webnovel

Finding Sehria

"You're not a human." "Then what am I?" "You're just like us, a Sehir." Lorelei Avila was just an ordinary girl, with an ordinary life — or so she thought. Everything becomes 'not so ordinary' when she crossed paths with two strangers, a guy who owned a blue flaming eyes and a guy with golden hair. Learning about the new world she never knew that existed, Lorelei accepted her fate and was entrust with a mission: find the lost princess of their kingdom. Troubles soon followed her when she started her quest of Finding Sehria.

Nekohime · Fantasy
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 18 - Star Crossed Lovers

Third Person's POV:

May mga bagay na matagal mong hinanapan ng kasagutan, ngayong nasa harap mo na ang sagot, hirap ka namang paniwalaan.

Sana pwedeng ibalik ang oras kung saan pwede mo pang itama ang lahat, nang sa gayon ay wala nang maraming tanong pa, wala rin sanang pagsisisi at paghihinayang.

"Alam mo bang hindi si Morela ang pumatay sa kapatid mo?"

Matagal nang may sagot sa katanungan na iyon, ngunit ngayon ay para na naman itong isang malaking palaisipan sa kanila.

Nagulantang na naman ang mga mundo nila.

Walang nangahas na magsalita sa kanila, kapwa nalilito sa kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.

Ngunit sa isang tanong na binitawan ni Kael, mas lalong bumigat ang nararamdaman ni Xenil. Ang pagsisisi na parang tanikalang gumapos sa kanya nang mahabang panahon ay mas lalong humigpit, para siyang sinasakal.

Dahan dahan siyang napalingon kay Morela, mapagtanong ang mga mata niyang tumitig sa mata nito. Nagkamali ba talaga siya sa paghusga dito?

"K-Kung ganun...s-sino?" Sa kabila ng kakapusan niya ng hangin, sinubukan ni Xenil bumuo ng salita.

Malakas na humalakhak si Kael, mahaba ang naging pagtawa nito. Nakakarindi. Mukhang nasisiyahan siya sa delubyong naihatid niya. Sigurado siyang nababaliw na ang mga ito sa kaiisip. Tumigil siya sa pagtawa at taas noong sinagot ang katanungan ni Xenil.

"Sino pa ba Xenil? Walang iba kundi ako!" Nagmamalaking sigaw nito. "Ang dali-dali niyong mapaikot! Masyado ka kasing nagpadalos-dalos. Masyado kayong nagpapadala sa emosyon. Alam niyo bang napakasarap niyong panuorin habang nagpapatayan kayo?" muli na naman siyang tumawa. Napahawak pa ito sa tiyan niya.

"Hindi ko malilimutan ang araw na yun. Hiniram ko pa nga ang punyal ni Morela, para mas lalong maging maganda ang aking gagawing palabas," pagpapatuloy ni Kael. Napahalakhak pang muli ito na parang nababaliw.

Pabagsak na napaupo si Morela, para siyang nauupos na kandila dahil sa mga rebelasyon ni Kael. Unti-unting lumilinaw na sa kanya ang lahat. Pinaglaruan lamang sila nito.

"Naalala ko pa, napakasarap talaga sa pandinig ng pagmamakaawa ni Semira. Ang tinitingalang reyna ng Sehira, nagmamakaawa sa harap ko para sa buhay niya! Napakagaling ko talaga!" Malakas na napapalakpak si Kael, hangang hanga siya sa kanyang sarili, ngunit sa isang iglap ay tumama sa kanya ang espadang apoy ni Azval.

Napangisi lamang si Kael, parang wala lang sa kanya ang pagkakaputol ng kanang kamay niya. Hinipan-hipan niya pa ang ningas sa putol na kamay niya.

"Hayop ka! Magbabayad ka!" 

Sunod na sunod ang naging pag-atake ng kambal na alab. Mas lalong sumiklab ang apoy ng galit nila. Wala nang makakapigil pa sa kanila sa pagkamit ng hustisya. Iisa lang ang nasa isip nila Azure at Azval, ang ipaghiganti ang mga magulang. Tumulong na rin ang mga magulang ni Austin, napapalibutan na nila si Kael. Hindi na nila hahayaang mabuhay pa ito. Samantalang nanatiling nakangisi lamang si Kael, tila nagyayabang kahit dehado at sugatan na siya, mula sa mga atake nila.

