webnovel

Crumpled Paper

Sa bawat pahina ay mayroong taglay na abentura Mga nakakubling lihim sa katiting na patak ng pluma Walang boses man kung tumuklas sa nasaksihang istorya Idadala, aayusin para sa nagkagulong pamilya Pamilya lamang ba o pati ang mundong wala ng tama? Isang maling gawi, puso't buhay ay handa nang kumawala Sandigan ma'y matigas, rurupok din 'pag wala ng pag-asa Hahayaan bang gugusot ang magandang nakakubling tadhana? Kapag umibig ka sa taliwas ang pananampalataya Halos lahat ay tututol, pati ang nakaraang lumuluha Talunaryo ng alaala'y hindi pa rin nawawala Bawat tamis ay nawawasak na parang isang hibla Maaayos pa ba ang lahat kung sa una ay para nang isinumpa? Karampot ng papel Karampot ng tadhana Katiting ng pawis Papatak lahat ang luha Sa mga matang pagod na Titiisin pa ba ang pagdurusa?

Kristinnn · Realistic
Not enough ratings
34 Chs

Pagpapakilala (2.3)

"Ako po si Akari Sacramento and I'm 18 years old, a very wise hunk" napangiwi ako matapos itong marinig sa kaniya.

Hindi ko naman nakikita ang kaniyang pagiging isang maskuladong lalaki, tanging ang kaunting kagwapuhan rin lamang ang aking nawawari sa kaniyang mukha.

Kung gayon ay isa siyang palabirong tao na nagbibiro ng hindi naman nakakatuwang mga biro.

"Akari Sacramento, tiyak na magugustuhan ka ng isa naming nagyayamot na paniki rito sa barko!" napahalakhak siya ng napakalakas.

Tuluyan na nga kaming nakarating sa aming patutunguhan, rinig na rinig ko na ang napakaraming halakhak ng mga tao sa loob.

Kasalukuyan na pala kaming nasa Dining Room, ang lugar kung saan makikita ang mga pamilya ni Uncle Jazzib.

"Jazziberienta!"

Umaalingawngaw ang malaking tinig na iyon kasabay ng pagputok ng maraming confetti sa paligid.

Napasapo ako sa aking mukha matapos na lumapag ang ibang pira-pirasong papel dito.

Maging ang sa loob ng aking damit ay mayroon na ring nakapasok, kasalukuyan na akong nakakaramdam ng pagkainis subalit pilit ko pa ring pinapakalma ang aking sarili sa harapan nilang lahat.

"Kamusta na ba ang aming pinakahinihintay na Kapitan?"

Napagitla ako matapos makita ang isang babae na yumakap kay Uncle Jazzib.

Hindi ko alam na mayroon pala siyang asawa, batang asawa.

"Baby, kamusta ka na rin ba rito, inaalagaan ka ba nila ng maayos? Nasaan na ba ang kuya mo at bakit hindi ko siya nakikita?" biglang nanlambot ang aking kalamnan habang sinusuri ang pagiging malambing ni Uncle Jazzib sa babae.

Bakit hindi niya ako magawang ganyanin?

Gusto kong umiyak ngayon subalit nakakahiya naman sa kanila kung iiyak lang ako rito ng walang dahilan kaya't pinili ko na lamang na tumahimik sa isang tabi.

Halos silang lahat ay nakaupo sa kani-kanilang upuan maliban sa amin ni Akari, Uncle Jazzib, lalaking kamukha ni Uncle Jazzib at ng babaeng kaniyang niyayakap.

"Papa, I'm feeling so suffocated for what Kuya Kokoa used to treat me, it was like I was his cat, only his! And I don't like it!" hindi niya pala ito asawa kundi ay anak niya ang babaeng ito, kaya pala parehas sila ng ugali.

Hindi na ako magtataka doon.

Napatawa nang mahina si Uncle Jazzib dahil sa inasta ng kaniyang anak na iyon, sa aking pananaw ay mas matanda pa ito kaysa sa akin, parang magkaedad lamang sila nitong si Akari.

Naiinggit ako sa babaeng niyayakap ni Uncle Jazzib sapagkat hindi niya ako ginaganiyan dati, bakit naman ako maiinggit eh hindi niya naman ako anak?

"Dad! It's nice to see you again!" mayroong biglaang sumulpot na lalaki sa aming harapan.

Wala itong suot pang-itaas at tanging shorts lamang ang kaniyang nagsisilbing pang-ibabang suot.

Hinalikan ng anak na lalaki ni Uncle Jazzib ang kaniyang noo at mahigpit itong niyakap.

Sa kanila napukaw ang atensyon ng lahat ng tao rito sa loob, maging kami ni Akari ay tahimik lamang na pinagmamasdan sila.

