webnovel

EVANESCENCE

"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."

sopephanyyy · Musique et band
Pas assez d’évaluations
31 Chs

CHAPTER 15

💎Chapter 15: Jaelousy💎

---

Ngayon ay birthday ni Yoongi pumunta kami sa mall para bumili ng regalo. Bumili ako ng isang set ng bandana at si Jisoo at Chaeyoung namab ay unan.

Ngayon ay papunta na kami sa bahay nila Jimin at Yoongi.

---

Pagkarating namin ay narinig na namin ang ingay na nanggagaling sa loob ng bahay. Pinindot namin ang door bell at pinag-buksan naman kami ni Jimin.

"Hello hyung! Hi Jisoo, Chae and Soobinie. Pasok kayo."

Pumasok kami sa loob at nakita namin si Yoongi, Taehyung, Jungkook at ang iba 'pang mga kaibigan ni Yoongi sa salas.

"Jin hyung, andito na pala kayo." Sabi ni Yoongi at niyakap kami.

"Happy birthday, Yoongs." Pag-bati namin sa kanya at binigay ang mga regalo namin.

---

Nandito kami ngayon sa dining room at kumakain habang nag-uusap.

"Jin, asaan nga pala si Namjoon? Bakit hindi mo sya kasama ngayon?" Tanong ni Chanyeol na kaibigan ni Yoongi.

"Um...--"

"We're here!" Naputol ang dapat 'kong sasabihin nang narinig namin ang pamilyar na boses.

Si Namjoon. Kasama nya si Jinwee. Binati nila si Yoongi at umupo.

"Bakit andito yan dalawang yan?" Narinig 'kong tanong ni Taehyung na nasa tabi ko.

"Daddy Joon!" Sigaw ni Soobin at kumandong kay Namjoon.

"Ewan ko ba kay Yoongi hyung." Sagot ni Jimin.

"Okay na sana kung Namjoon hyung lang pero bakit kasama pa nya yan babaeng yan?"

"Hindi ko alam okay? Tsaka 'wag ako ang tanungin mo." Nainis na sabi ni Jimin.

"Hyung, kamusta na nga pala yung sinasabi mo sakin na lalaki? Ano nga ulit yung pangalan 'nun?" Tanong ni Taehyung.

"Oo nga. Ano na kayo?" Naka-ngising tanong ni Jimin at nagagtininginan silang lahat sa akin except kay Namjoon na nakating sa malayo.

"Um... si Ken. we're just friends." Sagot ko.

"Ken? Parang narinig ko na yung pangalan na yun ah." Sabi ni Yoongi.

"Sya yung palaging first placer tuwing may singing contest. At part rin sya ng banda dati sa university natin." Sagot ko.

"Ah... yung mayabang na lalaki..." Narinig namin na sabi ni Namjoon sa sarili nya.

"Huh?"

"U-Uh.. wala."

"Oo nga pala. You guys are invited to our wedding." Nakangiting sabi ni Jinwee at pinakita ang wedding invitation nya pero walang pumansin sa kanya.

"Uh... Thank you." Tinanggap ko yung wedding invitation at napangiti naman lalo si Jinwee.

"Hyung, seryoso ka?" Sabi ni Taehyung sa tabi ko.

"I have to support them."

"Hyung, hindi sila celebrity para suportahan mo sila." Sabi ni Taehyung at napa-irap sa kawalan.

"Hyung, may sasabihin nga pala si Jackson sayo." Sabi ni Yoongi at tinapik ang likod ni Jackson.

"Uh... Hyung, can i get your number?" Nahihiyang tanong ni Jackson at kinamot ang batok nya at in-offer yung cellphone nya.

"Sure." Kukunin ko na sana ang cellphone nya at ilagay ang number ko pero nagulat kami nang sumigaw si Namjoon.

"No!"