webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 9: Message

Natulog ako ng di na tinignan muli ang cellphone. Baka kung iseen nya lang eh. Di na ako makatulog pa. Inalis ko ang isiping hindi sya magrereply. Ginawa kong positibo ang pananaw ko para makatulog ako.

Bigla kong naramdaman ang pagdilat ng aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit?. Tiningala ko ang wall clock sa itaas ng switch. Ala una palang ng madaling araw. Madali ko itong nakita dahil sa ilaw na nanggagaling sa street na nasa labas. Nasisilawan nya ito. Bumalikwas ako at kinapa ang cellphone sa ilalim ng unan ko. Pinindot ko ang power para mabuhay. Wala pang ilang minuto. Gumana na sya at inopen ang data. Pikit mata kong hinintay kung tutunog ba ito o hinde. Kung sakaling tumunog, hudyat na may notification ako. Pero kung hinde, malamang, naseen zoned na ako.

Todo ang nararamdaman kong kaba. Para akong nasa isang paligsahan. Hindi normal ang kabang namuhay bigla saking dibdib.

Messenger tone.

"Tumunog!. Tang'na o!.." kulang nalang tumalon ako ng aking higaan. Manuntok ng pader at humiyaw.

F*ck!..

Di ko pa kayang tignan ang nagmessage. Mamaya nalang siguro. Iinom muna ako. Natuyot ang lalamunan ko dahil sa saya. Damn!.

"Oh, bat gising ka pa?.." muntik na akong mahulog ng hagdanan ng magsalita si Ate sa gitna ng dilim.

"Ate, anong ginagawa mo dyan?.." tanong ko matapos makabawi sa pagkakabigla.

"Wala pa kuya mo eh. Inaantay ko.." Anya. Nakaupo ito sa sofa. Nakapajama at sando. Nakahalukipkip na kalahati ng katawan nya ang nakahiga.

Dumiretso ako ng kusina. Kumuha ng baso at nagsalin dito. Saka bumalik sa may sala. "Saan ba sya pumunta?. Madaling araw na. Hindi pa umuuwi?.." pinindot ko ang ilaw sa tabi ng frame. Madilim kasi eh. Anong ginagawa nya sa dilim?.

"Ang sabi nya, maghahanap ng trabaho.."

"Ng bente kwatro oras?. hindi na paghahanap ng trabaho ang ginagawa nun ate.." paalala ko sa kanya.

Umiling lang sya.

"Naniniwala ako sa kanya Jaden.."

"Hanggang kailan ka ba magiging ganyan ate?.." mahinahon kong banggit. Kontralado para hindi mabulabog sina Mama sa pagtulog.

"Niloloko ka lang ng asawa mo. Bakit hindi mo yun makita?.." nagpatuloy ako. Ayaw ko syang pagalitan o pangaralan dahil mas matanda sya sakin. Pero, wala akong choice. Kahit na mas bata ako sa kanya, kung nakikita kong nasasaktan, niloloko at nagiging bulag na sya sa pag-ibig nya sa kanyang asawa. Paulit-ulit ko syang pagagalitan at susuwayin. Hanggang sa magising sya sa katotohanan.

"Jaden, hindi mo ako naiintindihan.." halos ibulong nalag nya ito. Tinitigan ko sya. Ngunit nag-iwas lamang ito ng tingin.

Bumuntong hininga ako.

"Alin ba ang hindi ko maintindihan?. Ang mahal mo sya at mahal ka nya?. Tangina!. Hindi ka naman bulag ate?. Pero bakit daig mo pa ang walang makita?. Sugarol ang asawa mo ate. Baka nga gumagamit pa ng pinagbabawal na gamot?."

"Hindi sya ganun?.." pigil nito sakin. Naluluha na ang mata.

Shit!.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang makita syang umiiyak.

"Kung hindi sya ganun? Ano sa tingin mo ang ginagawa nya ngayon sa labas ng ganitong oras?. Maghanap ng trabaho?. F*ck him!. Fuc*ing excuses!.." di ko na napigilang magmura sa kanyang harapan.

Bakit kasi sa dami ng lalaki, doon pa sya nagmahal sa taong manloloko at walang pakialam?.

"Matulog ka na. Ako na ang maghihintay sa kanya dito?.."

"Ako na Jaden. Matulog ka na.." pilit nyang sambit kahit basag ang kanyang boses.

"Ate?!." inis kong bulyaw.

Umiling na naman sya.

"Okay lang ako. Umakyat ka na.." hilaw ang ngiting ipinakita nya sakin.

Kung bakit nangyari ang bagay na ito sa kapatid ko?. Hindi ko alam. Mahirap kung sisihin ko pa sya. Nasasaktan na nga sya. Mas lalo ko pang dadagdagan.

Mataman akong tumingin sa kanya. Nakatanaw lang sya sa nakasaradong pintuan namin. Damn!. Ako ang nasasaktan sa ginagawa nya.

Nagkamot ako ng ulo saka nilapag sa harapan nya ang basong kanina ko pa hawak. Nakalimutan ko na ang uminom. Nawala bigla ang tuyot sakin. Napalitan ito ng galit. Galit sa taong hindi karapat dapat sa kapatid ko.

"Kapag walang dumating hanggang alas dos. Umakyat ka na. May anak ka ate. Sya nalang ang atupagin mo. Wag na yung iba dyan.." paalala ko dito saka umakyat na pabalik ng higa.

Tuloy nawala na sa isip ko kung sinong nagchat sakin. Binuksan ko ulit ang nakataob kong cellphone saka tinignan kung sino nga sya.

At!.

Sumilay na ang nawalang ngiti saking labi. Naningkit ang mata sa screen at sa mukha nya. Thanks God!. She waved back!.. She waved back!. SHE WAVED BACK!!!.