webnovel

Fate to Love You

Si Jareen ay simple lang ang ganda sapat na yung pag dumaan siya mapapalingon ka sa gandang taglay niya. Mabait, friendly, napakamasayahin at sobrang kalog. Pero nagbago siya dahil sa heartbreak, malaki ang pinagbago niya. Naging boyish ang panunuot ng damit, tahimik at madalas walang pakialam sa paligid, natutong uminom. Si Zen na may pag ka isip bata minsan. Sweet at masayahin. Gwapo na gentle man, mabait. Package na kumbaga. Pero dahil sa iniwan siya ng taong mahal na mahal niya. Lugmok na lugmok siya. Sobrang dinamdam niya ang pag iwan sa kanya. Hanggang sa isang araw nag krus ang kanilang landas. Tila ba'y pinagtagpo silang dalawa at parehong tinamaan sa isa't-isa. Magkaroon kaya ng tyansa na maging masaya sa kanilang pag ibig? Meant to be na kaya sila?

supersjaelyn · Autres
Pas assez d’évaluations
3 Chs

Chapter 2

Jareen's POV

As usual kaunti palang ang mga estudyante, medyo maaga pa talaga kasi.

Tumatakbo ang oras at dumadami kami, wala ako sa mood makipagbatian sa mga blockmates ko. Tinatanguan ko nalang.

Habang hinihintay pumasok ang prof namin, may biglang pumasok na isang lalaking di katangkaran, maputi, gwapo.

Pero sandali,  siya yung lalaking nakita kong nakangiti kanina malapit sa locker.

dO_Ob ‹- ganyan reaction ko, ibig sabihin classmate kami?

Maya't-maya dumating ang prof.

Goodmorning everyone! I'm Prof. Cresilda Reyes, your professor in 3033 Enterpreneurial Marekting Management - sabi niya ng nakangiti

Goodmorning Miss Reyes- sabi namin ng nakatayo.

Okay you may sit down. I heard that we have new in this section. Who's new here? Please stand up and introduce yourself infront, the rest get 1/4 sheet of paper and write your name and section then pass it infront -sabi niya sa amin

Agad naman tumayo ang lalaki at at pumunta sa unahan at nagpakilala

Goodmorning everyone! I'm Zendrich Mendez, sabi niya ng nakangiti.

Grabe din naman siya sa ngiti, kanina pa siya nakangiti at talaga naman di nangangalay.

Pagtapos niyang magpakilala ay pinasa na rin namin yung 1/4. After ng orientation ng prof ay umalis na rin ito.

Dahil may baon akong sandwich di na ako lumabas para bumili sa canteen. Ganto kaming magkakaibigan laging nagbabaon ng pagkain dahil hindi nga kami pare-pareho ng schedule. At tanging uwian lang kami magkikita.

Habang kinakain ang sandwich, may tumabi sa akin.

Hi, I'm Zendrich, just call me Zen Sabi niya ng nakangiti.

Naknang! Nagpakilala na siya kanina, di naman ako bingi para di ko marining pakilala niya kanina.

Tinignan ko siya na ngiting-ngiti. Di ba siya nangangalay.

Janeah Kuhreen, just call me Jareen, sabi ko at tinalikuran siya.

Istorbo masyado alam ng kumakain ang tao e.

Di ka ba lalabas? Sabay na tayo? -tanong niya naman

Hindi na, may baon akong pagkain dito. Tinatamad ako pumunta sa canteen- sabi ko ng walang gana.

Okay, then see you later Jareen! -sabi niya sa akin sabay kindat at lumabas na.

Di ko na tiningnan pa. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Dahil nga maaga ang dismiss at tinatamad ako. Tenext ko yung tatlo na magkita nalang kami mamayang 2:30 dahil hanggang 2:30 lang naman ako ngayon.

Habang naghinhintay, todo kwento mga blockmates ko minsan ay nasasali ako pero tinatanguan ko nalang sila.

Ang pogi ni Ely ano? - sabi ng isa sa mga blockmates ko.

Oo nga e, ang gwapo niya! Balita ko may 3 rin daw na transferree sa ibang course at magkakaibigan daw sila- sabi naman ng isa.

Mga babae nga naman. Well, gwapo naman talaga si Ely. Pero di talaga kasi ako yung tulad ng mga blockmates ko. Para sa akin natural lang iyon.

Dumating na si Zen. At grabe talagang nilapitan nila ito habang ako ay nakaupo lang sa upuan ko. Di ko kailangan makinig sa usapan nila dahil dinig na dinig ko sa sobrang lakas ng usapan nila.

Hi Zen, kamusta naman ang firstday mo? Btw I'm Suzzaine -tanong nang isa sa blockmates ko.

It's fine.. Sagot niya at tumingin sa akin nakangiti.

Ano naman kaya problema netong lalaking to, makangiti halos masira na ang labi sa sobrang unat. Kauraaat! ›_‹

Pinalibutan na siya ng nga blockmates ko. Nagpakilala na sila kay Zen.