Naiwang nakatulala si Xenil, maging si Morela ay hindi na makapagsalita, hindi siya makagalaw mula sa kanyang pagkakalugmok.

Tunay ngang tuso si Kael, nagawa sila nitong paikutin sa loob ng mahabang panahon. Napahawak si Morela sa kanyang dibdib, hindi na niya maipaliwanag ang sakit. Napuno ang puso niya ng galit para kay Xenil, at ang galit na iyon na lamang ang bumuhay sa kanya.

Bakit sila humantong sa ganito?

Tuluyang bumuhos ang luha ni Morela. Puno ng pait, lungkot, pangungulila, panghihinayang, at di matapos tapos na sakit ang luhang kumakawala sa mga mata niya. 

Bakit ang lupit sa kanila ng tadhana?

Anong naging kasalanan nila?

Masyadong abala ang lahat sa pakikipaglaban kay Kael. Wala man lang nakapansin sa kanila na ang Kael na kaharap nila ngayon ay isa na namang ilusyon, nagtatago sa kung saan ang tunay na Kael. Sa wakas, maisasakatuparan na din niya ang plano niya.

Nanlaki ang mga mata ni Morela nang makitang sumulpot ang espada ni Kael sa likod ng nanghihinang si Xenil. Ang talim nito ay humiwalay sa hawakan ng espada at nagpira-piraso na tila mga libo-libong talulot ng incembe. Kumalat ito sa hangin, kay gandang pagmasdan, ngunit kamatayan ang hatid nito.

"XENIL!"

Nagulat ang lahat nang umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Morela. Tila bumagal ang pag-inog ng mundo habang nasasaksihan nila kung paano itinapon ni Morela ang sariling katawan kay Xenil, bukas ang mga bisig na sinalubong naman ni Xenil ang dating kasintahan. Mahigpit silang magkayakap habang sabay na tinatanggap ng mga katawan nila ang pagbaon ng libo-libong talim ng espada ni Kael.

Tumatagos hanggang buto ang talim nito. Wala na silang maramdaman pa. Tila namamanhid na silang parehas sa sobrang sakit. Ang tanging nararamdaman na lamang nila ay ang init na nagmumula sa yakap nila. Kay tagal silang nasabik na maramdamang muli ang mainit na yakap ng isa't isa.

Pinagkaitan sila ng panahon, dinaya ng kapalaran, susulitin nila ang sandaling ito.

"S-Sana'y...mapatawad mo ako..." Dugo na ang lumalabas sa bibig ni Xenil ngunit nababasa ni Morela ang galaw ng labi nito. Malugod na tumango si Morela.

Sa matagal na panahon, ngayon na lang niya ulit nasilayan ang liwanag. Matagal siyang nakulong sa kadiliman. Sa wakas, malaya na ang puso niya mula sa galit na bumihag dito.

Nanghihina man, sinubukang abutin ng nanginginig niyang kamay ang mukha ng dating kasintahan. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Xenil habang nakatitig sa kulay abong mata nito. "S-Sa...kabilang buhay...babawi tayo sa kabilang buhay."

"P-Pangako," huling sambit ni Xenil bago tuluyang pumikit ang mga mata nila. Magkasabay ding huminto sa pagtibok ang mga puso nila.

Sa kabilang buhay, wala nang sinumang makakapaghiwalay pa sa kanila.

"Mga hangal," nanlilibak na saad ni Kael, bago tuluyang maglaho na parang bula kasama ang ilusyong nilikha. Isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa labi niya. Wala na ang tinik sa kanyang lalamunan at nabawasan pa sila ng isang balakid. Ngunit hindi pa dito magtatapos ang lahat, nagsisimula palang sila.

Bumuhos ang luha nila Azure at Azval habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ng kanilang mezo. Ngunit alam nila na sa pagkamatay nito, natagpuan na niya ang kapayapaan na kay tagal na niyang inaasam, at iyon ay sa piling ng babaeng kanyang pinakamamahal.

*****

"Glessy?"

Gustong magtatatalon sa tuwa ni Lei nang unti-unting magmulat ng mata si Glessy. Nasa loob sila ngayon ng isang condominium na pagmamay-ari ng ina ni Janus. Hindi niya matukoy kung saan ang lugar na ito pero nakakatiyak siya na malayo sila sa Westview. Hindi niya akalain na napakayaman pala ni Janus.

