webnovel

Ang Mahiwagang Mundo Ng Enderia

DreamReality · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

Magkaibang Daigdig

Di inaasahan ng prinsesa ng kaharian ng Azerfaeil na sa kaniyang paglalakbay sa mundo ng mga tao dala ang misyong hanapin ang nakatakda ay makikilala niya sa isang di inaasahang pagkakataon ang isang manlalakbay na ermitanyo at ang ilan sa magigiting na mandirigma sa mundo ng mga tao. Naging mahaba nga ang kanilang paglalakbay. Ang mga storyang di nila inaakalang guguhit ng kapalarang kanilang matatamasa at ang mga di inaasahang pagkakataong maging parte ng propeseya ng dalawang mundo. Marami na silang naharap na laban tungo sa misyong hanapin ang itinakda. Ngunit ang taong nakasulat sa mga pahina ng libro ng propeseya ay matagal na pala nilang nakilala.

"Dantr! Tignan mo!" Ngiting sambit ng prinsesa habang tinuturo ang mga naglumlumbaang dolpin. Ngumiti si Dantr sa prinsesa at muling tinanaw ang kagiliran.

*Ama! Ang ganda ng mundo mula rito sa itaas! Balang araw lalakbayin rin namin yan, balang araw, asahan mo, ama!* "Naaalala ko na ang lahat ama." Bulong sa hangin ni Dantr. "Parang kailan lang ano? Mga panahong pinangarap nating lakbayin ang mundo nung mga bata pa tayo" Sambit ni Anna habang tanaw ang karagatan. "Minsan, di naman ganun kasama ang mundo." Mahinang wika ni Dantr kasama si Anna. "Di ko inaasahang tatawagin mo si Aneria nung huling laban mo. Sa tingin ko tanggap mo na ang lahat sa mga panahong yun." Ngumiti lamang si Dantr at tumugon habang tanaw si Andalia sa gilid ng barko na tinatanaw ang mapayapang kagiliran, "Siguro. Siguro nga."

"Dantr! Palapit na tayo sa gitna ng Halea!" Sigaw ni Aldrin habang minamando ang layag. Nagtungo si Anna kay Andalia upang ipagbigay alam, "Prinsesa, palapit na tayo sa itaas ng lagusan sa gitna ng Halea." Tumingin ang prinsesa kay Dantr at tumango lamang ang ermitanyo. Tinawag at inutusan ng Prinsesa ang dragon at nagmistulang ipo-ipo ang tubig sa gitna ng dagat hanggang sa naabot ang ilalim nito kung saan naroroon ang lagusan. Sumabay sa daloy ng tubig ang barko habang pababa patungong lagusan. "Whoooooa! Haha!" Manghang-manghang sigaw ni Greg habang sinasalo ang malakas na hangin sa itaas ng layag. "Kumapit ka, baka mahulog ka na naman." Wika ni Dantr at pasimpleng hinawakan ang kamay ng Prinsesa. "Ang saya nito!! Hahaha!" patuloy na sigaw ng Greg. "Bumaba ka riyan kupal!" Sigaw ni Aldrin habang pwersang hinahawakan ang manibela ng layag. Patuloy sa pagsabay sa agos ng tubig ang barko hanggang makalagpas sila sa lagusan papunta sa karagatan ng Vlair sa kabilang mundo.

---

"Mahal na reyna, napigilan po ng ermitanyo at ng mga kasamahan nito ang misyong pinaubaya niyo kay Fuguru." Wika ng isang alagad na Zharun at galit na pinatay ito ng reyna. "Mga walang kwenta! Sa tingin ko ako na lang ang gagawa ng lahat!" Naging purong itim na apoy ang palibot ng trono. "Mukhang natatakot ka yata Arha. Nagkakasunod-sunod na ang propeseya at sa panahong 'to, siguradong nahanap na ni Andalia ang itinakdang magpapatumba sa kahariang 'to!" Pilit na pagsambit ng hari habang nakagapos pa rin sa itim na encanta. Kumalma ang reyna at nilakasan ang encantang nakagapos sa hari.

---

Biglang bumulwak pataas sa hangin ang barko nina Dantr at lumagapak sa ibabaw ng tubig sa karagatan ng Vlair. "Walang napano??" Tanong ni Anna sa lahat na may kagalakan sa mukha. "Dantr! Pagbalik natin sa ating mundo, dapat ganun rin ha??!! Whooa!", "Ang ingay mo Greg!!" Sigaw ni Aldrin ng biglang may nakitang paparating na isang barkong pandigma. "Kamay sa mga kanyon!!!" Sigaw ng isang kapitan sa di kalayuan papalapit sa barko nina Dantr. "Tira!!!" Nadapyasan ang ilang parte ng barko nina Dantr.

