webnovel

Finding Sehria

"You're not a human." "Then what am I?" "You're just like us, a Sehir." Lorelei Avila was just an ordinary girl, with an ordinary life — or so she thought. Everything becomes 'not so ordinary' when she crossed paths with two strangers, a guy who owned a blue flaming eyes and a guy with golden hair. Learning about the new world she never knew that existed, Lorelei accepted her fate and was entrust with a mission: find the lost princess of their kingdom. Troubles soon followed her when she started her quest of Finding Sehria.

Nekohime · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
27 Chs

Chapter 19 - Burden

Lei

"Focus, kids!"

Makailang ulit na sigaw ng mama ni Janus. Kaninang tanghali niya pa kami tinuturuan lumipad. Akala namin napakadali lang, ang hirap hirap pala!

At paano ba kami makakapagfocus? Ang pretty ng mama ni Janus, nakaka-distract. She's wearing an all black high waisted leggings and sleeve crop top. Naka-pony tail pa ang mahaba at blonde na buhok nito. Ang ganda niya tuloy lalo. Para siyang isang Diyosa sa paningin namin.

"Woah! Ang dali lang pala nito!" pagyayabang ni Austin.

"Yeah. Just a piece of cake," segunda ni Janus.

Napatingala tuloy kaming lahat sa kanila. Nasa ere sila. Ang saya saya nila habang nagpapaikot-ikot sa ere. Ang daya! Bakit kasi ang galing ng dalawang 'to? Lahat na lang ng bagay nagagawa nila nang walang kahirap hirap! Genius ata talaga ang dalawang 'to.

"Paano nila nagawa yun?" Manghang mangha si Elliot habang nakatingala pa din sa kanila. Nakakangawit na sa leeg. 

"Concentrate. Makapangyarihan ang utak natin. Isipin niyo na kaya niyo ding lumipad," tugon ng mama ni Janus. "Come on, give it another try."

Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Mariin akong pumikit. Nag-concentrate. Inisip ko na lumilipad ako. Unti-unti naramdaman ko na parang gumagaan ang katawan ko, pakiramdam ko umaangat ako dahil hindi ko na maramdaman na nakatapak sa lupa ang mga paa ko.

"Naks, Lei! Ikaw na talaga!" Narinig kong pumalakpak pa si Elliot.

"That's my girl!" sigaw din ni Fina. 

"No! She's my girl! Come on, babe!" kontra ni Janus kay Fina. Possessive much ang gago.

Agad akong napadilat. Sinamaan ko siya ng tingin. Walanghiya! Huwag niya kong harutin sa harap ng nanay niya. Nakakahiya kaya!

"Watch out!" sabay sabay nilang sigaw.

Nawalan kasi ako ng focus kaya bumulusok ako pababa. Mabuti na lang nasalo agad ako ni Janus.

"Be careful, idiot!" sermon niya.

"Ikaw kasi! Dinidistract mo ko!" singhal ko sa kanya.

Ngumiti siya ng nakakaloko. "What? I didn't do anything."

Napairap na lang ako. Ang gwapo mo po kasi, kainis.

Narinig kong tumikhim ang mama ni Janus kaya agad akong bumitaw sa kanya. Napahawak ako sa pisngi ko, ang init init na naman.

"Sana all, sinasalo." pagpaparinig ni Elliot.

"Mabigat ka kasi, kaya walang sasalo sa'yo," hirit naman ni Glessy. Napabusangot tuloy yung isa.

Pumikit na lang ulit si Elliot para magfocus sa paglipad niya. Tuwang tuwa siya nang unti-unti na din siyang umaangat sa ere. Para silang mga tanga ni Austin habang naghahabulan sa himpapawid. Sunod naman si Fina, walang kahirap-hirap na nakalipad din ito.

Inilahad ni Janus ang kamay niya sa harapan ko. "Take my hand."

Inabot ko naman yun. Nag-focus ulit ako sa paglipad. Kung kanina hirap ako, ngayon napakadali na lang sa akin na umangat sa ere. Magkahawak kamay kami ni Janus habang nakalutang sa taas. 

Hindi ko maiwasang mamangha sa tanawin na nakikita ng mata ko. Nasa gitna pala ng forest ang lugar kung saan kami nagsasanay ngayon. Kulay green ang buong kapaligiran. Natatanaw ko din ang bundok mula dito sa itaas at ang isang mahabang ilog. Hindi ko akalain na may ganitong lugar pala dito.

"Ang ganda!" Halos mapanganga na ako sa labis na pagkamangha.

"Yeah. But you are more beautiful."

Napatingin ako kay Janus, sa mukha ko siya nakatingin. Bwisit 'tong lalaking 'to. Pinapakilig na naman ako.

"Huwag mo kong dinadaan sa ganyan. Kapag ako nahulog na naman, sapak ka sa akin," suway ko.

