webnovel

Ika-Apat na Kabanata

Gaya ng dati, alas onse nanaman nagising si Shyme. Masyado nya kasing inisip si Inocencio at Stacey kagabi. Hanggang ngayon sa paggising nya ay sila pa rin ang iniisip nya.

Hindi naman sya natatakot kay Stacey, ang kinatatakutan nya ay ang iwan sya ni Inocencio. May punto nga naman si Yeina sa mga sinabi nya kagabi, nandiyan si Inocencio dahil hiniling niyang dumating siya, kaya posibleng hindi siya mahalin nito at ipagpalit sya sa iba.

Surprisingly, hindi maaraw ngayong umaga. Parang sinabayan ng langit ang kalungkutan ni Shyme, makulimlim ang kalangitan, nagtatago ang araw, nagbabadya din ang ulan.

Naalala nya ang sinabi ni Inocencio. 'Alam mo ba binibini? Ulan ang pinaka gusto kong bagay na ginawa ng Diyos? Dahil sa pagsabay ng bagsak ng mga luha ay sumasabay din ang pagluha ng langit. Ibig sabihin, hindi ka nag-iisang lumuluha.'

Para ngang gusto nyang umiyak pag umulan. Inocencio gave her a lot of reasons to fall inlove with him. Hindi lang dahil sya ang ideal man ni Shyme, it's also because his action towards Shyme.

Pero pati kay Stacey ay ganun din ang ginagawa ni Inocencio, he didn't hesitated to help Stacey, even Mae. Halos sa lahat ng babae ay handang tumulong si Inocencio, halos sa lahat ng babae ay handang niyang i-entertain, kahit sinong babae.

"Ma'am Shyme! Kain na po! " kinatok katok ni Yeina si Shyme.

"Papunta na. " simpleng at walang ganang sabi ni Shyme. Itinali nya muna ang kanyang mahabang buhok bago bumaba. Laking pagtataka ni Shyme nang walang madatnang pagkain sa lamesa. "Oh? Asan ang mga pagkain? " nginitian lamang sya ni Yeina at tinakpan niya ang mga mata ni Shyme, hindi na sya pumalag at sumunod na lang sa kung saan siya igina-guide ni Yeina.

(Now Playing: Bulong by December Avenue)

Shyme's heart suddenly fluttered when she heard the guitar strumming.

Hindi masabi ang nararamdaman

Hindi makalapit sadyang nanginginig na lang

Unti-unting inalis ni Yeina ang mga kamay nya sa mga mata ni Shyme, mas kumabog ang dibdib niya ng makita ang lalaking may hawak ng gitara, paano nya nalaman ang kantang ito?

Mga kamay na sabik sa piling mo

Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo

Nasa garden sila ngayon, nandun ang mga pagkain sa round table at dalawang silyang magkaharap. Hindi na niya pinansin iyon at itinuon ang buong pansin kay Inocencio, he looks so damn good.

Ako'y alipin ng pagibig mo

Handang ibigin ang isang tulad mo

Hangga't ang puso mo'y sa akin lang

Napapikit si Shyme at dinadamdam ang bawat lirikong inaawit ng kanyang ideal man.

Hindi ka na malilinlang

Ikaw ang ilaw sa dilim

At ang liwanag ng mga bituin

Napangiti si Shyme, pang-apat na araw palang niya sa panahong ito pero may modern song na syang alam. Ang ikinatutuwa pa ni Shyme dito ay kanta pa ito ng paborito nyang banda.

Hanggang tingin nalang

Bumubulong sa'yong tabi

Sadyang walang makapantay

Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko

Biglang nagblush si Shyme dahil tinignan sya ng diretso sa kanyang mga mata si Inocencio ng bitawan nya ang mga huling liriko.

Ako'y alipin ng pagibig mo

Handang ibigin ang isang tulad mo

Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang

Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin

Ng mga bituin

Ng mga bituin

Ng mga bituin

Nang matapos ang kanta ay nilapitan ni Inocencio si Shyme para i-guide ito palapit sa round table. Hindi pa rin ma-alis ang sobrang bilis na pintig ng puso ni Shyme. Na bobother din sya, tagalog na ang awit na kinanta ni Inocencio pero, naiintindihan nya kaya ang ibig sabihin nun para iyon ang kantahin nya para kay Shyme?

"Magandang umaga binibini." ngiting ngiti na bati ng binata sa dalaga.

