webnovel

DIE INTO YOU

Danyan · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
17 Chs

CHAPTER 14:

Chapter 14:

Halos isang linggo narin ang lumipas simula ng huli naming makausap si Janah sa Restaurant. Hanggang ngayon ay ginugulo parin ako ng mga salitang binitawan niya. Alam kong hindi dapat ako matakot pero hindi ko maiwasan. Hindi ko naman kasi talaga hawak kung ano ang mangyayari in the near future, ang alam ko lang, mahal namin ni Kelvin ang isa't isa at hindi namin hahayaang masira ang relasyon namin.

Nasa sala ako ngayon katabi si mama habang nanunuod ng SpongeBob habang kumakain ng pancake na gawa din naming dalawa ni mama. Pareho kasi kami halos ng gusto kaya nagkakasundo kami sa maraming bagay, tulad nito.

"Kanina kapa pangiti ngiti niyan, para kang baliw." Puna sa akin ni mama.

Hawak ko kasi ang cellphone ko at kausap si Kelvin. Maaga din ito nagising ngunit 'di tulad ko, nakahiga parin siya at tinatamad pang bumangon. Pupunta nalang daw siya dito sa amin para kumain ng almusal.

Aba't ang lalaking iyon ay feel at home narin pokre botong boto sa kanya si mama.

"Tignan mo itong batang ito, nagka-boyfriend lang hindi na ako pinansin." Reklamo ng mama ko. Sound a jealous mother huh.

Natawa ako, "Huwag kang mag-alala, 'ma ikaw parin naman ang reyna ng buhay ko kahit may boyfriend na ako."

"Tinatanong ko ba?"

Burn.

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako kay mama e. Kundi ko lang talaga nanay ito nakatikim na ito ng malakas lakas na batok sa akin para lang matauhan. Nagiging palaban na e. Syempre, hindi ko gagawin iyon, baka wala na akong uwian na bahay.

"Mama, hindi ko alam kung nanay ba talaga kita o ano e. Ang sama mo sa akin." I pouted my lips. Paawa effect.

"'Nak..." Tumigil si mama sa pagkain at medyo naging seryoso. Anong nangyari dito? "May dapat kang malaman."

Literal na natahimik ako. Si mama, seryoso ngayon? Nagsiseryoso lang si mama kapag importante ang bagay na sasabihin niya.

"Panahon na siguro para malaman mo, hindi kita anak, napulot lang kita sa tae ng kalab---ARAY!" Reklamo ulit nito matapos kong batuhin ng unan.

"Si mama parang baliw."

Akala ko naman kasi ganuon kaseryoso ang sasabihin niya tapos biglang kalokohan lang din naman pala.

Tumawa naman ng malakas si mama, parang baliw na talaga. Tuwang tuwa dahil naisahan niya ako, minsan talaga maitatanong ko nalang sa sarili ko kung talagang anak ba ako nito o mas maniniwala na lang ako sa sinasabi niyang napulot ako sa tae ng kalabaw. Grabe naman ang nanay ko, ang daming pwedeng maisip na pagpupulutan sa tae pa.

Pinagmasdan ko si mama, ang ganda ng ngiti niya, kasiyahan niya ang kayamanan ko. Hindi ko gugustuhin na mawala ang ngiti niyang iyon kahit na anong mangyari. Kahit iniwan kami ni papa ay hindi ko siya nakitang umiyak sa harap ko.

"'Ma?" Pagkuha ko sa atensyon niya. "Minsan ba naiisip mo si papa?"

Simula kasi ng piliin ni papa yung babae niya ay hindi na niya kami naalala pa. Kahit tawagan at kamustahin man lang ako na anak niya ay hindi niya nagawa. Ang kanina namang masayang mukha ni mama ay nabahiran ng kaunting lungkot.

"Bakit mo naman natanong iyan?" Halos anim na taon na rin simula ng iwan kami ni papa pero hanggang ngayon dama ko parin yung pagmamahal nito para sa kanya.

