webnovel

The Palm

Chapter 7

^Reyjin's Part^

"halika ka na nga pumasok na nga tayo"

"umamin ka muna sakin dude ano crush mo sya nu?" habang nakaturo nyang sinasabi ang mga katagang yan na parang

napatayo ang mga balahibo ko sa katawan although hindi naman ako balbon pero naramdaman ko yun na dumaloy sa buong katawan

ko.

"huy tumigil ka nga dyan mamaya may makapansin eh" tapos ibinanaba ko yung kamay nya hinawakan ko sya sa hintuturong

daliri nya.

"yikes dude namumula ka na ano ka ba naman ang sili mo na oh"

"huh? Ewan ko sayo tara na nga" then tumalikod na ko sakanya at nag-umpisa na maglakad papunta sa room namin

"hahaha talagang sili nga sya namumula na ang anghang pa"

Tsk ang kulit ni Nicolas kung pikon lang talaga ako at mahilig sa mga basag ulo malamang nabondyag ko na sya hindi ko

nalang sya pinansin at dumiretso nalang ako sa paglalakad at ng biglang sa paglalakad ko hindi ko namalayan na nadapa ako

dahil sa isang bato na nakaharang at sa hinamak nga ng kalngitan at kalupaan sa harap pa ng daanan ko humarang kaya

naman sa isang iglap at walang kukurap pero ang nais ko ay pumikit nalang ang mga matang makakakita sakin ngayon sa aking

dakilang paglanding at paghalik sa lupa.

Ang isang pagkadapa!

waaaaakKkKkKk!!!!!!

arGgGgGg  ?

ang sakit nagkasugat ako sa braso why among people in the earth? Why me?

Uso ba talaga sakin ang mga ganitong bagay? Sana ngayon palang malaos na!

Badtrippppp!!!!!!

Napansin ko na may tumawag sakin at alam kong boses yun ni Nicolas

"uy dude ok ka lang ba?" rinig ko ang mga yabag nya pero nakalimutan ko na ang sound waves nya ng may isang palad ang

nakita ko sa pag-angat ng aking ulo isang palad na mukang malambot isang palad na parang gusto kong hawakan magpakaylanman.

Pero teka balik na sa reality tama na ng fantasy para na akong naka take ng extasy and saw an angel to me.

Beng.

Parang may heart shape sa mata ko ng makita ko yung muka ng taong may napakagandang palad in www.

Sino pa nga ba sya alam nyo na syempre kung sino ang tinutukoy ko edi si

Cammilke

sya nga at wala ng iba.

Bumilis ang tibok ng puso ko para akong hindi makahinga pero ramdam kong buhay na buhay ako.

"ano pa tinitingin mo dyan tayo na" iniaabot nya sakin yung kamay nya tinutulungan nya na naman ako all of the sudden.

At marahan ko nalang inabot yung kanyang kamay ng mahawakan ko yun nakaramadam ako ng isang boltahe sa aking mga kamay

papunta saking katawan bago pa malaman ng aking kaisipan.

"sa- -la- -ma-t ha"

"ok lang, ano ok ka lang ba? Yan tuloy oh ang dumi na ng polo mo" at pinagpag nya yung damit ko na may dumi awww ang swerte

naman ng pagkadapa ko kung laging ganito ang mangyayari sa tuwing madadapa ako sana oras oras nalang ako madapa at sya

yung taong mag-aabot ng kanyang palad para itayo ako.

"oh may sugat ka" tinuro nya yung kaliwang braso ko na may gas-gas tapos hinawakan nya yung braso ko na may sugat at tsaka

nalang ako napa-inda at naramdaman ko yung hapdi ng sugat na yun hay lagi nalang ako may sugat tsk!

Biglang may umakbay sakin ng bahagya na nagtap ng shoulder ko ng lumingon ako nakita ko si Nicolas na parang hinigal na

mukang kinabahan yata akala nya ba mamatay na ko?