"Magandang umaga rin ginoo. Para saan yung kanta na iyon?" patay malisyang tanong niya sa binata at nagsimulang kumain, bigla namang nakaramdam ng lugkot ang binata dahil rito.

"A-ah? P-para iyon sayo binibini." iwas tingin na saad ni Inocencio habang si Shyme ay patuloy pa ring kumakain.

"Ha? Ano yun? Harana? HAHAHA!" pekeng tawa ni Shyme. Biglang nag bago ang mood niya, kanina lang ay kinikilig sya pero bigla nanaman nyang naisip na pwede nyang gawin yun sa kahit kaninong babae.

"Oo binibini." napahinto sa pagkain si Shyme at napakunoot ang noo.

"Hindi ba ang harana ay para lang sa nanliligaw? Bakit Inocencio? Nanliligaw ka ba?" inosenteng tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng binata.

"B-binibini---" hindi pa man natatapos si Inocencio sa kanyang sasabihin ng biglang magsalita si Shyme.

"I'll take that as a no." mahinang bulong niya sa kanyang sarili. "Kinantahan mo ako dahil alam mong naiinis ako sa ginawa mo kahapon diba?" hindi ka-agad nakapagsalita si Inocencio dahil may punto ang dalaga. Ayaw niya kasing may taong nagagalit sa kanya. "I knew it." mahinang bulong ni Shyme sa sarili. "Huwag mo na akong alalahanin, at saka sa susunod, kung kakantahan mo ang isang babae, siguraduhin mong ang mga liriko ng kantang iyon ay inaalay mo talaga para sa kanya. Una na ako." tumayo si Shyme sa kanyang kina uupuan at dali daling gumayak.

*

"Nakaka inis lang kasi! Sa dinami dami ng babae sa buong mundo yung babaeng yun pa talaga!" inis na singhal nya kay Kate, matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kahapon ay bakas pa din sa mukha nya ang sobrang inis kay Stacey.

"Ayan! Pa boundary boundary ka pa kahapon sakin tapos maaagaw lang sayo ng higad! Pfft. Buti nga.

" she stuck her tongue out. Napa pout nalang si Shyme dahil sa inasal ng kanyang best friend.

"Alam mo? Nakaka inis ka! Dapat words of wisdom binibigay mo sakin eh! " Shyme rolled her eyes.

"Look Shymie girl, kahit bigyan kita ng words of wisdom na yan, hindi mo rin naman papakinggan! I know you well girl, mataas pride mo!" naka pamewang na untag ni Kate kaya mas napanguso siya. Tama si Kate, mataas nga ang pride niya, sarili niya lang ang pinakikinggan niya.

"Aish, this time makikinig ako!"

"Really? Kaya mong ibaba ang pride mo para kay Inocencio?" Shyme froze.

"H-ha? O-oo naman! K-kahit kanino k-kaya kong I-ibaba ang p-pride ko."

"Oh, eh bakit ka nauutal?" nakaka lokong ngisi ang binigay ni Kate kay Shyme. "OMG girl! You're blushing!" nanalaki ang mata ni Shyme dahil sa sinabi ng bes tfriend niya.

"No I'm not!" yes she is! Nararamdaman niya ring umiinit ang pisngi niya! "Just give me your words of wisdom already!" sabi niya at nag-iwas tingin sa kanyang best friend.

"He's the man of your dreams Shymie girl, wag na wag mo nang pakawalan! If ever may mga girls na pumupulupot jan, aba bakuran mo! Gusto mo diba? Edi kunin mo! Angkinin mo hangga't maaari, kahit selfish pakinggan. I can see na he's almost perfect, kahit sinong babae, hindi malabong ma-inlove jan. Malayong malayo siya sa ibang mga lalaki jan, hindi sya yung tipo ng lalaki na puro pa cute lang, yung gusto ng madaming babaeng naloloko, nako nag-iisa nalang yata yang si Inocencio matino eh." huminto si Kate at hinawakan ang mga kamay ni Shyme. "Pero Shymie girl, wag mong sasakalin si Inocencio, hayaan mo lang siya sa gusto niyang gawin. "

"Ang ironic naman Kate! Kabaliktaran nung una mong sinabi yung huli eh!" anagal ni Shyme.

"Ay bobo, syempre tatansiyahin mo! Limitahan mo! Ganon!"

"Ay ang hard!"

"Hay nako ewan ko sayo! Matatapos na din ang shift ko, libre mo ako ng lunch ah?"

"Oo naman yes!"

