webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · Politique et sciences sociales
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Prinastini (2.2)

Kahit sinong tao ay nakagagawa ng kasalanan subalit isa ng hangal ang patuloy pa ring naninindigan sa kaniyang sariling pagkakamali.

Napasapo ako sa sariling bibig nang makitang wala na ang jeep na sinakyan namin kanina.

"Putangina!" lumapit ako sa pwesto kung saan nakaupo ang driver na kasama namin habang walang tigil sa pagmumura.

Hinagod ko ang kaniyang likuran upang pakalmahin siya.

"It's okay, that's only a car"

Napatayo siya habang tumatawa na napapailing.

"Kasalanan niyo 'tong dalawa eh, kung hindi sana kayo nauhaw ay hindi mananakaw ang sasakyan ni papa!" agad na nag-init ang ulo ko dahil sa narinig.

Napatayo rin ako habang nanlilisik ang matang tinitigan siyang maigi.

"Bakit ka nagsisisi ngayon!Kasalanan ba naming masyado kang mabait upang bigyan kami ng libreng tubig kahit hindi naman talaga libre?" agad siyang napanganga nang marinig ang tuluyan kong pagsasalita ng tagalog.

"Oh baka naman ay nagsisisi ka kung bakit mo pa kami hinatid dito! Ang tanga mo kasi, sino ba ang nagsabi sa'yo na iiwan mo dun sa sasakyan ng papa mo ang susi?" hindi pa rin siya makapagsalita dahil sa pagsusumbat ko sa kaniya.

Tanging pagtitig na lamang ang kaniyang naibigay sa akin, hindi  ko na namalayang pinalilibutan na pala kami ng mga tao.

"Bakit para kang napagulantang diyan?" malakas na pagkakatanong ko sa kaniya matapos ay seryosong tiningnan ang mga taong nakapalibot sa amin.

"Hindi po ito isang teatro at hindi po kami humihingi ng mga panauhin, di bale nalang kung magbabayad kayo, sayang ang talent namin kung libre" agad na umalis ang mga katauhan habang may sari-sariling binubulong sa kasama.

Susumbatan ko pa sana ang driver na nagpasakay sa amin nang hilahin kami nitong si Uncle Jazzib papunta sa direksiyon ng malaking barko.

Nagpupumilit pa sanang makabitiw itong driver na kasa-kasama namin subalit napakalakas lang nitong aking tiyuhin upang hindi mabitawan itong nagyayamot na lalaki.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Uncle Jazzib at basta-basta nalang siyang pumasok sa loob nitong napakalaking barkong may nakaukit na Prinastini.

Maga-apply na ba kami?

Subalit ang labis ko lang na ipinagtataka ay kung bakit parang ang lahat ng nakakasalubong naming mga trabahador ay yumuyuko sa tuwing nakikita siya.

"Nasaan si Lusterio?" gusto kong sapukin nang malakas ang sarili nang marinig ang boses na iyon galing sa mismong bibig niya.

Hindi ko labis maramdaman ang aking paglakad nang masaksihan iyon, tila tumigil ang pagtibok ng aking puso sa mga sandaling ito.

Nangyari na ba ang himalang aking pinakahihintay?

Nais kong magpalunod sa mga along humahampas sa malaki na barkong ito.

Nanginginig ang aking mga kalamnan na para bang walang alam sa mga nangyayari.

"Punyeta, nagsasalita pala kayo?" hindi siya pinansin ni Uncle Jazzib, patuloy lamang siya sa paglalakad habang hinihila pa rin kaming dalawa.

"Uncle..."

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo, tumahimik ka muna diyan" hindi ko alam kung nabubuhay pa ba ako o hindi na.

Parang wala akong kaalam-alam ngayon sa mga nangyayari, tila ako ay masaya, parang malungkot din ako, nais kong lumuha, may parte sa aking karamdaman na ako ay kinakabahan.

Ito ang pinakamalaking panlilinlang na ginawa sa akin ni Uncle Jazzib, subalit ano ang kaniyang rason upang magpanggap siya sa aking harapan?

Bakit parang ayaw kong magalit sa kaniya?

"Jazziberienta, ikaw na ba iyan?" pagbungad pa ng lalaking nakasalubong namin, sa aking pananaw ay magka-edad lamang sila ni Uncle Jazzib dahil sa tindig nito.