"Bakit? May masakit ba sa'yo?" Napakayap na lamang siya kay Glessy nang magsimula itong umiyak. Palakas nang palakas ang bawat palahaw nito. Labis siyang nabahala, hindi niya malaman ang gagawin para mapatahan ito. Hindi rin niya alam ang dahilan ng pag-iyak nito.

Tumayo si Lei upang kumuha ng tubig para ipainom dito ngunit biglang nanghina ang tuhod niya at paupong bumagsak siya sa sahig. Sa hindi malamang dahilan, biglang nanikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya napupunit ang puso niya. Natagpuan na lamang niya ang sarili na umiiyak na rin. Biglang binaha ang isip niya ng nakangiting mukha ng kanilang adviser.

"S-Sir..." nanginginig ang mga labing sambit niya. Ayaw man niyang isipin, ngunit ramdam niya na may masamang nangyari dito. Saglit niya lang nakasama ito pero pakiramdam niya ay napakalaki ng naging bahagi nito sa pagkatao niya.

Napuno ng iyakan nila ni Glessy ang loob ng kwarto, tila ramdam nila ang sakit na nadarama ng isa't isa.

"Should we tell them?" malungkot na tanong ni Janus sa kanyang ina. Naririnig nila sa labas ang iyakan ng dalawa.

"I think they already know," matamlay na wika ng ina. Nakita niyang nangingilid din ang luha sa mata nito.

Bubuksan sana ni Janus ang pinto ng kwarto pero pinigilan siya ng kanyang ina.

"Let's leave them alone, son." Marahang tinapik niya ang balikat ng anak. Napatango na lang si Janus at sinunod ang sinabi ng ina.

*****

Sinalubong ni Lei ang mga kaibigan ng isang mahigpit na yakap. Labis siyang nag-alala sa mga ito.

"Kalma naman sa pagkakayakap Lei! Masakit ang katawan ko!" reklamo ni Elliot dahil ipit na ipit na siya sa mahigpit na yakap nila.

"Kapal nito! Hindi naman kayo masyadong napalaban!" singit ni Fina.

"Alam mo ikaw? Masyado kang epal!"

"Suntok gusto mo?" banta naman ni Austin kay Elliot. Binelatan pa ito ni Fina.

Nagtawanan na lang silang lahat dahil sa bangayan ng tatlo.

"Si Sir Hidalgo? Hindi niyo kasama? Umuwi na ba?" Isa-isang pinasadahan ng tingin ni Lei ang mga kaibigan, ngunit umiwas lang ng tingin ang mga ito.

"Hoy! Ano? Mga pipi lang? Mga naputulan na kayo ng dila?"

Sina Azure at Azval naman ang tinapunan niya ng tingin nang wala pa rin siyang makuhang sagot sa mga kaibigan. 

Hindi na nakayanan pa ni Azval, muli na naman siyang napaiyak. Sapat na kay Lei ang reaksyon nito para makumpirma ang masamang kutob niya.

"W-Wala na siya," pagkumpirma pang muli ni Azure habang tahimik na umiiyak. Ngayon niya lang nakita ito na nawalan ng kontrol sa emosyon niya.

Lei's POV:

Nakakalungkot na katahimikan ang bumabalot sa amin habang nagtitipon kami sa sala. Lahat kami nagluluksa sa pagkawala ni Sir Hidalgo. Mamimiss ko si Sir Pogi. Siya pa naman ang paboritong teacher ko. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya sa kinaroroonan niya. 

"Ano nang gagawin natin ngayon?" Binasag ko ang nakakailang na katahimikan.

"Kagaya pa rin ng dati, poprotektahan natin ang Aurora." Diretsong nakatingin sa akin si Austin. Tumango na lang ako biglang pagsang-ayon. Napapansin ko talaga na iba siya tumingin sa akin ngayon.

"Mas kailangan niyong palakasin ang kapangyarihan niyo, hindi na biro ang mga panganib na haharapin niyo," seryosong saad ng papa ni Austin.

