webnovel

Fate to Love You

Si Jareen ay simple lang ang ganda sapat na yung pag dumaan siya mapapalingon ka sa gandang taglay niya. Mabait, friendly, napakamasayahin at sobrang kalog. Pero nagbago siya dahil sa heartbreak, malaki ang pinagbago niya. Naging boyish ang panunuot ng damit, tahimik at madalas walang pakialam sa paligid, natutong uminom. Si Zen na may pag ka isip bata minsan. Sweet at masayahin. Gwapo na gentle man, mabait. Package na kumbaga. Pero dahil sa iniwan siya ng taong mahal na mahal niya. Lugmok na lugmok siya. Sobrang dinamdam niya ang pag iwan sa kanya. Hanggang sa isang araw nag krus ang kanilang landas. Tila ba'y pinagtagpo silang dalawa at parehong tinamaan sa isa't-isa. Magkaroon kaya ng tyansa na maging masaya sa kanilang pag ibig? Meant to be na kaya sila?

supersjaelyn · Others
Not enough ratings
3 Chs

Chapter 1

Jareen's POV

Kakarating ko lang dito sa apartment galing sa bahay. Tapos na ang summer vaction. Ang bilis masyado ng araw. Parang kelan lang 1st college palang ako. Ngayon 3rd year na.

Sabado ng hapon ng dumating ako. Papasok na ako sa apartment namin ng nakita ko ang tatlo nanunuod ng TV!

"Guys I'm back! I miss you all!"- sabi ko sa kanila at pumunta sa kinaroroonan nila para sa group hugs.

"We miss you Jareen! "- sabi nila habang magkayakap kami.

Akala namin di ka pa babalik, lapit na pasukan oh! - Khryss

"Pwede ba naman yun?"Hahaha kayo talaga! sabi ko ng humiwalay na kami sa yakap.

"Nagugutom ka ba? Ano gusto mo kainin?"Tanong ni Ashley sa akin.

"Oo e, anong oras na din. Pa deliver nalang tayo ng pizza."Sabi ko.

Yun nga ang ginawa namin tumawag si Ashley at habang naghihintay nagchika-chika kami about sa happenings ngayong summer pahapyaw lang dahil dumating na yung pizza na pinadeliver namin.

Nagbihis muna ako at inayos yung gamit ko sa taas. Maya't-maya ay bumaba na rin ako para kumain kami sa pizza.

Habang kumakain kami ay nagkukuwentuhan. Pinagpatuloy namin ang naudlot na kuwentuhan kanina. Kwento sila sa kani-kanilang bakasyon. Syempre ganon din ako. Lahat kami nag bida-bida! Hahahaha pero bidang-bida naman talaga si vanessa tuwing nagkukwento. Hanggang sa umabot na kami ng alas nuebe. Ganoon namin namiss ang isa't-isa.

Napagpasyahan namin na matulog ng maaga dahil maaga pa kami bukas para mamili ng gamit for school.

Nauna na akong tumaas at naligo. Habang si Ashley ay niligpit yung pinagkainan namin.

Sunod namang naligo si Ashley. Dahil yung dalawa ay nag aayos pa ng higaan namin. Oo nasa iisang kwarto lang kami. Maliit lang ang apartment namin.

2 rooms. Yung isa ay guest room. At yung isa ay room naming apat. (Saka ko na idedescribe anh room namin)

Lahat na kami nakaligo, syempre gagawin namin yung routine namin before matulog. Nagpapatuyo kami ng buhok.

Mag eeleven na ng natulog kami.

KINABUKASAN

Gumising kami ng maaga para makapagsimba muna kami bago mamili at gumala.

Mga 7:30 na nang umalis kami sa bahay, dahil 8 ang mass. Di naman kalayuan ang simbahan sa amin.

Dumating kami malapit na magstart ang mass, medyo kaunti pa ang tao dahil 8 am mass, kadalasan pag 9 dun yung maraming tao. Umupo kami sa may bandang unahan. And maya-maya lang nagsimula na ang misa.

