webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 24: Baliktad

Dati, sya ang tumatawag sakin. Voicemails, texts, maging ang sa chat at video calls. Lahat iyon noon ay ginagawa nya para lang kausapin ako. Para maawa ako sa kanya at sabihin ang dahilan ng mga tanong nya. Pero hinde. I declined all of his calls and texts. Binalewala ko iyon sa paraang ayaw ko man o hinde. At times, may mga araw na I'm tempted to answer it pero sa tuwing nasa harap ko na ang nagrereklamong cellphone. Tumigil na. Nanghihina kong tinititigan dati ang gamit sa tuwing wala ng buhay na nadadatnan ko I know what he's been through right then. Alam ko ang pakiramdam na parang wala kang halaga sa taong mahal mo. Masakit iyon. Na kung magpapakalunod ka kakaisip, talagang matatalo ka nito.

But now?

Ako naman ngayon ang nalulunod kakaisip sa kanya. Tinatawagan ko sya pero bigo lamang ako. Wala pa ni isang tawag ko ang sinagot nya. I've texted him hundred times, explaining, apologyzing and asking for his forgiveness but, he never replied. I've been sending him some voicemails and even chats and video calls too but just like noon, di nya iyon pinansin. At binalewala rin tulad ng ginawa ko. Damn! O well!. What goes around, comes around. I get it!. Binabalik nya sakin yung ginawa ko sa kanya noon. Nakonsensya ako ng sobra.

"You deserve that Bamby!.." sutil ko din saking sarili. Nawawalan ng lakas sa pagtatangkang baka sagutin nya ngayong araw ang tawag ko. Baka sakaling matunaw ang tumigas nyang puso sa pangungulit ko. Umaasa ako pero bigo lang din ako sa lumipas na oras.

"You wanna come with me?.." kuya Lance asked. Tinutupi nito ang long sleeve nyang polo na kulay white hanggang siko. Nakaayos ang buhok at faded maong jeans pares ng leather boots nya. Saan kaya punta nya?.

"Where?.." I asked dahil di ko naman talaga alam kung saan nya ako gustong dalhin.

"Susunduin ang puso mo.." biglang sulyap nya sakin. Abala sa pagbubutones ng kanyang polo.

Agad nanlaki ang mga mata ko.

"What!??." di ko napigilan pa ang pagtaas ng aking boses. Napansin nya iyon kaya mahina syang ngumisi sa paraang alam nya kung paano ako asarin. Damn it!

"Sa puso mo nga.."

Umiling ako. Di naniniwala.

Inilingan nya rin ako. "You don't believe me huh?.." di makapaniwala nyang sambit. Pagkatapos ayusin ang butones ng polo ay ang kanyang buhok naman ang hinawakan. Maayos naman na yun. Bakit kailangan pang ayusin?. Ang arte! Psh!

"You're joking right?.." konti nalang. Maniniwala na ako.

Pagdating kay Jaden. Maaga akong bumibigay. Kahit na kuya sounds like joking or just teasing me right now?. May parte pa rin sakin ang gustong maniwala sa sinasabi nya.

Nagkibit sya ng balikat sabay nguso. "Am I?.." seryoso nyang sagot. Shit!!

Natigilan ako. Maging ang pagsayaw ko sa inaantok ng si Knoa ay nahinto. Napako ang paa ko sa sahig na kinatatayuan ko. "What the hell kuya?. are you freaking serious!?.." I am freaking out!. Gosh!. Seryoso ba talaga sya?.

"Why are you cursing me huh?. I'm just here to inform you that. what's the matter?.." tanong nya na di ako tinatapunan ng tingin.

I tried to read his body language sa harap ng salamin. Nasa sala kami ngayon sa taas. Nakaon ang tv pero mahina lamang ang volume nito. Palikod at paharap pa nya kung tingnan ang sarili sa salamin. Tumutuwid at kung minsan ay bumababa ang kanyang katawan pero naglilikot ang kamay nya sa buhok nyang maayos naman na. Oh boy!. Your hands are trembling!. Di mo ako maloloko.

Kumawala ang malakas na buntong hininga sakin. "Psh!. get lost!.." mariin at madiin kong himig.

"What!?.." napaharap sya samin matapos kong sabihin na bahala sya sa buhay nya. Di ako naniniwala. Namaywang sya't tinignan ako ng salubong ang kilay.

Tsk!

"Ayaw mong maniwala?. Sige. Bahala ka.." banta pa nya bago ako tinalikuran. Humakbang sya ng dalawang baitang sa hagdan saka muling humarap sakin. "By the way, he's not answering all your calls because he's really mad at you. Don't assume.."

"I'm not, duh?.." putol ko sa kanya. Inirapan.