"Curious lang ako 'ma. Matagal narin po kasi simula ng iwan tayo ni papa, napatawad mo na po ba siya?" Puno ng kuryosidad kong tanong.

Huminga nang malalim si mama bago tumingin sa akin ng may mapait na ngiti.

"Hindi naman ako nagalit sa papa mo e. Kahit kailan hindi ako magagalit sa kanya, kahit pa sinaktan niya ako. Mahal ko ang papa mo, sobrang mahal ko siya kaya hinding hindi ako magagalit sa kanya."

"Kahit kinalimutan na niya ako nandito parin siya sa puso ko. Gano'n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit na paulit ulit ka pa niyang saktan. Palagi parin siyang magkakaroon ng puwang sa puso mo."

Matapang na tao si mama, hindi literal pero emosyonal. Nakayanan niyang lampasan yung mga bagay na sobrang nakasakit sa kanya. At hindi parin siya tumitigil sa pagmamahal kay papa kahit na sobrang sinaktan siya nito.

"Huwag kang mag-alala mama, kahit anong mangyari hindi kita iiwan." Niyakap ko pa siya ng mahigpit.

"Stephanie."

"Po?"

"Hindi bagay sa ating dalawa ang drama, umayos kana ang pangit nating tignan dalawa."

Natawa ako sa sinabi niya, kahit sobrang seryoso ng usapan humahanap siya ng paraan para pagaanin ang sitwasyon. Ayaw niyang nakikita na nalulungkot ako at ang mga taong mahalaga sa kanya.

"Sheaaaaan." Sigaw ko ng makapasok ako sa bahay nila.

Tapos na kami ni mama mag-almusal at nakakapagtaka lang na hindi pumunta ang magaling kong kaibigan para makikain. Kaya heto ako ngagon nag-effort pa na puntahan siya para lang dalhan ng pancake.

"Tita, nandiyan po ba si Shean?" Tanong ko kay tita ng makita ko siya sa kusina.

Nginitian niya ako, "Oo, nasa kwarto niya pa. Iyang kaibigan mo talaga, palaging puyat kaka-chat duon sa boyfriend niya. Palagi na naman silang magkasama, walang kasawaan."

Natawa ako sa sinabi ni Tita, tulad ni mama ay maloko din ang nanay ni Shean.

"Hayaan niyo na po siya, kapag nagkasakit itapon nalang natin. Dalhin ko lang po ito sa kanya."

Naabutan ko si Shean na balot na balot sa kumot at tulog na tulog pa. Kahit kailan talaga ang babaeng ito, tanghali na kung gumising. Natawa nalang ako sa itsura niya.

Hinila ko ang kumot niya pero kinuha niya iyon para muling italukbong sa kanya. Kakaibang babae, hindi parin nagigising.

"HOY, SHEAN GISING NA TANGHALI NA." I shouted.

Pero hindi parin ito nagising. Parang mantika talaga kung matulog ang babaeng ito. Wala man lang pakiramdam.

"Mama, sunog. SUNOG---ARAY!"

Tawa ako ng tawa sa isang gilid habang siya naman ay nagpa-panic. Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa, nagsindi kasi ako ng papel at nilagay ko sa lata malapit sa kanya. Kaya naisip niyang nay sunog.

Sumakit na ang tiyan ko kakatawa samantalang siya ay masama ang tingin sa akin.

"Stephanie naman e, parang tanga." Reklamo nito ng makita niya akong tumatawa.

Sigurado akong galit na galit na ito ngayon dahil sa ginawa ko pero syempre alam kong mawawala iyon kapag binigay ko sa kanya ang pancake na dala ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Inis na singhal nito sa akin. Nagkusot pa siya ng mata.

"Dinalhan lang kita ng pancake, pero mukhang ayaw mo kaya huwa---"

"Akin na. Dadalhan mo ako tapos babawiin mo? Anong klase kang friend?"

Tumawa kami pareho bago niya kinuha ang pancake sa akin. Sabi na e, mawawala sa isip niya yung ginawa ko para maging siya kapag binigay ko ang pancake.

