Juliet
~~Nahanap na ngang ligaya
Sa piling mo, o kay gandang dalaga
Ikaw ang nasa isip araw man o gabi
Hindi na nga maikukubli🎶~~
Napangiti ako nang marealize na maganda pala ang boses ni Niño. Grabe, ano pa bang kulang kay Niño? Parang noong nagpaulan ang Diyos ng magagandang qualities ng tao, nasalo lahat ni Niño.
Napalingun-lingon ako sa paligid at nakitang palapit si Manang Felicitas at Adelina galing sa loob. Nagkatinginan kami at binigyan nila ako ng huwag-ka-mag-alala-at-hindi-ka-namin-isusumbong look.
~~Pagbigyan ang pag-ibig na iaalay
Sayo'y ayaw na ngang mawalay
Hiling sana'y dinggin ng kalangitan
Ibigay kang may taglay na kabaitan🎶~~
Tumabi sa akin sila Manang habang nagtititigan kami ni Niño. Nakangiti siya sa akin habang kumakanta.
Ewan ko ba pero hindi na nagwawala ang puso ko. Para nalang siyang biglang natunaw na... hay, ewan! Basta alam ko lang natutuwa ako sa nangyayari ngayon. First time akong maharana at sa 1899 pa pala ako mahaharana sa buong buhay ko.
Napangiti ako nang marealize ko na ang daming pina-experience sa akin ni Niño na hindi ko nagawang ma-experience sa panahon kung saan talaga ako nabibilang and for that, I am grateful.
~~Mula ngayo'y mamamanata
Kapag ika'y ipinagkaloob ng Bathala
Hindi kukupas, hindi malalagas
Ika'y mamahalin hanggang wakas🎶~~
Natapos na ang kanta at naiwan akong nakatitig kay Niño kaya kinalabit ako ni Adelina. OMG nakakahiya ako huhu nahuli yata akong nakatitig kay Niño.
"Anyayahan mo sila sa loob, binibini." Bulong ni Manang kaya nagulat ako.
Ganun ba 'yun? Kailangan bang papasukin sa loob ng bahay pagkatapos kang haranahin? Pero... baka mapatay ako ni Caden huhu.
"Gusto mo po bang mapatay ako ni Ca—este—Kuya Caden?" Lingon ko sa kaniya.
"Wala po si Señor Caden kaya't binilinan niya kaming bantayan kang mabuti. Minsan lang po ang ganitong pagkakataon, binibini." Sabi pa ni Adelina at pakiramdam ko ngayon ang bad influence nila pero dahil likas na pasaway naman na ako eh niyaya ko nga sa loob 'yung tatlong itlog.
"Maraming salamat sa pagpapatuloy sa amin, binibini." Sabi ni Niño bago umupo sa sala. Pinapasok ko nga sila katulad ng sinabi ni Manang. Baka sabihin pa hindi ako hospitable eh.
"Pero hindi na rin kami magtatagal upang makapagpahinga ka na rin."
What?! Eh pinapasok ko pa sila??
"Alukin mo sila ng maiinom, binibini." Bulong sa akin ni Adelina. Oo nga 'no?
"Gusto niyo ba ng maiinom? Ah hindi, kukunan ko kayo ng maiinom." Sabi ko at nakita kong medyo natawa si Niño. Pupunta na sana ako sa kusina para kumuha ng maiinom nila nang sumabat si Manang.
"Ako nalang po ang kukuha, binibini. Samahan niyo nalang ang iyong mga panauhin." Sabi ni Manang at umalis na kaya umupo nalang ako sa upuan katapat ng tatlong itlog.
OMG. Bakit ba ako kinakabahan huhu atsaka ano ba kasi dapat gawin ko? Dapat ba kaming magkwentuhan? Hindi ko talaga alam ang gagawin ko huhu.
"Si Niño mismo ang gumawa ng kantang pinangharana niya sa iyo, binibini." Basag ni Fernan sa katahimikan at awkwardness.
