Sa tagal ng pananatili ni Wei sa Yfel ay nasanay na siya sa simpleng pamumuhay ng mga tao doon. Tanggap niya na ng buong puso ang maging Emperatris ng Yfel, dahil tutulungan naman siya ni Orion sa lahat lahat. Mabilis lang sa kanya ang mag adjust at tanggapin ang mga bagay bagay na nangyayari sa kanya o sa kanyang paligid. Tapos na din ang paghahanda para sa pagdiriwang ng kasal. Ang problema lang ay hindi nila alam na hindi pala matutuloy ang ceremonya ng kasal at ang koronasyon. Naging pormal naman si Wei sa mga panahong kasama niya si Orion, pero paminsan minsan ay lumalabas parin ang tunay niyang pagkatao pagsila lang na dalawa ang magkasama.
"Mabangong lalaki, bakit ako?" Nasa private na hardin na pagmamay-ari ni Orion silang dalawa. Makikita mula sa lugar nila ang dagat na parang walang hangganan. Nagsasayawan naman ang mga babies breath na bulaklak sa paligid dahil sa medyo malakas na hangin dahil sa nasa mataas na lugar sila. May kulay asul at pulang rosas sa paligid. Meron ding iba't-ibang uri ng bulaklak gaya ng Lily, Orchids, Carnations at Daisy. Meron din mga naka trimmed na Chinese bamboo at maliliit na puno ng pine.
Napatawa naman ng mahina si Orion sa tawag sa kanya ni Wei sa tuwing may itatanong ito sa kanya.
"Bakit nga ba?" tanong din ni Orion na nakatingin kay Wei habang ang dalaga ay nakatingin sa malayo.
"Wag mo ako sagutin ng tanong lalaki! Ako ang naunang magtanong kaya mauna kang sumagot." Sabi ng dalaga na hindi man lang tumingin kay Orion dahil nakatingin pa din sa malayo, pero ang totoo niyan ay lumilipad na sa kung saan ang imahenasyon nito.
'Grabi naman si Master, kung ibang tao ang kausap niya malang wala na itong buhay ngayon. Baka hindi kayanin ng sawi kong puso kapag nagtagal pa ako dito. Wala namang masamang mangyayari pag umalis ako.' at tuluyang umalis si Sinco. Dahil sa trabaho niya ay hiniwalayan niya ang kanyang kasintahan kaya nagdurusa ang puso niya ng makita na ang kanyang Master ay meron ng pinapahalagahan at nag-e-enjoy kasama ito, masaya naman siya para sa kanyang Master dahil sa wakas ay nakita niya din na may ibang emosyon din pala ito.
Mabilis na nagnakaw naman ng halik si Orion sa pisnge ni Wei. Mabuti at nakaalis na si Sinco dahil kung hindi ay baka magbigte siya sa makikita.
"That's my answer. Actions speak louder than words."
Hindi naman maipinta ang mukha ni Wei. 'Ano ba yan ang weak naman! Sana sa labi ka humalik!' yan ang sa isip nito at hinawakan ang lalaki sa mga pisnge nito, sabay nakaw din ng halik sa labi ng lalaki at tumakbo ng mabilis palayo. Nabigla naman si Orion at halos mawala sa sarili pero huminga na lang siya ng malalim at pinakalma ang sarili. Napangiti na lang siya habang pinapanuod ang babaeng tumatakbo palayo at kita ang pamumula ng mukha pati mga tainga nito. "I'll let you run away for now. Pero sa susunod kailangan mo panagutan ang pinaggagawa mo." bulong nito sa sarili.
'Bakit ba kasi ayaw niya sagutin ng mabuti ang tanong ko eh. Yan tuloy napilitan akong tikman ang mabangong lalaking yon pero syempre isang mahinhin at mahiyain akong dalaga ay konting tikim lang naman yun.' walang kahiya hiya niyang naiisip. Mahinhin at mahiyain pa siya sa lagay na iyan. Simula ng makakain siya noong isda ay parang naging marupok na siyang babae. Hindi niya alam na hindi lang basta nakalalasing ang nakain kundi may halo din itong aphrodisiac at mas matagal ang epekto nito. Isa sa rason kung bakit halos di hinahayaan ni Orion na mawala sa paningin niya or sa tabi niya si Wei, ay dahil alam niya ang lahat tungkol sa bihirang Golden Sea Dragon.
'Malapit na ang araw ng kasal namin. Ibig sabihin nun...' naputol ang iniisip niya sandali. "a-a-ang s-sunod ay g-g-gagawa ng baby!!!" di niya mapigilan ibulong ito sa sarili, may idea naman siya sa bagay na iyon dahil sa mga napapanuod at mga nababasa na romance ang genre. Naginit naman ang mukha niya. 'Dati pangarap ko lang ang honeymoon! ngayon malalaman ko na kung matamis ba talaga ito dahil sa honey!' naexcite naman siya sa naisip na pagkain.
"Magandang hapon po Lady Wei. Baka nagugutom po kayo at gusto niyo po na kumain." sabi ng isang katulong habang nakayuko at may hawak na silvanas. Ang silvanas ay isang sikat at mamahaling pagkain sa Yfel at halos lahat gusto ito pero para sa medyo may kaya lang ang nakakain nito palagi.
Ng makita ni Wei ang paboritong pagkain ay agad agad niya itong kinuha at nilantakan. 'walang manners manners sa taong gutom.'
Hindi niya alam na huling silvanas niya na ito. Sa di kalayuan may isang pares ng matang nakatingin at nagsasaya ito sa tuwa. "Edispatya mo na din yang katulong. Wala na siyang silbi para sa akin." sa totoo ay ayaw lang nito na magkaroon ng pagkakataon ang katulong na ilaglag siya sa huli. Ang gusto niya ay malinis ang lahat at sigurado na walang makakapagturo na siya ang tunay na salarin.
Inside a dimly lighted room moans could be heard, but there are no other person nearby and besides the place is somewhat secluded. Two people were busy with their extensive activity, and with the last thrust, the man released his seeds inside the woman and he pass out because of a needle that was inserted in his nape. "Tapos na ang silbi mo sa akin." 'at ano ang nangyayari pag wala ng silbi?' tumawa ito ng nakakatakot at ginilitan ang leeg ng lalaki kahit na nasa loob pa niya ang ibabang bahagi nito. Tuwang tuwa ito sa ginawa ngayon siguradong wala ng makakaalam ng ginawa niya. Lahat ng tao na may kinalaman sa plano niya sa babaeng tagalabas ay mahimbing na ang tulog at kahit kailan ay hindi na sila magigising pa.
"I know you are a loyal dog. You got your reward I gave you myself, but you see I want to be safe and my safety is my first priority. My last reward for all your hard work and dedication to me is eternal rest. Goodbye!" kinakausap niya ang malamig ng katawan ng lalaki at itinapon ito sa dungeon sa ilalim ng kwarto niya. Pinakain niya ito sa mga malalaki at nakakadiri niyang alagang mga linta. Ang dungeon niya ay isang nakatagong silid na ipinagawa niya noon sa lalaki na sobrang tapat sa kanya at ngayon ay patay na at hindi man lang nito nalaman na ang ginawang dungeon ay ang magiging libingan niya.
Thank you po. Di po ako magsasawang magpasalamat sa inyo. Thank you. Thank you. Thank you. Just a few more chapters for the happenings when Wei got lost. I wanna hear from you guys. What do you think about this story? Still I'm so thankful for all of you out there reading my full of wrong grammar, wrong spelling and a lot of mistake story thank you. Love you all!