webnovel

Falling in love with a rival

Ayaw man ni Yesha na maging kontrabida ay gumawa pa rin siya ng paraan upang umeksena sa buhay ng dalawang gwapo at matchong beki. Sa kabila ng pagkakaroon ng love story ng kababata at first love niyang si Kalix at sa isa pang beki na bigla na lang umeksena sa buhay nila na si Ken, hindi pa rin siya makapapayag na maagaw sa huli si Kalix sa kanya. Pero sa pagsasama-sama nilang tatlo, bigla na lang dumating ang oras na naramdaman niyang nagsisimulana ring mahulog ang loob niya kay Ken. Kung kailan, paano at bakit iyon nangyari, hindi niya alam. Magtagumpay pa kaya siyang putulin ang pagtitinginan ng dalawang beki o siya ang mamroblema kung kaninong beki mapupunta ang puso niya

Kaneza · Histoire
Pas assez d’évaluations
20 Chs

Chapter 7: Ken's Condo

"We're here" pagtukoy ni Ken sa pagdating nila sa condo.

IIbinigay ni Ken sa valet ang susi ng kotse upang ito na ang mag park nang maayos. Pagkatapos, tumawag ito ng isa pang staff na pwedeng tumulong sa pag-alalay kay Kalix mula elevator hanggang sa unit ni Ken sa 7th floor.

"Wow, bro! Nice condo! Party pa tayo! Whoo! Teka, bakit walang hotties? Nasaan na ang mga boylet ko kanina? Boys! Labas na kayo riyan, come to Papa!" sabi ni Kalix na saglit pag nagsayaw-sayaw bago tuluyang bumagsak sa malambot na kama.

Agad na pumunta si Yesha sa CR. Kinuha niya ang tabo at tuwalya roon at saka bumalik kay Kalix. Pagkatapos, sinimulan na niyang asikasuhin si Kalix kagaya ng nakagawian niyang gawin kapag nalalasing ito. At nang maiayos na ito ng higa sa kama ay lumabas na siya ng kwarto.

Agad naman siyang napairap nang maabutang inaayos ni Ken ang sofa bed na nasa sala. Mukhang doon pa siya papatulugin ng pamintang ito.

"You can use the other room. May mga gamit na ro'n na pwede mong gamitin pansamantala," sabi ni Ken.

"Hindi na kailangan. Tatabi na lang ako kay Kalix." sagot naman niya. Pilit niyang itinago ang pagkagulat dahil sa pag-aakalang sa sofa bed siya nito patutulugin.

"Yesha, hindi ka makakatulog nang maayos d'yan dahil single bed lang ang kama sa kwarto na ' yon," pangungumbinsi ni Ken. "Don't worry, hindi kita sasalisihin kay Kalix. I will stay here sa sala."

"Baliw! Sige na, thank you. Good night na rin."

Hindi na niya napigilan ang matawa sa sinabing iyon ni Ken. Yon naman kasi talaga ang dahilan kung bakit ayaw niyang malayo sa tabi ni Kalix. Mahirap na. Baka paggising niya, makita na lang niyang nagsisiksikan sa maliit na kamang 'yon ang dalawang paminta at naghihilaan ng kumot.

Naglakad na si Yesha patungo sa pangalawang kwarto na mas malaki kaysa sa kwarto na kung saab si Kalix natulog. Dito, nakahanda na rin sa ibabaw ng malaking kama ang tuwalya at pamalit na gagamitin niya.

Mayamaya, napaisip si Yesha. Bakit sa mas maliit na kwarto dinala ni Ken si Kalix? Para ba mas komportable siya sa gabing iyon? Bakit naman gagawin iyon ni Ken, eh alam niyang karibal ang turing nito sa kanya? Gano'n pa man, hindi niya na naitago ang ngiti sa mga labi. Kahit paano pala, may good side ring itinatago ang gwapong beki na ' yon.

