webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 23: Mama

"Anak.." malambing na tawag ni mama sakin ng umaga na. Mugto pa rin ang aking mga mata kakaiyak at sa puyat. Di ko na matandaan kung anong oras ako nakatulog kagabi. Hindi lang simpleng iyak ang nangyari sakin. Iyak na naipon sa loob ng ilang buwan. Sakit at pagsisisi. Lahat ng iyon ay bumuhos bilang luha sa akin at hinayaang kumawala. Luhang kayhirap kimkimin pagdating sa taong mahal natin.

Kinausap ako ni kuya Lance kagabi pero sa dami ng sinabi nya, wala akong matandaan o naintindihan man lang. Lahat ay malabo.

"I heard it from your kuya.." Anya at hinaplos ang aking buhok. Nangilabot ako ng di matukoy na dahilan. Kinagat ko lamang ang ibabang labi upang di maluha. "I wish you're okay.." dagdag nya na mabilis kong inilingan. Bahagyang huminto ang kamay nyang humahaplos saking buhok at natahimik. Bakas sa kanya ang pagkabigla. Di nya yata inexpect ang sagot na iyon mula sakin.

"Hindi ako okay mama.." parang bata kong sumbong sa kanya. Pumiyok pa ako sa dulo dala ng nagbabarang bagay saking lalamunan. Muli na namang nag-init ang buong mukha ko at ang gilid ng aking mga mata. "I don't know now how to be okay po.." nasabi ko iyon sa pagitan ng mga hikbi ko. Nakayuko na sa tabi ng crib ni Knoa. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Walang kamalay malay sa pinagdadaanan ko.

Wala na eh. Pumigtas na ang manipis na taling kinakapitan ko upang di nila makita na mahina ako. Napigtas na ang taling ginawa ko upang magpanggap na malakas ako kahit ang totoo ay, kabaligtaran noon ang lahat. I'm too weak na kulang nalang ay di ako makatayo sa lahat ng nangyayari sakin. Hindi ko iyon ininda noon, pero ngayon?. Nakakapanghina ang malamang hindi lang pala ako ang nasasaktan. Sya rin pala. At huli nang matanto ko iyon.

"Shhhh.. tahan na.." alo sakin ni mama saka ako kinulong sa kanyang mga bisig at niyakap ng mahigpit.

"Magiging okay din ang lahat.." She said. Sana nga maging okay pa ang lahat. Sana, pakinggan pa ako ni Jaden. Buo na ang loob kong magpaliwanag at sabihin sa kanya ang nasa isip ko. Sasabihin ko lahat, basta makinig lang sya at wag aalis sa tabi ko.

Minuto ang lumipas bago ako tuluyang kumalma. Kinarga ni mama si Knoa na kanina pa kinukumpas ang kanyang mga paa. Nakangiti sya sakin pero luha ang nakikita nya sa mukha ko. Nakakahiya!

Mabilis kong pinalis ang luha doon saka sya kinuha kay mama.

"Anak, pwede ko bang malaman kung anong nangyari?.." bakas ang takot sa pagbigkas nya sa tanong. Kinarga ko ng maayos si Knoa at niyakap.

Lumunok ako't nung pumikit. Saka humugot ng hininga ng imulat ang aking mata na eksaktong tumama sa kanya.

"It was the day nung result ng exam ma.." unang kwento ko. Inalala ang araw na iyon. Naiinis ako!. Gusto kong sabunutan ang buhok ng taong gumagawa sakin neto!

Tumango sya at inayos si Knoa saking braso. Naglilikot na kasi. Walong buwan na sya at ang kulit na nya.

"I called him para ibalitang nakapasa ako pero iba ang sumagot sa kanyang cellphone.."

Tahimik lang sya. Tinignan nya ako na para bang binabasa ang laman ng isip ko.

Nagkagat ako ng labi bago nagpatuloy. "It was my cousin who answered the call.."

Di ko alam kung nagulat ba sya o hinde. Di rin kasi nagbago ang itsura ng mukha nyang seryosong nakatitig sakin sa mata.

"Veberly?.." mahina ngunit dinig na dinig ko kung paano nya banggitin ang pangalang iyon. Madiin at may pagkayamot.

Bahagya akong pumikit para pakalmahin ang sarili sa nag-aapoy na namang galit. isang minuto ang pinalipas ko bago dumilat at tanguan ang kanyang tanong.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan nya. Dismayado ang makikita sa kanyang mukha. "Pinagsabihan ko na sya noon pa. tsk..hay!.." she's really disappointed.

