Juliet
"Manuel?"
Anong ginagawa niya rito? Bakit... bakit ganito ang itsura niya?
Naka-amerikana siya, puting polo at itim na coat pero may bahid ng dugo ang kwelyo ng puti niyang polo na mukhang galing din sa kaniya. Ghad, nakipagsapakan ba siya?! Sa lahat ng lalaking kilala ko, si Manuel ang pinakahindi ko ineexpect mapaaway ever!
"Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" Pasok ko sa kaniya sa loob ng kwarto ko.
"Sandali, diyan ka lang. Gagamutin—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hawakan niya ang pulsuhan ko.
OMG. Si Manuel ba talaga 'to? Nasaniban ba si Manuel? Una, mukhang nakipag-away siya na super unlikely gawin ni Manuel at ngayon naman ay hinawakan niya ako na isa pang hinding-hindi gagawin ni Manuel dahil sa sobra-sobra niyang pagka-gentleman.
"H-Huwag kang magpakasal kay... Angelito." Sabi niya. Nakita ko ang dugo sa labi niya nang ibuka niya ito at ghad, mukhang seryosong away ang kinasangkutan ng binatang 'to.
"B-Bakit?" Tanong ko.
"Alam kong hindi mo siya mahal..." Sabi niya atsaka yumuko. Nakaramdam ako ng kung anong kirot sa puso ko nang marinig ko 'yun. Totoo naman ang sinabi niya pero...
"Hindi lang naman sa pag-ibig umiikot ang lahat, Manuel." Hawak ko sa baba niya para tumingin siya sa akin.
"Marami tayong mga bagay na kailangang isaalang-alang para protektahan ang mga mahahalagang tao sa buhay natin." Dagdag ko pa.
"Ngunit... ikaw ang dahilan kung bakit ako naniwala sa pag-ibig. Hindi ka nagpakasal kay Kuya Fernan dahil si Kuya Niño ang mahal mo pero ngayon..."
"Manuel, makinig ka sa akin." Kuha ko sa atensyon niya.
"Iba na ang lahat ngayon." Simula ko.
"Minsan, makikita mo nalang talaga ang sarili mong kailangang gawin ang bagay na hindi mo gusto kasi sa realidad... kapag naipit ka na, wala ka naman nang magagawa kundi gawin ang makabubuti sa mas nakararami at mga importanteng tao para sa'yo kaysa kung ano ang gusto ng puso mo, kaysa kung saan ka masaya."
"Pero paano kung hindi lang ito ang paraan? Paano kung mali ka?" Sagot niya kaya nabitawan ko siya.
"Kung... mali man ako, wala na akong magagawa." Sagot ko at umupo na ulit sa harap ng salamin.
Tinignan ko ang reflection ko at nakita ang naka-ayos kong sarili. Never ko naimagine na ikakasal ako sa pinaka-unexpected na tao at pagkakataon.
Napatingin ako sa wedding gown ko na binili lang namin kahapon dahil wala nang oras pa magpatahi. Alam ko namang hindi maganda gamitin 'yung wedding gown ko dapat sa kasal namin ni Niño kaya pumili nalang ako ng kung ano.
Ngayon ko lang din naisip na sobrang reckless ko kahapon. Ghad! Ako pa talaga ang nagpush na ngayon ang kasal ah? Tanga ka talaga, Juliet!
"B-Binibini, pakiusap..." Napalingon kay Manuel nang magsalita siya.
Huh? Anong pakiusap?
"Huwag mong ituloy ito." Sabi niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Bigla akong nakaramdam ng pagtataka... bakit parang ang big deal kay Manuel nito?
"Wala na akong ibang hinihiling kundi ang kaayusan sa bayang ito at iyong kaligayahan, binibini. Sana'y pagbigyan mo ang kahilingan ko." Mahinahong sambit ni Manuel atsaka lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan bago maglakad palabas.
Naiwan akong nakatingin sa kawalan.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Ilang minuto akong walang kibo hanggang sa pumasok si Ina kasama ang ilan pang kababaihan at tuluyan na akong nawala sa sarili.