Parang si Uncle Jazzib rin naman ang aking nakikita ngayon, walang bago ang kaniyang hitsura para sa akin.

Nagngingiti siyang pumalapit sa aking direksiyon at mabilis na inilahad ang dalawang kamay sa aking magkabilaang balikat.

Napagitla ako nang gawin niya iyon, marahan akong napaatras sa aking pwesto.

"Kharlis Lilhama Marid Zavier Prinastini, inaalagaan mo ba ito ng wasto Jazzib? Malalagutan ka talaga ng hininga kapag nakita ni Lusterio ang mukha ng anak niyang parang kumulang sa dugo" napangiwi ako nang ibulalas niya iyon.

Namumutla ba ako ngayon?

Hindi ko lang naman kasi inaasahang mangyari ito.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang nag-uusap pa rin silang dalawa.

"Mas malusog pa ang bituka ng maharlikang iyan kaysa sa'yo" napatawa siya nang malakas matapos itong sabihin ni Uncle Jazzib.

"Ganoon ba, kung gayon ay labis akong nalulugod sa aking napag-alamang balita" aniya pa habang natatawa.

Parang iniinsulto niya ang paraan ng aking pananalita sa estilo ng kaniyang pagbigkas.

Nagtataka siyang tiningnan ang gawi kung saan makikita ang driver na aming kasa-kasama.

"At sino naman ang binatilyong ito? Anak mo ba sa ibang babae Jazzib, mapapatay ka talaga ni Esme 'pag nagkataon"

"Driver namin iyan kanina, ninakawan ng jeep kaya't pinasama muna namin dito" mahinahong tugon pa sa kaniya ni Uncle Jazzib.

"Bigyan mo nalang ng bagong sasakyan iyan, mayroon pa namang dalawang kotse na walang nagmamay-ari doon sa parking lot" nanlaki ang mata ko sa sinaad ng kamukha ni Uncle Jazzib.

Napapansin ko lang na ang daming kamukha ni Uncle Jazzib, magkakapatid ba silang lahat?

Talaga bang magkakapatid sila?

Iyong nakita ko kasing tindero ng manukan ay mayroong isinasalaysay kay Uncle Jazzib, posible bang kapatid niya talaga ito?

Ang gulo lang.

Paano ba kasi ang utak nitong aking tiyuhin ay parang may nakadikit na uhog, hindi ko alam kung bakit iba siya kung mag-isip.

Pumasok na kaming apat sa elevator.

Nananalaytay ang katahimikan sa amin nang magsalita na naman si Uncle Jazzib.

"Nasaan ba ang iba mong kasama rito?" parang pinagtatayuan ako ng balahibo sa tuwing naririnig ko ang malalim na boses ni Uncle Jazzib.

Mas gugustuhin ko nalang na maging isa siyang ganap na umid, makulit siya kapag ganun eh hindi kagaya ngayong mayroon siyang boses, para siyang isang masamang salamangkero kung magsalita.

"Nasa dining room silang lahat, hinihintay ang pagbalik niyo. Alam mo bang hindi tumatahimik itong barko mo Jazzib, sino ba naman ang matatahimik kapag ang lahat ng kasama mo ay halos mga paniking nagyayamot"

Napahalakhak ng kaunti si Uncle Jazzib dahil dun.

Nakakatakot ang kaniyang malalim na pagtawa para sa akin, hindi ko alam kung bakit nga ba.

"Pagpasensiyahan niyo na po sana pero hinihintay na po ako ni Papa sa bahay eh, tiyak na papatayin ako nun kapag nalaman pa niyang nadukot ang kaniyang nag-iisang sasakyan," singit pa nitong driver ng jeep.

"Madali lang iyan,hijo. Huwag ka nang bumalik sa bahay niyo, dito ka nalang sa barko at makakapagbakasyon ka pa kahit saan" dinig ko ang bahagyang pagsinghap ng driver matapos itong marinig sa kamukha ni Uncle Jazzib.

"Pero mapapatay naman ako ni Papa"

"Huwag ka na nga kasing umuwi sa inyo para hindi ka niya patayin, matanda ka na hindi ka nila kailangan sa bahay niyo kaya magpakasarap ka nalang muna rito"

"Sabagay, nandun din naman sina ate at kuya para alagaan si Papa at Mama, pero papaano na ang pag-aaral ko?"

"Huwag ka nalang rin mag-aral... ano nga ba ang pangalan mo?"