webnovel

LXXVI

Juliet

"Maayos na po ang lahat, binibini." Sabi ng babaeng nag-ayos sa buhok ko habang nasa likod lang si Ina. Biglang bumukas nang malakas ang pinto at bumungad sa amin si Caden.

Oops. Mukhang galit siya sa akin huhu.

"Ma--Maiwan niyo muna kami... pakiusap." Hingal sabi ni Caden at sumunod naman sila Ina at 'yung nag-ayos ng buhok ko.

"Nahihibang ka na ba??" Padabog na lapag ni Caden sa dala niyang briefcase sa lamesa ko paglabas na pagkalabas nila Ina atsaka kinuha ang pitcher ng tubig at uminom.

Mukhang kakabalik lang niya sa San Sebastian galing sa paghahanap ng mga bagay na kailangan niya sa misyon niya.

"Ginawa ko lang ang kailangan kong gawin para iligtas ang pamilya natin." Diretsong sagot ko.

"Tama 'yon!" Sagot niya pagkainom ng tubig at pinunasan ang bibig niya.

"Oh, eh bakit ka nagagalit?" Tanong ko.

"Nagagalit ako dahil masyado kang nagmamadali! Alam mo ba kung ilang telegrama ang natanggap ko mula kanila Ina simula kagabi?! Sobrang bilis dumating ng mga telegramang iyon na halos ikamatay ko ang pagkagulat sa mga iyon! Alam mo bang madalas ilang araw bago ka makatanggap ng telegrama sa panahong ito pero ang mga telegramang iyon ay halos kasing bilis ng kidlat! Kailangan ko raw umabot sa kasal mo at alam mo ba kung gaano ka-nakakapagod bumyahe habang nagmamadali tapos hindi pa ako matantanan ng mga telegrama at pangungulit nila Ina?? Hindi ba puwedeng kahit tatlong araw ang hinintay mo upang nakauwi naman ako nang maayos at hindi ganito?!" Frustrated na rant ni Caden kaya natawa nalang ako na mas lalo niyang kinainis.

Paano ba naman kasi 'to, akala mo napakalaki ng problema eh!

Nagulat ako nang bigla niyang tapik-tapikin ang ulo ko na para bang isa akong bata. Pagkatingin ko sa kaniya, hindi na siya mukhang galit. What? Anong nangyari?

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong 'to?" Tanong niya. Napayuko ako dahil sa totoo lang... hindi ko rin alam.

"Gawin mo kung ano ang tingin mong dapat, Juliet. Hindi ko sinasabing hindi ito ang dapat, pero hindi ko rin naman sinasabing ito ang dapat. Ikaw lang ang nakakaalam no'n." Sabi niya at naglakad na papunta sa pinto.

"Maliligo at magbibihis na ako." Ngiti niya at lumabas na.

Naiwan akong nakatingin sa sarili ko sa salamin. Alin nga ba ang dapat at hindi ko dapat gawin?

Napatingin ulit ako sa may pinto nang tumunog ulit ito at nakitang dumungaw si Josefina. Tumayo ako nang makita siya at tuluyan na nga siyang pumasok. Kasama ko si Josefina sa pagamutan na unang pinagtrabahuhan ko pati na nang lumipat na kami sa pagamutan ni Angelito Custodio.

"Nais sana kitang batiin sa kasal mo ngayon, binibini." Ngiti niya atsaka humawak sa kamay ko.

"Nawa'y maging masaya ang pagsasama niyo ni Ginoong Angelito at magkaroon kayo ng malulusog at mababait na mga supling." Dagdag pa niya at sa tono palang ay ramdam na ramdam ko na ang sincerity niya kaya naman nagtaka ako.

Sa totoo lang, medyo close naman kami nito ni Josefina pero hindi ko inaasahan na ganito siya magiging ka-emosyonal dahil sa kasal na 'to kasi... hindi naman niya ginawa 'to nung ikakasal ako kay Niño?

"Alagaan mo nang mabuti si Ginoong Angelito, binibini. Alam kong ikaw ang makakapagpasaya sa kaniya kaya't sana'y pangalagaan mo siya. Matagal ka nang gusto ni Ginoong Angelito kaya naman masaya na rin ako ngayong sa iyo nga siya ikakasal. Naiisip ko palang kung gaano siya kasaya sa kasal na ito ay siya na ring labis na ikinagagalak ng aking puso." Nakangiting sabi ni Josefina habang nagniningning na ang mga mata niya dahil sa mga namumuong luha.

"G-Gusto mo ba si Ginoong Angelito, Josefina?" Biglang tanong ko na ako rin mismo ang nagulat sa lumabas sa bibig ko.

Sa tinagal-tagal kasi naming magkasama ni Josefina, hindi ko man lang nahalata na may pagtingin siya kay Angelito Custodio. Habang nag mo-monologue lang siya kanina ko naalala na walang araw ang lumipas na hindi niya binanggit ang pangalan ni Angelito simula pa nung nasa unang pagamutan palang kami hanggang sa lumipat kami sa pagamutan ni Angelito.

Ngayon ko lang rin narealize na tuwing ayaw kong pumunta kay Angelito kasi nga naiintimidate ako sa kaniya, si Josefina ang laging nag p-presinta na siya na ang gagawa ng pinapagawa ni Angelito o 'di kaya'y siya na ang pupunta kay Angelito. Nung una akala ko masipag lang talaga si Josefina at matulungin sa akin. Akala ko rin normal lang 'yun dahil halos lahat naman ng dalaga sa bayang 'to ay crush si Angelito Custodio pero ang hindi ko alam... hindi lang pala simpleng crush ang nararamdaman ni Josefina para kay Angelito.

Hindi ka naman pupunta sa kwarto ng babaeng papakasalan ng taong gusto mo para sabihin sa kaniya lahat ng ito kung simpleng crush lang ang lahat.