Maliwanag na sikat ng araw na pumapasok mula sa malaking bintana ang gumising kay Yesha mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi niya matandaan kung hindi niya ba naisara ang kurtina kagabi bago matulog. Inaantok pa rin siya para alalahanin 'yon kaya itinalukbong na lang niya ang makapal na kumot bago muling pumikit. Ilang saglit pa ang lumipas, napabalikwas siya ng bangon kasunod ang palibot ng paningin sa paligid. Wala nga pala siya sa sariling kwarto o sa kwarto ni Kalix.

Muli siyang napatingin sa bintana. Posible kayang pumasok si Ken kanina sa kwarto upang buksan ang kurtina? Shemay! Nakita kaya siya nitong magulo ang buhok, nakanganga at tumutulo ang laway habang natutulog?!

"Teka, bakit ba ako nako-conscious?! Eh, ano naman kung nakita niya ako sa ganoong hitsura!?" bulong niya bago inihilamos sa mukha ang mga palad.

Nagbitaw siya ng malalim na buntong-hininga bago sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ng kamay. Napatingin siya sa hugis bilog na orasang nakasabit sa dingding. Alas siyete na pala ng umaga.

Saglit pa siyang naupo sa may gilid ng kama bago nagdesisyong lumabas ng kwarto. At bago pa syang tuluyang makapasok ng kusina ay muli siyang napahinto sa paglalakad nang makita ang nakatalikod na si Ken. Nakaharap ito sa kalan at nagsasangag ng kanin. Nakasuot ito ng puting pajama pants na tila lalong nagpahaba sa mga binti nito at tanging apron lang ang nasa pang-itaas. Kahit ang likuran at mga braso nito ay buo ang muscle na halatang alaga rin sa gym. Sige na nga, ngayon lang niya aaminin na mas hot talaga ito kaysa kay Kalix.

"Good morning!"

Napalunok siya nang biglang lumingon sa kinatatayuan niya ang beki. Nahuli yata siya nitong nakatitig sa maganda nitong katawan.

"Need some help?" kunwa'y tanong niya bago lumapit sa binata.

Pero hindi niya alam kung saang lupalop ba nanggaling ang basang basahang tila bigla na lang lumitaw sa daraanan niya. Dahil tuloy rito, nawalan siya ng balanse at nadulas.

Naging maagap naman si Ken at kaagad na binitawan ang mga hawak niya upang saluhin siya. Ngunit ito naman ay napaapak din sa malaki at basang basahan. "I got—"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago pa tuluyang mapahiga sa sahig. Wala naman siyang naramdamang kahit na anong sakit sa ulo niya kahit batid niyang nakahiga na siya.

Agad na namilog ang mga mata niya nang muli siyang dumilat. Kasabay nito ang pag-init na magkabila niyang pisngi. Nakaibabaw pala si Ken sa kanya. Ang mga kamay at bisig nito ay nakasalo sa ulo at sa katawan niya. Ngunit ang bagay na nagpabilis ng tibok ng puso niya ay nang mapagtanong magkalapat na ang mga labi nilang dalawa!

"Good morning, son! Hindi na kami kumatok ng mga tita mo kasi gusto ka naming—"

Kasunod na paghihiwalay ng mga labi nila ay ang paglingon sa mga bagong pasok na bisita ng condo. Tatlong babae na halos kaedaran ng mama ni Yesha ang pumasok.

"Sorpresahin..." dagdag ng bumating ginang na biglang namutawi ang malaking ngiti sa mga labi. "Pero kami yata ang isosopresa mo."

"H-Hi, Mom! Hi Tita! " ganting bati ni Ken na hindi pa rin umaalis sa pagkakaibabaw sa dalaga. "You know Yesha, right? My girlfriend."

Nanlalaki ang mga matang ibinalik ni Yesha ang tingin sa beking nakaibabaw pa rin sa kanya. "Girlfriend?!"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)