"Tomas! Ihanda niyo ang lahat!" Sigaw ni Aldrin. Kinuha nila Tomas ang mga baril at ang mga krystal na balang naiwan at inayos ang mga kanyon. "Sumunod sa marka ko!!!" Sigaw ni Aldrin. "Sandali!!" Sigaw ng Prinsesa habang unti-unting tumubo ang mga pakpak nito. "Kapitan! Dapat niyong makita 'to." Nagteleskopyo ang kapitan ng barkong papalapit at nakita ang prinsesa, "Prinsesa?" Bulong nito habang nakikitang kumakaway si Andalia sa kabilang barko. "Ang Prinsesa! Nagbalik na siya! Itigil niyo ang pagpapaputok!!" Sigaw na utos ng kapitan. Nagkalaunan ay sumabay na ang layag ng dalawang barko at natigil ang isang labanan. "Arthur!" Sigaw ng prinsesa habang kumakaway mula sa barko nila. Nang makadaong si Arthur sa barko nina Aldrin ay lumuhod ito at binati ang prinsesa, "Prinsesa, ipagpaumanhin po ninyo, di ko po inaakalang barko niyo 'to." Pagpapatawad ng kapitan. "Huwag mo ng isipin yun, wala namang nasaktan, tumaka ka na." Wika ng prinsesa. "Dantr, si Kapitang Arthur, isang malapit na Elf sa aming pamilya't kaharian." Bungad pa nito habang pinapakilala ang kapitan kay Dantr at sa lahat. Naging kalmado na ang atmospera at nagkasundo na ang dalawang barko. "Nabalitaan ko ang lahat, Mahal na Prinsesa, at kinalulungkot ko pong sabihin, nakuha po ng mga Zharun ang inyong ama." Bungad ni Arthur. "A-anong sinabi mo? A-ang ama?! Nakuha si Ama?!" Biglang tumulo ang mga luha ng Prinsesa nang marinig ito. "Opo, nalaman po namin ng may dumating na Avials pagkatapos ng isang pag-atake ng mga Zharun sa hilagang baybay ng kaharian ng Laziel." Wika ni Arthur habang patuloy sa pag-iyak ang Prinsesa. "Teka, anong sabi mo? Zharun? Pati sa Laziel? Anong nangyari sa aming kaharian??" Biglang pag-aalala't mga katanungan ni Eudora habang hawak ang kamay ng prinsesa. "Sa tingin namin, nagkakatotoo na po ang propeseya ng pagbabalik ng reyna ng Verrier... At ang Azerfaeil po...nilikop na ng dilim." Malungkot na bungad ni Arthur. Biglang nanghinaan ng loob si Eudora habang naaalala ang sakripisyong ginawa nina Fredriez. *Hindi ko maaaring sabihin sa prinsesa ang nangyari kay Fred. Alam kong masasaktan siya kapag nalamang wala na ang isang matalik na kaibigan ng kaniyang ama.* bungad sa likod ng isipan ni Eudora. Di kalaunan ay tumahan na ang prinsesa at tumayo. "Di ako pwedeng panghinaan, alam kong buhay pa ang ama, at ililigtas namin siya." Sambit nito habang pinunanas ang mga luha. "Saan tayo, Prinsesa." Tanong ni Anna at tumungo na rin sa kabilang barko si Arthur. "Silangan, pupunta tayo sa kaharian ng Laziel." Sambit ng Prinsesa. "Ngunit kailangan nating magmadali.", "Eudora." Sambit ng Prinsesa at tumungo si Eudora sa kabilang barko. Sabay silang lumuhod at hinawakan ang sahig ng barko't lumiwanag ang kanilang pakpak at tinawag ang kapangyarihan ng Krystal. "Ba't parang ang lakas ng dating ng Prinsesa ngayon?" Manghang bigkas ni Anna. "Nasa Enderia tayo, mundo niya 'to." Bungad ni Dantr habang binabasbasan ng kapangyarihan ng krystal ang layag ng barko't bumilis ang takbo nito.

Ilang oras na lang at makakarating na sila sa Kaharian ng Laziel. "Andalia, sasagipin natin ang hari at ang inyong kaharian." Bungad ni Dantr sa Prinsesa. "Yan ang gusto naming marinig." Sambit ni Greg. "Mukhang magiging seryoso na naman to." Wikang dagdag ni Aldrin. "Pero teka, ilang kaharian ba ang nandito??" Pagtataka ni Anna. "Isang napakalawak na mundo ang mundo ng Enderia, at ang arkipilago ng Èncântrià ay ang pinakamalawak na parte nito na binubuo ng malalaking isla at kung saan nakatayo ang pitong kaharian at kung saan tayo naglalayag ngayon." Kuwento ni Eudora. "Pito?!" Gulat na tanong ni Greg. "Pitong naglalakihang kaharian ang nakapaloob rito, ang Laziel sa silangan, ang Friar sa dakong hilagang silangan, ang Zurendil sa kanluran, ang Derania sa Dakong Timog, ang Nimezhia sa dakong timog kanluran, ang Azerfaeil bilang gitnang kaharian ng Èncântrià, at ang madilim na kaharian ng Verrier sa hilaga. Nuon pa may di na nagkakasundo ang pitong kaharian, at ang kahariang Azerfaeil ay patuloy na gumagawa ng paraan upang ito'y magkaisa at maging mapayapa." Patuloy na kuwento ni Eudora habang paabot ang takipsilim.