At maya-maya lang ay dumating ang prof. Para sa orientation tulad kanina. Nagpakilala siya.  Kuha ng 1/4 sulat ang name and section then pass. Tas sinabe niya lang yung rules and regulation.

Then ayon umalis rin. Dahil nga maaga pa ang dismiss kesa sa inaasahan ko. Tumambay muna ako sa Freedom Park ng CIS.

Prenteng-prente ang pagkakaupo ko, dahil lilim sa pwesto ko. Sarap ng hanging yumayakap sa katawan ko. Talaga namang marerelax ka.

Napapikit ako habang nagsosoundtrip ng may tumabi sa akin.

Hey! You alright Jareen? -sabi niya

Yes, why?-/sabi ko naman.

Di ka pa ba uuwi? Anong ginagawa mo dito?

Hindi pa, hihintay ko pa mga kaibigan ko. Tumatambay lang-sabi ko ng medyo iritable

Kung ganun dito nalang din ako maghihintay sa mga kaibigan ko-sambit niya

O_o ‹- Ganyan itsura kong hinarap siya at natatawa siya pag harap ko. Kainis naman kasi bat kailangan gumaya.

Ikaw bahala-sabi ko pero sa loob-loob ko umalis ka nga dyan

Ngumiti siya at humarap sa akin.

Jareen ganyan ka ba talaga parang walang pake sa paligid mo? - sabi niya na nagulat bahagya ako.

Ano bang problema  niya, nanahimik ako dito. Siya tong lapit ng lapit tas ang kapal niya namang sabihin sa akin yan.  Magsasalita na sana ako ngunit may karugtong pa pala yung sinabe niya.

Hindi ka man lang ngumiti. Ang sungit mo tuloy tingnan. Marunong kabang ngumiti?  Hahaha! At isa pa, ganyan ka ba sa lahat? Don't get me wrong, I'm trying to be friendly and nice since I was new in this school that's why I'm like this.

Friendly? Bat sa akin pa? Suss! Bakla sguro to e.

Ganito na ako. Alam ng lahat na di ako palakibo. I'm different from the girl you think. You're the one who's always approaching me. Pansin mo na nga diba na masungit ako. Pero lapit ka ng lapit tas sasabihin mo yan sakin? Where's your common sense? If you want to make friends not with me and questioning me for being masungit walang pake sa paligid- bulyaw ko sakanya! Aba dapat lang sakanya nu! Iniinis talaga ako netong lalaking to.

Halata ang pagkagulat niya sa sinabi ko.

I'm sorry, wika niya.

Now you know me, siguro naman tatantanan mo ko diba? Tss.

HAHAHAHA tawa niya. I'm sorry!-sabi niya habang nakawahawak sa tiyan niyan

Magsasalita na ako ng may tumawag Zen! Tawag nung isa, tatlo sila. Sila na siguro yung hinihintay netong mokong na to.

Heey!- bati ni Zen sa mga kaibigan.

Ang aga niyo namang dinismiss-sabi nung isang kaibigan niya.

2 subject lang kami, at puro orientation lang ng mga prof. -sabi naman ni Zen

Who's with you? -tanong nung isang kaibigan niya.

Oh! Btw guys, This is Janeah Kuhreen, my blockmate. Sabi niya ng nakangiti.

Just call me Jareen, sabi ko.

Jareen, this is Austin Louis Davis turo niya sa lalaking nasa tabi niya at nakipagkamay.

Di na niya naipakilala yung dalawa pa dahil sila na mismo nagpakilala sa sarili nilaaa.

Alfred Lee Tormes, nakipapagkamay rin siya sa akin.

Seanne Matthew Gonzales, just call me Seanne. At nakipagkamay din.

Aftee nilang magpakilala sa akin. Nagpaalam na din sila dahil may mga gagawin pa daw sila. Tinanguan ko nalang din sila.

Nakaalis na sila nang dumating ang mga kaibigan ko. Ang tagal naman nila.

Kanina ka pa Jareen? -tanong ni Vanessa

Medyo kani-kanina pa sabi ko ng nakangiti kahit kanina pa talaga ako.

Buti pa kayo maaga dinismiss ng prof niyo. Ang sipag masyado ng mgaprof namin - sabi ni Khryss na nagmamaktol

Tahimik naman si Ashley, ano kayang meron? Sguro may crush siya sa bago niyang blockmates? Napangisi naman ako sa naisip ko.

Uwi na tayo? Sa bahay nalang tayo sa magmeryenda para tipid- sabi ni Vanessa

Umagree naman ang lahat. Habang nasa biyahe pakanta-kanta kami, nakikanta naman na si Ashley na kaninang tahimik.

Sa bahay

Kamusta naman first day? - tanong ko sa kanila.

Okay naman, nga pala may transferree sa amin. Sagot naman ni Vanessa

Sa block ko rin meron- walang gana kong sabi

Talaga? Sa block ko rin meron- sabay na sabi ni Khryss and Ashley

Taon-taon naman ganun e, may mga transferree. Walang bago dun.

Matutulog muna ako ha? Sabi ko sakanila at umakyat na.

Kami rin-sabay sabay nilang sabi.

To be continued....