"Elize, huy!"
May ganyan ba talagang itsura? Like, parang anghel na bumaba sa langit.
"Elize!"
"Ay bakit?" Nagulat ako kay Kent na panay snap sa harap ko, "Ano ba yun?"
"Ay girl, you're drooling!" Sarcastic niyang sabi, "You have a crush kay Andre noh?"
"H-ha? Wala ah. Para kang tanga Kent!" Hindi naman super crush, slight pa lang.
"Andre, come here! I want you to meet someone." Hinampas ko si Kent nung bigla nyang tinawag si Andre. "Bro, this is Elize Alegre. My childhood bestfriend. Nakatira din siya dito sa bahay kasi something came up sa kanila, so bear with her maingay na boses everyday."
"Hoy hindi naman ako maingay!" Pabebe kong sagot, "H-hi!"
Inabot ko yung kamay ko pero hindi niya yun pinansin, he just smiled and then walked away.
"Aw Elize, hindi ka pinansin ng crush mo. Don't cry mamaya ha, I have to rest because I have shoot tomorrow." Pang aasar ni Kent.
Sungit naman non, kala mo naman kung sinong— well oo nga, gwapo siya but aanhin mo naman yung mukha if you don't have a good personality diba? Hmp.
Pero ang cute niya pa rin.
Natapos ang gabi na puro sila kwentuhan pero ako panay kain lang tapos umakyat na rin ako agad sa kwarto ko dahil may pasok pa ako sa trabaho.
Paggising ko ay naligo agad ako at bumaba, buti maaga nagising si Kent dahil nga may shoot siya kaya may almusal na agad. "Hey you."
Napalingon ako sa kung sino man yung englishero na yon, "I'm Elize, I'm not you." I said, "Bakit?"
"Elize is too cool for yaya's name." I am shocked, "Anyways, can you make me a soup? Masakit pa rin ulo ko. You know jetlag and — OUCH!"
Before he can finish another word, binato ko siya ng tinapay sa mukha, "FYI, hindi ako yaya dito." And then I walked out.
Nagdadabog akong umalis ng bahay nila Kent. Buti nalang malapit lang 'tong village nila sa mga sakayan ng jeep, kaya madali akong nakasakay para makapunta ng coffee shop nila Hailee. Pag pasok ko ay sinalubong ako ni Hailee na nag aalala habang nakakunot ang noo ko sa sobrang inis ko sa Andre na yon.
"Gaga ka! Saan ka ba nanggaling? Nabalitaan ko na pinalayas ka daw sainyo, saan ka nagsstay?" She said.
"Hailee, mukha ba akong katulong?"
"Oo — eh ano ba! Sagutin mo muna mga tanong ko, saan ka nagsstay?" She asked again.
"Kila Kent, dun ako napadpad eh." I said and then umupo, "Teka nga, saan mo naman nalaman na pinalayas ako?"
"Saan pa ba? Edi sa step-sis mong madaldal, pinagkalat nya agad sa twitter account niya." Hailee explained, "So kila Kent ka nag sstay, bakit di ka kasi sumasagot ng phone calls ko? Edi sana di ako ganito mag alala."
At that moment, I just realized na nasira nga pala phone ko dahil sa ulan. "Oh my gosh, anong gagawin ko? Wala akong phone."
"Ang drama drama mo naman kasi dzai. Tigil tigilan mo na nga manood ng mga teleserye." Pang aasar ni Hailee. "Magbihis ka na, magtrabaho na tayo."
Nagbihis na ako at nagsimula magtrabaho. Sobrang lakas ng coffee shop na ito to the point na nakakapagod na tatlo lang kaming employee sa isang araw. Dinadayo pa 'to ng mga taga ibang lugar dahil once na 'to na-feature sa tv shows, eh totoo din naman na masarap at mura pa. Cozy pa sa place.
"Hi, can I order caramel macchiato. Large size." A guy said habang nag iisip ako ng malalim, "Pakibilisan nalang ah, pati yung employee pakibilisan mag out."
Aba bastos 'to ah, "Sir, coffee shop po 'to hindi club — Kent?"
"Make it tasty!" He said then naghanap na ng mauupuan.
"Hoy, bakit nandyan si Kent? Taray ah, de sundo." Hailee said, "Maglayas nalang din ako tapos dun ako tira if si Kent lang naman makakaharap ko lagi."
"Kadiri ka, crush mo pa rin si Kent?" Mula kasi elementary kami, crush niya na talaga si Kent kaya never nya kausapin. Nahihiya kasi siya.
"Mag out ka na, ako na sa closing. Nandyan pa naman yung isang staff at si Kuya." Sabay bukas ng pinto ng shop, "Speaking of the devil."
"Hi Elize! Sinong ka-date mo sa 14?" Raphael asked, "Can I take you out?"
"Hindi." Biglang singit ni Kent, "Dalian mo na, aalis pa tayo."
Nagkatinginan si Raph at Kent. Mula elementary, lagi na silang magkaaway kasi si Raph mahilig mambully. Si kent? Hindi siya fan ng bullying. Ayaw na ayaw nya nakakakita ng binubully. Pero di naman na ako binubully ni Raph so ganyan na talaga sila since then.
"You done? Okay lets go." Kent said tapos siga siga akong hinatak palabas at pinagbuksan ng kotse. "Hop in."
Kakatapos lang siguro ng shoot neto ni Kent pero paano niya nalaman na dito duty ko? Nevermind.
"Saan tayo punta?" I asked, "Kakain?"
"Alam mo, mukha kang pagkain." Napa-kunot noo ko, "Pero where do you wanna eat ba? Yung may drive thru ah!"
"Jabee." I said with matching pa-cute. Mukha namang tumalab.
"Same old, same old. Wala ka pa ring pinagbago, pangit ka pa rin."
"Okay lang."
Umorder kami sa jabee at umuwi na. Sinalubong kami ng mga maids kasi madaming gamit sa kotse ni Kent dahil nga galing siya sa shoot.
"Hija, kumain na kayo?" Salubong ni Yaya Marie.
"Hindi pa po ako gutom Ya, nag drive thru kami."
"You just home from date?" Singit ni Andre.
"We're not dating bro, just ew." Sagot ni Kent.
"So I can ask her out on a date?"