Parang nasa lugar kami kung saan tanging magaganda lamang at makikisig ang iyong makikita, pare-parehas sila ng mga mukha at labis akong humahanga dahil doon, kabilang din naman ako sa kanilang lahat dahil mayroon akong nasilayang mukha ng lalaking kawangis din ng aking mukha.

Parang nakikita ko rin ang mukha nung tindero ng manukan doon sa palengke, nandidito siya habang panay ang paghithit sa hinahawakang sigarilyo. Sigurado ngang kapatid siya ni Uncle Jazzib!

"Jazzib, nasaan na ang anak ko!" gusto kong lumabas dito matapos makarinig ng nakakagulat na boses.

Parang naririnig ko lamang ang aking sarili sa boses na iyon.

Napatago ako nang mariin sa likuran ni Akari na ngayon ay tulala lamang sa pangyayari.

"Lusterio, kapatid ko!"

Kitang-kita ng aking bisyon kung paano sila nagkamustahan sa pamamagitan ng malakas na suntok sa mukha, hindi ko kailanman naisip na maaangas itong mga kapatid ni Uncle Jazzib.

"Dahil ako ang nakakaalam ng ugali ng iyong maharlikang anak, pwede bang isa-isa muna kayong magpakilala sa kaniya nang sa ganon ay lubusan niya kayong mapoint out lahat?"

Lahat sila ay napatayo sa upuan at nagtutulakan sa paggawa ng linya, napaatras si Akari mula sa aking harapan kaya't kitang-kita na nila ako ngayon. Nasa kalagitnaan talaga ako ng malaking lugar na ito at hindi ko kailanman gugustuhin ang nararamdaman ngayon.

Unang nagpakilala sa akin ang kaninang kasama namin nina Uncle Jazzib na pumarito sa Dining room, iyong kamukha rin ng aking tiyuhin.

"Good, ay mali pala... magandang umaga sa iyo Khalil Prinastini, ako nga pala ang iyong matalinong tiyuhin. Hosea Prinastini, the first mate of this ship!" aniya pa matapos ay hinalikan ang aking noo.

Ngiti lamang ang naging tugon ko sa kaniya dahil parang matutunaw na ako rito sa harapan dahil sa nararamdamang hiya.

Napatakip ako sa ilong nang pagbugahan ako ng usok ng sigarilyo nitong sunod na magpapakilala sa akin.

"Nais kong paunlakan ng bati ang aking sarili sa iyo, ginoong Prinastini, ako nga pala si Dilmatran Prinastini- ang iyong tiyuhing mayroong gintong ngipin. And if you don't know, I'm the second mate in this ship" aniya habang hinalikan din ang aking noo.

"Isang karangalan ang makipagkilala sa kauna-unahang maharlika ng mga Prinastini, ako nga pala ay isa rin sa iyong mga tiyuhin, Eemanuel Prinastini, bata. Nais kong ibigay sa iyo itong bote ng alak na aking dala-dala, handog ko iyan para sa nag-iisang anak ni Lust. Isa nga pala ako sa mga mate rito, hindi naman dapat ipagmalaki iyon" napatawa ako nang bahagya sa kaniyang sinabi, parang gumagaan ang aking pakiramdam sa kanilang lahat.

Sunod namang nagpakilala iyong nakita kong tindero sa mga manukan doon sa palengke, nagngingiti siya sa aking harapan matapos ay ginawaran ako ng maraming halik sa mukha.

Napaismid ako dahil sa kaniyang ginawa.

"Siguro ay hindi na bago ang aking mukha sa iyo, Khalil Prinastini, nais kong ipag-alam na ako si Jazzerienta Prinastini. Ang walang ambag sa barkong ito, isa kasi akong business man ng pamilyang ito kung hindi mo pa alam" napaawang ang aking bibig dahil sa kaniyang sinabi, kung gayon ay nagpapanggap lamang siyang mahirap?

Bakit parang lahat sila ay magagaling magpanggap?

"Labis akong nagagalak dahil sa nakita ko na ang kombinasyon ng mukha ni Lust at ni Zana, ako nga pala si Ouran Prinastini, boy. Ang pangalawang inhinyero ng barkong ito" niyakap niya ako ng napakahigpit.

Napatigil ako sa pagngiti nang makita ang mukha ng susunod na magpapakilala sa akin, parang nakikita ko lamang ang aking sarili sa kaniya.

"Anak" hindi ko na napigilan ang aking sarili na yakapin siya.

Tuluyan ng kumawala ang mga luha sa aking mga pisngi.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon, galit sana ako eh. Subalit hindi ko kayang magalit sa tuwing nakikita ko ang kaniyang mukha.

Hagulgol at tanging ang paghikbi ko lamang ang tanging naririnig sa lugar na ito.