webnovel

Deep Within the Crazy Runaway of Emperor Shi

"Hulaan mo sino ako." sabi niya mula sa madilim na bahagi sa hagdan. ... "Hahaha. Just guess maybe you can get it right." ... "Anu ako ulol buti kung nasa laro ako sa tv at may premyo baka hulaan ko pa kahit na Hindi naman ako kalahi ng mga mangkukulam o manghuhula siguro." Sabi ko sa isip ko na medyu malakas kasi mukang narinig nya. "Hmmm if you want a reward I could grant you one wish." ... Pointed nose, masculine jaw line dark brown eyes silver hair na bagay naman sa kanya. Ngayun na umalis sya mula sa madilim na bahagi ng hagdan at naglakad palapit sa akin. Makikita Ang tunay nyang kagwapuhan. Di kagaya kahapon yung aura nya. Mas bagay ang sa ngayun hindi Yung ... "Bitiwan mo nga ako." Sabi ko dahil kinuha niya ang kamay ko at tinitigan ako. Di naman siya nagsalita pero hawak niya parin ang braso ko. "Let's eat." "Ayaw ko sumama sayo. Aalis nga ako dito taz dadalhin mo pa ako pabalik..." Sabi ko dahil hinihila nya ako papunta sa malapit na pinto ng floor na eto. Tinignan nya ako ulit ng seryuso kaya tumingin din ako sa mata nya ng seryuso ano akala nya matatalo nya ako sa walang pikitan ng mata. Hmp... Ng bigla nya akong kinarga sa balikat nya na parang sako ng bigas!!!! ... Ohmygassssss antigasssss... "Will you stop struggling. I'll kiss you if you don't stop." Syempre dahil nga matigas...Ang init na ng mukha ko... matigas ang ulo ko... Ahem... Bat ba nag iinit mukha ko sa... Matigas ... Ahem... anubayan!!! Sobrang pula ko na siguro. Ah basta di ako nakinig sa kanya at nagpumiglas parin. "Titigil ka o titigil ka?" "No!!! just let me go!!!! Ibaba mo ako!!!!" Tumigil sya sa paglakad pero segi parin ako sa paghampas sa likod nya "Or do you prefer na dalhin kita sa kwarto ko at kakainin na lang kita."...

TanzKaizen24 · Général
Pas assez d’évaluations
36 Chs

Chapter 14 Painful Torture

Naisip ni Orion na pagbigyan ang babae dahil sobrang tirik ng araw at sobrang init talaga ng panahon lalo pa at nasa pinakailalim na bahagi sila ng palasyo. 'It seems she quite down. How rare for her to be silent.'

"Master pwede na po namin ihanda ang pangligo."

"Ahhhh!!!" sigaw ng katulong habang nabitawan nito ang dala-dalang tubig.

Mabilis naman lumapit si Orion at nakita ang babaeng walang saplot sa katawan na mahimbing ang tulog. Dalidali niya naman itong nilagyan ng damit niya. Lalaki ang katulong na nakakita sa hubad na katawan ng dalaga pero pasalamat siya at alam ni Orion na pusong babae siya. Pag-nagkataon makikita nito ang katawan niyang walang ulo mula sa ilalim. Kinakabahan naman ang katulong dahil hindi siya makahinga sa nakakatakot na aura ng kanyang panginoon. Tahimik lang siya at naka-pikit pagkatapos niyang buksan ang pinto.

"Call someone,a female servant even if you're gay. I'm not comfortable with you. Tell that servant to clean her and call me." sabi nito at dalidali naman umalis ang baklang katulong.

"You know what to do." sabi ng isang babae habang may inabot siyang bagay sa isang katulong. Ang bagay na ito ay bawal sa bansa nila at may epekto na nakapagpalimot. Pero ang mas gamit nito ay isang lason na unti unti pinapatay ang cell sa katawan ng tao. Ito din ang bagay na pumatay sa dating Empress. "I won't let anyone have my throne!"

"Congratulations, on finding your Empress. King Lokileon pays tribute to the Emperor." Isa sa tanging dalawang kaibigan tinuturing ni Orion.

"Congrats dude, akala ko wala ka talagang balak mag asawa. Hahaha." panunukso ni Zeriel na may nakalolokong ngiti sa mga labi.

"Tumahimik ka nga Zeriel, para kang hindi hari kung umasta." sita ni Lokileon sa kaibigan na si King Zeriel.

Ang dalawang hari ng kanilang mga teritoryo sa loob ng Yfel ang tumulong kay Orion para maupo sa trono. Sila lang din ang tanging may alam ng totoong ugali ng kaibigan. Pagpinagsama silang tatlo ay para silang nasa painting. Napakagandang painting, para silang mga Greek God's na may sariling uniqueness na tinataglay. Si King Lokileon, itim na mahabang buhok merong greenish na mga mata matangos na ilong, may kalmadong mukha pero palaging seryuso, katamtaman na katawan medyo maliit kaysa sa dalawa pero meron itong sharp figure. Si King Zeriel, pula ang kulay ng buhok na parang araw sa takipsilim matangos din ang ilong, merong playboy na look, kulay asul ang mata sa kaliwa at green naman sa kanan at may pinakamalaking katawan sa kanilang tatlo. Habang si Emperor Orion naman ay parang isang mysteryusong tao ng dilim, may silver na buhok na parang maliwanag na buwan sa kadiliman.