-After an hour-

"Peace be with you guys" sabay beso sa apat ganoon din sila. Natapos na ang misa at napagpasyahan namin kumain muna bago mamili.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Vanessa

"Greenwich nalang" suhestiyon ni Ashley

"Classic Savory?"- patanong na sabi naman ni Khryss

"Osge, classic savory nalang ng maiba tayo. Puro pizza nalang tayo, nagmumukha na tayong pizza" natawang sabi ni vanessa at tiningnan ako. " Jareen, ikaw ang oorder ha?" turo sa akin ni Vanessa

"Bat ako?" Kunot noo kong sagot habang nakaturo sa sarili.

"E, sino ba dapat? Hahaha" sabi ni Vanessa

"Sge na jareen, kilos na oh! Madami-dami pa tayong gagawin" ngising sabi naman ni Ashley at tawang-tawa naman ang dalawa sa gilid.

Nagtungo kami kung saan namin pinark yung sasakyan namin. Si Vanessa ang nagdadrive. Wala pang 10 mins nakarating na kami sa mall, buti din at di gaanong traffic.

Pagkapark na pagkapark bumaba na kami at dumiretso sa Classic Savory kung saan kami kakain.

Dahil ako ang napagkaisahan no choice na ako. Kumilos na ako at umorder at naghanap na sila ng mauupuan namin. After kong umorder ay umupo na ako dala dala ang number na bigay sa akin.

At dahil unang labas namin to ngayon 3rd year na kami. Picture dito, picture doon. Ang dami naminh groufie. Yes groufie dahil kaming apat hahaha.

Maya-maya lang dumating na yung order namin. Gutom na ang lahat at kainan na, galit-galit muna friend.

After 30 minutes of eating.....

"Ang sarap ng kain ko sira ang diet" sabi ni Khryss na may paghawak sa tiyan.

"O'come on Khryss! You're too sexy on a diet" sabi ko ng may pang aasar.

Tawanan kami. Pinababa muna namin ang kinain namin at tumungo na sa National Book Store.

Kanya-kanya kaming bili ng school supplies. Pati ng books na kakailanganin. Hindi kami pare-pareho ng course.

Pero dahil bestfriends kami magkakapareho kami ng bag.

Sunod-sunod kami sa pila sa counter. Natutuwa pa yung cashier sa amin.

After namin mamili ay pumunta naman kami sa supermarket.

Ubos ang stocks namin sa bahay kaya kailangan namin mamili ng grocery, at pasukan na bukas kailangan talaga namin ng stocks.

Everytime na mag gogrocery kailangan kaming apat.

Pumunta muna kami sa section ng mga soap and shampoo.  Kahit makakaibigan kami at nasa iisang bahay magkaiba kami ng shampoo at ng sabon hahaha. Sa isang cart ay halos lahat ng kailangan namin. Personal use. Next section is syempre sa powder drink, cereals. Syempre yung mga foods na kailangan namin, mga favorite hahaha! 5 cart ang napamili namin. Madami-dami rin. Kaya medyo natagalan kami nung magbabayad na. Madami kaya humaba yung pila.

Si vanessa ulit ang nagdrive pauwi. Lahat kami marunong magdrive salitan lang talaga kami.

Habang nasa biyahe kami kantahan lang hahaha.

Alas 3 na ng hapon nang makarating kami sa apartment namin.

Pagdating pahinga muna saglit at nagsimula na kaming mag ayos ng mga grocery namin. Abala kaming lahat sa pag aayos.

Makalipas ang isa't kalahating oras ay natapos na rin namin maayos.

Napagdesisyonan ko na ako nalang ang magluluto ng hapunan namin. Si Khryss ang gumawa ng dessert.

Pagkaluto ko ay tulong-tulong kami sa paghahain. Nakahain na ang lahat at kumain na kami.

"Grabe ang sarap talaga ng luto ni Jareen" sabi ni Ashley

"Oo nga, specialty niya talaga ang adobo" sabi naman ni Vanessa

"Syempre favorite ko ang adobo kaya masarap ang pagkaluto" nakangiting sabi ko.

