webnovel

DIE INTO YOU

Danyan · Realistic
Not enough ratings
17 Chs

CHAPTER 13:

Chapter 13:

"Kurt."

Huminto siya mula sa paglalakad ng isigaw ko ang pangalan niya. Mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa kanya ng lingunin niya ako, nagiging emosyonal na naman ako.

"What happened? Sinaktan kaba ni Kelv---"

"No, masaya lang ako at the same time nalulungkot para sa'yo." I pouted.

Niyakap naman niya ako ng mahigpit pabalik, "Bakit ka naman nalulungkot para sa akin? Dapat nga maging masaya ka lang."

"I hurt you, sinaktan na kita pero wala kang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Wala kang ibang ginawa kundi ang pahalagahan ako, why? Bakit hindi ka magalit sa akin? Bakit hindi mo ako sumbatan? Tatanggapin ko naman lahat ng sasabihin niyo eh."

"Shhh. Ayos lang ako."

"No, hindi ka naman talaga ayos eh, sinasabi mo lang iyan para hindi ako mag-alala pero ramdam ko na nasasaktan ka. Sabihin mo nalang sa akin."

"Yeah, you're right. I'm not okay, nasasaktan ako pero kung magagalit ba ako may magbabago? Wala naman diba? Siya pa din ang pipiliin mo. Gustong gusto kong itanong sa'yo kung bakit hindi ako, bakit hindi nalang ako pero anong magagawa ko? Matagal mong pinangarap iyon, anong panama ko duon? Atsaka, ayaw kong hadlangan ang kasiyahan ng babaeng mahal ko. Ayaw kong hadlangan ka dahil kasiyahan mo ang nagsisilbing kasiyahan at kayamanan ko."

Pinunasan niya ang luha ko, naiyak ako sa sinabi niya. Akala ko kasi wala nang lalaki katulad nila. Yung lalaking iisipin muna ang kapakanan ng babaeng mahal nila bago ang sarili nila pero heto siya ngayon, si Kelvin at Kurt ang naging patunay na may natitira pading lalaki na handang manindigan para sa mahal nila.

"I'm sorry."

"Don't be." He smiled. "Stephanie , alam kong harsh ako sa mga babaeng kumakausap sa akin pero ayaw kong nakakakita ng babaeng umiiyak. Tumahan kana, baka sabihin nila pinaiyak kita. "

Natawa ako sa sinabi niya, kahit kailan talaga alam niya kung paano ako papatawanin. Kung paano niya mapapagaan ang loob ko.

"Salamat dun sa ginawa mo kanina ha."

"Huwag mo nang alalahanin iyon, para sa inyo talaga iyon. Alagaan mo ang sarili mo ha."

Pinagmasdan ko pa siya habang naglalakad papasok sa classroom nila. Nakita ko pa mula sa bintana kung paano siya binati ng mga kaklase niya at kaibigan. Madami talagang nagmamahal sa kanya, kahit papaano ay panatag na ang loob na magiging maayos siya.

"Hoy babae."

Pinagtaasan ko ng kilay si Shean, ang kabute kong kaibigan. "Ano na namang kailangan mo?"

"Ang bait ni Kurt, akalain mo iyon sinaktan mo na pero naisip parin niyang bigyan kayo ni Kelvin ng romantic date."

Inerapan ko siya, "Nakausap ko na siya tungkol duon, masaya siya para sa akin. Ang problema lang sa'yo, inggit ka."

"Hindi ako, inggit. Well, sinorpresa din ako ni Yohanne, remember?" Oo nga pala. Ang yabang din ng babaeng ito kung minsan.

"Ano bang kailangan mo?" Inis kong tanong sa kanya.

"Aayain lang naman sana kita, double date tayo nila Kelvin."

Napatingin ako sa kanya, hindi ko din kasi alam ang isasagot ko. Nahihiya naman akong ayain si Kelvin. Ngayon pa ako nahiya kung kelan kami na, samantalang dati halos pwersahin ko siya mapansin lang ako.

"Subukan ko." Tipid kong sagot.

"Sige na, gusto ko lang sabay tagong nakikipag-date. Please." Nag-puppy eyes pa ito, feeling cute.

