webnovel

Behind his back

Chapter 8

^Nicolas Part^

Syempre recess time na eh kaya punta na naman ako sa canteen kuna saan nandun ang babaeng kinahuhumalingan ko wahaha ayeee.. inlove eh sa gusto ko parati sya nakikita eh kaya eto pupunta na ko ng mabilis sanay sa takbuhan eh sayang kasi yung time ilang minuto lang naman ang break kasi susulitin ko na.

Pagkadating ko andun na si Trisyalee sa isang table na sya lang ang naka-upo nireserve nya na siguro para sakin may usapan kasi kami na pupunta ko ngayon para sabay kami kumain at nakita ko nga andaming pag-kain ang nasa table. Lumapit ako ng marahan sa likod nya at kinuha ko na sa bag ko ang isang maliit na surpresa para sakanya.

Pagkakuha ko ng bagay na yun ay itinapat ko agad sa muka nya habng nasa likod nya ako.

"puppy?" tas humarap na sya sa likod nya at nakita nya ang lalaking pinakagwapoi kapag kapiling sya haha ang oa ko na.

"Nico andyan ka na pala kaw ah ano yan?"

"para sayo hehe kunin mo na"

"thank you ha ang cute naman nito bakit nag-abala ka pa"

"wala lang trip ko lang kasi bigyan ka bigyan ka eh nagustuhan mo ba?"

"oo naman favorite ko kaya to kesa sa teddies upo ka na nga baka maging poste ka pa dyan eh"

"sige teka bakit bumili ka na ng mga food dapat inintay mo nalang sana ako at ako na ang bumili eh"

"ayaw ko naman kasi na parati ako nililibre eh"

"eh ano ka ba syempre ako naman yung guy eh"

"porke ba lalaki sya na parati ang pwede manglibre hindi ba pwede ako ang mang libre sayo?"

"haha ikaw talaga oh ang cute mo" nag pout kasi sya, kaya naman pinisil ko ng bahagya yung pisngi nya.

"kaw ha simpleng tsansing ka ah"

"huh? Tsangsing ba yun?"

"uyyy namumula ka" pabiro nyang pinisil naman yung muka ko at niyug-yug nya to

"araay naman yalee" sabi ko kahit hindi naman masakit uma-akto lang sige tagalan mo pa =)

"hehe"

"kaw din oh tsansing ka din eh"

"ok lang yun nu babae naman ako"

"ganun ba yun?" sabi ko

"oo ganun talaga yun kaya kung manynyansing ka mag-paalam ka muna sakin haha joke"

Ano raw daw yun teka kung hahawakan ko ang kamay nya mag-papaalam pa ko eh panu kung kiss? Meron na ba ko napanuod sa tv na ganun nag-paalam par wala naman yata amp.

"ah ganun pala ah oh yalee patsansing nga" tapos ngumiti ako ng nakakaloko sakanya

"haha sira" at binatukan nya ko bigla medyo mlakas lakas yun ah ang sakit.

"kumain na nga tayo dami mo alam dyan Nico malapit na mag time tara let's eat"

"sakit nun nakakasakit ka naman manyansing hehe"

At masaya na naman akong kumain ng recess sana recess nalang parati para lagi ko syang kasama.

Ng matapos na kami kuamin sakto naman na nagbell na oras na naman ng klase kaya takbo na naman ako para makarating sa room ko.

Kung atlete lang ako alam nyo na siguro kung saan sports ako sasali malamang sa marathon hehe, malamang ipanalo ko ng olympic golg medal ang bansang Pilipinas pero sa ngayon hindi gintong medalya ang gusto kong makuha kundi yung katawan ni este yung oo ni Trisyalee kayo naman.

**Classroom**

Nasa loob na yung mga kaklase ko naka-upo na at nandun yung adviser namin may kasama sya sa harap na isang babae.

o.o ?

o.O ?

-.^ ?

0.0

O.O ?

O.O- - -  - O.O - - - O.O - - ?? ??

Kusot mata baka namamalikmata lang ako.

Wait wag mo muna ibaba yung pahina kung pwede bigyan nyo muna ako ng hangin para makahinga.

Totoo ba to kahit na alam naman natin na kathang isip lang to ng dakilang tagapag sulat.

NICOLE?