"Hindi na mahalaga ang nararamdaman ko, binibini. Ang mahalaga ay magiging ubod ng saya si Ginoong Angelito sa piling mo, sa piling ng dalagang matagal na niyang gusto."

"WHAT?!" Gulat na tanong ko sa sinabi niya kaya nabitawan ko na ang kamay niya. Matagal na niyang gusto? Ha?! Ako?? Si Angelito Custodio? ANO?!?!?!

"Anong sinasabi mo diyan??" Gulat na tanong ko.

"K-Kanina ko pa sinasabi sa iyong matagal ka nang gusto ni Ginoong Angelito, hindi ka ba nakikinig?" Tanong ni Josefina na mukhang nawiwirduhan na sa akin.

Omyghad! May sinabi siyang ganun?? Masyado akong nagfocus sa pag-iisip ng mga evidences na gusto nga ni Josefina si Angelito na hindi ko man lang 'yun napansin, ghad!

"Teka, kailan pa?" Tanong ko. "At paano mo nalaman?"

"Sa katunayan ay kapag nagkakasiyahan ay pasimpleng sinusubukan ng mga kasamahan natin sa pagamutan tanungin si Ginoong Angelito kung kailan ka pa niya nagustuhan ngunit kahit kailan ay hindi kami nakakuha ng seryosong sagot mula sa kaniya." Sagot niya.

So... walang nakakaalam?

"Pero madalas siyang magbiro na una ka niyang nakita sa hinaharap." Napatingin ulit agad ako kay Josefina at ewan ko ba bakit biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Mga... mahigit isang daang taon daw mula sa panahong ito. Kahit daw mahigit isang daang taon na ang lumipas ay wala pa ring kupas ang iyong kagandahan sa panahong iyon." Ngiti pa ni Josefina na mukha nire-reminisce 'yung araw na sinabi ni Angelito 'yun.

Omyghad. Posible bang... galing din si Angelito sa present? O nababaliw lang talaga ako? Posible bang joke lang 'yun ni Angelito sa kanila o... omyghad, hindi ko na alam!

"Hindi mo ba napapansin? Napakamaalaga ni Ginoong Angelito sa iyo kaya naman gano'n ka rin namin tratuhin. Alam namin kung gaano ka kahalaga sa kaniya." Sabi ni Josefina kaya naalala ko naman ang mga panahon nung nasa unang pagamutan pa kami.

Doktor doon si Angelito at halos hindi naman kami nag-uusap pero naaalala ko kapag nag o-overwork ako masyado ay sinasabi ng mga kasamahan kong huwag ako masyadong magpagod kung ayaw kong mag-alala si Ginoong Angelito. Ngayon, gets ko na pero... hindi pa rin ako convinced na gusto ako ni Angelito Custodio.

I mean... paano? Hindi ko nga malaman kung bulag ba o talagang napakababa ng standards ni Niño kaya niya ako nagustuhan tapos si Angelito Custodio rin? Ghad, ganun ba ako kaganda sa panahong 'to? Uso naman na spectacles sa panahong 'to ah? Bilhan ko na kaya si Angelito?

"Iyon lang naman ang pinunta ko rito. Aalis na rin ako sa San Sebastian ngayong araw kaya hindi na ako makakapunta sa kasal kaya dumiretso na ako rito. Wala na akong ibang hinihiling kundi ang kasiyahan niyo ni Ginoong Angelito." Ngiti ni Josefina at bakas sa mga ngiting 'yon ang totoong sakit na nararamdaman niya.

"Teka!" Pigil ko sa kaniya bago siya maglakad papunta sa pinto.

"Alam ba ni Ginoong Angelito ang nararamdaman mo para sa kaniya?" Tanong ko.

Ngumiti siya atsaka umiling. "Wala na rin namang saysay kung malalaman pa niya."

"Hindi! P-Paano kapag... gusto ka rin pala niya, 'di ba? O kaya..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan muli ni Josefina ang kamay ko na nakapagpakalma sa akin.

"Kung naghahanap ka ng rason upang hindi ituloy ang kasal, hindi ito 'yon." Ngiti niya.

"Mahal ka ni Ginoong Angelito. Huwag mong kalimutan 'yon." Sabi niya atsaka tuluyan nang lumabas. Napaupo nalang ulit ako nang isarado na niya ang pinto.

Tama siya.

Naghahanap nga ako ng butas para hindi na ituloy 'to.

Bakit nga ba kasi ako biglang nagdecide na ngayon na agad ang kasal?! Tanga ka talaga, Juliet! Tanga! Ang tanga-tanga!

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang palad ko atsaka humarap sa salamin.

Hindi... hindi ka pwedeng umatras ngayon, Juliet. Ito lang ang pag-asa ng pamilya mo. Kung ngayon ang kasal, edi ngayon. Either way wala ka rin namang choice, dito rin ang bagsak mo kaya... wala ka na ring magagawa.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok.

OMG. Ito na ba? Pupunta na ba kaming simbahan? Shocks! Hindi pa ako ready! Ghad, tama ba 'tong ginagawa ko?

Nakarinig ulit ako ng katok kaya tumayo na ako at binuksan 'yun. Halos malaglag ang panga ko sa lapag nang makita kung sino ang kumakatok.

"Manuel?"

Sa mga nagulat nga pala riyan sa sinabi ni Josefina, may isang chapter kung saan ako nagdrop ng hint na may gusto si Angelito kay Juliet pero sobrang layo na yata nun. Sa may part pa 'yun na umalis sila Niño dahil namatay si Heneral Luna ? So ayun nga, may mga drino-drop akong tiny hints sa ilang chapters kaya take note sa ilang mga details hehe.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts