webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 38: Titig pa more

Pinark ko agad ang motor sa gilid ng kotse ni papa. Bumaba ako at binuksan ng maluwag ang tarangkahan para maipasok sa loob ni Lance ang sasakyan nila. Tinanggal ang helmet at hinawakan nalang. Tumayo ako sa gilid. Tabi ng mga halaman ni Mama para antaying makababa sila. Nang huminto ang makina nito. Doon naunang lumabas si Bamby. Inaayos pa ang buhok. Tinanggal ata ang tali kanina dahil laglag na ang makapal nitong buhok. Napalunok na naman ako. Bahagyang pinawisan ang noo. Susmaryosep!. Kamot ang ulong nginitian ko sya. "Tara na sa loob.." nahihiya pa ring alok ko sa kanya. Tumango sya at kasabay naman ng pagbaba ni Lance. Kaya sabay sabay na rin kaming pumasok ng bahay. Eksaktong naghahapunan na sila. Tumanggi silang kumain pero wala rin silang nagawa nang si papa na ang nagsalita. Sabay sabay nga kaming kumain. Magkatabi sina Mama, ate at Niko. At ako, walang choice kundi tumabi na rin sa kanya. Pinagigitnaan namin sya ni Lance. Nasa kanang bahagi si Papa. Sya ang namumuno sa hapag.

Matapos kumain. Nag-aya si ate na sa may kubo nalang magkwnetuhan. Hahabol raw si Kuya Mark mamaya. Si mama naman, umakyat sa taas dahil kanina pa walang tigil sa kakaiyak si Niko dahil sa sakit ng ngipin. Naiwan ako sa kusina dahil nagsipilyo pa ako at naghugas ng mga plato. Wala e. Kahit andito sya. Kailangang maghugas ng plato dahil araw ko ngayon para sa mga gawaing bahay. So no choice talaga ako.

"Di mo ba dala cellphone mo kapag nasa school ka?.." bumungad sakin ang tanong nyang iyon. Akala ko nasa labas na silang lahat. Naiwan pala sya dito. Susmaryosep Jaden!. Kalma!.

Di ko sya sinagot.

Pinunasan ang daliri sa tuwalyang nakasabit sa tabi ng pintuan bago ko sya nilapitan ng nakapamaywang. Hanep diba?. Lakas makagwapo ni boy!.

Nakatalikod kasi sya sakin. Tinitignan isa isa ang mga litratong nakasabit sa dingding. Kaya ang lakas ng loob kong pumorma sa kanyang likod. Parang tanga akong nakangiti sa kanyang likuran. Hay Jaden!..

Dinungaw ko sya nang matagal nitong tinitigan ang isa kong larawan. "Gwapo ba?.." subok kong tanong. Makaporma nga lang. Nakuha ko naman ang buo nyang atensyon. Nginiwian nya ako at binalik muli sa litrato ang tingin.

"Psh. asa.." bulong nya lang Ito pero dinig na dinig ko. Ngiting ngiti naman ako. Syempre. Inamin nyang gwapo ako. Susmaryosep!. Gwapo ka raw boy!. Shot na!.

"Talaga lang ha?. bat tinitigan mo pa rin yan, Hindi naman pala gwapo?.." humaba ng husto ang aking nguso dahil sa pagpipigil ng ngiti. Damn!. Baliw na nga ata ako.

"Stop hittin' on me Jaden. baka di mo magustuhan kung ako ang mantrip sa'yo.. " kita ko ang ngiti nya kahit nakatagilid pa sya sa akin. Bakit kahit gilid lang ng mukha nya ang nakikita. ko?. Ang ganda nya pa rin.

"Bakit bawal ba?.. tsaka wala na akong pakialam kung pagtripan mo ako.." di ko na napigilan pa ang ngiting abot langit na sa kilig. Kingina!. Di ko na naman mapigilang magmura.

"Oo. Wala ka pang permiso e.." kibit nya ng balikat.

"Bigyan mo ako ng permiso kung ganun..." lumipat naman sya sa isa pang litrato. Nakaside view pa rin sakin. Sinundan ko sya. Gaya pa rin ng pwesto kanina. Nakaside view sya pero nakadungaw ako sa kanya.

"Pag-iisipan ko.."

"Bakit hinde palang ngayon?.."

"Gusto mo bang wag ko nalang pag-isipan?. Sabihin mo lang..." ang talino talaga ng taong to. Binabalik tanong sakin. Sarkastiko pa.

"Sabi mo nga... pero papayagan mo ba ako kung liligawan kita?.." it's now or never nga boy diba?. Kaya bahala na.

Nagkibit lamang sya ng balikat. "Pag-iisipan ko.." Anya pero sumilay ang ngiting tinatago nya kanina pa. Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat para iharap sya mismo sakin.

"Tatanungin kita ulit. Papayag ka ba kung liligawan kita?.." kumurap lang sya.

"Jaden. I said stop hitting me..."

"Bamby, I'm not hitting you. I'm just... still likes you.." nawalan ako ng hininga ng ilang segundo. Shit!. Cpr please!.

Natameme sya sa mukha kong mukhang kamatis na sa pula. Itinikom nya ng mariin ang kanyang bibig. Hindi nagsalita. Wala syang sinabi.

"Mahirap magdesisyon ngayon. Hindi pa kasi ako pinapayagan e.."

Damn!. Anong sabi nya?. Pakiulit nga!..

"So, papayagan mo ako, Kung ganun?.." naexcite ako bigla. Umaasang tatango sya at sasabihing oo.

"Kakausapin ko si tito at mga kuya mo. Payagan lang ako.."

"Talaga?. Gagawin mo yun?.." nauutal nyang tanong. Teka. Kinakabahan ba sya?. Susmaryosep!. Ang gwapo mo boy!!.

"Para sa'yo. Gagawin ko. Diba sinabi kong gusto pa rin kita. Kaya lahat gagawin ko. Makuha lang kita..." seryosong tinitigan ko sya sa mata. Pero mabilis nyang tinakpan ang mukha ng kanyang mga palad. Tahimik akong humalakhak at tumingala. Nagpapasalamat sa nakikitang reaksyon nya. Damn!. I love you now!.