Hindi na ito nagdalawang isip kainin iyon, natatawa ako sa itsura niya. Gulo ang buhok, nakapantulog pa tapos kumakain na agad nang pancake. Babaeng ito, walang sinasanto basta makakakain lang.

"Pakisabi kay Tita, salamat ha." Sambit niya sa gitna ng pagkain.

Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Ako ang nagdala sa'yo tapos kay mama ka lang magpapasalamat? That's unfair, Shean."

" Ikaw ba nagluto?" Pataray din nitong tanong.

"Si mama."

"See. Kaya dapat lang na sa kanya ako magpasalama---HOY, AKIN IYAN."

"Kung gusto mong kumain pumunta ka sa bahay."

"Stephanie, akin na iyan. Ito naman hindi mabiro." Pilit niyang inaagaw sa akin ang pancake. "Oo, na eto magpapasalamat na. Thank you, Stephane Alferez."

"Plastik ka, Shean."

Natawa kami pareho sa sinabi ko. Ang kakulitan ng babaeng ito ang hindi ko malilimutan kahit pa dumating yung panahon na may sarili na kaming pamilya. Bata palang kami ay magkasama na kami kaya naman kabisado na namin ang galaw ng bawat isa.

Shean is my bestfriend and she will always be.

"Sheanangot." Natawa ako ng tinignan niya ako ng masama.

"Problema mo, Stephangit?" Ganti nito sa akin.

Na-miss ko din yung oras na nag-aasaran kami at ito yung mga pangalan na tinatawag namin sa isa't isa.

"Ang bilis ng panahon 'no? Parang kahapon lang nag-aasaran pa tayo ng kung ano ano tapos ngayon, may mga boyfriend na tayo."

"Nakaka-miss din yung dati pero masaya ako ngayon, sobrang saya ko. Kasi nakahanap ako ng taong mamahalin ako."

Lumapit pa ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Stephanie, may sakit ka?" Takhang tanong nito.

Oo na, hindi ako gano'n ka-sweet sa kanya, puro lang kami kalokohan kaya naman nakakapanibago nga na ganito ako, pero gusto ko lang gawin.

"Wala," I laughed. "Sige na, uuwi na ako. Mag-ingat kayo ni tita." Paalam ko.

Nakangiti akong lumabas ng bahay nila Shean, napangiti ako nang makita kong tahimik ang paligid.

Though, palagi namang tahimik dito, kakaiba parin ang ngayon. Iba ang feeling ko sa pagiging tahimik ng lugar na ito, ang peaceful. Pinikit ko pa ang mga mata ko at dinama ang malamig na hanging humampas sa balat ko.

"Guess who?"

Napaigtad ako ng may malamig na palad ang tumakip sa mga mata ko. Napangiti ako, alam ko kasing siya iyon, ang lalaking pinaoangarap ko. Boses palang niya ay alam ko na plus yung lambot ng kamay niya. Sa halos araw araw naming pagsasama ay kabisado ko na rin siya.

"Baby, I know it's you." Nakangiti kong sambit.

Niyakap naman niya ako mula sa likod, dama ko ang hininga niya sa batok ko.

"Kabisado mo na talaga ang bawat kilos ko ha." Hinigpitan niya pa ang yakap sa akin.

I felt safe, pakiramdaman ko ay walang mangyayari sa aking masama kapag yakap niya ako.

"Baby?"

"Hmmm?"

"Get dress, may ipapakilala ako sa'yo."

"Sino?"

"Basta, magbihis kana. Ako na ang bahalang magpaalam kay mama."

Sinalubong ni mama si Kelvin ng makapasok kami sa loob ng bahay. Buti pa si Kelvin, sinalubong niya pero ako na sarili niyang anak dineadma niya. Nanay ko ba talaga ito? Ampon lang talaga yata ako.

Umakyat ako ng kwarto at pinaubaya si Kelvin kay mama, alam ko naman na hindi niya iyon pababayaan.

Humanap ako ng simpleng T-shirt ay pants, hindi ako sanay na naka-dress kaya ito nalang ang pinili ko. Tinernuhan ko nalang ng white rubber shoes, tinali ko rin ang buhok ko para hindi humarang sa mukha ko.

