webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 8: Inis

"Pare naman. Joke lang namin yun.." habol sakin ni Bryle. Ewan ko kung sya lang o ang silang lahat na. Uuwi nalang ako. Bwiset!. Tama lang yung naisip kong matulog nalang sana.

"Jaden!. Hoy!.." tawag nila sakin pero hindi ko sila pinansin hanggang paglabas ng mall. Pumila ako sa sakayan ng jeep. Binabalewala ang tawag nila. Bahala sila dyan. Badtrip ako!.

"Kayo kasi eh. Porket mabait yung tao. Lagi nyo nang pinagtritripan." pangangaral sa kanila ni Ryan. Rinig ko ang ingay nila dahil nakapila rin ata sila. Nakapamulsa akong tinatanaw ang bawat jeep na lumalagpas. Iniiwasang dumapo sa gawi nila ang aking mata. Badtrip talaga ako!. Nag-aapoy pa rin ang mata ko sa inis.

Nang sa wakas may humintong jeep. Nag-unahan na ang lahat sa pagsakay. Bigla tuloy akong may naalala. Ganitong ganito yung eksena noong kasama ko syang sumakay ng jeep. Kaya hindi ko na noon napigilan ang sarili kong akbayan, yakapin at halikan sya. Ang amoy ng kanyang buhok. Hanggang ngayon, naalala ko pa rin. Ang lahat ng alalang kasama sya. Lahat bumabalik sakin. Pilit akong binabalikan. Pilit nito akong sinasaktan. Kahit wala sya dito. Kahit nasa malayo sya. Kahit wala syang ginawa sakin kundi titigan at ngitian. Damn!. How I miss her smile.

Nang makarating sa bahay. Dumiretso akong kwarto at humilata ng hindi pa nagpapalit ng damit. Agad kong binuksan ang cellphone na niregalo ni Mama sakin noong Christmas na touch screen. Saka naglog in ng facebook. Sinearch ko agad ang pangalan ni Lance. At duon na namalagi. Pinindot ko ang bawat litrato nya kasama si Bamby. Tinitigan at sinave saking cellphone.

Lahat ng post na kasama sya ay may caption na 'with gorgeous lil sis' o di kaya 'our beautiful princess'. Higit isang libo o aabot ng dalawa ang likes nito. Marami talagang maglalike dahil sa angkin nitong ganda. Na mas gumanda pa dahil sa ibang bansa na sya nakatira.

Kadalasan, larawan nya lang ang nasa timeline ni Lance. Ewan ko ba kung kay Lance ba itong Facebook o sya ang gumagamit. Napagkamalan pa silang magjowa.

"Ikaw pa rin hanggang ngayon.." Wala sa sarili kong bulong. Nagkamot ako ng ulo sa sariling kabaliwan.

Nagpatuloy ako sa pagistalk sa kanyang mga larawan. Hanggang sa umabot ako sa isang litrato nya. Nakaupo sya sa isang bench. Nakasampay sa sandalan ng upuan ang kanyang kamay. Balot ang katawan. Nakadekwatro pa. Mukhang winter sa panahon iyon. May caption ang post ng 'still you'. Malaki ang ngiti nya dito at napakaganda nya. Kulang nalang hindi ako kumurap kakatitig sa mata nyang kaytagal ko ng hindi nasilayan ng malapitan.

Maraming nagcomment dito pero iisa lang ang tumatak sakin.

Bamblebie. Yun ang pangalang gamit nya. At ang reply nya sa taong nagtanong kung sino ang tinutukoy nya ay, 'You know.him. .Stop asking. Haha...' kumalabog ng ilang ulit ang aking puso. Umaasang ako nga yun.

Pero pare!. Shet!. Sana ako pa rin!.

Pero bumaliktad din agad ang sikmura ko ng maalalang may boyfriend na pala sya. Binuhay kong muli ang cellphone ko saka pinidot ang pangalang gamit nya.

At, hindi na ako magtataka pa. Nakapribado ang Facebook nya. Kaya pala hindi ko mahanap o masearch man lang. Akala ko pa noong una, Wala syang gamit na social media sites. Yun pala nakaprivate lang.

Nagdalawang isip pa ako kung magsesent ba ako ng message o wag nalang?.

Pumikit ako. "It's now or never Jaden. Do it!.." pinapalakas ko ang aking loob. Isang mata kong tinignan ang message button. Pinindot ko yun at nagwave sa kanya. Saka mabilisang pinatay ang cellphone. Natatakot sa maaaring isagot nya. Damn!. Todo ang kaba ko. Sana magreply sya.