webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Ulan (3.2)

"No, that's not the right procedure kailangan mo munang gisahin ang bawang at sibuyas" tuluyan na kaming pumasok ni Kokoa sa loob ng walang kaproble-problema.

Kailangan naming umaktong parang wala lang, mahirap na kung mahuli pa nila ang aming inaaktong ito.

Agad kaming dumiretso sa lutuan kung saan kasalukuyang nagluluto na silang dalawa.

"Ang bobo mo pre, huwag mong gisahin ang toyo ano ka ba! Minus points iyan kay Uncle Hosea, ano ba ang lulutuin mo ha? Ginisang toyo?" kung may papel lang sana akong hawak ngayon ay pinakain ko na dito kay Kokoa, ang ingay-ingay eh.

Pinukulan siya ng masamang tingin ni Akari na kasalukuyan nang naghihiwa ng manok.

Pinandilatan naman kami ni Ebonna na abala ngayon sa pagpapakulo ng tubig.

"Bakit kayo nandito, ano ba ang kailangan niyo?"

"Bawal bang pumarito? Isusumbong kita kay Ate Eebonee diyan, hindi naman tagaluto ang isang iyan bakit mo pinapapasok dito?" inirapan siya ni Ebonna.

"Ano ba ang pakialam mo ha? Tinuturuan ko lang naman ang tao"

"Seriously ebonna? Bakit nung ako at sina Fausty ang nagpapaturo sa iyo ay hindi mo kami binibigyan ng chance?  Is he somewhat more SPECIAL to you than your cousins?" napaiwas siya ng tingin kay Kokoa.

"Y-yes? It is rare kaya to find true friends in this world, kaya I treasure every moments nalang with him?" hindi siya makatingin sa amin ng diretso.

"Friends lang ba talaga? Ebonna, hindi mo ba alam na nagtitimpi ngayon si Kuya Uno mo? Binibigyan ka niya ng payo about dito tapos ay binabalewala mo lang pala? I pity Uno about this, really"

Nagbibiro lang ba si Kokoa o totoo ang mga sinasabi niya ngayon? Hindi ko naman nakikita kanina sa mukha ni Uno na nagtitimpi siya, may nagtitimpi palang naglalaro ng holen?

Akala ko ba ay magmamanman lang kami sa dalawang ito, bakit parang nanggigigil na ngayon si Kokoa sa kanila?

Mariin na sinukbit ko ang aking kamay sa kaniyang braso matapos ay hinarap sina Ebonna.

"Nais lang kasi sana naming uminom ng tubig kaya kami nandidito, hindi ba kokoa? Padaan nga" pinukulan ko muna ng masamang tingin si Akari bago kami lumabas sa cook room.

Agad kaming dumiretso sa dalawang babae na nagbabantay nitong house bar ni Uncle Eemanuel.

House bar ba o bar house?

Huwag na natin iyang pag-usapan, pareho rin naman siguro ito ng depinisyon.

"Blanny, tubig nga isang baso" utos ko sa babaeng may pangalang Blanny, hindi na siguro ako mahihirapang tanungin kung ano ang pangalan ng mga nagtatrabaho rito dahil may mga suot naman silang name tag.

"Malamig po ba?"

"Maligamgam"

Napaupo ako sa mga nakahilerang silya ganun din si Kokoa na kasalukuyan nang nakasimangot.

"Nakakahalata na iyang mga kilos mo Kokoa ha" hindi siya sumagot sa akin.

Tinititigan niya lamang ang mga bote ng alak na nakapaskil sa aming harapan.

"Ito na po, Sir" nginitian ko lamang si Blanny nang ilahad niya na sa akin ang tubig.

Mahigit limang minuto na rin kaming nanatili lamang nakatahimik nang biglang magsalita itong si Kokoa.

"Hindi mo ba pinagsisihan ang nagawa sa iyo ni Papa?" nilagok ko muna ang natitirang tubig sa aking baso matapos ay hinarap siya.

"Nagpapasalamat pa nga ako dahil pinaramdam niya sa akin ang ganoong buhay, sa totoo lang ay mas gugustuhin ko pa ang buhay ko kapag nasa ganoong estado lamang kami" napaharap na rin siya sa akin ngayon habang nagyuyukong nilalaro ang takip ng alak.