Tama nga ba 'tong gagawin ko? O mas palalalain ko lang ang lahat?
Sumakay kami sa karwahe nila Ina at Ama at habang nasa loob ay kung anu-anong sinasabi nila sa akin pero ni isa'y walang pumasok sa utak ko. Ramdam ko ang bawat pagkabog ng puso ko dahil sa kaba.
Paano kung mali itong desisyon ko?
Pagkababa namin sa tapat ng simbahan ay nagtinginan na sa amin ang lahat. Rinig na rinig ko ang malumanay na tunog ng mga musikero at ramdam na ramdam ko rin ang tension sa buong katawan ko dahil sa dami ng taong nakatingin sa akin.
Sa kabilang banda, parang natural lang ang lahat kay Ama na siyang maghahatid sa akin kay Angelito Custodio na nasa kabilang dulo ng napakahabang aisle na lalakaran namin. Nang magsimula nang humakbang si Ama ay nabato na ako sa kinatatayuan ko kaya napalingon siya sa akin. Nagkatinginan kami at bakas sa mga mata niya ang pagtataka kung bakit hindi ako kumikibo.
Napunta ang tingin ko sa may altar kung nasaan nakatayo si Angelito, naghihintay sa akin. Nakabarong siya at naka-ayos mula ulo hanggang paa. Binigyan niya ako ng isang maaliwalas na ngiti atsaka inilahad ang kamay niya na para bang sinasabi niyang ayos lang na ibigay ko sa kaniya ang kamay ko, ayos lang na magtiwala ako sa kaniya.
Nasa akin ang atensyon ng mga tao kaya walang nakakita sa ginawa niya pero hindi 'yun mawala sa isip ko habang nakatayo pa rin ako rito. Hahakbang na sana ako papunta sa kaniya nang muli na naman akong mabato sa kinatatayuan ko.
"Ayaw kong nalulungkot ka, Juliet. Kaya ngayon ay pinapangako kong lagi akong babalik sa'yo. Sa kahit anong paraan, sa kahit anong panahon... babalik ako sa'yo."
Niño...
Napatingin ulit ako kay Angelito na nasa altar. Nakangiti pa rin siya. Napakaaliwalas ng ngiti niya ngayon na kahit siguro ang araw ay mahihiyang magpakita sa mga ngiting ito. Napailing-iling ako at nakita ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Angelito. Bumitaw ako kay Ama at agad na tumalikod at tumakbo palayo. Hindi ko alam kung saan pupunta pero basta sinundan ko lang kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.
Nang pakiramdam ko'y medyo nakalayu-layo na ako ay tinanggal ko ang sapatos ko pati belo at tumakbo ulit sa pinakamabilis na kaya ko. Bahala na kung saan ako mapunta.
Tumigil lang ako sa pagtakbo nang pagod na pagod na talaga ako at medyo nahimasmasan na.
Omyghad, bakit ako tumakbo?!
Waaaah! Tanga ka talaga, Juliet! Sinira ko ang only chance na maligtas kami ng pamilya ko sa gulong 'to! Ghad, anong gagawin ko???
Napaupo nalang ako sa lupa at napasabunot sa sarili ko sa sobrang katangahan ko.
"Huwag mong saktan ang sarili mo." Halos tumalon hanggang kay Lord ang puso ko sa gulat nang may biglang nagsalita. Napalingon ako at nakita ang nakablue na uniform na lalaki. Umangat ang tingin ko sa ulo niya at nakita ang makisig na mukha Fernan.
Yup! Kung may nakapansin man, nakita na nga ni Juliet ang nakita niya ngayon nung nag-usap sila dati noong blessing ng pagamutan ni Angelito Custodio. Medyo mahalaga 'yung mga nakikita ni Juliet hehe so ayun nga ho sabi sa inyo may ilang hints sa ibang chapters hehe pero okay rin naman masurprise, 'di ba? HAHAHA!
Maraming salamat sa pagbabasa!
- E