*

Habang nagla-lunch sina Kate at Shyme sa isang fast food chain ay naikuwento ni Shyme ang ginawang panghaharana sa kanya ni Inocencio kaninang umaga. Wala namang ibang ginawa si Kate kundi ang kiligin at hilingin na sana dumating na din ang kanyang ideal man.

Bigla namang nakonsensya si Shyme dahil dumating ang sa kanya dahil sa sampung hiling. Napabuntong hiniga siya, kung puwede nya lang hilingin na sana ay dumating na din ang kay Kate ay ginawa na nya, kaso alam niyang may mas mahalaga pa siyang mapaggagamitan ng hiling na iyon kung sakali.

"Shymie girl! Anuna? Forever ka nalang tutulala jan? Naku! Wag mo kasing masyadong inaalala yang si Inocencio! Alam mo kase, nasa kanya na yun kung mag-i-istay sya o magpapalandi sa iba. Kaya kung ako sayo, make more memories with him para it would be hard for him to leave you!" bigla siyang nabuhayan ng lakas ng loob dahil sa sinabi ng kanyang best friend. Tama si Kate, mahihirapan si Inocencio na iwan siya kung magbibigay siya ng enough reasons to stay.

"Op! Teka hindi ako nabusog dito beh, gusto ko ng milktea!!!" Shyme just rolled her eyes, dahil kay Kate ay natuto syang kumain uli kahit busog pa.

"Ay nako, paano ka mabubusog eh kiddie meal in-order mo! Tsk! Dun, may bagong store, milk tea shop na may fries pa. " aya ni Shyme sa best friend na naka pout. Nasanay na din silang dalawa na laging si Shyme ang gumagastos sa foods.

"Ay yung bago ba? Ay oo! Hiring din sila jan eh! Jan nalang kaya ako magtrabaho noh? Para hindi naman buong araw nakatayo. " napa tango tango si Shyme. Nang makarating sila sa store na yun ay agad na umorder si Kate at si Shyme naman ay naiwan sa isang table.

"Shymie girl! Need pala talaga nila ng crew ngayon! Nag-apply ako kanina, ayun yung manager oh, ang gwapo! Bukas daw idala ko na yung resume ko tapos start na din ako. " napalingon si Shyme sa banda kung saan tinuro ni Kate ang manager ng store na ito. Nakita niya ang lalaki sa counter, gwapo nga. Kaso mas gwapo si Inocencio.

"Edi ayos! Hindi kana laging nakatayo pfft. " kibit balikat na tugon ni Shyme.

"Mga binibini, eto na ang sa inyo. " awtomatikong nanlaki ang mga mata ni Shyme at Kate.

"Inocencio?! " sabay nilang sigaw na nakapukaw sa atensyon ng maraming tao sa loob ng shop.

"Shyme? Kate? " nagtataka ring sambit ng binata.

"A-anong ginagawa mo rito? " biglang nalungkot si Shyme, hindi pa ba sapat ang mga binibigay nya sa binata?

"Binibini, hindi kasi maaaring habang buhay nalang akong aasa sayo. Sobra sobra na ang pagtulong mo sa akin, gusto kong magtrabaho para na rin sa gastos natin sa pang araw-araw. " napayuko si Shyme at lihim na napangiti, it means sa bahay niya talaga gusto manirahan ni Inocencio.

"Naiintindihan ko ginoo, ayos lang sakin na magtrabaho ka dito. And besides, dito na rin naman magtatrabaho si Kate bukas. Matutulungan ka niya kung saka-sakali. " Shyme gave him an reassuring smile. Sabi nga ni Kate kanina, wag siyang sasakalin.

"Maraming salamat binibini, babalik muna ako sa trabaho. " agad na bumalik si Inocencio sa kanyang trabaho dahil sobrang daming costumers. Kapag kuwan pa ay ini-enterview din siya ng ibang costumers na pinagseservan niya.

"Ehe, hi. I'm Jaja hehe. " pabebeng bati ng isang costumer kay Inocencio habang sineserve niya ang order nito, nginitian lamang siya ni Inocencio at umalis. Matalim na tinignan ni Shyme ang babaeng iyon.

