to be careful!." He preach before pulling me away from the edge. His hands in my waist. Mabilis ang kaniyang paghinga. Parang siya pa itong muntikang mahulog.

Sinilip ko ang kinaroroonan niya kanina. He was sitting back at me at ilang metro ang layo nito sa akin. Paano niya ako nahila agad ng ganoon kabilis.

"How you—

Napatigil ako sa pagsalita ng yakapin niya ako. As our body drew close , I can felt the fast beating of his heart. I probably made him worry again. Not that it was should he felt pero malaki naman ang responsibilidad niya kung sakaling may mangyaring masama sa akin habang nanatili rito. Anong sasabihin nina mommy o kaya ng ibang tao? Masisisi siya. It's not a good deal for a business person.

Anyway I can't stop wonder how could he possibly make it in here to save me that fast. Did he have teleportation magic o iyong tipong nakakarating ka sa isang lugar sa napakabilis na panahon kahit gaano kalayo?

"You'll going to be the death of me."

Bahagya ko siyang sinilip. Talaga? Si Daniel kasi , I'm his life daw. Well. As he said he's not my fvcking ex boyfriend. He is my husband. I should have paste it on my mind.

But on the other hand , I'm not here to be his wife. I'm here to fixed myself so I can go back to the love of my life. Who the he'll is the love of my life? Is it Daniel still?

Maybe. But—

Sinilip ko so Caden. He was still hugging me tight as he could as if afraid of letting go na para bang sa oras na bibitawan niya ako ay baka tuluyan akong mahuhulog.

Or maybe not.