"Iyong mga panlilinlang niya sa'yo?" napatahimik ako saglit.

"Hindi ko alam kung kasalanan niya o sariling pagkakamali ko lamang ang lahat ng iyon, mahirap kasing unawain ang isang umid kaya minsan ay nagkakamali ako ng hinala" napapatango-tango siya sa akin na para bang sumasang-ayon.

"Kung magkakaroon man ako ng mga anak sa susunod, gagawin ko rin ang tradisyon" napatitig ako sa kaniya nang sabihin niya ito.

"Pero dapat ay kompleto kami, gusto ko ako at ang magiging asawa ko ang magpapalaki sa mga anak namin, hindi kagaya ng ganito" pakinig kong aniya.

Kung tutuusin ay ganun din ang aking binabalak sa susunod, gusto kong mabuhay ng payapa at masaya. Wala na akong pakialam kung kakapusin kami sa pera, mapupulot din naman iyan kapag mayroon ka ng trabaho.

"Ayokong maging mayaman sa totoo lang"

Ramdam kita, Kokoa.

"Kung sakali man na matatanggap pa rin ako ni Eftehia sa kaalamang isa lamang akong dukha, diretso ko na siyang ihaharap sa altar kahit pagbabarilin pa ako ni Akiran"

Sa paraan palang ng pagsasambit niya sa mga salirang iyon ay alam ko ng pursigido siyang makuha si Eftehia.

Hindi ba siya napapangitan sa boses nito?

Kapag tuluyan na talagang nahulog ang damdamin mo sa isang tao ay mapapamahal ka nalang sa mga katangian niya kahit na ito ang mga kamuhi-muhing bagay na taglay niya.

"Kailan ba kayo unang nagkakilala?" kumuha siya ng isang baso at isang hiwa ng limon.

"Mga 3 weeks palang siguro?" napaawang ang aking bibig nang marinig iyon.

Agad ko rin itong tinikom.

"Ano ba ang nagustuhan mo sa kaniya at parang patay na patay ka?" matamis siyang napangiti na parang inaalala ang mukha ni Eftehia.

"Hindi ko alam pre, ang lakas lang ng dating niya sa akin eh. Hindi naman ganun ang standards ko pagdating sa babae" umiiling-iling ako habang nilalaro ang aking kamay.

Nilahad ko kay Blanny ang basong aking ginamit matapos ay napatayo na.

"Maliligo ako ng ulan sa itaas, sasama ka ba?" napatayo na rin siya sa upuan habang inaayos ang kaniyang damit.

"Bakit naman hindi?" nauuna na akong humakbang papalabas ng dining room habang nakabuntot sa akin itong si Kokoa.

"Papaano na pala sila Ebonna sa loob?" napaismid ako nang maalala ang dalawang iyon.

"Hayaan mo na, nagluluto lang naman sila dun eh"

Biglang bumungad sa amin ang nagsisigawang tatlong f's ni Uncle Ouran at magkambal na sina Uno at Dos maging si Kaisa na kasalukuyan pa ring naglalaro ng holen kahit masyado ng malakas ang pagpatak ng ulan.

"Mapanlinlang ka talaga Kuya Uno! Doon ka nakapwesto kanina eh, bakit ka na napadpad diyan?" hindi ko lubusang marinig ang kanilang mga boses dahil sa lakas ng ulan.

Masakit rin ang pagtama ng mga nagpapatakang tubig sa aming balat pero masarap sa pakiramdam lalo na at marami kami dito.

"Bakit mo tinira ang pambato ko fausty, akala ko ba ay magkakampi tayo?" pakinig kong yamot ni Floro sa kakambal.

"Ligo tayo dagat!" malakas na sigaw ni Kokoa na nakapagpabaling sa atensyon nilang lahat.

Mayroon na siyang suot-suot na malaking salbabida sa tiyan habang hila-hila ang sandamakmak na salbabida sa sahig.

"Kuya, alam mo namang hindi ako marunong lumangoy" reklamo ni Kaisa na ngayon ay nasa tabi na ni Kokoa habang nakasimangot.

"Don't worry, Kuya will teach you how to swim"