"Kapag pumayag si Kelvin, sasama kami." Tanging sagot ko lang.

"Kung gusto mo ako na ang magpapaalam kay Kelv---"

"There's no need, sasama kami, right baby?"

Halos manlaki ang mata ko nang makita ko si Kerwin sa harap ko, malawak ang ngiti nito nang hawakan ako at harapin si Shean na ngayon ay nakatingin sa kamay naming dalawa ni Kelvin.

Nahahawa narin ito sa kaibigan ko, nagiging kabute narin, bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan.

"Baby? As in baby ang tawagan ninyong dalawa?" Tumawa pa ito ng malakas, probleman ng babaeng ito sa call sign na 'baby?'

"Why do you have a prob---"

"BABY!"

Pare-pareho kaming natahimik nang marinig namin ang boses ni Yohanne. Naglalakad ito papalapit sa aming dalawa. Baby. Hindi namin napigilan ni Kelvin ang matawa dahil sa sinigaw ni Yohanne. Si Shean naman ay tila napapahiyang natahimik.

Ang lakas maka-tawa ng babaeng ito dahil sa pagtawag sa akin ng 'baby' ni Kelvin tapos siya rin pala tatawagin ni Yohanne ng gano'n. Funny.

"Why are two laughing at?" Tanong ni Kelvin nang makalapit siya sa amin.

Pinigilan ko ang matawa pero sa tuwing tinitignan ko ang itsura ni Shean ay hindi ko maiwasang hindi matuwa. Namumula ang mukha nito dahil narin siguro sa hiya, alam kong hindi siya sa akin nahihiya kundi kay Kelvin.

"Tumahimik ka nga, Stephanie." Inis na singhal sa akin ni Shean, pero lalo lang akong natawa.

"Yohanne, ayaw yata ng kaibigan ko na tinatawag mo siyang baby." Natatawa kong sabi.

"No. She loves hearing those words from me." Paliwanag ni Yohanne.

"Oo, I love to hear those words from you pero hindi ko naman akalain na ang cheesy noon kapag sa iba ko narinig."

Natawa kami pareho ni Shean, pareho lang kami. Nac-corny-han din kasi ako kapag sa iba ko narinig ang salitang iyon pero kapag si Kelvin na ay parang ang sarap pakinggan. Gano'n ba talaga kapag inlove na? Kahit ang pinaka-corny na salita ay magiging sweet para sa'yo.

"Let's go?" Hinawakan ni Yohanne ang kamay ni Shean,

Sumunod nalang kami ni Kelvin, tulad ng dalawa ay magkahawak din ang kamay naming dalawa ni Kelvin. First time. First time in my entire life na magkakaroon ng double date. Syempre, hindi naman ako nagkaroon ng boyfriend nuon, gano'n din si Shean paano namin mararanasan ang gano'n?

Sa mall kami pumunta pero kumain muna kami sa Estevilla Restaurant, sabay sabay kaming kumain habang nagkukuwentuhan. Hindi rin tahimik si Kelvin ngayon, nakikipagsabayan ito sa kalokohan. Malayong malayo sa Kelvin na nakilala at nakasalamuha ko nuon. Tumatawa narin ito at magkasundo sila ni Yohanne, kahit si Shean ay nagulat sa inasta ni Kelvin ngayon.

"Ang gwapo mo pala Kelvin kapag nakangiti."

Nakita kong sinamaan ni Yohanne ng tingin ang girlfriend niya dahil sa sinabi nito, hindi pa iyon napansin ni Shean dahil nakatingin ito kay Kelvin. Kung hindi ko lang kilala ang babaeng ito, nasapak ko na ito dito palang.

"Huwag mo akong tignan ng ganyan, mas gwapo ka parin para sa akin." Hinarap ni Shean si Yohanne.

Hindi naman napigilan ni Yohanne ang malawak na pagngiti, halatang kinilig sa sinabi ng girlfriend niya. Kikiligin talaga siya dahil magaling mambola ang kaibigan ko, wala parin talagang kupas.

Napailing nalang ako kakanuod sa lambingan nilang dalawa, humiwa ako ng chocolate cake na nasa plato ko. Mas masarap pa ito kaysa ang panuruurin ko ang dalawa.