Tumunog ang malaking tambuli sa pantalan ng Laziel nang makitang papalapit na ang dalawang barko. Nauna ang barko nina Arthur upang bigyang permiso ang pagpasok ng barko nina Dantr at di kalaunay itinaas na ang drawbridge at pinapasok ang dalawang barko. Kasalukuyang naghahanda ang buong kaharian mula sa mga posibilidad na pag-atake ng mga Zharun at bilang tugon narin sa utos ng Haring Davin. Kahit gabi ay patuloy na nagbabantay ang mga maharlikang sundalong elves sa bawat sulok ng kaharian kabilang na ang grupo ni Kane. Dumaong na ang barko nina Dantr at tumuloy sa isang tavern upang makapagpahinga mula sa mahabang paglalakbay. "Dito na muna kayo magpahinga, Mahal na Prinsesa. Bukas na bukas din sasamahan ko kayo sa palasyo." Wika ni Arthur bago magpaalam.

---

"Magandang umaga sa ating lahat!" Bungad ng isang anunsyador habang inihahanda ang ilang paligsahan. Pangalawang araw ng pagdiriwang ngayon sa kaharian ng Laziel at patuloy na nagbabantay ang mga kawal lalong-lalo na sa mga malalaking tarangkahan sa matataas na pader ng kaharian. Bumisita't nakisali sa ilang paligsahan sina Greg, Aldrin at ilang kasamahan habang sina Dantr at Andalia kasama si Anna ay tumuloy sa palasyo upang makita ang hari. "Itaas ang tarangkahan!" Sigaw ng kawal. "Magandang araw po, Mahal na Hari." Bati ni Arthur habang pinapakilala ang dalang bisita. "Heto po si Prinsesa Andalia ng kahariang Azerfaeil at ang dalawang nagmula pa sa mundo ng mga tao." Pagpapakilala ni Arthur. "Prinsesa!" Bungad ng isang Avial na nakabinda ang ilang parte ng katawan dahil sa sugat na natamo mula sa nagdaang pag-atake sa kanilang kaharian. "Kamusta po kayo, Mahal na Prinsesa!" Bati nito habang pinilit lumuhod. "Huwag na, may sugat ka pa, tumayo ka na." Tugon ni Andalia. "Mahal na Prinsesa. Patawarin niyo po kami!!" Iyak ng isa pang Avial. "Hindi po namin nagampanan ang aming tungkulin, hindi namin nakayang protektahan ang kaharian lalong-lalo na ang hari." Malungkot na batid nito. Pinipilit ng Prinsesang pigilan ang pagpatak ng luha habang inaalala ang ama at ang kaharian. "Ang buong Avial?" Tanong ng Prinsesa. "Naroon pa po ngunit tuluyan na pong nawalan ng pag-asa ang iilan sapagkat winasak po ng mga Zharun ang halos lahat ng parte ng kaharian." "At, Mahal na Prinsesa, ang Yvandri Crystalia...." Mahinang sambit ng isa pang Avial at lumuhod silang sabay. "Anong ibig ninyong sabihin?? Ang Yvandri?! Anong nangyari sa..." Napigilan ang prinsesa ng masilayang unti-unting nawawala ang pakpak ng mga alagad na Avials. Hindi na napigilan ng Prinsesang maiyak at niyakap si Dantr. "Ngunit, Prinsesa? Bakit hindi nawawala ang inyong mga pakpak?" Nagtatakang tanong ni Eudora. "Wala ng panahon! Ngayon din kailangan na nating ihanda ang lahat!" Wika ng Hari. "Magaganap ang isang malaking digmaan sa kasaysayan ng Enderia. Ihanda ang lahat!" Utos ng hari at daling naghanda ang bawat parte ng kaharian at bawat mandirigmang elves sa lahat ng sulok ng palasyo. "Mahal na Hari, di na po kami magtatagal, malugod po kaming nagpapasalamat sa pagtanggap sa aming mga Avials, amin itatatak sa aming mga puso ang kabutihang aming natanggap mula sa inyo." Pagpapasalamat ni Andalia sa hari at nang malapit na sa tarangkahan ay binigyan sila ng mga kakailanganing armas at mga kagamitan.