Happy Reading :)
"Good Morning Elle" salubong na bati sa akin ni Zuri.
Nginitian ko lang siya at binigyan ng iniinom ko na 'Smart C'.
Naupo nako sa pwesto ko--pangalawa sa parallel horizontal.
Wala pa ang homeroom adviser namin kaya malaya silang nakakapag ingay at saka marami pa ding wala sa room.
Tahimik nalang akong tumitig sa kawalan at nagisip isip tungkol sa mga bago kong nakilala kahapon.
"Elle!" napalingon ako sa tumawag sakin nang pasigaw na pabulong.
Si Zane lang pala.
Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin and mouthed the word 'Ano?'
"Natutulala ka..." nginitian ko nalang siya sa sinabi niyang iyon.
Laging si Zane ang nakakapansin ng pagkakatulala ko. Simula palang ng mag aral ako dito ay siya na lagi ang nagbabalik sakin sa reyalidad tuwing natutulala ako. Madalas akong natutulala at lumilipad sa kung saan ang iniisip ko. Minsan ay hindi ko na namamalayan na may nangyayari na pala sa paligid ko sa sobrang lalim ng iniisip ko.
Naging siya ang Vice President namin sa room simula 7th grade, pero kahit nasa ganoong posisyon siya, hindi parin mawawala ang pagkabatil at pagiging maloko niya. Kung sino pang dapat ay tinutularan ay siya pa minsan pasimuno sa pag iingay, but aside sa pagiging maloko niya ay maaasahan siya sa lahat ng bagay. Besides, he would not be in this same position for years if he’s not competent and responsible.
Maya maya lang ay dumami na ang tao sa room at saktong bell nang dumating na ang homeroom adviser namin. Sa nagdaang panahon na nakasama namin ang Homeroom adviser namin ay wala ni isa sa personality niya ang nagustuhan ng karamihan. Isa na ako doon. Masyado siyang pakialamera at mayroon din siyang favoritism.
Si Iesha ang naging paborito niya sa aming lahat at dahil doon ay madalas asarin si Iesha ng teacher’s pet. Nakikisali naman siya sa pag asar sa sarili niya dahil marahil pati siya ay hindi nagugustuhan ang katotohanang hindi tinatago ng homeroom teacher namin ang pagkakaroon niya ng Favorite sa aming lahat.
Sanay na silang lahat na madalas akong nakatulala at nasa malalim na isipan at walang pakialam sa mga ginagawa nila. Ang pagkuha na lang ng atensyon ko ang ginagawa nila tuwing napapansin nilang nawawala nanaman ako.
Nagbigay lang siya ng reminders tungkol sa subject niya and the rest ay sinumbatan na niya ang magiging cleaners ngayong araw.
Pagka-alis niya ay pumasok na ang next subject teacher namin at agad na nagturo sa Filipino.
Natapos ang Filipino time namin ng maayos. Pinagsabihan sina Bace, Duke, Daimon at Maxx sa kadahilanang nagtatawanan ang mga ito habang nagtuturo si Ms. Dienne.
Right after pagsabihan sina Bace ay saktong nagbell ng hudyat na Break time na.
"Elle tara kain na tayo." aya sakin ni Paige.
Hinihintay na rin pala ako nina Zuri, Laide, at Zane na matapos ligpitin ang mga gamit ko.
Binilisan ko ito at nauna nang bumaba para pumunta ng Canteen.
Ang School na ito ay may tatlong building at dalawang close-court at dalawang Canteen. Ang Elementary Building ay nasa Left side kung papasok ka ng gate ng school at kaharap ang buong iskwelahan. Ang Highschool Bulding ay nasa Gitna at ang Collage Building ay nasa Right side lang. Ang dalawang close-court naman ay magkatabi lang sa likuran ng mga buildings at ang dalawang Canteen ay nasa magkabilang side ng Close-courts.
"Babae ba't di ka kumakain?" nakataas na kilay na tanong sakin ni Paige.
"Diet yan" natatawang sabi naman ni Zuri na naglalagay ng Ketchup sa Footlong niya.
Natawa nalang din ako at napailing iling at sinagot na wala akong gana.
"Kumain ka" walang kabuhay buhay na sabi ni Russ habang sumisipsip sa straw ng Gatorade niya.
"Wala akong gana" tanging sagot ko.
"Dig-in!!" malakas na sabi ni Zane na kakaupo lang dala dala ang mga pinamili niya habang pinagki-kiskis ang mga palad niya.