"Oo nga, pinagpuyatan niya 'yon kagabi at kinaladkad kami kaninang umaga upang haranahin ka." Dagdag pa ni Andong.
Pasimple naman silang sinikmuraan ni Niño kaya pinigilan ko ang tawa ko. Nakakatuwa lang silang tignan. Sana meron din akong mga kaibigan na katulad nila.
"Grabe naman kasi 'yung kuya mo, binibini. Buhusan ba nam—" Hindi na natapos ni Andong ang sasabihin niya dahil nilundagan agad siya nila Fernan at Niño. Siguro para hindi niya ituloy yung sasabihin niya dahil nakita kong tinakpan ni Niño ang bibig niya.
Narinig ko ring pinigilan ni Adelina ang tawa niya kasi nakakatuwa naman talaga silang tignan magkulitan. Kung unang beses mo silang makikilala at makikita sa mga uniporme nila eh mukha talaga silang mga respetadong mga sundalo pero kung makikita mo sila ngayon eh para lang silang mga normal na binatang nagkukulitan.
Tumigil naman na sila at umayos na ng upo nang bumalik na si Manang Felicitas galing sa kusina na may dalang mga inumin.
"Maraming salamat po." Pagpapasalamat nila at kumuha ng tig-iisang baso.
"Aalis na rin kami pagkatapos naming uminom upang makapagpahinga na rin po kayo." Sabi ni Niño at uminom naman na sila.
"Nasaan nga pala si Ginoong Caden?" Tanong ni Fernan na nakatingin sa akin kaya lang hindi ko rin alam ang sagot kaya tumingin ako kay Manang.
"Ah... may kailangan daw po siyang asikasuhin sa Maynila kaya humabol siya sa huling biyahe ng barko patungong Maynila kanina." Sagot ni Manang.
Napatangu-tango si Fernan at ininom na 'yung last sip ng iniinom niya at binalik na 'yung baso sa tray. Pagkatapos ni Andong uminom ay binalik na rin niya 'yung baso sa tray at lumingon kay Niño kaya napatingin din ako kay Niño. Nagulat ako nang magtama ang mga tingin namin.
OMG nakatingin pala siya sa akin!
Bigla na namang nagwala ang puso ko. Ghadd, heart kailan ka ba kakalma huhu.
"Niño, baka abutan pa ng umaga 'yang iniinom mo. Mapapanis iyan." Pang-aasar ni Fernan kaya nagtawanan sila maliban kay Niño na biglang namula at inalis na ang tingin sa akin atsaka uminom.
Pagkatapos ng isang sip ay tumingin ulit siya sa akin at mukhang siya naman ang nagulat ngayon kasi ako naman ang nahuli niyang nakatingin sa kaniya.
Bigla siyang ngumiti at uminom ulit kaya ayun, tumalsik na yung puso ko palabas ng Earth, charot! Niño kasi eh, tingin nang tingin! (Gusto ko rin naman hehe.)
"Niño, baka malusaw si Binibining Juliet niyan." Natatawang sabi naman ni Andong sa tenga ni Niño kaya nagulat ito.
"Uubusin na nga eh." Sabi ni Niño at tinungga na 'yung iniinom niya at binalik na rin sa tray 'yung baso pagkatapos.
Tumayo na sila at nagpaalam.
"Magkita nalang tayo bukas, binibini." Sabi ni Niño pagkalabas ng pintuan ng bahay namin atsaka ngumiti.
Ayan na naman tayo sa ngiting 'yan eh, Niño naman 'yung puso ko nasalo na ni Lord dahil sa sobrang lakas ng kabog umabot na roon huhu.
Pagkaalis nila, sinara na rin ni Manang yung pinto.
"Akala ko'y matatakot na siyang umakyat ng ligaw pagkatapos niyang mabuhusan ng tubig. Iba rin ang tapang ni Koronel Fernan." Sabi ni Manang habang paakyat kami ng hagdan.
