webnovel

The Promise

Patuloy na naghahanap parin silanang lahat para kay Aria. Hinalughog na nila ang buong lugar ngunit parang paikot-ikot lang sila sa loob ng gubat.

Ilang beses na sinubukan ni Aalllen na kausapin si Aria sa loob ng kaniyang isip ngunit talagang wala paring sagot at ang singsing na suoot-suot niya ay tuluyan ng naging bato.

{Panginoon… Ngayon ay tumataawg po ko para sa iyo… May masama po akong nararamdaman tungkol dito… Pakiusap lang po sana ay maging ligtas si Aria} Dalangin ni Allen.

Mula sa singsing na naging bato ay may lumabas na putting liwanag at nag-anyo itong putting kalapati. Lumipad ang putting kalapati at ito naman ay sinundan ni Allen.

(Sa loob ng isip ni Aria)

Sa loob ng tahanan nila Shimi at Aria ay rinig ang mga hiyaw ng mga taong bayan na naroon upang dakipin si "Rosa" na tinaguriang mangkukulam. Ang mga tao ay may mga hawak na mga matutulis na sandata at apoy at tuluyang humihiyaw para mapalabas ang magka-sintahan.

"ILABAS NINIYO ANG BABAENG MANGKUKULAM NA IYAN!" Hiyaw ng taong bayan.

Humawak ng mahigpit si Aria kay Shimi at ramdam ng binata ang panginginig sa mga kamay ng dalaga.

"DAPAT SA MANGKUKULAM AY SUNUGIN!!!" Hiyaw nila

"Rosa, Lalabas lamang ako... Susubukan ko silang kumbinsihin!" Sabi ni Shimi kay Aria.

"Huwag! Baka patayin ka din nila!" Sabi ni Aria.

"Para ito sa inyo na mahal ko... babalik din ako. Pangako." Sabi ni Shimi.

"Shimi... Natatakot ako..." Sabi ni Aria.

"Hindi lang ito para saatin. Para din ito sa Anak natin Rosa." Sabi ng binata

"Shimi... Kahit anong mangyari... diba...Magkaka-sama parin tayo?... Tayong tatlo diba?..." Tanung ng dalaga habang napupuno ito ng pangamba.

Hinawakan ni Aria ang mga pisngi ni Shimi at tila puno ng lungkot at takot ang mga mata ng dalaga habang tinitignan niya ang mga mata ng kasintahan sa mata. Ngumiti lamang ang binata ngunit kitang-kita na puno ng kalungkutan at pangangamba ang mga mata ng niya.

"Be Safe and Come Back To My Side, Safely...Cara Mia..." Sabi Ni Aria