"Kamusta naman siya dude? Balita ko kakaiba daw ang napili mo at usap-usapan na...may sira daw ito sa utak?" tanong ni Zeriel na inobserbahan ang reaksyon ni Orion.

Nakatingin lang si Lokileon sa dalawa pero interesado din siya malaman.

"Andito na si Lady Wei." sigaw ng announcer

Delicate na may halong fierce ang look ng babae para din siyang white lotus na naglakad papunta sa tatlo. "Greetings your highnesses." Nagbigay siya ng respeto sa mga ito at umupo sa tabi ni Orion. Namangha naman sina Lokileon at Zeriel sa dalaga. 'Kung hindi lang para sa pagkain hindi ako papayag na maging parang sinaunang prinsesa at pahirapan ang sarili ko. hmp!' yan naman ang sa isip ni Wei.

Nang mawala ang kalasingan ni Wei ay seryoso silang nagusap ni Orion. Sobrang hiya ang naramdaman ni Wei ng maalala ang pinaggagawa ng malasing siya. Kinalimutan niya agad lahat ng iyon dahil wala na itong magagawa pa para baguhin ito. Inutusan siya ni Orion na mag aral tungkol sa Yfel at kailangan niyang ayusin ang sarili. Dahil nga matigas ang ulo ng babae ay hindi ito nakinig. 'Emperador, Hari, Presidente o Leader ng isang organization, kahit sino ka man wala kang karapatan para utusan ako! Kahit isang hot na Mafia Boss kapa! no way! walang makakapilit sa akin!'

"Mahal kong Emperor Orion Shi, makikinig na po ako. Pakiusap wag mo akong pahirapan Ng ganito. Huhuhu." mabilis pa sa pagpatak ng ulan ang pagiba ng dalaga. Madali lang kay Orion na malaman ang kahinaan ni Wei. Mula araw hanggang gabi at halos oras oras na pag obserba kay Wei paanong di nito malaman na mahilig ito kumain. Bilang torture kay Wei nagpahanda siya ng masasarap na pagkain na merong matinding aroma para maamoy ng dalaga. Ipinalagay niya ito sa labas ng pinto ng dalaga at inutusan ang mga tao niya na wag bigyan ang dalaga ng mga ito. Minsan sinasabihan niya ang mga tao niya na maghanda ng marami at masasarap na pagkain tapos doon magsayang kumain sa tapat ng pinto ni Wei. Ang mas masakit pa ay tubig tinapay at kung anu-ano pang pagkain na walang lasa ang pinapakain nila kay Wei. Wala pa isang linggo bumigay agad ito.

"Hahahaha!" tudo ang tawa ni Zeriel na nakabasag sa katahimikan nila. Nagulat sila dahil mukang hindi totoo ang mga narinig. "Sinong siraulo ang nagsabi na may sira ang utak ng magiging asawa ni Orion?! Dalhin siya dito at putulin ang dila nito! Hahaha muntik na ako maniwala!"

"Kamusta naman sa labas?" tanong ni Lokileon dahil minsan lang siya nakaalis ng Yfel. Alam niya na maraming interesting na bagay sa labas. Hindi naman bawal sa kanila ang umalis ng bansa ang problema lang ay delikado ang dagat na nakapalibot sa lugar nila.

"Ganon pa rin... mga daanan na maayos pa ay sinisira na. Habang yung may mga sira hinahayaan lang. Mga tao na tapon dito tapon doon... Mga mapanghusgang mata na puro lang mali ang nakikita nila. Mga bunganga na puro kasinungalingan lang lumalabas. Mga boss na halos patayin kana sa trabaho pero maliit lang na sweldo ang binibigay. Tapos mga nagtataasang building na naglalabas ng maduming usok. Mga kalbong kabundukan at naglalakihang bundok ng basura. Mga maitim at maduming karagatan. At mga taong nakayuko lang sa hawak na gadgets..."

"Wait!!! Ganon na ba talaga ka tindi ang mga nangyayari sa labas?" pagpatigil ni Lokileon kay Wei. Hindi niya alam na kung anu-ano lang naman na nakita ni Wei sa kung saan ang pinagsasabi nito. 'Sa ibang mundo nga ata nanggaling itong babae.' Sa pagkaalala niya hindi naman ganoon ang lugar na napuntahan.

"Huh? Bakit Lokileon mali ba si Lady Wei? If ganun nga nangyayari sa labas mabuti nga talaga na walang nakakaalam ng lugar natin.