"Hoy minumurder mo na yung fries! " biglang bumalik sa ulirat si Shyme ng mahina siyang hampasin ni Kate. Napatingin siya sa kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa isang bugkol ng fries. Napabitaw si Shyme sa fries at agad na naghanap ng pamunas sa kanyang bag, may ketchup pa naman ang fries na nilamukot nya. "Ano ba yan Shymie girl! Wala din akong dalang panyo! "

"Uhm miss? Tissue. " walang pag-aalinlangang kinuha iyon ni Shyme at ipinunas sa kanyang palad, nalaglag naman ang panga ni Kate habang naka tingin sa lalaking nag offer ng tissue kay Shyme.

"Thank... " natigilan din si Shyme ng lingunin niya ang lalaki sa harap niya. "You." Napa pikit pikit sya at iniwasan ang tingin ng binata sa harap niya.

"I'm Augustus Ramoz, this shop's owner and manager. " inilahad ng lalaki ang kanyang kamay. Nag-aalinlangan pang kamayan ni Shyme si Augustus, lingid sa kaalaman nilang nakatingin si Inocencio sa kanila. Nakaramdam ng kaunting inis si Inocencio at agad na nagpunta sa table nina Shyme at Kate.

"Binibini, mayroon akong panyong naitabi rito. " bago pa man kunin ni Shyme ang kamay ni Augustus para makipag kamay dito ay ini-abot na ni Inocencio ang kanyang panyo kay Shyme.

"A-ah salamat ginoo. " na-itugon ni Shyme. "Ako nga pala si---" bumaling siya kay Augustus pero hindi pa natatapos ang kanyang sasabihin nang bigla itong magsalita.

"Shyme Resquevas? I am very pleased to see you dine here. " ngiting ngiting sabi nito sa dalaga. Binawi ni Augustus ang kanyang kamay dahil nag-aalinlangan pa din si Shyme kung makikipag shake hands ba siya rito. Medyo namula naman ang pisngi niya, hindi niya lubos akalaing may makakakilala pa pala sa kanya, sabagay multi billionaire naman siya. "Hmm, magkakilala pala kayo nitong si Inocencio? I can say he's very gentleman and innocent pero ang mga damit nya at sapatos kanina ay branded, akala ko nga mas mayaman pa siya sakin eh. " nginitian lang siya ni Shyme.

"Uhm hi sir Augustus! Ako po si Kate Cruz, ako po yung nag-apply kanina. " pambabasag niya sa medyo awkward na atmosphere sa pagitan nilang apat. Nilingon ni Shyme si Inocencio at napayuko nalang ang binata.

"OMG! What a coincidence! Inocencio?! " isang matinis na boses ang sumalubong sa kanila. Guess who? Napa irap nalang ng matindi si Shyme, uh-oh, bitch mode on for Shymie girl.

"Look who we have here. " tumayo si Shyme at pinag krus ang kanyang mga braso habang kunwaring sinusuri ang babaeng nasa kanyang harapan.

"I don't have time for your bullshits, Ricafort. " maarteng wika ni Stacey.

"But I allotted a lot of time to give you some, Del Mundo. " taas kilay na tugon niya. Napa ngiti ang kanyang best friend sa inaasal niya ngayon.

"I'm here for Inocencio. " matamis na ngumiti si Stacey kay Inocencio at lumingon sa manager. Nangunot ang noo ni Stacey at nag-iwas tingin dito. Lingid sa kaalaman ni Stacey na inoobserbahan siya ni Shyme.

"Bagong lalandiin? " ngising tanong ni Shyme habang matalim na nakatingin kay Stacey.

"No. Si Inocencio lang ang gusto ko. " mas lalong nainis si Shyme dahil sa pag ngisi rin ni Stacey. Nag-iwas tingin nalamang si Inocencio.

"Oh, Inocencio, I think you should go back to work. " ani ng manager. Nginitian muna ni Inocencio si Shyme bago bumalik sa kanyang trabaho. Napa kunot ang noo ni Stacey dahil sa ginawa ni Inocencio habang nginisian lamang siya ng nakakaloko ni Shyme. Inirapan ni Stacey si Augustus bago umalis, nagtaka sina Shyme at Kate sa inasal ni Augustus dahil mukhang gusto pa niyang habulin ang dalaga.

"Well, sorry for that Mr. Ramoz. Mauna na kami ng kaibigan ko. " pormal na pagpapaalam ni Shyme kay Augustus. Nilingon niya si Inocencio at nag-iwas tingin ng makita niyang tinitigan siya ng binata. "Anong oras ang working hours ninyo dito? At magkano rin ang suweldo? " tanong ni Shyme sa manager.

