webnovel

Falling in love with a rival

Auteur: Kaneza
Histoire
Actuel · 105.2K Affichage
  • 20 Shc
    Contenu
  • 4.8
    13 audimat
  • NO.200+
    SOUTIEN
Synopsis

Ayaw man ni Yesha na maging kontrabida ay gumawa pa rin siya ng paraan upang umeksena sa buhay ng dalawang gwapo at matchong beki. Sa kabila ng pagkakaroon ng love story ng kababata at first love niyang si Kalix at sa isa pang beki na bigla na lang umeksena sa buhay nila na si Ken, hindi pa rin siya makapapayag na maagaw sa huli si Kalix sa kanya. Pero sa pagsasama-sama nilang tatlo, bigla na lang dumating ang oras na naramdaman niyang nagsisimulana ring mahulog ang loob niya kay Ken. Kung kailan, paano at bakit iyon nangyari, hindi niya alam. Magtagumpay pa kaya siyang putulin ang pagtitinginan ng dalawang beki o siya ang mamroblema kung kaninong beki mapupunta ang puso niya

Étiquettes
3 étiquettes
Chapter 1Chapter 1: Confession

"I would like to tell you something very important, Yesha." Dahil sa sinabing iyon ni Kalix, napabangon ako mula sa kinahihigaan kong blanket na nakalatag sa damuhan. Hindi ba ako nagkamali? Mayroon bang mahalagang bagay na sasabihin niya sa akin? Napalunok pa ako bago nakatingin sa kaakit-akit na mukha niya.

"Ano, Kalix?" Nauutal ko pa.

Nagsimulang ngumiti si Kalix.

Ang batang ito! Napakahusay niya—lalo na sa kanyang mga ngiti. Sa katunayan, nakikipag-usap siya sa akin tungkol sa isang advertisement para sa toothpaste.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo," sabi niya habang napakamot pa ng ulo.

Ang mokong ay patuloy na napaka-cute! Kung posible, ipapadali ko na ito. Wow! Ito na nga yata ang pinakahihintay kong pahayag. Ipinaalam ba niya ako kina Papa at Mama na dalhin ako dito sa Tagaytay dahil... Dahil siya ay magtatapat na?

"Yesha....."

Naramdaman ko ang mainit na palad niya sa ibabaw ng kamay ko. Ilang taon ko na bang hinintay na marinig ang mga salitang sasabihin niya ngayon sa akin? Tatlo? Apat? Limang taon? Ah! Hindi ko na talaga maalala.

Isang malalim na buntung-hininga ang binitawan ko bago muling napalunok nang salubungin niya ang aking tingin.

"Matagal ko na itong gustong sabihin sa 'yo...." pagpapatuloy niya.

Wala na akong makapang salita na itutugon sa kanya. Bumibilis na ang pagtibok na puso ko. Kaba? Excitement? Hindi ko na alam ang nararamdaman o mararamdaman ko. Sasabihin niya na ba talaga sa akin ang mga salitang napakatagal ko nang hinintay na ipagtapat niya?

"Yesha...."

Hinawi niya ang buhok ko at inipit iyon sa likod ng tainga ko. This is it, pusit! Sa malamig na hangin, sa ilalim ng bilog na buwan at sa nagkikislapang mga bituin sa langit, magtatapat na sa wakas ang lalaking kauna-unahan at nag-iisang nais kong makasama sa habambuhay.

"Kalix..." nakangiti at malambing kong banggit sa pangalan niya. Malapit na ba talaga akong maging isang Mrs. Kalix Saveryo?!

"Yesha, i just want to tell you that..." tumikhim pa siya na dahilan para maantala ang sinasabi niya.

Pinapakaba ba ako lalo ng poging ito o siya mismo ang kinakabahan sa gusto niyang sabihin sa akin? Sabagay, sino ba naman ang hindi kakabahan kung magtatapat ka na sa taong matagal mo nang napupusuan?! Shemay! Ngayon pa lang, sobrang kinikilig na ako talaga! Lord, alam kong napakabata ko pa para dito pero sign lang ang kailangan ko. Kung magtatapat ba siya ngayong gabi sa akin, siya na talaga ang para sa akin. Pero kung hindi pa.... kung hindi talaga.... Pwede bang siya na lang!? Please!

"Yesha, I'm...." Ikinulong na niya sa mga palad niya ang magkabilang pisngi ko at wala ng isang dipa ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

Nakagat ko na ang pang-ibabang labi ko nang mapansib kong nangingilid na ang luha sa mga mata niya. Oh my god talaga! Magtatapat lang siya ng feelings niya, naiiyak na siya kaagad! Juicecolored! Heto na 'yon. Magtatapat na siya... Ipagtatapat na niya sa akin ang lahat... Ipagtatapat na niyang.....

"Yesha, I'm gay....."

"A-Ano!?"

At tapos niyang sabihin ang kanyang itatapat na akala ko ay na may gusto siya sa akin na yun lang pala na siya ay bading o berde ang dugo, para bang nawalan na ako ng saysay sa mundong ito... gumuho na at para bang wala na akong pag-asa sa kaniya.

Vous aimerez aussi

Enchantress Amongst All Alchemist Ghost Kings Wife (Tagalog)

Paglalarawan Si Mu Ru Yue, ay isang kahalili sa kanyang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia. Matapos pinatay ng kanyang kalaban, muling nabuhay siya sa katawan ng isang kamakailan lamang na namatay na walang kabuluhan na Miss sa Mu Family ng Martial God Continent, na binugbog hanggang sa kamatayan. Sa silid ng trono, nakangiting tumanggap siya ng paunawa sa kasal upang magkaroon ng pagbabago sa pag-aasawa upang ikasal ang isang kamangmangan na Ghost King mula sa Kaharian ng Zi Yue. Kilalang-kilala na ang Ghost King ay tanga at tanga, na may hitsura ng multo. Ngunit sino ang nakakaalam na siya talaga ang pinaka-dalawang mukha na tao? Nagtawanan ang lahat, na iniisip na ang isang magandang-para-walang-akma ay tugma sa isang tanga, ngunit hindi sa kanilang mga ligaw na pangarap ay itinuring din nila na siya ay isang tunay na henyo sa paggawa. Nang tiningnan ni Mu Ru Yue ang lalaki, na may guwapong hitsura ng Diyos, sinabi niya, na kumakutot sa kanyang mga ngipin, "Ye Wu Chen, nagsinungaling ka sa akin. Paano ka ba tanga? "Nakangisi ang Hari ng Ghost habang mahal niya itong niyakap. "Sa tabi mo, handa akong maging tanga na malaya mong mai-order." Buod ni Miki Ang dating may-ari ng katawan ni Mu Ru Yue ay nalason. Dahil dito, ang kanyang mga meridiano ay naharang, na humadlang sa kanyang paglilinang, na kalaunan ay humantong sa kanya na kilala bilang basurahan. Matapos mabugbog hanggang sa kamatayan, si Mu Ru Yue, na orihinal na naging kahalili sa isang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia, ay muling nagkatawang-tao sa kanyang bagong katawan. Gusto nilang i-seal ang aking landas? Sasanayin ako upang maabot ang rurok ng mga lupain! Binigyan nila ako ng isang hangal na prinsipe bilang aking asawa? Maaari kong gawin sa kanya. Mas madali para sa akin na makitungo sa kanya, kaysa sa ibang mga kandidato na ibabato sa akin sa hinaharap. Sinisikap kong maging sapat na makapangyarihan na walang sinumang magagalit o papatayin ako.

Gina_Reyes · Histoire
Pas assez d’évaluations
65 Chs

audimat

  • Tarif global
  • Qualité de l’écriture
  • Mise à jour de la stabilité
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte mondial
Critiques
Aimé
Nouveau

SOUTIEN