Si Khryss naman ay inihahanda na ang ginawa niyang dessert which is fruit salad. Kumain kami at nag aasaran pa sila. After maubos ang fruit salad. Niligpit na namin ang aming kinainan at naghugas na si Vanessa.

Pumunta muna kami sa Sala para manuod habang inaayos yung schedule namin sa pagluto ng almusal, maghuhugas, maglilinis at kung ano-ano pa. Iba-iba kami ng schedule pero dahil first day kailangan pumasok ang lahat. Kaya lahat din muna kami maghahanda ng almusal for tomorrow.

Natapos na ang routine namin. Kasalukuyang inaayos namin ang mga gamit namin para bukas ay hindi kami gahol ng oras.

May kanya-kanya kami study table sa kwarto.

Dahil nasa iisang kwarto lang kami. At malawak ang kwarto namin. Kaharap ng mga kama namin ang study table namin na kung saan kurtina ang naghihiwalay.

Nakakapagod ngayon araw. Ganoon naman talaga kami pag linggo. Kung sa iba family day ang sunday sa amin ay bestfriend day. Kaya talagang lumalabas kaming apat.

Maya't-maya ay magsitulugan na kami dahil 8 ang pasok namin bukas.

Sabay-sabay kaming nagising sa aming alarm.

Nakatuka ngayon sa paghahanda ng almusal ay si Vanessa at Ashley.

Kami namang dalawa ni Khryss ang nag aayos ng hinigaan namin. Konting linis na rin.

"Jareen and Khryss kakain na bilisan niyo na dyan" sigaw ni Vanessa

Sakto at tapos na kami sa taas at bumaba na kami ni Khryss Hotdog, egg, fried rice, may apple na hiniwa na at dalandan juice ang nakahain sa mesa.

Habang kumakain kwentuhan kami, saglitang kwentuhan lang dahil may pasok kami. Pagkatapos nami kumain, kanya-kanyang tayo at gawain na naman.

Si Khryss nagliligpit na ng mga pinagkainan namin at ako naman ang maghuhugas. Yung dalawa naman ay nagsisimula na mag asikaso for school.

After an hour.....

Nakaayos na kami at handa nang pumasok. Ako ang nagdrive papuntang school, same routine pag ang isa kumanta lahat na kakanta hanggang makarating kami sa school, medyo maaga pa ng nakarating kami sa school pero dahil first day asahan na maraming estudyante ngayon at pati parking space ubusan na buti nalang at meron kami nakita. At nung ipapark ko na nang biglang may nang agaw muntik pang masagi yung sasakyan namin.

"Hoy ano ba! Mang aagaw kayo ng parking space, kita niyo na magpapark kami" Sigaw ni Vanessa dun sa lalaki.

"Sorry pero kami ang nauna so sorry" sabi nung parang ewan na lalaki.

Gusto ata masampulan to. Pero dahil wala ako sa mood, hinayaan ko nalang si Vanessa ang dumada at naghanap na ng ibang parking space. Buti nalang nakahanap kami.

Yung dalawa walang pakialam pero itong so Vanessa GG! Ayan tuloy sira ang araw.

"Naiinis ako" sigaw ni Vanessa at padabog na sinara yung pinto ng kotse.

"Easyhan mo lang kasi Vaney" sabi Ashley

"Nakahanap naman si Jareen ng parking space natin, si Jareen pa ba?" Sabi naman ni Khryss

"Ewan ko sainyo, papasok na ako." Sabi ni Vanessa at talagang iniwan kami.

Kaming tatlo naman ay naghiwahiwalay na dahil hindi same way ang mga department namin.

Habang papunta sa classroom, may nakita akong lalaking na bago lang sa paningin ko. Ngiting-ngiti naman ang kupal. Tiningnan ko ng masama at di ko nalang pinansin, deritso lang ako hanggang marating ko yung room.

To be continue....