Walang sabi sabi at tinging inilapag niya sa harap ko ang isang burger at isang sandwich na may 'PB&UJ' na nakatatak sa wrapper nito. Inilapag din niya ang isang 'Smart C' sa harapan ko at nagsimula na siyang kumain.
"Ano to?" takang tanong ko.
"Pagkain malamang" sarcastic niyang sabi habang ngumunguya.
"Anong gagawin ko dito?" nakaka bother naman kasi. Bigla bigla nalang niya ako bibigyan ng pagkaing hindi ko naman hinihingi sa kanya.
Tumigil siya sa pagnguya at napatitig sakin habang nakalobo ang pisngi dahil sa daming laman niyon.
"Titigan mo. I'm pretty sure kapag tinitigan mo yan mabubusog ka" at nagpatuloy na ulit siyang kumain.
Napairap nalang ako at kumain na lang din.
Pasalamat siya at may Smart C kundi hindi ko talaga kakainin to.
Kumain kami--ako ng tahimik habang silang lahat ay nagkukwentuhan tungkol sa hindi ko alam dahil hindi talaga ako nakikinig.
Nagbell na pero nagkukwentuhan parin sila habang paakyat kami sa third floor-- kung saan nandoon ang room namin.
Nagpasukan na kami at kasunod lang namin ang ibang mga lalaki naming kaklase na pawis na pawis. Halatang naglaro ng basketball.
Di rin nagtagal ay pumasok na ang Math Teacher namin at nagsimula nang magturo.
Goodluck nalang sa mga pawis. Siguradong sakit ang aabutin nila dahil air conditioned ang room.
Natapos ang araw namin na kami din malapit nang matapos mabuhay. Pahirap na ng pahirap ang mga itinuturo.
“Potakteng Science yon makayanig kaluluwa” reklamo agad ni Bace.
“Mahina ka lang talaga kaya hindi mo makuha-kuha” pagmamayabang ni Zane.
“Ganyan lang lumalabas sa bibig mo kasi top 1 kang animal ka” inis na sabi ni Bace.
Napailing nalang kami nang magsimula nanaman silang magbangayan. Papunta kami ngayon sa bahay namin. Nagpaluto ako ng dinner para mamaya bago sila umuwi ay hindi na sila magdi-dinner sa kanila. Nagpabili rin ako ng mga kutkutin at iba pang junk food para sa kung ano mang gusto nilang kainin.
Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming pinagbuksan ng gate. Sinalubong kami ng tahol at pagtatalon ni Dawn dahil sa excitement na makakita ng ibang taong pamilyar sa kanya.
Binati ng mga kaibigan ko si Dawn at kinamotkamutan ito. Si Dawn naman ay tuwang tuwa.
Nag aya na akong pumasok at nanguna na, tinawag ko din si Dawn para mauna na siya at makapasok na silang lahat.
Agad na humanap ng kanya-kanyang pwesto ang lahat at nagkwentuhan agad. Binuksan ko nalang ang tv at binigay sakanila ang remote para sila na makakapili ng papanoorin nila. Hinayaan ko na muna sila roon at umakyat sa kwarto ko para magpalit ng mas komportableng damit.
Kumuha ako ng mga damit pang-lalaki sa guest room at kumuha rin ako ng ilang extra clothes ko. Ipapahiram ko na muna sakanila ito para makapagpahinga sila sa uniform naming napaka init kapag wala sa aircon.
Naka aircon naman ang sala namin pero dahil galing kami sa labas, ang iba ay pawisan at kung matutuyuan sila ng pawis ay baka sila ay magpasakit pa edi konsensya ko pa.
Bumaba ako at tumungong sala dala dala ang mga damit. Naabutan ko silang nagtatalo kung ano ang lahi ni Dawn.
“Magpalit na muna kayo ng damit” nilapag ko ang mga damit sa coffee table.
“‘Diba shar pei si Dawn?” agad na kumuha ng damit si Paige na sinundan na din ng iba.
“Hindi ba bulldog si Dawn?” nagpasalamat si Zuri pagkatapos kumuha.
“Weh, diba pitbull?” kumuha na din si Bace.
“Shar pei” maikling sagot ko
“Grabe namang hospitality to nakaka guilty” natatawa na sabi ni Ellis at kumuha ng damit.
“Hindi baliw sige lang. Yung restroom nandon” tinuro ko kung nasaan ang restroom para roon sila magpapalit.
Isa isa na silang nagpunta doon at ang iba ay hindi muna tumayo at pinauna na ang iba.