Hindi pa man ako tuluyang nakakahiwa ng may isang kutsarang naglalaman ng chocolate cake ang humarang sa mukha ko. Halos maduling ako dahil duon.

"Say, ah." Nakangiting sambit ni Kelvin.

Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko iyon o hindi pero sa huli ay kinain ko narin.

"I wonder kung ano ang cake na pipiliin mo on our wedding day."

Halos mabulunan ako sa sinabi niya, naubo pa ako dahil duon. Inabutan niya ako ng isang basong tubig at agad kong ininom iyon, napansin ko naman na pinagtatawanan ako ng dalawa. Si Yohanne at si Shean. Pagbuhulin ko ang dalawang ito.

Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Kelvin sa harap pa ng mga kaibigan ko.

"Nice one bro. Namumula si Steph, oh."

Nagkasundo pa ang dalawang lalaki na ito sa pang-aasar sa akin, nag-apir pa sila. Imbis na mainis ako ay natuwa pa ako sa ginawa ni Kelvin. Malayong malayo na talaga siya sa Kelvin na nakilala ko nuon.

"Mamumula talaga yan, cause soon I'm gonna marry her and never let her go." Hinawakan pa nito ang kamay ko at hinalikan iyon.

"At, paano ka naman nakakasiguro na tayo na hanggang huli?" Pagtataray ko sa kanya.

Kinurot niya ang psingi ko, "Why? Hindi ka pa ba sigurado sa akin? Ako kasi, one hundred percent sure na, papakasalan kita." Sigurado niyang sagot.

"Kung gano'n naman pala p're kung gusto mo double wedding narin, I have plans too, to marry my girl." Tumingin pa ito kay Shean.

So, this two man has already plan to marry the both of us, my bestfriend huh. Syempre pareho kaming kinilig.

Ang hirap palang kausap ng dalawang lalaki na ito, pati ako napapa-english dahil sa kanila.

Pinagpatuloy namin ang pagkain habang nag-uusap. Tulad namin ay may mga kagaya din kami na nandito sa Restaurant, mga kabataan na may ka-date. Makikita ang saya sa mga mukha nila habang kausap yung taong mahal nila. Pare-pareho lang kami ng nararamdaman ngayon.

At my age, hindi pa naman talaga masasabi na ito na, si Kelvin na ang makakasama ko habang buhay. Madami pang pwedeng mangyari sa loob ng maraming taon, pero sigurado ako sa sarili ko na siya na ang gusto ko.

Kung pagmamasdan ko din ang kaibigan ko, si Shean, nakikita ko sa mga ngiti niya na si Yohanne na ang gusto niyang makasama habang buhay. Tulad ko ay may ningning ang mga nito kapag kausap si Yohanne, komportable din siya dito.

Masaya ako na nakikita ko ang nga tunay na ngiti sa labi ng nga taong importante sa akin. Si Kelvin na matagal ko nang pangarap at ngayon ay abot kamay ko na, si Yohanne na kasintahan ng kaibigan ko at si Shean, masaya ko na masaya kaming lahat na nadirito.

"Wel, well, well, hindi naman ako na-inform na may kasiyahan palang nagaganap dito. "

Napatigil kami sa kwentuhan at tawanan, ang kaninang masayang pag-uusap ay napalitan ng inis at galit nang makita namin kung sino ang nagsalita.

Tulad ng dati, makapal parin ang make-up ng dalawang ito, pulang pula ang mga labi at maiiksi ang suot na damit. Para silang callgirl sa itsura nila. Nakangisi pa ito habang pinagmamasdan kaming apat.

"Anong ginagawa mo ditong, demonyita ka?!" Galit na asik ni Shean.

Sa aming lahat siya ang makikitaan nang sobrang galit sa mga mata ng makita ang babaeng dahilan kung bakit siya na-hospital. Si Janah at Kyla.

"At sinong tinawag mong demonyita?" Tanong ni Kyla, dinuro pa nito si Shean.