Bigla nalang yatang tumigil sa pag tibok yung heart ko ng makita ko sya sa unang tinmgin hindi ko sya nakilala pero nung titigan ng maige nakilala ko na sya.

O common.

"please ms. Siezer introduce your self to us" sabi ng adviser namin

"I'm Nicole Siezer 16years old, I'm your new transfer student from Ordox University England, I love sports but more I love friends I hope you and I will be good friends that's all thanks" may accent pa sya mag-salita ng enmglish ah kaya habang nagsasalita sya sinamantala ko na maglakad papunta sa kinauupuan ko, bakit kaya nandito sya at dito pa nagtransfer hindi ko maintindihan kung magiging masaya ba ko o malungkot naghahalo na ng emosyon ko.

Tinignan ko si Bridgette at mukang nagulat sya na nandito yung pinsan nya hindi nya din kaya alam? Kilala ko si Nicole masurpresa syang tao at malihim kaya malamang nagulat din dito si Bridgette.

Umupo ako ng may pagtataka at nagiisip kahit hindi ko alam ang dapat isipin naguguluhan pero bakit I don't know.

"puno na yung mga seats pala dito wait ms. Seizer magpapakuha lang ako ng isang silya"

"ok ma'am"

At may isang istudyante na initusan si ma'am na kumuha ng silya at table sa auditorium ng makuha yun ipinalagay ni ma'am sa may likod yung upuan bale dun sa kabilang side sa may right na dulo yung upuan at table.

"ma'am may I seat behind mr.Nicolas?"

Ano what?

"oh at mr.Nicolas? your name is Nicole and mr. Perigrino is Nicolas same names ah if is that so you may seat behind mr. Perigrino"

"thanks ma'am your so kind"

Ano bang binabalak ng babaeng to after all these years babalik sya at ngayon gagambalain nya ang likod ko ewan ko lang ah.

Kinakabahan na ako.

Umupo sya sa likod ko pero bago yun tumingin sya sa mata ko sa pag-daan nya at ngumiti ako naman nakasimangot lang yata ako nun tumingin sya.

Nagstart na yung class pero behind my back is there a sound calling my name.

"kulas kulas?"

Lumingon ako bahagya sa tumawag alam kong si Nicole yun tumingin ako sakanya ng masama at hindi ako nagsalita makuha ka s tingin kahit na gumanda ka pa lalo at naging hilaw I don't care.

Tumalikod na ko ulit para makinig sa guro namin kahit hindi naman talaga ako nakikinig sa titser namin kasi panira yung nasa likod eh.

"hey kulas" tumawag na naman sya ng pabulong sakin nilingon ko ulit sya but this time nagsalita na ko

"ano bang kailangan mo? tawag ka ng tawag dyan adik ka ba?"

"easy boy by the way how are you kulas?" ngumiti sya ng nakakaloko sakin

"pwede ba wag ka ng mag-engles pa dyan hello nasa lupang hinirang tayo wala sa englatera at tsaka wag mo nga ko tawaging kulas!"

"hey mr. Perigrino whats behind ano tinitigin mo dyan hindi ka nakikinig"

"eh kasi po ma'am si ano eh" pagkalingon ko kay Nicole nakatingin sya sa titser namin at nakasuot na sya ng reading glass at may hawak na libro na akala mo seryoso sa pag-aaral.

"ano yun mr. Perigrino?"

"ah wala po ma'am"

"ok mr. Peregrino whose the author of ilad?"

Tumayo ako kasi tintanong nya pero hindi ko alam ang isasagot tsk hindi kasi ako nakikinig eh.

"ma'am sorry ma'am I don't know the answer"

"anybody who can help mr.Perigrino?"

Madaming nagtaas ng kamay at sa kagustuhan nga ng author ang tinawag eh si ms. New transferee takte!

"ma'am the author of ilad is Homer"

"ok thanks ms.Seizer you may seat down mr. Perigrino next time focus on what is our topic don't you think your mind had a wings"

At napahiya pa ko nagtawanan yung mga classmates namin kasama na si Nicole bwisit yan.

Buti pa si dude na katabi ko hindi tumawa pero nung tignan ko sya parang pinipilit lang nyang hindi tumawa nakakainis!

Argghh

?

NICOLE SEIZER HUMANDA KA TALAGA SAKIN!