webnovel

Chapter Four.

Enjoy Reading :)

We started our day with discussions and followed by seatworks and now Extemporaneous group debate.

Nahati kami sa dalawang grupo, sina Ellis, Cass, Daimon, Blade, Vincent, Kale, Duke, Hank, Laide, Feli and Bace ang mga kagrupo ko at kami ang group two.

Habang sina Zuri, Maxx, Paige, Zane, Kane, Zayden, Iesha, Jill, Jett, and Axel naman ang group one.

Ang topic namin ay Panliligaw t binigay sa amin ay hindi pagbabalik ng panliligaw sa modernong panahon.. Sina Daimon at Feli ang nag participant to pick a side. Tails ang sa amin pero heads ang lumabas sa coin toss kaya mauuna ang group one.

“Nararapat lang na balik ang panliligaw sa panahon ngayon dahil..“ nang simulan na ni Axel ay nagtuloy tuloy na ng pagtatapon ng mga opinyon ng bawat isa.

May mga sense ang sagot ng lahat at halos dikit ang score namin pero mas naging lamang sila dahil mas naging mabigat ang kanilang mga opinyon. Nagkamayan kaming lahat after ng debate at pagkatapos magbigay ng assignment ay nag break na.

“Tara na” kinuha ko lang ang wallet ko sa bag at sumunod na sa kanila.

Magkakasama na kami nina Paige, Zuri, Ellis, Bace, Iesha, Zane at Laide sa canteen at bumibili ng pagkain. Naghintayan kami at sabay sabay naghanap ng mauupuan. Nakahanap naman kami malapit sa puno.

Nagkukwentuhan na kami habang kumakain. Nagtatawanan at nag insultohan ng pabiro. Nagplano din kami ng gala next week at mamaya naman ng uwian ay didiretso kami sa bahay ni Ellis para tumambay.

Iyon nga ang ginawa namin after dismissal.

Hindi kami nauubusan ng pagkukwentuhan at halos walang tumatahimmik sa amin. Walking distance lang ang bahay ni Ellis sa school kaya habang naglalakad ay sobrang ingay naming lahat.

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ni Ellis ay kanya kanyang pwesto na kami. Umupo agad ako sa pang isahang sofa at ang iba ay nagkalat na sa lapag at sa iba pang upuan. Kumuha naman ng merienda si Ellis at tinanong pa kami ng gusto naming kainin. Nagrequest pa sina Bace at Zane ng pizza at nachos pero sinuway na sila ni Laide dahil nakakahiya daw.

“Oh! May mga bisita pala tayo!” nagsi-ayusan kami ng upo nang biglang pumasok sa bahay ang mama ni Ellis.

“Hello po”

“Magandang hapon tita”

“Bless po tita”

Lumapit kami at nag-mano bago nila chinika ang mama ni Ellis na tuwang-tuwa naman sa amin. Nagkikipag-biruan din ang mama ni Ellis nang may dumating na pizza delivery.

“Uy! Si bebe Ellis naman!” biro ni Bace.

“Kaya mahal na mahal ka namin bebe” sunod naman ni Paige.

Naaaliw lang sa amin ang mama ni Ellis at sinabing maiwan daw kami muna at may inaasikaso daw siya.

Inabutan ako ni Ellis ng isang slice dahil hindi ako nakikigulo sakanila.

“Ayos ka lang dyan?”

“Oo baliw, tinatamad lang ako tumayo. Salamat.” kinagatan ko na ang slice at napabuntong hininga.

Sinong hindi gugustuhin maging kaibigan itong mga ito, mabubusog ka ng walang nilalabas na pera. Inborn generous. Bumili pa ng panulak si Ellis na softdrinks at naglabas ng board games. Inayos din niya ag karaoke nilang naka connect sa tv, pati ang billiards nila ay inayos din nya.

Kapag walang pasok at nagkayayaang gumala ay laging kila Ellis ang tagpuan namin. Masayang tumambay sa bahay nila Ellis dahil mababait ang mga kasama niya sa bahay, may mga pang-entertain din kahit saan ka lumingon. May tindahan din sila kaya hindi na kailangan lumabas para bumili ng mga kutkutin.

Nagkwentuhan na kami tungkol sa ibat ibang bagay.

Sumapit ang alas sais at nagkayayaan na kaming umuwi.

“Ipapahatid ko na kayo--” agad kaming tumanggi sa alok ni Ellis.

“‘Wag na huy abala na kami masyado!” sumang ayon kaming lahat kay Iesha.

“Kapag pinahatid mo kami, ihahatid din namin yung naghatid samin dito. Maghahatiran kami hanggang sa abutin kami ng madaling araw rito.” banta ko

“Pota kayo sige na nga!” napatawa si Ellis at pinagtabuyan na kami.

Nagsimula na kaming maglakad habang panay ang kwentuhan pa rin ang iba. Si Ellis naman ay pinapanood lang kaming mawala sa paningin niya at sumigaw ng mag chat daw kami sa group chat kapag nakauwi na kami.

“Guys may plano ba kayo bukas?” si Zuri na naglalakad ng paatras.

“Ano nanaman may gala na tayo next week.” reklamo ko. “Wala ba kayong buhay maliban sa school life? Like family gatherings? Self time? Bebe time? Ang hussle ng palaging gumagala nakakapagod.” nagkamot ako ng ulo at kitang kita pagkayamot ko.

“Iba yung bukas sa next week Elle” Zuri na umayos na sa paglalakad

“Busy magulang ko” Paige

“Ayokong sumama doon, kaladkarin nyo ako kahit saan” Bace

“Sawang sawa na ako sa pagmumukha ko” Iesha

“Iesha kahit sinong magkaroon ng ganyang mukha eh talaga nakakasawa” pang babara ni Zane.

“Nahiya ako sa mukha mong de-liha” balik ni Iesha

“Wala kaming bebe, Elle pano yon” si Laide naman na pinatigil ang dalawang nagpapalitan parin ng hand gestures.

“Hala hindi ba naghihingalo mga wallet nyo?” tanong ko. Ayoko gumala bukas potek.

“Ayaw mo ba sumama?” nananantyang tanong ni Bace.

“Ayoko gumala bukas” diretso kong sabi.

“Yey! Sa bahay tayo nila Elle bukas!” biglang desisyon ni Paige

Nagustuhan nilang lahat ang ideyang iyon at hindi pinapansin ang pagpoprotesta ko.

“Huy! ‘Wag sa bahay namin!” nagpapadyak ako nang hindi talaga nila ako pinansin at nagkanya-kanya nang tahak ng daan pauwi.

Sumakay na din ng jeep si Paige! Hindi pa nagpaalam sakin!

I groaned and sumakay na rin sa jeep nang makakita ng sign na pauwi sa amin.

Desisyon mga kaibigan ko. I need new friends.

Nang makauwi ako ay medyo nagulat ako nang makitang nasa sala sila Ate at kuya.

“Naka uwi na po ako” pagpapaalam ko sakanila.

Napatingin sila sa akin at nginitian ako. Si ate ay prenteng nakaupo sa sofa habang nanonood ng forensic files habang si kuya ay naka higa sa mahabang sofa at naglalaro ng online mobile game.

“Nagkayayaan po pumunta dito mga kaibigan ko. Ngayon ko lang po napaalam kasi biglaan din. Sana ok lang po sa inyo” paalam ko sa kanila.

“Oo naman. Mag order ka nalang ng food or magpaluto ka sa mga kasambahay. May pasok kami bukas at si mommy ay aalis ata.” si ate habang tutok na tutok padin sa tv.

“Sige po, aakyat na po ako” pag akyat ko ay naghanda na agad ako sa pagtulog at sinimulang gawin ang assignment at saglit na nireview lahat ng pinag aralan para sa araw na ito para kinabukasan ay kung mayroon mang connect ang topic ngayon sa mga susunod na topic ay mas madali para sa akin na intindihin.