Nginisihan nya lang ako. Tinaasan ng kilay. "Really huh?. Let's see later.." ayun lang at presko na syang bumaba.

Di na noon napalis ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Masyado akong nababangag sa kabog nito. Na kahit ang iyak ni Knoa ay di ko madinig.

"Hey.." noon ko lang natanto na kanina pa pala ako tulala. Di pa ako napakurap kung di pa ako pinitik ni kuya Mark sa noo. Gwapong gwapo ito sa suot nyang kulay asul na suit.

"Muntik nang mahulog si Knoa. What's up with yah?.." anya habang kinukuha ang bata saking kandungan.

Nanuyot bigla ang lalamunan ko. I don't know! Aligaga kong kinapa ang buong katawan at mukha nya. "Baby.." naiiyak kong sambit sa mga braso ni kuya. Tumatadyak ang kanyang mga paa habang nagpapacute sakin. "I'm sorry, baby..."

"Ano bang nasa isip mo't napapabayaan mo na ang anak mo?.."

"Wala kuya.." pagsisinungaling ko. Kinakapa pa rin si Knoa.

"Si Jaden ba?.." tukoy nya. Napamaang ako. Di alam kung tatango ba o kung iiling. "Bigyan mo sya ng kaunting oras. Kailangan nya ring mag-isip. Baka naguguluhan pa sya sa lahat ng nangyari.."

"Pero sana naman, kahit sagutin man lang nya ang tawag o text ko.." mahina kong sambit. Nagbaba ng tingin sa hiya.

"Intindihin mo rin sya Bamby. Nagulat din yung tao. Kami nga eh. Di nya alam na buntis ka at lalong nagalit sya sa pagtatago mo tungkol doon.." dumaan ang sakit nang lumunok ako kahit tuyot ang lalamunan. Pilit ko naman syang iniintindi pero bakit di ko maintindihan?. I get it na tinago ko iyon sa kanya. Nilihim ang tungkol kay Knoa pero bakit sa ginagawa nya, parang gusto nyang ibalik sakin ang sakit na ginawa ko noon. "Lagi syang umiiyak noon. Nagmamakaawa samin ng kuya Lance mo na sabihin kung anong nangyari sa'yo..pero laging tikom ang aming labi para sa kapakanan mo.. ginawa namin yun di para kunsintihin ang paglayas at pag-iwan mo sa kanya.. naisip lang namin na siguro may nangyari at malalim ang dahilan mo kaya ka humantong sa ganuong desisyon..." mahabang paliwanag nya.

Naitikom ko lalo ang labi. "Understand him too Bamby."

"Paano naman ako kuya?.." agap kong sambit. Nagbabadya ang luha saking mata. "Wala sya noong panahong kailangan ko sya?...nagpakasaya sa ibang babae?. " ayoko sanang isumbat iyon pero di ko na talaga napigilan pa. Nagpupuyos ang aking damdamin.

"Natanong mo na ba sya tungkol dun?. Bamby, sa isang relasyon ay di dapat kayo nagsusukatan.. if you really love him, understand him.. kilala mo sya diba?. " iniwasan ko ang tingin nya sa tuwing hinahanap nya ang aking mata. "Sometimes the best way to appreciate something is to be without it for a while.. bigyan mo pa sya ng oras.. at. ikaw rin.. para makapag-isip ka kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo.. kung gusto mo pa ba sya bilang parte ng buhay mo, maging tatay ng anak mo at magiging pa, at makasama sya habang buhay..." hiningal sya sa haba ng kanyang sinabi. "Wag mong hayaan na maulit muli ang pagkakamaling nagawa ko.." malungkot nyang sabi. Pinaharap nya sakanya si Knoa. Hinawakan ang likod nito saka tinapik ang bandang pwetan. Ang Alam kong tinutukoy nya ay ang relasyon nila ni ate Cath. "Nagmahal ako minsan pero dahil sa hindi ako nakuntento. Naghanap ako't duon na tuluyang nawala ang taong pinakamamahal ko.." tiim bagang ko syang tinitigan. Malungkot nya akong nginitian. "Kaya kung ako sa'yo, magtiwala ka lang sa kanya.. maghintay kasabay ng di pagsuko at sabay labanan ang pagsubok na to.. mahal ka nya Bamby.. alam ko iyon simula palang ng makilala ka nya.."

Naglandas ang di ko namalayang luha saking pisngi. "Alam kong mahal na mahal mo rin sya.. at lalong minahal ng nabuo si Knoa.. believe me.. di ka rin nya yun matitiis.." Tumatango tango ako habang sa sahig nakatingin. Nahihiya sa nasirang gripo saking mata.