webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 37: Inlove eh

Yung sinabi kong wag sabihin sa iba. Ipinagkalat ni Kian sa buong tropa. Tuloy, tampulan na naman nila ako ng tukso hanggang uwian.

"E anong plano pre?. haranahin mo kaya?..." suhestyon sakin ni Dave habang papasok ng parking lot. Nasa balikat ko ang kamay. Hawak ang strap ng aking bag. Si Dave lang ang nakasabay kong pumunta dito dahil yung iba. Nauna nang umalis. Magroroadtrip daw sila. E hinde ako sumama kasi nagtext si ate na may pupuntahan raw kami ngayon. Si Dave naman. Hinde din sumama dahil susunduin pa raw nya mama nya sa grocery store. Pinaayos pa raw kasi yung isa nilang sasakyan. Yaman!. Kami. Medyo lang.

"Try ko. Pag pinayagan na akong manligaw.." Yun naman ang totoo. Di pa sigurado kung papayagan ba ako nila Lance o hanggang duon lang ako sa kaibigan lang. I'm torn between just a friend and a lover.

"Hinde ka pa ba nanliligaw?.." anya.

Nagkibit balikat lang ako. "Hinde pa sa ngayon. Pero sana, payagan.."

"Payagan ka yan bro. Si Lance pa.." tinapik ako sa balikat ng dalawang beses. Pinapalakas ang loob ko.

Sana nga.

Nagtuloy tuloy pa ang kwentuhan namin hanggang sa marating ang lugar ng motor ko at ng kotse nya. Magkaharap ang mga ito. Daanan lang pagitan nila.

"Una na ako bro.. ingat.." pinatunog nito ang sasakyan bago buksan.

"Ge. ingat ka din bro.." kaway ko dito pero nabitin sa ere ang kamay ko nang biglang magheadlight ang sasakyang katabi ng kotse nya. Kumunot ang aking noo dahil sa ilaw nito. Magagalit na sana ako sa taong may-ari noon ng lumabas ang bulto ni Lance na nakapamulsang nakatingin sakin.

Imbes na ibaba ang kamay. Idinaretso ko ito saking buhok saka ito hinagod patalikod. Bigla akong nilamon ng kaba. Susmaryosep!!. Bakit sya andito?.

Namatay ang headlight ng sasakyan nya. Naglakad ako palapit sa kanya. Inistart naman ni Dave ang sasakyan nya ngunit pinatay din ng makitang maglakad ako sa gawi nila.

"Napasyal ka pre?.." bungad ko sa kanya. Kumalabog ang pinto ng isang kotse. Mukhang bumaba si Dave. Hindi nga nagtagal nagsalita sya. "Pre?.." takang tanong nya kay Lance. Tumango lang ito sa kanya tapos bumaling ulit sakin.

"Pauwi na ba kayo?.." tanong nya. Direkta ang mata sakin.

"Pauwi na sana. Anong ginagawa mo dito?.." kinakabahan kong sambit.

Lumingon sya sa sasakyan. Parang may tao sa loob. Hinde ko makita kasi tinted yung bintana nya. "May binigay kaming donation kanina.."

"Kami?..sinong kasama mo pre?.." si Dave.

"Si Bamby. Gusto nya raw makitang muli itong school. Kaya sinama ko sya.." kumalabog ang pintuan ng kanilang sasakyan. Iniluwa ang bulto nya. Parang bumaba sa langit ang kanyang ganda. Nakatali ang mahaba nitong buhok na pinaikot sa kanyang tuktok. Mapula ng bahagya ang kanyang labi. At parang ganun rin ang kanyang mga pisngi. Napalunok ako ng magtama ang aming mga mata. Susmaryosep Jaden!.. Baka makalimutan mong huminga dyan. Mahimatay ka.

"Hi Bamby.." bati sa kanya ni Dave sabay akbay sakin. Hinarap nya kami. Lihim kong nilinis ang lalamunan ng makita ang kanyang suot. Sobrang iksi ng short nya bro. Lantad tuloy ang makinis at mahaba nyang mga binti. Kulang nalang tumulo laway ko. Damn!. Mabuti pa yung pang itaas nya. T-shirt na mukhang sobrang luwag naman sa kanya. Bakit kung kailan kinulang ang short nya duon naman sumobra ng laki ang suot nyang t-shirt?. Pinagpalit nalang nya sana. Susmaryosep Bamby!. Tinabihan nya si Lance na nakapamulsa pa rin hanggang ngayon. Binaba ko ang tingin upang iwasan ang mata nya at para makakuha rin ng hangin ngunit sa mga paa nya lang din dumiretso ang malikot kong mata. Suot nito ang flip-flops na itim. Mas lalong lumabas ang malaporselana nitong balat.

Binasa ko muna ang mga labi bago umayos ng tayo. Nagdiwang agad ang puso ko ng makita ang ngiti nyang kaytagal kong hinanap. "Hi..." bati nya samin ng nakangiti. Susmaryosep!. Bat ang ganda mo?. Wag kang masyadong ngumiti sa iba. Baka mainlove sila sa'yo.. Kinurot ni Dave ang balikat na pinagpatungan ng kanyang braso. Nalilito ako kung anong sasabihin. Fuck!. Isip boy!..

"Hi..." parang tanga lang. Susmaryosep Jaden!. Umayoss ka nga!.. Tumambay na sa kanya ang aking mata. Nawala lang ng tumikhim ang kapatid nya.

"Ehemmm.." nahihiya akong tumingin kay Lance. Ano ba?.

"Sabay na kami sa'yo Jaden.." Anya.

"Huh?.." gulat kong tanong. Nalilito. Nahihilo sa kanyang sinabi.

"Nagtext si ate Cath sakin. Di na raw sya makakapunta ng bahay dahil gabi na raw para kay Klein. Excited kasi tong si Bamby na makita baby nya. Kaya kami nalang ang pupunta sa inyo.." paliwanag nya bigla.

Ito ba yung sinasabi ni ate sakin?. Sa bahay nila kami pupunta?. Ate!!..

"Ahhh.. hehe. sige. mas mabuti pa nga.. Gabi na rin kasi.." mabuti nalang at di nagtuloy tuloy ang pagbuhol ng aking dila. Dahil kung ganun ang nangyari. Nakakahiya sa kanya. Sa kapatid nyang mariin kung tumitig sakin. Susmaryosep!!.

"So tara?.." sya ang nagtanong nito. Nakanganga akong tumango sa kanya. Kingina mo boy!.

Nagpaalam rin si Dave samin dahil ibang daan ang gawi nya. Sumakay ako ng motor ng nanginginig at may halong ngiti. Pupunta sya ng bahay. Naman boy!. Araw mo ba ngayon?. Nakita mo sya e. At mukhang makakasama mo pa sa bahay nyo. I declare this day as a lucky day!.. Ilang ulit pa kong sinutil ng isip ko na lihim ko ring kinokontra. Pinalis ko iyon saking isip ng makitang pumasok na sila ng sasakyan. Isinuot ko ang helmet saka sinaksak ang susi para istart ang motor. Nauna akong nagmaneho. Nakasunod lang sila sakin. Pero, pakiramdam ko. Nauna nang nakarating sa bahay ang kalahati ng katawan ko. Nakalutang habang nagmamaneho.