Tumingin sya sakin at nagtanong kung ok lang ako tumango naman ako at tinignan sya ng hindi kanais nais na para bang

sinasabi ng mga mata ko sa kanya na 'sana hindi ka na dumating eh ito na nga yung moment ko oh my googoo'

Nakita ko nalang na may kinikuhang gamit si Cammilke sa bag nyang parang panglalake ang dating teka VANS na malaking bag

pala ang gamit nya? Parang panglalaki yung bag nya eh kay ganda nya para sa ganitong bag pero kahit na ganun ang astig pa

din sakanya tignan, may kinukuha yata sya eh at ng makuha nya nga yung mahiwagang bagay na yun ay nagsalita sya at

inabot nya sakin.

"beta dine oh tsaka bulak linisin mo yung sugat para di ma-imfect sige na kunin mo na at bell na" kinuha ko naman at hindi

ako makapag salita sakanya.

"sige ha una na ko sa susunod kasi titingin ka sa daan ah wag sakin" tapos nag winked sya sakin at nag piece sign at

parang bigla nalang ako namula na parang sili sa likod nya kasi tumalikod na kasi sya agad nun at naglakad na habang

nakatingin ako sa bag nya at sa buhok nyang maganda haaay sana akin nalang ang buhok nya ay mali yung bag pala nya o baka

pwede naman din sanang mag day dream na akin nalang sya. Haaay

Totoo ba talagang nakatingin ako sakanya nung madapa ako?

Sira ulo talaga ako!

Love na kaya yun?

Love is blind daw eh, kaya siguro ako nadapa.

"dude kaya ka pala nadapa eh hahaha"

"ewan ko sayo dyan ka nga pumasok na nga tayo bell na"

"ay oo nga pala nu tara na takbo"

Tumakbo na sya bigla hindi nya ba naisip na kakadapa ko lang at pinatatakbo nya ako? Eh hindi ko na din naisip na nadapa

nga pala ako eh sa pag-aalala ko na malate eh tumakbo nalang din ako habanmg hawak hawak ko sa kamay ang bulak at isang bote

ng beta dine dahil may kailanagn ako irescue.

Irescue ang sarili sa pagtatalak ng titser namin baka pagalitan kami at nalate kami.

Takbo>>>

Nang makarating kami sa room namin nanduon na yung titser namin akala ko aabot kami pero yun ay isang akala nga lang.

 "Sorry we're late ma'am" sabi ko nung makita ko si ma'am Alba na titser namin ngayon sa MAPEH

 "bakit ngayon lang kayo saan kayo galing?"

"bumili lang po kami ng beta dine ma'am kasi nagkasugat si Jin eh" sabi ni Nicolas wow ah ang galing nya magpalusot.

"oh sige you may come in but next time there is no more next time for any excuses"

"yes ma'am" sabi namin in chorus habang naglalakad sa may harap while nakatingin ang mga class mate namin na tahimik na

akala mo ngayon lang nakakita ng may nalate napadaan ako sa may upuan ni Bridgette at napansin kong wala yata sya hindi

siguro sya pumasok hmmm obvious naman eh absent sya bakit kaya?

So eh ano naman kung hindi sya pumasok nu.

**Recess time**

Nagpaalam si Nicolas na pupuntahan nya yung babaeng nililigawan nya yata malay ko dun umailis nalang agad eh, ako naman

naiwan dito sa room namin na mag-isa kasi nag-sialisan na yung mga tao para kumain sa may canteen ako andito mag-isa

naglilinis ng sugatan kong braso wala kasi time kanina kaya ngayon ko nalang ginawa ang alam ko lalagyan ko yung sugat ko

nito gamit ang bulak at ang baho ng amoy ng beta ah.

May biglang pumasok ng room namin sa may upuan ko sya banda dumaan dalawa kasi yung door ng class room namin at sa may

huling mga row ng upuan merong pinto except dun sa pinto sa unahan malapit sa may black board.

