webnovel

Falling in love with a rival

Ayaw man ni Yesha na maging kontrabida ay gumawa pa rin siya ng paraan upang umeksena sa buhay ng dalawang gwapo at matchong beki. Sa kabila ng pagkakaroon ng love story ng kababata at first love niyang si Kalix at sa isa pang beki na bigla na lang umeksena sa buhay nila na si Ken, hindi pa rin siya makapapayag na maagaw sa huli si Kalix sa kanya. Pero sa pagsasama-sama nilang tatlo, bigla na lang dumating ang oras na naramdaman niyang nagsisimulana ring mahulog ang loob niya kay Ken. Kung kailan, paano at bakit iyon nangyari, hindi niya alam. Magtagumpay pa kaya siyang putulin ang pagtitinginan ng dalawang beki o siya ang mamroblema kung kaninong beki mapupunta ang puso niya

Kaneza · Histoire
Pas assez d’évaluations
20 Chs

Chapter 6: Going home with Bekis

"Ganito ba talaga kayo kung nag ba-bar?"

Mula sa repleksiyon ni Kalix sa rear-view mirror ay bumaling ang tingin ni Yesha sa nagda-drive na si Ken. Ito ang sumalo kanina kay Kalix nang tuluyan nang mawalan ng malay ang kababata niya. Sa may back seat na nila ipinwesto si Kalix kaya siya na ang umupo sa tabi ni Ken.

"Hindi naman. Minsan lang, kapag napapasobra ang inom niya. Kapag kasi kaming dalawa lang ang magkasama, binabantayan ko ang alak na ino-order niya. 'Yong kaunti lang ang alcohol content dapat para hindi siya agad malasing. Since kasama ka niya kanina, akala ko naman alam mo nang madali lang siyang malasing."

"Noong nagba-bar kasi kami sa Kuwait hindi naman siya ganyan kaya wala akong idea."

Hindi na lang siya sumagot sa isinabing iyon ni Ken. Ayaw na niyang humaba pa ang diskusyun nilang dalawa.

Itutuon na sana niya ang atensyon sa hawak na cellphone nang mapansin na para bang iba ang tinatahak na daana ng kotse.

"Where are we going?"

"We're here" pagtukoy ni Ken sa pagdating nila sa condo.

IIbinigay ni Ken sa valet ang susi ng kotse upang ito na ang mag park nang maayos. Pagkatapos, tumawag ito ng isa pang staff na pwedeng tumulong sa pag-alalay kay Kalix mula elevator hanggang sa unit ni Ken sa 7th floor.

"Wow, bro! Nice condo! Party pa tayo! Whoo! Teka, bakit walang hotties? Nasaan na ang mga boylet ko kanina? Boys! Labas na kayo riyan, come to Papa!" sabi ni Kalix na saglit pag nagsayaw-sayaw bago tuluyang bumagsak sa malambot na kama.

Agad na pumunta si Yesha sa CR. Kinuha niya ang tabo at tuwalya roon at saka bumalik kay Kalix. Pagkatapos, sinimulan na niyang asikasuhin si Kalix kagaya ng nakagawian niyang gawin kapag nalalasing ito. At nang maiayos na ito ng higa sa kama ay lumabas na siya ng kwarto.

Agad naman siyang napairap nang maabutang inaayos ni Ken ang sofa bed na nasa sala. Mukhang doon pa siya papatulugin ng pamintang ito.

"You can use the other room. May mga gamit na ro'n na pwede mong gamitin pansamantala," sabi ni Ken.

"Hindi na kailangan. Tatabi na lang ako kay Kalix." sagot naman niya. Pilit niyang itinago ang pagkagulat dahil sa pag-aakalang sa sofa bed siya nito patutulugin.

"Yesha, hindi ka makakatulog nang maayos d'yan dahil single bed lang ang kama sa kwarto na ' yon," pangungumbinsi ni Ken. "Don't worry, hindi kita sasalisihin kay Kalix. I will stay here sa sala."

"Baliw! Sige na, thank you. Good night na rin."

Hindi na niya napigilan ang matawa sa sinabing iyon ni Ken. Yon naman kasi talaga ang dahilan kung bakit ayaw niyang malayo sa tabi ni Kalix. Mahirap na. Baka paggising niya, makita na lang niyang nagsisiksikan sa maliit na kamang 'yon ang dalawang paminta at naghihilaan ng kumot.

Naglakad na si Yesha patungo sa pangalawang kwarto na mas malaki kaysa sa kwarto na kung saab si Kalix natulog. Dito, nakahanda na rin sa ibabaw ng malaking kama ang tuwalya at pamalit na gagamitin niya.

Mayamaya, napaisip si Yesha. Bakit sa mas maliit na kwarto dinala ni Ken si Kalix? Para ba mas komportable siya sa gabing iyon? Bakit naman gagawin iyon ni Ken, eh alam niyang karibal ang turing nito sa kanya? Gano'n pa man, hindi niya na naitago ang ngiti sa mga labi. Kahit paano pala, may good side ring itinatago ang gwapong beki na ' yon.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)