webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Histoire
Pas assez d’évaluations
98 Chs

XIV

Juliet

"Señorita, gising na po ba kayo?" Rinig kong tawag ni Manang Felicitas mula sa labas ng kwarto ko.

Nakasilip ako ngayon sa bintana ng kwarto ko at nagmumuni-muni. Ang tagal ko bago nakatulog kagabi at ang aga kong nagising kaya naligo na agad ako at nag-ayos. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala namang orasan dito sa kwarto ko pero hindi pa sumisikat ang araw nang magising ako kanina.

Pagkagising ko feeling ko ang lungkot ko bigla. Hindi nga ako makatulog kagabi sa kilig dahil kung anu-anong naiimagine kong kaharutan tapos paggising ang lungkot nalang. Hindi ko alam kung bakit pero baka na ho-home sick lang ako. Bigla ko kasing naalala na ginigising ako ni Tita Mommy tuwing umaga dahil hindi talaga ako nagigising mag-isa pero ngayon... nagising ako nang maaga na ako lang. Siguro nag a-adjust na rin 'yung katawan ko matutong mag-isa kasi sa panahong 'to, wala naman akong kasama.

"Ah, opo." Sagot ko naman at bumukas ang pinto.

"Magandang umaga po, Señorita. Nakahanda na ang almusal sa baba. Ipinag-utos po ni Señor Caden na saluhan namin kayo sa pagkain dahil baka raw po naninibago kayo lalo pa't kararating niyo lang po rito sa Pilipinas." Sabi ni Manang kaya tumayo naman na ako at bumaba para kumain.

Ang bait naman pala ni Caden. Ramdam ko na concern siya sa akin at kahit na wala siya eh inaalala pa rin niya ako.

"Malungkot po ba kayo, señorita?"

Nagulat ako nang marinig si Adelina at doon ko lang narealize na nakatulala lang pala ako habang hawak 'yung pandesal.

"Gusto niyo po ba ng ibang pagkain, binibini? Sabihin niyo lang po at paglulutuan ko kayo."

Napalingon ako sa babaeng nasa tabi ni Manang Felicitas. Medyo mataba siyang babae at kayumanggi ang balat. Alam ko siya 'yung tagaluto rito sa bahay.

"Ah, hindi na po." Sabi ko at kumain na.

Napalingon kaming lahat sa isa pang tagapagsilbi na pumasok sa hapag-kainan.

"Señorita, may bisita po kayo sabi ng mga guardia. Pinapasok na po siya at naghihintay na sa iyo."

"Makakapaghintay iyon, kumain ka muna nang marami binibini." Sabi ni Manang kaya kumain na nga muna ako pero agad din akong nagmadaling kumain nang maalala kong sinabi ni Niño kagabi na magkikita kami ngayon.

Pagkatapos kumain, dumiretso agad ako sa sala.

"Hen—" Tawag ko sana pero ibang tao ang sumalubong sa akin.

"Magandang umaga, binibini." Bati ni Koronel Fernan kaya sinilip-silip ko pa 'yung paligid niya at nawalan na ng pag-asa nang masiguradong siya lang mag-isa.

"Halika na." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Saan naman kami pupunta?

"Maraming magagandang bulaklak sa aming hacienda at dahil ikaw naman ang kasama ko'y hahayaan kitang pitasin ang anumang bulaklak na nais mo." Sabi niya at inalalayan akong bumaba sa malawak na hagdan paglabas ng bahay.

Oo nga pala, inutusan siya ni Don Luis ipasyal ako sa hacienda nila.

Tinulungan muna niya akong sumakay sa karwahe nila atsaka siya sumakay at umupo sa tabi ko. Nang umandar na 'yung karwahe, napansin ko 'yung salamin na nakasabit sa uniporme niya kasi umalog-alog 'yun at nagrereflect 'yung ilaw na galing sa labas.

