webnovel

CHAPTER 5

"Yo bro, I was just kidding!"

Naka-tingin ako kay Kent na nagbago ang emotion ng mukha, "Yaya! Yaya! Parang nagugutom ho ako. Kakain po ako, magbibihis lang ako."

Hindi ko alam kung paano ko babasagin yung tingin ni Kent kay Andre, but its also weird that Kent looked at him that way like its not a big deal. He's my bestfriend, and I'm single. He's being over-protective, again.

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis, tapos bumaba ulit para kumain. Nagluto si Yaya ng favorite kong tokwa't baboy kaya ginutom ako lalo. Nagulat ako nang biglang umupo si Andre sa tapat ko, "Yaya, I'll eat na rin."

"Hindi ka pa kumain?" I asked, hindi niya ako pinansin. "I'll get a drink, do you want one?" Hindi niya ulit ako pinansin.

Kumuha ako ng inumin sa ref, nagulat ako nung biglang may umakbay sakin. "Ofcourse I want one, basta galing sayo."

Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko kaya halos ayaw ko gumalaw.

"Yaya, kakain na ako." Nagulat ako nung nagsalita si Kent kaya natulak ko si Andre. Nakatingin siya samin tapos umupo na.

Tahimik kaming kumain hanggang sa napansin ko na iba tingin ni Kent kay Andre. Binilisan ko nalang kain ko dahil iba yung away ng magpinsan na 'to, kaya aalis na ako.

Pag akyat ko ay agad akong humiga. Bored na bored na ako dahil wala nga pala akong phone dahil nabasa nung umulan at di na talaga nag open. Since matagal pa naman bago magstart ang enrollment, siguro maghanap nalang din muna ako ng fulltime na trabaho.

Nakatulog na ako kakaisip kung saan ako mag aapply. Pag gising ko, bumaba agad ako sa dining at naririnig ko ang isang Kent na sigaw ng sigaw at may kausap sa phone.

Agad akong tumakbo papunta kay Yaya, ang scary eh! Parang mangangagat ng tao sa galit.

"Ya, anong nangyari don? Ang aga aga." Tanong ko.

"Nagquit yung P.A niya dahil lilipat sa ibang artista." Yaya said, "Kaya galit na galit yan kasi super close niya yung P.A niya. Hindi lang niya P.A yun, alam ko nga personal secretary nya yun."

Bumaba ng hagdan si Tita at agad lumapit kay Kent. "Anak, calm down. Mas okay na magkaiba kayo ng trabaho kesa magkasama, baka maraming makapansin."

OMG! May relasyon sila?

Tahimik kaming kumain lahat, si Andre wala dahil maaga ang shoot so wala akong nakikitang tinginang parang may papatayin si Kent. Binasag ko na yung katahimikan dahil di kaya ng bibig ko, "Tita aalis po ako, maghahanap ng work. Nabbored na po ako eh and need ko na din po talaga makaipon kasi nahihiya na po ako sainyo."

"Hija, you can stay here all you want. No worries." Napa-ngiti ako sa sinabi ni Tita, "Also you're looking for a job? Why don't you apply for Kent's personal secretary?"

"Okay lang naman po Tita, kung okay lang kay Kent." I said.

"Ofcourse okay lang, diba Anak?" Tita said. Hindi sumagot si Kent. Mukhang badtrip pa rin eh. "Basta I'll make a call sa management and tomorrow morning, you'll start na."

Finally!