Naabutan ko si mama at Kelvin sa sala na nagkukuwentuhan. Natigil silang dalawa ng makita nila ako, malawak ang ngiti ni Kelvin sa akin ng lumapit ito.

Nagpaalam siya kay mama bago kami tuluyang lumabas ng bahay at naglakbay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, ang sabi lang ng magaling kong boyfriend ay magtiwala lang ako sa kanya. So, I did.

"Excited?" Tanong nito sa akin habang nagd-drive siya.

Tumango lang ako at hindi na siya sinagot. Pinagmasdan ko nalang ang daan na binabaybay namin. Madaming puno sa paligid at lumalayo na kami sa lugar na puro building. Maaliwalas din ang daan at halos walang tao sa paligid.

Saan kaya kami pupunta? Bakit ganitong lugar ang dinadaanan namin?

Nakarating naman kami sa isang tahimik na lugar, madaming puno at ang peaceful nang paligid. Pero hindi ito ang lugar na inaasahan kong pupuntahan namin.

"Sementeryo?" Takhang tanong ko sa kanya.

Una siyang bumaba sa kotse para pagbuksan ako ng pinto. Pinagmasdan ko ang paligid, wala naman masyadong tao dito. Sobrang tahimik.

"I told you, may ipapakilala ako sa'yo. Come."

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad patungo sa puntod malapit sa isang malagong puno. Nagsindi siya ng kandila ay nilagay ang bulaklak duon.

Ayumi Corpin and Madella Corpin.

Pagtingin ko palang sa pangalan ay alam ko na kung kaano ano niya ang dalawang babae na nakahimlay dito. Ang mama at kapatid niyang babae.

"Stephanie Alferez, meet my mom and my little sister." Tinuro pa niya ang puntod ng nga ito. "Mommy, Ayumi, she's Stephanie Alferez, my girlfriend and soon to be wife."

My heart melt. Akala ko nuon ay hindu niya ako ihaharap sa dalawang taong mahalaga sa kanya pero heto siya ngayon, pinakilala ako sa dalawang babaeng mahal niya nang walang pag-aalinlangan.

"Hi, Mommy Madella and little sis Ayumi. Huwag kayong mag-alala dito kay Kelvin ako na ang bahala sa kanya, hindi ko siya pababayaan." Pagkausap ko dito.

Alam ko namang naririnig nila ako, nandito lang sila sa tabi namin at binabantayan si Kelvin.

"You know why we're here?"

"Para ipakilala ako sa kanila?"

"Other than that, I wanted to celebrate my birthday with my family as well as with you."

Birthday?

"Birthday mo ngayon?" Hindi ko namalayan ang sarili ko na napasigaw.

Birthday nang lalaking mahal ko pero hindi ko alam. Though, alam ko naman talaga at nakalimutan ko lang. How dumb am I? Wala akong naihandang regalo.

"Uy, sorry nakalimutan kong birthday mo, wala tulo---"

"Shhh. Yung nandito ka sa tabi ko ngayon ay malaking bagay na para sa akin."

Lumapit ako sa kanya para ihilig ang ulo ko sa balikat niya.

"Matagal ko nang kinalimutan ang kaarawan ko, sabi ko dati hindi ko na ice-celebrate iyon kahit kailan dahil wala narin namang saysay.

Naglatag siya ng blanket sa tapat ng puntod nila tita at duon kami naupo. Humiga naman siya sa hita ko at pinagdaop ang mga palad naming dalawa.

"I'll promise, I will marry you." Hinalikan nito ang likod ng palad ko.

"And, I'll promise too, na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko, wala nang iba."

Nilaro ko ang buhok niya habang nakatitig ako sa mga mata niya. I wanted to kissed those lips again.

"Happy birthday, Kelvin. I love you." Bulong ko sa kanya.

Unti unti naman akong yumuko para abutin ang labi niya, gusto kong pigilan ang sarili ko pero wala akong magawa sa kagustuhan ng katawan ko.