Sandali ko siyang pinagmasdan habang nakatingin siya sa labas ng bintana. Tingin ko sa kanilang tatlo, siya yung genius. Or ewan baka kasi nakita ko lang 'yung salamin niya pero mukhang siya 'yung pinakamatino at laging nag-iisip muna bago umaksyon. I mean matino naman sila Niño at Andong pero kapag nakita mo kasi sila parang si Fernan 'yung pinakamature magsalita at kumilos. 'Yung dalawa kasi madalas pang makulit tapos si Fernan 'yung tipong iiling nalang habang natatawa sa kalokohan ng mga kaibigan niya although siya 'yung kaibigan na hindi KJ at sasamahan pa rin 'yung mga kaibigan niya sa mga trip nila.

Nagulat ako nang pinagmamasdan ko pa siya eh tumigil na 'yung karwahe at binuksan na niya 'yung pinto. Inalalayan niya ako pagbaba at napanganga nalang ako sa dami ng magagandang bulaklak sa harap palang ng hacienda nila. Marami ring puno at mga bushes na namumulaklak.

Habang naglalakad kami, pinagtitinginan kami ng mga tauhan nila at bumabati sila.

"Ang ganda naman pala talaga ng nobya ni Señor Fernan."

"Ayan daw ang anak ni Don Horacio na galing Inglatera."

"Mas uunlad ang hacienda Fernandez kapag nagpakasal ang dalawang iyan, gano'n din ang hacienda Cordova."

Natigil na 'yung pakikichismis ko sa mga magsasaka nang makarating kami sa isang garden na may iba't ibang makukulay na bulaklak. Grabe, hindi na kailangan pumunta ni Fernan sa flowershop kapag manliligaw siya kasi pipitas nalang siya sa mga 'to oh.

Naagaw ng atensiyon ko 'yung nakasabit na paso ng orchid kaya lumapit ako roon para pagmasdan. Nakatingala ako habang pinagmamasdan 'yung orchid kasi medyo mataas 'yung paglalasabit sa kaniya. Ang ganda niya tapos mukhang ang fresh-fresh niya.

Napababa 'yung tingin ko sa ilalim ng paso at napasigaw. "WAAAAAAH!!!"

Nagtatakbo ako palayo nang makitang may katawan 'yung pasong nakasabit.

"B-Bakit, binibini? May problema ba?" Natarantang tanong ni Fernan nang tumakbo ako palapit sa kaniya kaya tinuro ko yung pasong may katawan ng tao at nagtago sa likod niya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa kaya binigyan ko siya ng anong-nakakatawa look.

"Niño naman kasi, mukha kang taong-paso!" Tawang-tawang sabi ni Fernan atsaka ko lang narealize na nakauniporme 'yung katawang nakita ko.

Dahan-dahan namang lumitaw 'yung ulo ni Niño mula sa likod ng paso at mukhang natatawa rin siya. Si Fernan naman hindi pa rin nakakaget-over at tawa pa rin nang tawa.

"Anong nakakatawa ha?" Kurot ko kay Fernan kaya napatalon siya sa gulat.

"Wala, binibini." Sagot niya at kinagat ang labi niya pero natatawa pa rin siya.

"Maiwan *pfft* ko na nga kayo." Sabi niya na natatawa pa rin atsaka lumabas. Yung koronel na 'yun jusko, ang babaw ng kaligayahan.

Naglakad naman na si Niño palapit sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Ngumiti siya sa akin atsaka kinagat 'yung labi niya kasi natatawa pa rin siya.

"Bakit ka ba kasi nagtatago diyan ha?" Pagtataray ko pero siyempre charot-charot ko lang 'to.

"Nais sana kitang sorpresahin kaya lang nag-iisip palang ako ng pagtataguan ay dumating na kayo kaya tinago ko nalang ang ulo ko." Mukhang nahihiya't natatawang sabi niya with matching pakamot pa sa ulo niya. Ang cute niya tignan ngayon jusko huhu.

Hindi ko na rin napanindigan 'yung pagtataray ko kuno kasi natawa na rin ako sa failed surprise niya. Saktong-sakto pa talaga 'yung ulo niya sa taas nung paso eh, at hindi ko rin naman siya agad napansin pagkapasok ko.

