webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · Musique et band
Pas assez d’évaluations
31 Chs

CHAPTER 8

💎Chapter 8: I miss you too💎

---

Nasa mall kami ngayon nila Chaeyoung, Jisoo at Soobin. Namimili ako ng damit dito sa mga panlalaki habang sila Chaeyoung at Jisoo naman ay nasa pambabae kasama si Soobin.

Habang namimili ako ng damit ay nakuha ang atensyon ko sa light pink na t-shirt. Kinuha ko yun at pinagmasdan ang magandang kulay ng t-shirt. Maganda sana ang t-shirt na toh kaso lang ay kaylangan 'kong takpan ang mga sugat ko. I think i'll just stick with long sleeves and sweaters.

[Eto po yung shirt:]

ïżŒ

Binalik ko iyon sa kinalalagyan nya at naglibot para makahanap ng kukuha sa atensyon ko.

"Jin?"

Napalingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko. Pag-lingon ko ay isang gwapong lalaki ang nakatayo sa harap ko habang naka-ngiti.

"Um... do i know you?" Naguguluhan 'kong tanong.

"Ano ka ba? It's me Ken. Ako yung palagi mong ka-roomate nung college tayo at mag-kaibigan din ang mga mommy natin dahil mag-kapit bahay tayo noon."

"Ah! Ken! Ikaw yung palaging pinapapunta ni mommy dati sa bahay para kumain kasi gwapo ka."

"Uh... Oo ako nga yun. Kamusta nga pala si tita?"

"Pat*y na si mommy 3 years ago pa eh..." Biglang nalungkot ang tono ko.

"Talaga? Condolence, Jin. Kamusta ka na nga ngayon? Kasal ka na ba? or girlfriend?"

"I'm okay. Pero kaka-hiwalay ko lang sa husband ko."

"Ganun ba? i'm sorry to hear that."

"It's fine."

"May kasama ka ba dito? Do you wanna drink with me?"

"Actually kasama ko yung mga kaibigan ko at yung anak ko."

"Daddy Jin!" Narinig 'kong tinawag ni Soobin ang pangalan ko at lumingon ako at tumakbo sya papalapit sa akin.

"Is he your son?"

"Oo."

"Hello little one. What's your name?"

"Soobin po!" Nakangiting sabi ni Soobin.

"Hello Soobin my name is Ken. You're as cute as your dad." Nakangiting sabi ni Ken at tumingin sa akin at agad naman na uminit ang mukha ko.

"Uy Jin, sino yan? ang gwapo ah pakilala mo naman kami." Sabi ni Jisoo.

"Ken, ito nga pala yung mga kaibigan ko si Jisoo at Chaeyoung."

"Hello! i'm Jisoo." Nakipag-shake hands yung dalawa kay Ken at kinilig naman nang nginitian silang dalawa. Jusko anlal*nde.

*Riiing riiing*

Narinig namin na nag-ring ang cellphone ni Ken at sinagot nya iyon.

"Yes, i'm coming. Hintayin mo nalang ako sa parking lot."

Pagkatapos ay binaba nya ang telepono at tumingin ulit sa amin.

"Jin, i need to go."

"Okay. Bye." Kumaway ako sa kanya.

"Oh. Wait bago ako umalis can i have your number? So we can keep in touch and meet when you're not busy?"

"Sure."

Inabot nya sa akin ang cellphone nya at nilagay ko ang phone number ko at binigay ulit sa kanya.

"Bye. See you soon."

Kumaway sya sa amin bago umalis.

"Hoy Jin, ang bilis naman dumating ng grasya sayo." Sabi ni Chaeyoung at napa-irap.

"Oo nga. Ilang beses ka nag-ddasal sa isang araw at palagi 'kang sineswerte?" Sabi ni Jisoo at napa-irap naman ako.

"Ano 'bang pinagsasabi ninyo? Matagal ko nang kilala si Ken at kapit-bahay namin sya dati at palagi 'kong ka-room mate."

"Sus! Ang ganda mo kase. Ibang klase ang kagandahan mo. Pero ang unfair kasi parang ikaw yung dyosa at kami ni Jisoo ang alagad." Sabi ni Chaeyoung at napa-cross arms.

"Normal na maganda ako okay? Halika na uwi na tayo at mag-gagabi na. Babayaran ko lang 'tong mga pinamili ko. Bantayan nyo muna si Soobin."

Pumunta ako sa cashier at umuwi na kami. Pagka-uwi namin ay binato ko ang sarili ko sa sofa at bumuga ng malalim na hininga.

"Pagod na pagod? Eh ako nga nag-drive." Sabi ni Jisoo at humiga sa tabi ko at nilagay ang paa nya sa hita ko.

"Nakakapagod maging maganda at gwapo." Sabi ko with full confidence at tinanggal ang paa ni Jisoo at umupo naman sya.

*Ding*

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag-message sa akin.

Ken: Hi Jin. It's me, Ken.

Napangiti ako at sumagot sa kanya.

Jin: Hi.