Sa isang iglap ay muling naglapat ang labi naming dawa. Walang nagbago, kung ano ang naramdaman ko nung una ko siyang halikan ay gano'n pa din ngayon.

Ilang segundo pa ang tinagal ng paglapat nang labi naming dalawa bago ako tuluyang humiwalay.

"Shit!" Pagmumura niya ng mahimasmasan siguro.

Bumangon ito mula sa pagkakahiga at naupo. Pantay ang mukha naming dalawa, masyadong malapit sa isa't isa.

"I can't take this anymore. I'm getting addicted to your kisses, I can't control."

Natawa ako sa sinabi niya. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang himalik sa aking labi, panay dampi lang ang ginagawa niya pero paulit ulit.

Halos isang oras pa kaming nanatili sa sementeryo, malapit sa puntod ng kanyang nanay at kapatid bago ako makaramdam nang gutom. Nagpaalam kami sa puntod ng dalawa bago tuluyang lumisan sa lugar na iyon.

Maraming beses pa kaming babalik duon para dalawin sila.

Muli naming binaybay ang tahimik at liblib na lugar. Ang layo naman sa kabihasnan ng sementeryong iyon, parang nakakatakot puntahan kapag madilim na.

Tulad kanina ay wala rin halos dumadaan na tao sa lugar na ito. Tahimik lang talaga.

Nasa gitna ako nang malalim na pag-iisip nang biglaang pumreno si Kelvin, muntik na akong masubsob sa harapan ko, buti nalang ay naka-seatbelt ako.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nangibabaw ang takot sa akin ng makita ko ang itim na Van na nakaharang sa daraanan namin. Tinignan ko si Kelvin at maging siya ay naguluhan din sa mga nangyayari. Hinawakan pa niya ang kamay ko.

"Hoy, baba!" Kinalampag ng isang lalaki ang kotse ni Kelvin, hindi namin alam pareho kung susunod kami o hindi.

Sa huli ay wala kaming nagawa pareho, puno ng takot ang kaloob looban ko ng makita ko ang mga baril na hawak nila.

"Bitawan mo ang girlfriend ko." Sinubukang manlaban ni Kelvin pero naunahan na siyang hawakan ng tatlong lalaki, kahit manlaban ito ay hindi niya kaya. May mga armas din ang mga ito. Shit!

"Kuya, ano po bang kailangan ninyo? W-wala po kaming per---"

"Hindi pera ang kailangan namin kundi ikaw!" Sigaw ng isang lalaki bago ako tutukan ng baril sa ulo.

"Mukhang masarap ang baba---PUTA!" Sigaw nito ng suntukin siya ni Kelvin ng makakawala ito mula sa tatlong lalaki.

"Huwag mong hawakan ang girlf---"

"KELVIN." sigaw ko ng pukpukin siya ng baril nang isang lalaki, matangkad ito at halatang malaki ang katawan, kumpara sa iba. Ito yata ang lider nila.

Binigyan pa ako ng huling tingin ni Kelvin bago ito mawalan ng malay.

Shit!

Bakit ba nangyayari ito sa amin? Bakit ngayon pa, bakit sa amin pa? Ano bang ginawa namin?

"Sige pasok." Utos nang lalaki habang pilit akong pinapapasok sa loob ng Van. "Ipasok niyo narin ang lalaking iyan." Utos niya pa sa iba.

Pumasok ako sa loob ng Van nang maipasok nila si Kelvin sa loob. Agad ko itong nilapitan at niyakap.

"Hayop kayo. Ano bang kasalanan namin sa inyo? Saan niyo kami dadalhin? Pakawalan niyo kami." Humahagulhol kong pakiusap ngunit walang makarinig.

"Kuya, pakawa---"

"Ano ba ang ingay ng bunganga mo a? Hala, sige patulugin muna iyan, mahaba habang laro ang gagawin natin mamaya."

Nakaramdam ako ng hilo ng takpan ng isang lalaki ang ilong ko. Alam kong may pampatulog silanf nilagay duon.

"Jackpot " huling dinig ko bago mawalan ng malay.