"Huwag mong maduro-duro ang kaibigan ko kung ayaw mong makatikim ng mag-asawang sampal." Pagbabanta ko kay Kyla, natahimik naman ito. Ang tapang tapang, hindi naman pala uubra.

"Ano bang ginagawa ninyo dito?" Mahinahon pero may diing tanong ni Yohanne. "Pakiusap lang, ayaw namin ng gulo."

"Gulo? Sino ang may sabing GULO ang pinunta namin dito? It's just a coincidence na nagkita tayo dito."

Humalakhak siya ng tawa dahilan para makuha nito ang atensyon ng mga tao. She really loves attention.

"Coincidence your face, tingin mo maniniwala ako sa isang bitchesang tulad mo? Mukha mo palang fake na." Si Shean.

"Please, Janah, Kyla just leave us alone." Pakiusap pa ni Kelvin.

Ngumisi lang si Janah, halatang nang-aasar. Hindi pa yata siya kontento na na-expel siya. Gusto pa yata niyang mabalian ng buto bago siya tumigil sa panggugulo.

"Why? Oh, Kelvin, Stephanie should I congratulate you two for being official?" Sarkastiko nitong tanong.

Pinaglandas niya ang kamay sa mukha ni Kelvin, nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Akala siguro niya madadala niya ako sa paganun ganun niya sa boyfriend ko. May tiwala ako kay Kelvin.

"Umalis na nga lang kayo, hindi namin kayo kailangan dito."

"Uh, uh, uh, hindi magandang asal iyan, Stephanie. Dapat magbigay galang ka."

"Bakit kagalang galang ka? Hindi bagay sa isang tulad mo ang salitang iyon. "

"Matapang ka talaga noh? Halatang hindi nagpapatalo." Ngumisi muli ito. "Magiging plastik ako kung ico-congratulate ko kayong dalawa pero, sinasabi ko sa inyo, hindi kayo magtatagal."

Tinignan ko siya habang sinasabi niya ang katagang iyon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya, walang halong pag-aalinlangan.

"At paano ka naman nakakasiguro na hindi nga sila magtatagal?" Tanong ni Shean.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Kelvin sa kamay ko, pinisil pa niya iyon. Para niyang sinasabi na huwag akong maniniwala kay, Janah at hindi mangyayari ang mga sinasabi nito.

"None of your business, enjoy your double date anyway."

Binigyan pa niya ako ng makahulugang tingin, kumaway pa ito bago tuluyang naglalad papalayo sa amin.

Natahimik lang ako at nakaramdam ng mumunting takot dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro mangyayari sa amin ni Kelvin yun diba? Magtatagal naman kami atsaka papakasalan niya pa ako. Hindi naman niya ako iiwan.

"Huy, iniisip mo ba ang sinabi ni Janah?" Nag-aalalang tanong ni Shean sa akin.

"Huwag mong alalahanin iyon, mahal kita kaya hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Papakasalan pa kita." Pinisil niya ang kamay ko na kanina pa niya hawak.

Bakit ba naniniwala ako sa Janah na iyon? Wala lang naman siyang magawa sa buhay niya kaya niya ginagawa iyon. Kay Kelvin ako dapat maniwala, sa kanya lang.

Pilit kong inalis sa isip ko ang mga sinabi ni Janah. Tinuloy parin naming apat ang kung ano mang plano namin ngayong araw. Naglaro kami ng arcade, naglibot sa mall at nanuod nang sine.

Hindi naman dapat ako nagiging negatibo sa relasyon naming dalawa ni Kelvin dahil alam kong hindi niya hahayaang masira kaming dalawa.

"Inaalala mo parin ba yung sinabi ni Janah?" Nag-aalalang tanong ni Kelvin sa akin.

Nakasandal ako sa kanya ngayon habang nanunuod kami ng sine. Madilim ang paligid at nakatutok ang mga tao sa pinanunuod namin. Katabi lang din namin sila Shean na naghaharutan.

"Hindi mo naman ako iiwan diba?"

"I told you, I never do that. When I started to court you I already have plans inside my pocket. Hindi lang basta girlfriend ang turing ko sa'yo, you're my girl and soon to be my wife. I promise."

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Like it ? Add to library!

Danyancreators' thoughts