Nilingon ko naman sya at nakita ko si Bridgette na basa pa ang buhok na mukang kaliligo lang woa ang bango naman nya kaya

napansin ko talaga sya agad.

"late ka?" sabi ko sakanya

"oo bakit may angal kung late ako ha? At alam mo na nga obvious na nagtatanong ka pa dyan tsss your such a looser talaga"

Inirapan nya ako habang sukbit nya yung shoulder bag nyang kulay pink ano ba yun ang over nya kung maka-react ang sungit nya.

Edi silent nalang at tinuloy ko nalang yung pag gamot ko sa sugat ko.

Inilapag nya yung bag nya sa may upuan nya at palabas na ng pinto ng bigla naman syang huminto sa tapat ko.

"ano yan?" hinawakan nya yung braso ko na may sugat arrrgg!

Masakit ha lokang babaita to eh kung sabihin ko kaya sakanya na sugat yan nakita mo na nga nagytatanong ka pa eh obvious

naman di ba di ba? Looser ka talaga!

Pero syempre joke lang yun hehe.

"sugat" sabi ko nalang

"oo alam kong sugat yan saan mo naman yan nakuha ang lampa mo talaga kahit kelan!"

Wow grabe ha ano yun sermon o panginsulto edi ako na lampa :/

"nadapa lang ako kanina hindi ko kasi napansin yung bato eh"

"hindi ka talaga nag-iingat eh lampayatot ka dapat nasa likod ka nalng ng lapis eh wahaha"

Teka parang nasa palatastas yun sa tv ah tinawanan pa ko grabe lang ah ang sama, may itinabi syang upuan yun yung upuan ni

Nicolas inilapit nya sa upuan ko at nagulat ako ng inagaw nya sakin yung bulak at beta then umupo sya sa tapat ko

napansin ko lang ngayon ang ganda pala nya sa malapitan yung mapungay na mata nya at pilik mata ang agad kong napansin

sana kasing ganda nga ng nabangit ko yung ugali nya lalo na kung magsalita sakin.

"iww kadiri oh" sabi nya habang parang diring diri na hinawakan yung bulak na pinahid ko sa sugat at itinapon nya sa may

malapit na basurahan inihagis nya lang sakto naman na shoot woa 3points ah.

"ako na mag-linis parang hindi ka naman kasi marunong eh"

"huh? Eh?"

"manahimik ka nalang dyan" at nilinis nya yung sugat ko pinilit kong hindi umaray sa ginagawa nya kasi nahahapdian ako

buti nalang magaan yung kamay nya sa pag-gawa nun kaya hindi naman sya ganun kasakit.

"salamat ha"

"hindi mo kailngan mag-pasalamat babayaran mo yan"

"huh? Ang hilig mo talaga maningil"

"tse! Kaya ko yan ginawa ay dahil ayokong may sugat ang makakadate ko kaya ikaw umayos ayos ka!" tinuro nya ng hintuturo

nya yung dibdib ko.

"hindi ka ba nagbibiro tungkol dun?"

"bakit muka ba akong mapag-biro ha?"

"hi-hindi"

"yun naman pala eh bakit ayaw mo ba?"

"ah nakakahiya kasi eh hindi ako alam ano gagawin ko dun"

"bakit wala ka bang tiwala sa sarili mo?"

"parang ganun na nga"

"edi ako ng bahala sa tiwala mo sa sarili na yan at yun ay isang utang haha"

"eh bakit ba kasi ako?"

"loser ka kasi hahaha" tumawa sya na parang ewan.

"loser?" tinuro ko yung sarili ko.

"joke hindi yun kasi ikaw lang ang hindi nakakakilala sakin"

Ano daw yun at bigla na syang umalis nung lagyan nya ng band-aid yung braso ko na kinuha nya sa may wallet nya meron na din

pala syang baon na ganun.

Pero bakit nga kaya ako anong hindi ko sya kilala eh alam ko naman ang pangalan nya.

Wirdo nya ang sungit pa pero maganda sya.