Gaya rin ako noong una. Maraming tanong ang gumugulo sakin tungkol sa kay Veberly. Anong nasa isip nya't ginagawa nya ang di dapat?. Ang kumanti sa may karelasyon na?. Para maglaro ba?. Tsk!. Di ba sya natatakot?. Alam rin naman na nyang boyfriend ko si Jaden pero patuloy nya pa ring pinagpipilitan ang kanyang sarili rito. Ganun ba sya kauhaw sa atensyon ng ibang tao?. Di ko naman pinagdadamot ang mahal ko pero sa pinapakita nya't ginagawa. Wala akong ibang magawa kundi pagdamutan sya.

"Doon ako nagdesisyon na wag sabihin kay Jaden ang tungkol kay Knoa ma.." Sabi ko matapos ikwento ang buong detalye kung bakit ako umalis ng bahay ng di nila alam. "I was hurt that time at ang naisip kong gawin lang noon ay ang magpakalayo sa lahat.."

Matagal syang natulala sakin.

"I'm sorry anak.. di ko alam.. di namin alam.. kung sana.." tumigil sya't huminga. "Kung sana pinakinggan ka namin noon bago hinusgahan at paruhasahan sa pamamagitan ng di pagpaparamdam sa'yo na we don't care about you and to our coming apo.." umiiling sya. "Sana di na umabot pa sa ganito.."

"I'm sorry, mali ang desisyon naming pabayaan ka nalang.. tama nga si Lance, hindi kami naging mabuting magulang sa'yo.."

"Ma, hindi yan totoo.." nangilid ang luha nya. Kaya di ko rin mapigilan ang maluha.

Ngumiti sya kahit na puno ng luha ang kanyang mata. "Sa galit namin noon sa'yo, hindi ka namin hinanap. Imbes nagmatigas kami ng papa mo na uuwi ka rin pag wala ka ng matakbuhan.."

Ang sakit naman, pero...

"Pero kahit na ganun ang sinasabi namin sa kuya mong di tumigil sa paghahanap sa'yo, totoong nag-alala pa rin kami lalo na sa kalagayan mo anak.." nagbaba sya ng tingin. Naibsan ang tumutubong tampo. "Lihim kaming naghanap ng papa mo sa loob ng ilang buwan.. di namin alam kung saan mag-uumpisa pero naghanap pa rin kami.. baka sakaling nasa malapit ka lang..."

"Ma?.." pigil ko sa kanya pero di sya nagpatinag.

"Hanggang sa dalawang buwan na kaming naghahanap pero wala ka paring bakas.. nanlumo kami't sumuko nalang.. thanks to Lance, desedido talaga syang hanapin ka, kahit pa sa malayo." nilapitan nya ako't pinunasan ang huling luha saking mata. "Sorry dahil di kita naalagaan.. sorry.. kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan ang pagbalewala ko sa'yo.. nakakadurog ng puso.. ayoko ng ulitin.. masakit palang makitang nasasaktan ka..anak.." tapos ay niyakap nya ako. Sa pagitan ni Knoa. "Promise, magiging mabuting nanay na ako sa'yo.."

"Ma naman eh. wag mo namang sabihin yan.. wala akong masabi sa inyo ni papa. Binigay nyo ang lahat sa akin. And I'm thankful for having you in my life. Ako ang nagkamali hindi po kayo.. Mali po ang desisyon ko at deserve ko po ang binigay nyong trato.. deserve ko po ang galit nyo at parusa.." Lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin.

"Mahal kita baby ko.. kahit may anak ka na.. tandaan mong andito lang si mama.. you have my back.."

"Thank you ma.. namiss po kita ng sobra.. I love you.." humalik ako sa kanyang pisngi bago sya kumalas ng yakap sakin dahil umaatungal na si Knoa sa pagitan namin. Pareho kaming natawa ng magkatinginan.

"Tapos na ba ang drama?. Pwedeng paarbor muna si Knoa.. maglalaro lang kami ng table tennis.." biglang sulpot ng boses ni kuya Lance sa likod ng pinto saka sya preskong naglakad palapit samin. Nakaawang pala ang pinto. Kaya siguro narinig nya kami.

"Oh Lance?. You eavesdropped us?.." sutil ni mama sa kanya ng kuhanin nya si Knoa sakin. Nilampasan nya ito.

"Not my fault.. iniwan nyong nakabukas ang pinto.." anya kay mama. Tumaas ang sulok ng labi ni mama at tumingin sakin ng makahulugan.

I know what she's thinking!

Nang nakaupo na sya't lahat. Nilalaro na si Knoa. Sabay naming syang nilapitan ni mama saka pinaulan ng halik ang buo nyang mukha.

"What the hell!!.." reklamo nya samin pero pinaulan pa rin namin sya ng halik. Wait till he got mad!

"Mama!!?." yan galit na sya!.

Hay!..

Jaden, wait me please. Don't give up on me!