"Don't worry. Even if you fall several times, I'll be there to catch you," he answered. His soft brown eyes piercing through mine. This guy never fail to make me feel special and I found myself falling in love with him, deeper and deeper.

"Dami mong alam!" ungot ko. Deep inside naman talaga kinikilig ako, ayoko lang ipahalata, baka isipin niya patay na patay ako sa kanya.

I heard him chuckled. "But I really mean it."

"Oo na po, boy kidlat ko." I cooed. I saw him blushed a little. I know he loves it when I called him like that.

"Come on, Sehria. You can do it. Just give it a try."

Napatingin kami sa ibaba. Si Glessy na lang pala ang hindi nakakalipad sa aming lahat. Bumaba na kami para tulungan siya at bigyan ng moral support. Hindi ko maiwasang matawa nang makita kong kunot na kunot na ang noo niya. Ang cute talaga ng bulinggit na ito. Ang sarap ibulsa.

"Aaaaaaah! Ayoko na! Hindi ko na kaya!" Para siyang batang nagtatantrums habang nakaupo sa isang stump ng punong kahoy. Nagpapapadyak na siya sa sobrang frustration.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Kaya mo yan! Ikaw pa ba?"

"Hindi ko kaya, Lei." Para na siyang maiiyak. 

"Just take a deep breathe. Close your eyes. Isipin mo lumulutang ka sa ere," I instructed and she obeyed like a little child. Matagal siyang nakapikit. Ilang minuto na kaming naghihintay sa kanya. Maya maya pa ay bigla na lang siyang naghilik.

"Anak ng pating! Nakatulog ang bubuwit!" natatawang saad ni Elliot.

Napuno ng malakas na tawanan namin ang lugar. Napailing-iling na lang ang mama ni Janus, pero tulad namin tawa rin siya ng tawa. Pasaway ka, Glessy!

"Tara na nga, umuwi na tayo. Huwag natin siyang madaliin," pag-aaya ng mama ni Janus. Mabuti naman. Gutom na gutom na rin ako.

******

"Magaling ka pala magluto?"

Napangiti na lang ako nang makita ko ang gulat sa mata ng mama ni Janus. Panay ang pagpapaulan niya sa akin ng compliment. Nakakahiya na kasi sa kanya, mukhang napagod siya sa pagtuturo sa amin kanina kaya ako na lang muna ang nagluto ng dinner.

"Tinuruan po ako ni mama bata palang ako."

"I see. Mukhang mas masarap ka pa nga atang magluto kaysa sa akin."

"Naku tita, hindi naman. Mas magaling pa rin kayo sa akin," sabi ko na lang. Baka lumaki na ulo ko dahil sa mga praises niya.

"You know what? I really thought you are Sehria."

Napatitig ako sa mama ni Janus, kanina ko pa napapansin na parang pinag-aaralan niya ang mukha ko.

"Bakit naman po?" I asked, a bit confused.

"I don't know. Kung titignan mabuti, may resemblance ka kay Semira."

"Semira?" naguguluhang tanong ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Why do I feel like my heart knows that name?

"She's Sehria's mother. Matalik kaming magkakaibigan. Ako, si Semira at Zelia, yung mama ni Austin," pagkukwento nito.

"Kung hindi ko nga lang nakita yung birthmark ni Sehria sa wrist niya, aakalain ko talaga na ikaw ang anak ni Semira."

"What does she looks like?" Hindi ko alam pero bigla akong nagkaroon ng interes sa kanya. Gusto ko pang may malaman tungkol sa kanya.

"Hoy, ang bango naman niyan! Anong ulam?" biglang sumulpot si Elliot sa kusina kaya naputol ang pagkukwento ng mama ni Janus. Bwisit talaga sa buhay 'to! Basta talaga sa pagkain, sobrang alerto ng damuhong 'to.

"Chicken Bistek," tipid kong sagot.

Nagningning naman ang mga mata nito. Akala mo ngayon lang makakakain, palibhasa parating gutom. May anaconda atang alaga sa tiyan niya.

"Hulog ka talaga ng langit, Lei!" Nang-uto pa ang mokong.

"Kasi mukha akong anghel?" tanong ko.

"Hinulog ka ng langit, kasi ubod ka ng pangit," singit ni Austin. Nang-aasar na naman ang hayup. Sa inis ko binato ko siya ng sandok, hindi siya nakailag kaya sapul na sapul siya sa noo. Gusto ko nang umiyak sa kakatawa dahil sa itsura niya, parang nahilo-hilo pa siya.

"Hoy, Lei! Grabe ka sa boyfriend ko!" pabirong sigaw sa akin ni Fina habang hinihimas ang noo ni Austin. Pinandilatan pa ako ng mata ng gaga. Hindi ko alam kung kailan naging sila. Nagulat na lang ako nung makita ko silang magkaholding hands. Magboyfriend at girlfriend na pala. Well, masaya ko para sa kanila, akala ko hindi na sila uusad eh.