"Binibining Juliet, maaari mo ba akong samahan?" Tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Saan naman?" Tanong ko na trying hard panindigan ang pagtataray ko.

"Sa pagtanda." Ngiti nya at dahil natural na slow ang lola niyo eh napangiwi ako at hindi alam ang isasagot ko.

Anong samahan ko siya sa Pagtanda? Lugar ba 'yun dito?

Bumuntong hininga siya. "Huwag mo nang isipin iyon." Sabi niya at mukhang nabadtrip siya na ewan. Omyghadd galit na yata siya sa akin huhu.

"Sabi ni Andong gagana 'yun." Bulong niya at napakamot sa ulo, mukhang naiirita siya. Hindi ko narinig 'yung binulong niya pero mukhang sinabi lang niya 'yun sa sarili niya kaya hindi ko na tinanong kung ano 'yun. Baka magbeastmode eh.

Teka, OMG! Importante ba yung pupuntahan naming 'yun?

"Nais mo bang makita ang taniman ng mga rosas? O 'di kaya'y mga santan?" Tanong niya at mukhang kumalma naman na ang lolo niyo.

"Ayos lang." Tipid na sagot ko.

"Ah, alam ko na." Sabi niya at sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya kaya sumunod naman ako.

Matagal-tagal din ang nilakad namin hanggang sa makarating kami sa field na punung-puno ng mga sunflowers.

"Woah..." Lang ang nasabi ko at hindi ko na naalis pa ang tingin ko sa mga sunflowers. Napakaraming sunflowers ang hile-hilerang nakatanim at lahat sila nakaharap lang sa iisang direksyon.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya at napatangu-tango nalang ako atsaka naglakad papunta sa mga sunflower.

"Mukhang hindi maganda ang gising mo dahil nagsusungit ka kanina kaya... naisip ko na baka sakaling mapasaya ka ng mga mirasol na ito." Sabi pa niya.

'Pag tinignan mo nga naman kasi 'tong mga sunflowers na 'to eh mukhang ang sasaya nila, nakakahawa yung good vibes.

Humarap ako kay Niño. "Salamat." Ngiti ko sa kaniya at napangiti rin naman siya.

Nang binalik ko na ang tingin ko sa sunflowers bigla ko siyang narinig bumulong ng "sa wakas!" at base sa tono na narinig ko eh mukhang tuwang-tuwa siya.

"Ah binibini, may isa pang magandang lugar akong gustong ipakita sa'yo." Nakangiting saad niya at muli akong sinenyasan na sumunod sa kaniya kaya sumunod nga ako.

Habang naglalakad, nakasalubong namin sila Fernan at Andong.

"Saan kayo pupunta?" Medyo pasigaw na tanong ni Fernan dahil medyo malayo pa kami sa isa't isa.

Nang makalapit na sila sa amin ay biglang inagaw ni Niño 'yung mais ni Andong at kinagatan 'yun. Sandali silang naghabulan habang natatawa lang kami ni Fernan panoorin sila at nabawi rin ni Andong 'yung mais niyang may kagat-kagat na.

"Hindi ka ba nahihiya? Kasama mo lang si Binibining Juliet oh!" Sabi ni Andong with matching turo pa sa akin gamit 'yung nguso niya.

Napatingin naman sa akin si Niño at halata sa mukha niyang napaisip siya na, "ay shet oo nga kasama ko pa pala siya."

"Oh, saan na nga kayo pupunta? Baka mamaya itanan mo si Binibining Juliet at ako na naman ang mapagbintangan dahil sa akin siya ibinilin ni Don Luis." Sabi ni Fernan.

Sandali naman silang natahimik at pinanood ko lang silang magpalitan ng mga tingin na parang nags-sign language sila kahit wala akong naiintindihan.

"Aahhh.. maganda nga roon." Napatangu-tango si Fernan.

Waaaht?! Nagkaintindihan sila sa ganun?

Naglakad na ulit sila kaya sumunod ako. Grabe, kahit saan talaga ako magpunta sa panahong 'to eh ma-o-OP at ma-o-OP talaga ako eh 'no.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts