webnovel

Enchanted in Hell (Tagalog)

Pipiliin niya bang ikulong ang sarili sa lugar kung saan naniniwala siyang may kaligayang naghihintay sa kaniya? Paano kung ang kaligayahang hinahanap niya ay mula sa taong mas masahol pa sa isang demonyo?

Teacher_Anny · Urbain
Pas assez d’évaluations
54 Chs

A Guest

Alas otso pa lamang ng Lunes ay nasa hotel na sa Manila sina Theo at Rina. Iyon ang unang araw ni Theo bilang hotel manager sapagkat pansamantalang sa Baguio muna tutulong si Cliff.

Iyon din ang araw kung kailan darating ang kanilang special guest kaya naman todo ang paghahanda ng mga staff, kanya-kanya ng pakitang-gilas hindi lamang para sa darating na guest sa araw na iyon kundi pati na rin kay Theo na sikat na sa mga babae.

Dahil nga may lahing mestizo at kahit pa may pilat sa pisngi si Theo, hindi matatago noon ang pagiging magandang lalaki nito. Subalit kahit umaagaw nang pansin sa halos lahat ng kababaihan sa hotel, hindi iyon binibigyang pansin ni Theo dahil nga hindi pa rin siya sanay sa mga tao.

"Andito na sila, Sir Theo," ani ng isang staff.

"Then, prepare yourselves," sagot naman ni Theo at hinila pababa ang suot na suit para mawala ang gusot niyon.

Sinalubong ng ilang mga staff na nasa main lobby ang guest na si Mr. Milandro Fuentes. May taga-entertain at mayroon ding nag-a-assist para sa silid na ni-reserved para dito.

Lumapit din si Theo at nakipagkilala sa lalaki. Magiliw rin naman ang pagtanggap nito sa pagbati niya.

"Welcome to our hotel. Mr. Fuentes."

"Thank you. Ikaw pala ang manager ng hotel na 'to. Anak ka ni Mr. Armando? Right?"

"Yes."

"Ikaw pala 'yon. Nagkakilala na kami ng dad mo. Nabanggit nga niya sa 'kin na may anak siyang lalaki. Kamukhang-kamukha mo ang dad mo."

Sumama si Theo sa paghatid kay Mr. Fuentes sa kuwarto nito.

"This is your room, Sir," aniya na napangiti nang bahagya nang mapansin ang pagtango-tango at pagngiti ng special guest nila na mukhang satisfied naman sa itsura ng silid at sa service nila.

"I like your service here. Hmm...naghahanap rin ako ng venue para sa event namin. Can I see your event area here?"

"Oh, sure. Ba't hindi po ba kayo nagugutom or what?"

"Hindi pa naman. May natitira pa akong lakas," pagbibiro ni Mr. Fuentes, "Ano? Ipasyal n'yo muna ako."

"Okay, Sir."

Isinama ni Theo si Mr. Fuentes sa event hall. Malawak na silid iyon at pwedeng pagdausan ng malalaking event na marami rin ang bisita.

Pagkapasok nila sa loob ay bumungad agad sa kanila ang malawak na stage na nadedekorasyunan ng artipisyal na bulaklak at ang pinaka background ng stage na iyon ay ang kulay maroon na kurtina na elegante kung titingnan sapagkat nangingintab din ang tela na ginamit sa paggawa niyon.

Nakahilera na sa baba ng stage ang mga mesa at upuan na may skirting na rin.

Nakalatag na rin doon ang mga plato at iba pang utensils na ginagamit sa pagkain. Kumpleto rin sa sound system, camera at mga lightnings kaya all set na talaga para sa pangmalakasang event.

Napapangiti naman ang guest na si Mr. Fuentes na kasama nina Theo at Rina sa loob. Tumatango-tango ito at palipat-lipat ng tingin sa paligid.

"I love it!"

"Thank you so much dahil nagustuhan ninyo."

"Let's discuss all the details to our event later, pero sa ngayon gusto ko munang kumain at matikman ang mga pagkain ninyo rito."