"Seven am to four pm, ang suweldo ay five hundred pesos per day. "

"Not bad. "

"Thank you. Uhm Kate? Bukas na ang start mo diba? Bukas ko nalang din ibibigay ang uniporme mo, ayos lang ba? " Ngumiti lamang si Kate ng matamis at tumango.

"Mauna na kami Mr. Ramoz. " muling paalam ni Shyme.

"Too formal, Augustus will be ok. " ngiting sabi niya. "Ingat. " nginitian lamang siya nina Kate at Shyme at sabay na umalis.

"OMG Shymie girl! Ang gwapo niya! " napa irap sa kawalan si Shyme dahil sa inasal ng kanyang bestfriend.

'Mas gwapo si Inocencio. ' Shyme said at the back of her head.

"Pero pano yun Shymie girl? Baka dahil sa work na yun, mawalan ng time si Inocencio sayo. " literal na napahinto si Shyme. Bigla siyang napa isip, paano kapag naka ipon na ng sapat na pera si Inocencio? Paniguradong bubukod na siya ng tahanan.

"He needs to be fired. " tanging nasambit ni Shyme.

"What?! Napaka evil naman nun beh! "

"I know, I know. Pero kasi---"

"Alam mong magagalit sayo ng husto si Inocencio. " seryosong sambit ni Kate. "Alam mo Shymie, why don't you wish nalang kaya? Baka kasi magkatotoo ulit. " suhestiyon niyang muli. Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad habang nag-iisip pa din si Shyme.

"Kate, paano pag dumating yung ideal man mo? Would you rather wish for him to love you or go the traditional way? " nilagay ni Kate ang kanyang hintuturo sa kanyang baba at bahagyang tumingala.

"Syempre traditional way! I want him to court me noh! " sabi niya habang kinikilig pa. Pekeng ngumiti si Shyme, gusto niyang humiling muli. It's either mawala si Stacey sa landas nila o di kaya'y mahalin siya ni Inocencio. "Shymie girl you're spacing out. " bumalik siya sa ulirat ng akbayan siya ni Kate. "If you're thinking about the wish thingy, binabalaan kita sa iniisip mo. Malay mo makapit talaga sayo ang swerte at magkatotoo nanaman yung hihilingin mo. Kung iniisip mo na hilingin na mahalin ka agad ni Inocencio, for me it's a bad idea. Kasi isipin mo girl, mamahalin ka lang niya dahil ginusto mo, hindi ka niya mamahalin kasi gusto niya. Ang sad naman nun diba? " she knocked some sense on Shyme. Tama si Kate, mamahalin lang siya ni Inocencio dahil hiniling niya at ayon nalang din sa kagustuhan niya.

"Eh kung hilingin ko nalang na mawala si Shyme sa landas ni Inocencio? " Shyme blurted out. Nagkibit balikat nalang si Kate.

Kung hihilingin niyang mawala si Stacey, pwedeng may ibang babae namang umaligid sa kanya. Pero kung hihilingin naman niyang wala ng babaeng umaligid kay Inocencio, that would be very selfish. Paano kung dumating lang talaga si Inocencio sa buhay niya at hindi sila para sa isa't isa? Paano kung nakatadhana pala talaga siya sa iba? Paano na yung nakatadhana talaga sa kanya? Mas lalong nalungkot si Shyme sa mga naisip niya, ayaw naman niyang i-seal ang faith nilang dalawa.

"Tsk, kahit hindi na ako ang nakatadhana sa kanya, basta hindi si Stacey. " bulong niya sa kanyang sarili.

"Ay nako tama ka girl! Dun pa nga lang sa mga kuwento mo, hindi na niya talaga deserve si Inocencio noh! Napaka bitchessa! " nadinig pa din siya ni Kate at tinapik tapik pa ang balikat niya. Desidido na si Shyme na muling humiling, napaka raming lalaki sa mundo, hindi karapatdapat si Stacey para kay Inocencio.

"Sana mawala sa landas namin si Stacey. " matapang na sabi ni Shyme.

"Hay nako sana nga. " bugtong hiningang sabi ng kanyang best friend.

Dahil sa pag-iimagine nilang dalawa kung anong mangyayari pag nawala sa landas nina Shyme at Inocencio si Stacey ay may nakabundol sila.

"Omg! Ikaw nanaman! Pwede bang tignan niyo muna magkaibigan ang dinadaanan niyo?! " laking gulat ni Shyme nang muling magkrus ang mga landas nila.

"Stacey?! "