webnovel

Ang Mahiwagang Mundo Ng Enderia

DreamReality · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
13 Chs

Ang Pag-atake sa Laziel

Naunang lumabas si Anna at tinawag ang ilang kasamahan upang ihanda ang paglalayag ng biglang nagsigawan sa ilang parte ng kaharian. "Nandito na ang ilang Zharun! Ihanda ang lahat!" Sigaw na utos ng hari sa mga alagad nito. "Mahal na Hari, kasalukuyang umaatake ang mga Zharun sa kanluran!" Bungad ni Kane habang sakay sa kabayo. "Sa tingin ko'y kakailanganin din namin ng tulong niyo, Mahal na Prinsesa." Wika ng Hari. "Mahal na Hari! May umaatake pong mga Zharun sa Silangang parte ng kaharian!" Biglang bungad ng isa pang maharlikang sundalo. "Dantr, kailangan nila ng tulong mula sa'yo. Hindi maaaring tuluyang isa-isahing wasakin ng mga Zharun ang bawat kaharian sa Èncântrià." Mahinang sambit ni Andalia sa ermitanyo. "Anna, maghanda kayo. Dito ka lang Prinsesa, magiging ligtas ka dito." Kalmadong tugon ni Dantr. "Hari, bantayan mo ang Prinsesa ko." Biglang bungad ng ermitanyo sa Hari. "Dantr! Hari ng Laziel yan!" Bulong ni Andalia. "Mag-ingat ka, Prinsesa" Tumalikod si Dantr at bumaba ng palasyo. "Mukhang nakahanap ka ng isang mandirigma, Mahal na Prinsesa." Mahinang bungad ng Hari. "Ipagpaumanhin po ninyo." Napayuko na lang ang prinsesa sa hiya. Pumasok sila sa kaharian at nakilala ng Prinsesa ang Reyna ng Laziel. "Davin? Anong nangyayari?!" Wika ng reyna. "Aking reyna, huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat." Wika ng Hari at kasalukuyang binabantayan ng mga maharlikang sundalong elves ang buong palasyo.

Kasalukuyang nagaganap ang labanan sa kabila't kanang parte ng kaharian. Sumugod ang mga sundalo't mandirigmang mga elves sa mga umaatakeng Zharun kasabay ng grupo ni Kane. "Ihanda ang lahat! Susugod tayo!" Sigaw ni Aldrin sa mga tauhan sakay ang kabayo at sabay na nagtungo kasama nina Dantr patungong Hilagang parte ng kaharian kung saan nagmumula ang napakaraming Zharun. "Anak!! Bitawan mo ang anak ko!!" Walang humpay na sigaw ng isang ama habang tinatangkang patayin ng isang Zharun ang babaeng anak nang bumungad ang dibinong espada bago pa man nito mapatay ang bata. "Pumili ka ng makakatapat sayo." Inangat muli ni Dantr ang dibinong espada at hinati ang Zharun. "Puntahan mo na ang ama mo." Wika ni Dantr. "Mga taong bayan! Magsilikas na kayo!" Sigaw ni Kane habang patuloy na nagtatakbuhan ang ilan papunta sa loob ng kaharian upang magtago't humanap ng ligtas na kanlungan. "Ano yan?!" Biglang sambit ni Trish habang tinatanaw ang namumuong itim na mga dragong Zharun sa himpapawid. "Atras!!" Sigaw ng pinunong sundalo habang papalapit ang naglalakihang halimaw nang biglang bumuga ang mga ito ng napakalakas na itim na apoy. "Huli na ba kami?!" Tanong ni Greg nang biglang dumating at nagsumite ng malakas na mahikang halang at sinangga ang atake ng mga dragong Zharun. "Tamang tama lang, Greg." Ngiting tugon ni Anna habang kasangga ang ilang Zharun sa lupa. "Mga tao 'to ah???" Gulat na tanong ni Trish. "Galing nga kami sa mundo ng mga tao, kinagagalak namin kayong makilala!" Sigaw ni Aldrin habang nagyeyelo sa mahika dala ang kaniyang pana. Napatayo nalang si Trish sa mangha nang makita ang kakayahan ng mga "tao" na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga Zharun sa kaniyang harapan. "Mga tao ba talaga 'to?" Gulat paring tanong ni Trish. "Huwag kang tumunganga!" Sinangga ni Thane ang tangkang pag-atake ng Zharun sa likod nito. "Thane!" Biglang sambit ni Trish ng dumating ang apat pa nilang kasamahan.

---

"Mahal na Hari! May mga sumusugod na Zharun patungong palasyo mula sa timog!" Nagmamadaling balita ng isang sundalong elf. *Nakapalibot na sila sa buong kaharian* "Sa tingin ko'y panahon na." Bigkas ng Hari hawak hawak ang huling hiyas ng sinaunang elves.

