"Silly bastards! Paano kung hindi kayo binantayan ni Manong Karlos dun? Malapit na kayong mamatay dahil sa pinanggagawa niyong iyan, ang titigas talaga ng ulo niyo!" tinabunan ko ng unan ang aking mukha matapos itong marinig kay Uncle Ouran magtatatlong beses na.
Nasa cabin na kami ngayon at kasalukuyang nakahilera na nakaupo sa kama.
"Kaya nga po pinasama namin si Manong Karlos na maligo para mabantayan niya kami" mas lalo pang napangiwi si Uncle Ouran nang marinig ito kay Dos.
"Papaano kung tuluyan kayong nalunod ha! Makakayanan ba ni Manong Karlos na sagipin kayong lahat?" napakamot na lamang ng ulo si Fausty sa aking tabi matapos itong marinig sa kaniyang ama.
"Wala naman pong nangyaring masama sa amin eh, buhay pa nga kami oh" sumama ang tingin ni Uncle Ouran kay Uno.
Nakapamulsa na siyang naglalakad ngayon sa aming harapan habang hindi pa rin nawawala ang masamang tingin kay Uno.
Naiinis siyang inaayos ang naggugulong buhok na tumatabon sa kaniyang mata.
"So, hinihintay niyo nalang pala na may mangyaring hindi maganda sa inyo ganon?" tuluyan nang napatayo si Kaisa na katabi ngayon ni Kokoa at nagsalita.
"Uncle, we're totally safe nga kasi. Physically and mentally promise" napaismid siya matapos ay maiging sinusuri ang bawat isa sa amin.
Matamis akong napangiti nang ako na ang kaniyang tinitignan, pinakita ko talaga ang aking kompletong ngipin upang mahahalata niyang walang may masama sa akin.
Napabuga ako ng hangin matapos niya akong nilagpasan.
Nagngingiting ibinalik ko naman ang aking unan sa mukha, gusto ko nang matulog ano ba!
"Why is she not okay?" napatingin ako sa gawi ni Uncle Ouran na ngayon ay tinuturo na si Ebonna, katabi niya pa rin si Akari na nakayuko lamang.
Napangiwi ako nang mamataan iyon.
"I thought that she's okay, hindi naman iyan sumama sa amin sa pagligo eh" usal ni Kokoa.
Parang nagagalit siya sa paraan ng kaniyang pagsasalita.
"Yes Papa, si Kaisa lang ang kasama naming babae kanina sa dagat" tugon din nitong si Floro.
Nakataas ang kilay na binalikan niya ng titig itong si Ebonna.
"Baby, why are you not okay?" pakinig ko ang mahinang pag-usngot ni Ebonna nang tanungin iyon ni Uncle Ouran.
"I'm okay kaya Uncle, it's just that ganito lang talaga ang mukha ko" biglang umiba ang ekspresyon ng mukha ni Uncle Ouran.
"Baby, huwag kang magsisinungaling okay? Walang nagsisinungaling na Prinastini " halos lahat kami ay napasinghap nang banggitin niya ito.
Sa kaniya pa talaga nanggaling?
Amazing.
"Mas mabuti pa kung matulog nalang kayo para magiging sakto pa ang oras ng inyong pagkagising, alas tres ng madaling araw ha? Alas tres!" napatango kaming lahat matapos ay kaniya-kaniya na kami ng pag-aayos ng aming mga hammock.
Nagsipagpasok na rin sina Ebonna, Eebonee, Macaire at Kaisa sa kanilang malaking kwarto sa kabila.
Nang maiayos ko na ang pagkakalagay sa aking sariling hammock ay dali-dali na akong napahiga rito.
Akma ko na sanang ipipikit ang talukap ng aking mata nang bigla akong pihitin nitong si Kokoa.
"Ano ba?"
"Wish me luck pre, para naman may lakas akong magsinungaling kay Eftehia bukas" bulong niya pa sa aking tenga.
Mahina kong pinalo ng unan ang kaniyang mukha.