"Okay, okay. Noted."

Dinala na ni Theo si Mr. Fuentes sa dining area. Panatag naman siya na maayos at masarap ang pagkain dahil tinikman niya iyon at tsinek bago pa dumating ang special guest nila.

"Here's your food, Sir," magiliw na sabi ng waiter bago nilapag sa mesa ang plato na may lamang mga pagkain."

Nakalagay sa tray na hawak ng waiter ang iba't ibang dishes. Mayroong karne na kinortehan kaya naging hugis bilog. Kung titingnan iyon ay mapapansin mo agad kung gaano kalambod at ka-juicy noon. Idagdag pa ang kulay brown na sauce na binuhos sa ibabaw noon.

Sa bawat meal ay hindi pwedeng walang dekorasyon o garnishes kaya makikita sa bawat plato ang kulay green na parsley at iba pang mga binubudbod sa pagkain na nagsilbing dekorasyon noon.

Tinikman ni Mr. Fuentes ang karne.

"Hmm, I also love the food."

"Thank you, Sir," ani ni Theo pagkatapos nagpasya nang umalis para hindi na maistorbo ang guest sa pagkain nito. Ayos na sa kanya ang marinig na positive feedback nito sa pagkain ng hotel.

"Mauna na muna kami sa inyo. Enjoy your meal," wika muli ni Theo at nagmartsa na palabas kung saan binuntutan lamang siya ni Rina sa paglalakad.

Pagdating nga ng hapon, katulad ng sinabi ni Mr. Fuentes ay pinag-usapan nga nila ang tungkol sa magiging details ng event. Tumulong naman si Rina sa pagsusulat o pagte-take note ng details, request at iba pang information sa event. Hindi na nga halos maintindihan ang sulat kamay niya dahil sa napakaraming sinasabi ng guest. Marami itong gustong mangyari o demand sa magiging event nila.

Samantala, tumatango-tango lamang si Theo sa sinasabi ng guest dahil ang totoo ay tandang-tanda niya lahat ng request nito pero pasalamat pa rin siya kay Rina dahil nagkusa itong magsulat.

Nang natapos na ang pag-uusap nila at nang nakalabas na si Mr. Fuentes para bumalik ng silid nito, nag-unat naman ng kamay si Rina, winagayway ang kamay at inunat ang mga daliri dahil sa pagod sa pagsusulat.

"Theo! Nagustuhan ni Mr. Fuentes ang hotel."

"Huwag munang magpakasaya. Ang mas mahirap na challenge ay ang mangyayaring event. Not because we're chosen ay magpapabaya na tayo. We still need to impress them para mas lalong gumanda ang feedback sa hotel."

"Tama...basta nandito lang ako para tulungan ka."

Napaiwas ng tingin si Theo kay Rina.

Kinuha niya ang phone at kinalikot iyon kunyari pero mayamaya pa ay nagpasya siyang bitiwan iyon bago nagsalita, "Thank you, Rina," aniya nang hindi pa rin tumitingin sa babae.

"Wala 'yon," sagot naman ni Rina bago inabot kay Theo ang notebook na pinagsulatan niya ng mga pinag-usapan kanina. Subalit ang akala ni Rina ay ang notebook lang ang kukuhain ni Theo, ngunit sa halip na libro, ang kamay niya ang hinatak ni Theo.

Hinatak ni Theo palapit si Rina sa kanya pagkatapos ay mahigpit itong niyakap. Pinagpapasalamat niya na kasa-kasama niya ito dahil napapanatag siya kapag nakikita niya o nararamdaman niya ang presensya ng babae. Marahil kung wala si Rina sa tabi niya ay hindi rin niya magagawa nang maayos ang lahat. Marahil hindi niya kayanin ang pakikipag-usap sa mga tao.

Ngumiti siya at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap kay Rina.

"Thank you, Rina."

"Wala 'yon," anito na napangiti at yumakap din pabalik sa lalaki.