What?!! Koronel Fernan?!
Napahinto ako at lumingon sa kanila. "Si Koronel Fernan? Siya ba ang nangharana sa akin? Atsaka... anong nabuhusan ng tubig?" Tanong ko.
"Hindi ba't si Koronel Fernandez ang iyong kasintahan, binibini? Kaya nga nagtaka ako at si Heneral Niño ang kumanta kanina at nagmukhang siya ang nanghaharana." Sabi ni Manang.
"Ngunit si Heneral Niño rin daw ang sumulat ng awit, Manay." Sabi ni Adelina kay Manang kaya napatingin sa akin si Manang.
"Sino ba talaga ang kasintahan mo sa kanilang dalawa, binibini? Ang usap-usapan noon ay inaya kang magpakasal ni Heneral Niño nang magsayaw kayo sa barko ngunit kahapon lang ay may kumalat na balita na nobyo mo raw si Koronel Fernan. Naku, binibini! Hindi ka dapat maging salawahan! Lalo pa't magkababata at matalik na magkaibigan ang dalawang binatang iyon!"
Jusko po. Naging salawahan pa ako sa panahong 'to huhu.
"Manang naman, wala nga po akong kasintahan sa kanila eh." Sabi ko naman.
"Ha? Eh ano ang totoo sa hindi?" Tanong niya.
Nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa hagdan at sumunod naman sila. Madilim dahil mga kandila lang ang ilaw pero sapat naman na para makita ko 'yung dinadaanan ko.
"Nakuha lang po nila 'yung maling ideya kasi nakita po kaming magkasama ni Koronel sa madilim na bahagi nung hacienda." Sagot ko.
"Susmaryosep! Ano namang ginagawa niyo roon?" Gulat na tanong ni Manang Felicitas.
OMG. Anong isasagot ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na tumakbo ako mula sa sayawan kasi nakita ko 'yung pagkamatay ni Niño sa utak ko kaya—teka... bakit nga pala ako biglang dinukot nung koronel na 'yun? Sinabi niya inutusan siyang bantayan ako pero bakit niya ako dinukot?
"Naligaw po kasi ako kasi naglibot po ako sa hacienda, nagkataon lang po na nakita ako ni Koronel. Sinaway pa nga po niya ako kasi akala yata niya may gagawin akong hindi maganda dahil nga nasa madilim na parte ako ng hacienda tapos ayun nakita po kami ng mga guardia." Pagsisinungaling ko.
Grabe, mabubuhay yata ako sa kasinungalingan sa panahong 'to.
Napatangu-tango naman si Manang. "Ah! Yung tungkol sa sinabi ko kanina ay sinabi ng hardinero na umaga palang ay narito na sa hacienda ang mga binatang iyon at hinihintay ka yata, binibini kaya lang ay hapon ka na ngang nagising. Hinarana ka nila kaninang hapon kaya lang ay binuhusan sila ng tubig ni Señor Caden."
Gulat na napalingon naman ako sa kanila. "Binuhusan ng tubig???"
"Opo, binibini. Iyon po yata ang nais sabihin ni Kapitan Andong kanina kaya lang ay pinigilan siya nila Heneral Niño at Koronel Fernan. Siguro ay dahil nakakahiya ang pangyayaring iyon." Sagot ni Adelina.
Naalala ko naman nung pumasok si Caden sa kwarto ko na may dalang malaking planggana at binuhos sa baba. Sabi niya magdidilig siya, mukha bang halaman sila Heneral Niño??
Atsaka... nung tinanong ko siya kung ano 'yung maingay, sabi niya pusa lang. Nanghaharana pala sila nun kaya nakarinig ako ng tunog ng gitara.
Pagkarating namin sa tapat ng kwarto ko, hinayaan na nila akong pumasok mag-isa para makapagpahinga na raw ako. Nagpalit na rin naman agad ako ng pantulog atsaka natulog.