"Good luck, sige na matulog ka na" usal ko sa kaniya at mariin nang pinikit ang aking mata.
"Wala bang kiss sa noo diyan?" muli ko siyang tiningnan ng masama. "Matutulog na nga ako, good night sweet dreams"
_
Mabilis akong napaupo nang bigla akong maalimpungatan nitong nakakabinging tunog ng manok.
Ang sarap-sarap pa nga ng aking naging tulog pagkatapos ay puputulin lang ng gani-ganito?
Gusto kong sumigaw ngayon dahil sa nakakaramdam ako ng masyadong malaking frustration.
"Putangina!" napabalikwas na ako ng tayo matapos akong makarinig ng isang mura.
Mariin akong napapikit nang buksan nila itong ilaw ng kwarto.
"Bakit ko pa ba kasi naisipang bumili ng ganto?" nangangalaiti sa galit na usal ni Floro habang hawak-hawak ang kaniyang alarm clock na manok.
Marahas niya itong tinapon sa sahig at wala sa sariling inapak-apakan.
"Nakakawala ng gana 'to eh" sumbat naman ni Dos matapos ay tinaboy sa pader ang kaninang inaapakan ni Floro.
Mas lalo lang akong nainis nung malakas na naman itong tumunog.
"Hindi ka pa rin titigil ha" naiiritang usal ko.
Napalakad ako papalapit sa alarm clock at nag-uumapaw sa galit na hiniwa ito pakalahati.
"Anong oras na ba?" pakinig kong tanong ni Fauno na kakagising lang.
Matapos kong hiniwa ang manok na alarm clock ni Floro ay binalik ko ito sa kaniya at muling napahiga na naman sa sariling hammock.
"Goodness, magto-two palang ng madaling araw. Bakit masyado kang advance kung magset ng oras diyan sa walang kwenta mong alarm clock Floro?" yamot nitong si Kokoa na ngayon ay nakatayo na habang kinakamot ang naggugulong buhok.
"Bakit ako ang sinisisi mo? Exactly 3:00 A.M kaya ang isinet kong oras sa cocky cock clock na ito, I don't know lang kung bakit naging advance siya. Kahapon ko lang ito binili eh tapos ay ngayon ko lang ginamit" ipipikit ko pa sana ang talukap ng aking mata nang mayroon akong kakaibang naaamoy.
Inip na inip akong napaupo sa hammock habang nakaawang ang bibig na inaanigan si Floro habang sinusunog ang kaniyang alarm clock gamit ang isang papel.
"Bakit mo sinunog?" rinig kong tanong sa kaniya ni Akari na ngayon ay kinukusot-kusot ang sariling mata.
Wala siyang natanggap na kahit anong sagot kay Floro at tanging ang nakakabagot na titig lamang ang pinukol nito sa kaniya.
Malakas akong napabuga ng hangin matapos ay muling bumaba sa hammock at dumiretso sa sariling closet kung saan nakalatag ang lahat ng aking mga damit.
"Maliligo muna ako" walang emosyong ani ko sa kanila.
"Wait for me, Khalil. Maliligo na rin ako" napasinghap ako nang sabihin iyon ni Kokoa.
Nagtataka akong napalingon sa kaniya.
"Sasamahan mo rin ba talaga ako pati sa pagligo?" agad niya akong binatukan at natatawang kinuha ang kaniyang tuwalya sa katabi kong closet.
"Bastos ka, mayroon kaya tayong sari-sariling banyo. Huwag ka ngang mag-isip ng nakakalaswang bagay diyan. Malalagot pa ako kay Eftehia eh" hindi ko nalang siya muling pinansin dahil inaabala ko na ngayon ang kasuotang aking isusuot.
"Bakit parang ang lahat ng mga damit ay may nakaukit na mga pangalan natin?" tanong ko kay Kokoa na abala na rin sa pagpipili ng damit.
"Sinadya talaga nilang printahan ng pangalan ang mga isusuot natin para hindi na mahihirapan si Mama Mona, matanda na kasi siya para isaulo pa tayo lalo na at may mga kambal siyang tinuturuan"