---

"Ang dami nila!!" Sigaw ng isang sundalong elf habang ang iba ay nagiging itim na bato at patuloy na sinusugod ng daan-daang Zharun. "Anna!! Nagtataka ako, ang sinabi ng ama niyo, dalawang mundo ang bumubuo sainyo pagkatao....." Sigaw ni Greg sa malayo habang patuloy na nakikipaglaban gamit ang kuryenteng mahikang taglay nito. Tumingin si Anna kay Dantr. "Ureàlî hänzéârü vèrieladientô...ylèävíreàn fîérô védríl.." Sabay na pabulong na bigkas sa hangin ng magkapatid at unti-unting pinupulipot ang buong katawan ng nagliliwanag na magkahalong mala-usok na itim at kahel na mahika sa kanilang katawan. Dantr: "Ako ang dilim...". Anna: "...na siyang kumakalaban sa dilim." Sabay na bulong ng dalawa. "Heto na naman tayo!! Whoohoa! Magsitabi kayo!" Sabik na sigaw ni Greg at biglang nawala sa hangin ang dalawa't nag-iwan ng purong itim na usok. Bumungad sa harapan ng mga dragong Zharun ang nagbabagang dibinong espadang dala ni Dantr at ang kasing bilis ng hanging pag-atake ni Anna sa mga Zharung umaatake sa lupa. "Di kami magpapatalo!" Sigaw ni Aldrin habang nagyeyelong mahika ang mga mata nito. "Seryoso na naman ba tayo?" Pangiting sambit ni Greg at inilabas ang malakas na enerheyang kuryente. "Trish, sa tingin ko sasabay tayo." Wika ni Kane at pinalabas ni Thane ang bastong pangmahika't nagsumite ng malalakas na salamangka at pinahusay ang lakas ng limang kasamang elves. "Dantr! Ang Prinsesa!" Biglang bungad ni Anna tanaw ang ilang naglalakihang Zharung lumipad papuntang palasyo. "Puntahan mo na siya Dantr, kami na ang bahala rito." Dagdag nito. Lumipad si Dantr patungong palasyo at pinatumba ang nadadaanang mga Zharun sa himpapawid.

---

"Prinsesa Andalia." Lumapit si Haring Davin sa prinsesa at iniabot ang hiyas na hawak. "Isa lamang ito sa limang sinaunang mga hiyas at krystal na dati ng pinag-isa ang mundong ito. Darating ang oras na magtatawag sainyo ang hiyas." Wika ng Hari.

---

"May paparating!! Sa himpapawid!!" Sigaw ng mga sundalong mamamana sa itaas ng tore. Tuluyang nakapasok ang ilang mga Zharun sa iba't ibang parte ng palasyo at naging itim na bato ang natatamaan ng mga usok ng Zharun. "Huwag masyadong mabilis, Ermitanyo." Bumungad ang isang mala-aninong itim na usok at ginaya ang buong katauhan ni Dantr pati na ang dibinong espada. Nagsanggaan ang kanilang mga espada sa himpapawid habang ang Hari kasama ng mga maharlikang tagabantay ay patuloy ring nakikipaglaban upang protektahan ang reyna at si Prinsesa Andalia. "Ganito pala kalakas ang maging gaya ng isang maalamat na ermitanyo?" Nanunuyang tanong ng itim na elementong gumagaya kay Dantr. "Nasa palasyo lang ang Prinsesa, hindi ba?" Dagdag nito habang patuloy na nakikipagsanggaan sa ermitanyo ngunit bigla itong nawala at nagtungo sa kinaroroonan ng Prinsesa. Agad namang sumunod si Dantr subali't nasa kamay na ng anino si Andalia. "Anong ginagawa nila?! Bakit bigla silang umatras?!" Gulat na tanong ni Anna at biglang naalala si Andalia. "Dantr!!" Sigaw ng Prinsesa habang tinatawid sa isang nilikhang lagusan at bago pa man maabot ni Dantr ang prinsesa'y mabilis itong nagsara. "Prinsesa!!!!" Unang beses na napasigaw ng ganun kalakas ang ermitanyo. Dala ng galit, bumungad mula sa kaniya ang purong itim na usok at pinatumba ang ilang Zharun sa loob ng palasyo. "Napaniwala akong ikaw 'yun, ermitanyo. Kaya't hinayaan kong kunin niya ang Prinsesa at bigla niya akong inatake at tumilapon ako ng malakas." Sambit ng Hari habang pinipilit makatayo. "Mahal na Hari! Isa-isa na pong nagliparan papalayo ang mga Zharun at tumawid sa isang lagusan mula sa malayo." Balita ng isang sundalo habang inaalalayan tumayo ang Hari. "Dantr?!" Nag-aalalang wika ni Anna. "Nakuha nila ang Prinsesa." Galit na mahinang sambit ni Dantr habang hawak ang dibinong espadang nakabaon sa isang natitirang Zharun. Di kalaunan ay naging kalmado na atmospera at nag-usap narin si Dantr at ang hari. "Kami na ang bahala rito, ang importante ay maililigtas niyo ang Prinsesa. Alalahanin mo ang mga sinabi ko at mag-ingat kayo." Huling mga salitang binitiwan ng hari at nag-umpisa ng maglayag ang barko nina Dantr patungong hilaga.