Mahigpit akong napahawak sa kamay ni Glessy na patuloy pa ring lumuluha. Katatanggap pa lang niya na isa siyang Sehir na gaya namin, tapos malalaman niya pa ngayon na tito niya pala ang adviser namin. Sobrang sakit mawalan ng mahal sa buhay. Hindi man lang sila nabigyan ng pagkakataon na magkasama pa sila nang matagal.

"Sisiguraduhin kong wala na sa atin ang mamamatay," matigas at puno ng determinasyong pahayag ko. 

Hindi ko na kakayanin na may isa pang mawala sa kanila. Hindi na rin ulit ako tatakbo palayo kahit ipagtulakan pa nila ako ng paulit-ulit. 

I am their leader, I should've been with them, fighting at their side.

Sama sama naming poprotektahan si Sehria at tatapusin ang paghahari-harian ni Daphvil sa Sehira.

"Oo nga pala anak," bumaling ang papa ni Austin sa kanya. "Sa susunod kapag nagpadala ka ng mensahe, pumili ka naman ng lugar. Huwag naman sa tubig ng inodoro! Katatapos ko lang jumebs nun, pag flush ko biglang lumitaw ang s.o.s mo. Para kong nanunuod ng sine kanina sa toilet bowl," reklamo nito.

"Pa, malay ko bang doon lilitaw yun. Ang mahalaga nakarating sa inyo ang paghingi ko ng tulong," pakikipagtalo naman ni Austin.

Natawa na lang kami sa kanila. Saglit naming nakalimutan ang lungkot namin.

"Wait! Nakipaglaban ba talaga kayo na ganyan ang suot niyo?" bulalas ng mama ni Janus habang tinuturo ang suot na t-shirt ng mga magulang ni Austin.

Ngayon ko lang napansin na naka-couple shirt pala ang mga ito. Feeling bagets. Sabagay, mukha naman silang mga bata pa tignan. Naniniwala na talaga ko, hindi tumatanda ang mga katulad namin. May perks din pala ang pagiging Sehir ko.

"Yes! Ang cute di ba? Pinagawa pa namin yan," sagot naman ng mama ni Austin. Kumikislap kislap pa ang mga mata nito.

Sabay naman na napa-facepalm sina Austin at mama ni Janus. They look so done.

Nahihiyang nagtaas naman ng kamay niya si Elliot. "Mawalang galang na ho, pero nasaan po ba tayo?"

Oo nga pala, kanina ko pa ito gustong itanong. Kailangan na rin namin umuwi, baka nag-aalala na ang mga magulang namin.

"Pansamantala, dito muna kayo habang pinapalamig natin ang sitwasyon. I'm sure hindi titigil ang mga Galur sa paghahanap sa inyo, lalo pa't alam na nilang nahanap niyo na si Sehria. You're much safer here, mataas na level ng barrier ang ginamit ko sa lugar na ito, kaya hindi nila kayo matutunton dito," paliwanag ng mama ni Janus. Ang pretty talaga nito. Mabuti pa ito nagtatagalog, sana si Janus din. Ubos na dugo ko sa kanya.

"Huwag na kayong mag-alala, kami na ang bahala na magpaliwanag sa magulang niyo," dagdag pa ng papa ni Austin. Isa pa 'to, ang gwapo. Mas gwapo talaga itong si tito kaysa sa anak niya. Peace, Austin.

"Paano po ang studies namin?" tanong ni Glessy. Nagsalita din siya, finally.

"Huwag niyo nang alalahanin yun. Shareholder ako ng school niyo kaya napakiusapan ko na ang principal na i-excused muna kayo," wika pa ng mama ni Janus sabay kindat.

Nalaglag ang panga naming lahat. Gaano ba kayaman 'tong mama ni Janus?

"At ikaw Sehria, kailangan mong sikapin na magising ang kapangyarihan mo sa lalong madaling panahon," biglang sumeryoso ang boses ng mama ni Janus. Nakakatakot. Mukhang mas strict pa ata ito kina Azure.

"Kaya mo yan," pag-eencourage ko kay Glessy. Alam kong masyadong mabigat ang responsibilidad niya bilang Aurora. At ayokong maramdaman niya na pinepressure namin siya.

Kung pwede ko nga lang akuin ang lahat ng mabigat na responsibilidad, ginawa ko na. Ako na lang ang mahirapan huwag lang sila.