"Tama na yan mga bata, ayusin niyo na ang mesa nang makakain na tayo," suway sa amin ng mama ni Janus.

"Yes, ma'am!" sabay sabay nilang saludo.

"Nasaan po pala ang kambal?" tanong ko dito. Kaninang umaga ko pa kasi sila hindi nakikita.

"Sumama muna sa parents ni Austin pabalik ng Westview. Makikibalita."

Bigla akong nalungkot. Dalawang linggo na kasi kaming nandito. Nakakamiss din ang mga tao dun. Namimiss ko din si mama kahit araw araw naman kaming magkausap sa phone.

"Don't worry. Kapag wala nang panganib, pwede na kayong dumalaw doon," dugtong ng mama ni Janus.

Ngumiti na lang ako. Sana nga makabalik na kami dun. Kawawa naman si Andrea, naiwan namin. Baka sobrang lonely na niya dahil wala kami dun.

Ang ingay ingay namin habang naghahapunan. Hindi na ata kami nauubusan ng kwento. Hindi na din matapos tapos ang mga asaran namin. Mabuti na lang game din itong mama ni Janus, parang tropa lang din namin, sumasabay sa kwentuhan. Sa kabilang banda, tahimik lang si Glessy habang kumakain. Nagtaka ko dahil hindi siya nakikisali sa mga asaran namin.

"Okay ka lang?" Sinundot sundot ko ang tagiliran niya. Wala man lang siyang reaksyon. Tumango lang siya sa akin.

"Masama ba pakiramdam mo?" tanong ko pa. Umiling-iling naman siya. Ang tamlay tamlay niya.

"Is it worth it?" she blurted out, suddenly. She lifted her gaze up to meet us. "Is it really worth it? Risking your life for me?"

Saglit kaming natigilan. Natigil din kaming lahat sa pagkain.

"Ano ba yang sinasabi mo? Syempre naman. You're worth it." Hinawakan ko ang kamay niya pero mabilis siyang bumitaw.

"I want to go home. I want to go back to my normal life. I don't want to be Sehria. Ayokong maging Aurora! Hindi ko kaya! I can't do it. I just can't!" Bigla siyang tumayo at tumakbo pabalik sa kwarto niya.

Naiwan kaming tikom ang bibig at gulat na gulat.

Glessy just snapped. Maybe the burden gets too heavy for her to handle.

"Kakausapin ko siya." Tumayo si Fina para sundan si Glessy pero pinigilan siya ni Austin at pinaupo ulit.

"Hayaan niyo muna siyang mapag-isa. Kailangan niyang matutunan munang tanggapin kung sino siya talaga," seryosong saad ng mama ni Janus.

I know acceptance can give you peace but sometimes there are certain situations that hard to accept, and that feeling sucks.

******

"Can't sleep?"

Umupo si Janus sa malambot na sofa at tinabihan ako. May dala dala siyang isang baso ng gatas. Pasado alas-dose na pero hindi ako magawang dalawin ng antok kahit anong gawin.

"Still worried for Sehria?" 

Tumango ako. He pulled me closer to him so I rest my head on his shoulder.

"Yung nararamdaman ni Glessy, ganun na ganun din ang naramdaman ko noon. Ang daming tanong sa isip ko na hanggang ngayon, hindi ko pa din alam ang kasagutan. Paano na lang kaya siya? Gaya niya, nahirapan din akong tanggapin kung sino ako. Pakiramdam ko noon, isang malaking kasinungalingan ang naging buhay ko. Paano ko itutuloy ang buhay ko kung hindi naman talaga ito yung totoong pagkatao ko? Ganun yung tumatakbo sa utak ko."

Huminga ako ng malalim bago muling nagpatuloy. "Finding Sehria was like finding myself too. Sa isip ko, kung mahahanap na ba natin siya, masasagot na din ba ang mga tanong sa utak ko? Then we found her. We found Sehria, but still, I couldn't find the answers. Para ngang mas maraming tanong ang gumulo sa isip ko. I'm still lost, sa tingin ko nga parehas kaming nawawala, kaya naiintindihan ko kung bakit nagkakaganito siya. Gaya niya, hiniling ko din na maging normal muli ang lahat, yung normal lang ang buhay. Kung pwede nga lang talaga, sana normal na tao na lang kami."

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Janus. Niyakap niya ko nang mahigpit. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at pinagdikit ang mga pisngi namin. "If you're life was normal, if you're not a Sehir just like us, do you think we will meet each other?

"I don't know. Baka hindi," tipid kong sagot. 

Paano nga kaya kung normal na tao lang ako? Walang Galur na dapat kalabanin. Walang misyon na dapat kong gawin. Walang Sehria na hahanapin. At wala ding boy kidlat sa buhay.

"I'm glad that we met," he whispered softly.

"Me too," I smiled. "Madami man akong katanungan sa ngayon, pero isang bagay ang sigurado ako. Masaya ako na nakilala ko kayo, at nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko."