webnovel

Ika-Limang Kabanata

"Shyme. " nagising si Shyme dahil sa tawag ng isang malambing na boses ng babae.

"Goddess Grace! " sinalubong ng yakap ni Shyme ang dyosa. Tulad ng dati ay narito sila sa isang napaka gandang gubat na tahanan ni Goddess Grace.

"Na miss kita binibini. " inakap din siya ng dyosa. Unang kumalas sa yakap si Shyme dahil sa maraming tanong.

"After nine years, bakit ngayon ka nalang ulit nagpakita? Tsaka bakit hindi natupad yung wish ko na mawala si Stacey sa landas namin ni Inocencio? Goddess Grace may utang ka saking chika! "

"Shyme, nakakalimutan mo na ba? Hindi matutupad ang ika-pito hanggang ika-sampung kahilingan hangga't hindi nawawala ang ika-anim. " Shyme froze. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. It can't be.

"I-ibig s-sabihin. " nagsimula ng kumawala ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Ang p-pagdating n-ni Inocencio ang ika-anim n-na h-hiling? " napa upo si Shyme sa damuhan at nagsimulang umiyak.

Walang ibang nagawa si Goddess Grace kundi ang akapin si Shyme para patahanin. She knows that it's her fault.

"P-patawad. " tanging na-i-usal ni Goddess Grace. Inisip ni Shyme ang mga hiniling niya.

Unang hiling: Sana araw araw siyang magkaroon ng milyon milyong pera

Ikalawang hiling: Sana mabuhay ang kanyang ama

Ikatlong hiling: Sana mamatay ang kanyang ina

Ika-apat na hiling: Sana mabuhay ang kanyang ina

Ika-limang hiling: Sana muling mabuo ang kanyang pamilya

Ika-anim na hiling: Sana dumating na yung man of her dreams

Mas lalo siyang napahagulgol. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil hindi niya muna iniisip ang mga hinihiling niya. Nag-iisa lang si Inocencio na pinapangarap niya, hindi niya kayang mawala siya kahit ilang araw palang silang nagkakakilala.

"Goddess Grace, diyosa ka di ba? Tulungan mo ako! "

"I'm a cursed goddess, Shyme. I can't. " napahinto sa pag iyak si Shyme. Paanong isinumpa siya? She can even grant wishes. "Isinumpa ako ni goddess Artemis. Isa lamang akong mortal noon, lagi kong napapanaginipan ang isang lalaki. Guwapo siya, lagi niya akong binibisita, hanggang isang araw, hindi niya ako sinipot sa aking panaginip. Hindi siya ang naka usap ko kundi ang isang babae, siya si Artemis. " malungkot na kuwento ni goddess Grace. "At kilala mo ba yung lalaking bumibisita sa mga panaginip ko? " Shyme shook her head. "It was Apollo, Artemis' brother. " bahagyang nagulat si Shyme, may kinalaman pa pala ang mga Greek gods and goddesses dito?

"Nahulog ang loob ko kay Apollo, noong araw na pinuntahan ako ni Artemis ay galit na galit siya sakin dahil daw wala ng oras si Apollo para sa kanya. Laking pagtataka ko naman ng ang galit niya ay mapalitan ng isang nakakalokong ngisi, inofferan niya ako ng kapangyarihan, maging isang goddess, para raw makasama ko na si Apollo. Dahil din sa sobrang emosyon, pumayag ako. Mahal na mahal ko nun si Apollo kaya napa-oo na din ako. " tumulo na rin ang luha ni Goddess Grace. "Isinumpa niya ako, kung sino mang mapipili kong mortal ay bibigyan ko ng sampung hiling at ang ika-anim ay mawawala at kahit anong gawin ko ay hindi ko maibabalik ang ika-anim na iyon. "

"Bakit ang ika-anim? At bakit kasi kailangan pang mawala? " hindi na makapaghintay si Shyme sa sagot.

"Nuong bata si Artemis ay humiling siya ng anim na kahilingan sa kanyang ama na si Zeus. Hindi siya ma-hindi-an ni Zeus kaya naman tinupad niya ang lahat. "

"Tapos? Ano naman ang connection nun sa pagkawala ng ika-anim na hiling? "

"Masyadong nagalit si Artemis sakin, gayon na din sa mga mortal. Mahal na mahal niya ang kapatid niyang si Apollo kaya siguro ganun nalang din ang galit niya. Mahigpit na ipinagbabawal ni Zeus ang pumatay ng mortal kaya ginagamit ako ni Artemis para pahirapan kayong mga mortal. " malungkot na wika ni goddess Grace. "Walang nagtagumpay na mabuhay sa pagkawala ng kanilang ika-anim na hiling, namatay lahat dahil sa matinding depression. "

Napalunok si Shyme. "Ilan na ba ang namatay dahil sa ika-anim na hiling? "

"Siyam. " muling napalunok si Shyme, siya na kaya ang ika-sampu? "At hindi ko hahayaang ikaw ang sumunod. " tiningala ni Shyme si goddess Grace at inakap ito.

"Bakit kailangan mong gawin to? I mean bakit ako ang pinili mo? " muling tanong ni Shyme.

"Dahil kapag naka sampu na akong nabibiktima ay makakasama ko na si Apollo. " biglang nakaramdam ng takot si Shyme. Mahal ni Grace si Apollo kaya nandito si Grace ngayon, si Shyme na ang huli, baka hindi rin niya kayanin ang depression. "Huwag kang mag-alala Shyme, makukuha mo si Inocencio at makukuha ko si Apollo. "

"Bakit mo pa ako tinutulungan kung pinili mo rin naman akong parusahan?! " hindi na napigilan ni Shyme na mapagtaasan ng boses si Grace. Uh-oh, she's raising her voice on a goddess, great.

"Nakasulat na ang tadhana, nakatadhanang mangyari ito sayo at sa akin. Gods and goddesses lang ang may kapangyarihang baguhin ang kapalaran. " biglan nabuhayan ng loob si Shyme.

"Paano pag binago ni Artemis ang kapalaran ko? Natin? Paano na? "

"Magtiwala ka Shyme, susubukan ko, kahit isinumpa ako. Pero ngayon, gumising ka muna. "

"Shyme! " napabalikwas ng bangon si Shyme dahil sa boses ni Inocencio.

"Inocencio? Bakit ako nandito sa sala? " takang tanong niya habang ineexamin ang katawan niya. Muling bumisita si goddess Grace sa panaginip niya.

"Bigla ka nalamang daw nahimatay binibini. " napatingin siya sa mga kasambahay na nakapalibot sa kanila, naaalala na niya. Nawalan siya ng malay matapos nilang gumala ni Kate. Pinagmasadan niya ang mukha ni Inocencio, masakit para sa kanyang mawala si Inocencio dahil din sa kanya.

"Ayos lang po ako, anong oras na po ba? Nakakain na po ba kayo? " tanong niya sa mga kasambahay.

"Alas sais na po ng umaga, maya-maya pa po kami kakain. " literal na napanganga si Shyme, ganun siya katagal naka tulog?

"Mauna na po kayong kumain, mag-uusap po muna kami ni Inocencio. " agad namang sinunod ng mga kasambahay si Shyme.

"Ano ang nais mong sabihin Shyme? " puno pa rin ng pag-aalala ang mga mata ni Inocencio.

"Ah? May itatanong lang ako, uhm. May gusto ka ba kay Stacey? " hindi na nagpaligoy ligoy pa si Shyme, kung may gusto sa kanya si Inocencio ay ipaglalaban niya si Inocencio kahit pa kay Artemis.

"Wala binibini. " nag-iwas tingin si Shyme. "Ikaw? May gusto ka ba kay Augustus? " nang tumingin si Shyme ay nag-iwas tingin naman si Inocencio. Lihim na napangiti si Shyme.

"Wala ginoo. " siguro hindi pa sila handang aminin ang kanilang nararamdaman sa isa't isa.

"Hi Shyme! " Shyme eyes widened.

"Goddess Grace?! " napalingon din si Inocencio sa napakagandang babae sa kanilang harapan.

"Anong ginagawa mo dito? " nginitian lamang siya ni Grace.

"Gusto ko lang na makasama yung kapatid ko! Bakit ba? " for the second time, Shyme's eyes widened.

"Magkapatid kayo ni Inocencio?! "

"Silly, ikaw ang kapatid ko! "

"Paanong?! " nanatiling tahimik si Inocencio na nakikinig sa kanilang dalawa.

"Handa na akong sabihin sayo ang lahat lahat Shyme. Ina natin si Tyche. Ang ama naman natin ay isang mortal. Demi gods tayo pero dahil nga sa pagmamahal ko kay Apollo, tinanggap ko ang offer na maging isang ganap na goddess. " nag-iwas tingin si Inocencio ng tignan siya ni Grace at ngitian.

"Tyche? " tanging naitanong ni Shyme.

"Goddess of fortune and prosperity of a city. " ipinatong ni Shyme ang kanyang mga siko sa kanyang mga binti at sinapo ang kanyang ulo. Ugh, too much informations!

"Bakit hindi mo pa sinabi kanina? "

"Gusto ko kasing masabi sayo sa personal, by the way, siya pala si Inocencio? " nailang si Inocencio kay Grace kaya muling nag-iwas tingin ang binata rito. "Magandang umaga ginoo, ako nga pala si Grace, diyosa ng mga kahilingan. " bulong ni Grace kay Inocencio na ikinagulat naman ng binata.

"A-ako naman si Inocencio b-binibini. " napakunot ang noo ni Shyme dahil sa inasal ni Inocencio. Nang magkamay sila ay bumulong din ang binata. "Ang isinumpang dyosa. " matapos nilang magkamay ay nagpaalam na siya. "Mauna na ako mga binibini, may trabaho pa ako. Ikinagagalak kong makilala ka Grace. " nagmamadaling umalis si Inocencio.

"Bakit ang weird nun? " tanong ni Shyme sa kapatid. Nagkibit balikat lang si Grace.

"Trabaho? Tara sundan natin siya sa trabaho niya. " hinawakan ni Grace ang kamay ni Shyme and in just a wave of her hand, nandun sa sila shop kung saan nagtatrabaho si Inocencio at Kate.

"Shymie girl! " mabilis na bumeso si Kate kay Shyme at takang nilingon ang kanyang kasama. "Ay ang pretty, sino siya beh? "

"Ah long lost sister ko, si Grace. " literal na napanganga si Kate. Matagal na silang magkakilala ni Shyme pero ngayon lang niya nalaman na may kapatid ito, well, gayun din naman si Shyme.

"What?! May sisterette ka?! "

"Nagulat din ako. " napapa-isip pa rin si Shyme, bakit hindi nag-abot? Iisa lang naman ang ina at ama nila, hindi kaya batang bata palang si Shyme ng mawala si Grace?

"Kelan kayo nagkakilala? Paano? Nagpa DNA test na ba kayo? Nako! Baka---" biglang huminto si Kate nang palihim na i-snap ni Grace ang kanyang mga daliri. "Ah, ang pretty nya hehe. " tanging nai-usal ni Kate.

"Thank you! " umakap si Grace kay Kate at bumulong. "Hello Kate Cruz. " nakakapanindig balahibong halakhak ang pinawalan niya bago kumalas sa yakap.

"Mukhang close agad kayo ah? " nakangiti namang sabi ni Shyme sa kanilang dalawa.

"Ofcourse! Mukha kaya siyang mabait! " masiglang sabi ni Grace samantalang si Kate ay nanatiling tahimik dahil sa takot kay Grace.

"A-ah, Shymie g-girl. Itatanong k-ko lang sa mga k-kasamahan ko sa loob k-kung asan yung u-uniform ko. Tsaka m-makikipag k-kaibigan na din ako. B-bye! " dali-daling pumasok sa loob ng shop si Kate. Hindi pa kasi nagbubukas ang mall, masyado pang maaga.

*

Saktong alas siete ng umaga nang dumating si Inocencio sa shop. Marami masyadong bumabagabag sa kanyang puso't isipan. Naaalala na niya lahat lahat. Ang dahilan kung bakit siya nandito sa panahong ito.

Nakita niya sina Grace at Stacey na nag-uusap. Bahagya siyang lumapit para marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

"I need your help Stacey Del Mundo. " seryosong sambit ni Grace na ikinagulat ni Inocencio pati na rin ni Stacey.

"W-what do y-you w-want?! K-kanina k-ka p-pa ah! " matapang na sagot ng dalaga rito.

Bahagyang lumapit si Grace kay Stacey at bumulong. "I want you. "

"Hindi tayo talo! " nanlaki ang mga mata ni Stacey. Naguguluhan siya sa inaasal ng dalaga sa harapan niya.

"Tsk, bobo. Kailangan kita, pa-ibigin mo si Inocencio. " napakunot ang noo ni Stacey dahil sa sinabi ni Grace. Gusto niyang sumbatan ang goddess pero biglang pumasok sa isipan niya si Inocencio.

"Si Shyme, si Shyme ang hadlang. " biglang nakaramdam ng inis si Stacey.

"Tutulungan kitang mawala siya sa landas niyo. " agad na tumakbo paalis si Inocencio pero may humarang sa kanya. "Hello Inocencio. " nanlaki ang mga mata niya ng makita sa kanyang harap si Grace. "Sleep tight."

*

"Anong nangyari kay Inocencio?! " hindi mapakalma ni Shyme ang kanyang sarili habang pinagmamasdan si Inocencio na pinapaypayan ng mga staff si Inocencio.

"Shyme, nahimatay siya kanina. " kunwaring nag-aalalang sabi ni Grace.

"Tumabi kayo, ako na ang bahala rito. " may isang lalaking biglang dumating. Maputi, matangkad at gwapo. Nanlaki ang mga mata ni Grace ng makita ang lalaking nasa harapan nila. "Doktor ako. " nilapitan niya si Inocencio at kung ano anong parte ng katawan ang hinawakan nito. Wala pang ilang minuto ay bigla nalang nagising si Inocencio.

"Inocencio! " sabay na sabi nina Stacey at Shyme ngunit mabilis na naka-akap si Shyme sa binata. Nagkatinginan sina Grace at Stacey, lingid sa kaalaman ni Grace na pinagmamasadan siya ng lalaking nagpakilalang doktor.

"Mas mabuti pang wag niyo munang pagtrabahuhin si Inocencio. " sabi ng doktor.

"Salamat, pero, bakit mo siya kilala? " tanong ni Shyme sa doktor. Nanatiling kalmado ang ekspresyon ng doktor at itinuro ang name tag na naka lagay sa uniporme ni Inocencio. Napatango tango nalang si Shyme. "Salamat ulit. "

"I'm Phoebus. " nagulat si Grace dahil sa pagdating ni Phoebus. Napako ang kanyang mga mata sa binata.

"S-salamat g-ginoo. " napalingon silang lahat kay Inocencio na nagpasalamat kay Phoebus.

"Walang anuman Inocencio, kailangan mong magpahinga. Uhm Shyme, pwede ba kitang maka-usap? " baling ni Phoebus kay Shyme, naguguluhan si Shyme sa inaasal ni Phoebus.

"Bakit mo ako kilala? "

"Dahil--" hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Phoebus ng biglang magsalita si Grace.

"Mauuna na kami ng kapatid ko, isasama na namin pauwi si Inocencio. "

"Magkapatid kayo?! " hindi makapaniwalang sambit ni Stacey. Tinaasan lang siya ng kilay ni Grace at kinausap through telepathy.

'Don't you dare spill the tea if you don't want your blood to be spilled. ' sabi ni Grace sa isip ni Stacey na ikinakilabot niya.

"Wag mong gagalawin si Inocencio at Shyme, Grace. " bulong ni Phoebus at nilagpasan na siya nito. Inis na hinila ni Grace sina Inocencio at Shyme. Walang maalala si Inocencio sa mga nangyari kanina dahil binura ni Grace ang mga narinig niyang usapan nina Grace at Stacey.

*

"Kakailanganin niyo ako rito. " nanlaki ang mga mata nina Shyme, Grace, at Inocencio ng makita si Phoebus sa kanilang sala. Kararating lang nila mula sa mall.

"P-paano k-ka nakapasok d-dito?! Trespassing ka na ah! " medyo gulat at may bahid ng inis na sigaw ni Shyme kay Phoebus. Ngunit nanatili ang mga mata ng doktor kay Grace.

"Tatawag ako ng pulis! " babala ni Grace na ikinangisi lang ni Phoebus.

"Pulis, Grace? Are you damn serious? " naka ngiting umiiling iling si Phoebus.

"Teka! Bakit magkakilala kayo?! " hindi mapigilan ni Shyme ang makisawsaw sa kanilang dalawa.

"Childhood friend. " sabi ni Phoebus, bigla namang na-realize ni Shyme na baka kaibigan ito ni Grace nuong mortal pa siya.

"Sige, maiwan muna namin kayo ni Inocencio. " inalalayan ni Shyme si Inocencio papunta sa kuwarto ng binata. Pinanood lamang nilang dalawa na umalis sina Shyme at Inocencio.

"Kung ano mang pinaplano mo, wag mo nang ituloy. " panimula ni Phoebus.

"Wag kang make-elam. " matigas na sabi ni Grace.

"Pag hindi mo pa tinigil ang kahibangan mong ito, ako na mismo ang lalaban sayo. " matigas ding sabi ni Phoebus.

"Look Phoebus, I'm just trying to win you back! " nakaramdam ng matinding inis si Phoebus.

"Hindi naman ako nawala sayo! Hindi porque't ayaw mong magmahal ay ganun na din ako! Tsaka isa pa, ibalik mo na siya!" nainis na din ang dalaga dahil sa sinabi ni Phoebus.

"No! Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sakin! " biglang naglaho si Grace. Iling iling naman na nagpunta si Phoebus kina Shyme at Inocencio para kausapin ang mga ito.

*

"Inocencio ayos ka lang ba? " hindi pa rin maalis ang pag-aalala kay Shyme.

"Ayos lang ako Shyme. " Inocencio gave her a reassuring smile.

"Ano bang nangyari? Bakit bigla ka nalang daw nahimatay? "

"Hindi ko din alam binibini. Wala rin akong maalala bago ako mawalan ng malay. "

"I think Stacey has something to do with this. " inilagay ni Shyme ang kanyang hintuturo sa kanyang baba.

"Ha? " takang tanong ni Inocencio.

"Bakit hindi mo alam ang lenggwaheng Ingles? " takang tanong ng dalaga kay Inocencio, noong kapanahunan siguro ng binata ay mayroon ng lenggwaheng Ingles.

"Hindi kasi ako nakapag-aral binibini, paumanhin. " napa-yuko si Inocencio dahil nahihiya ito sa dalaga.

"Ano ka ba! Ayos lang noh! Hehe. " parehas silang nag-iwas tingin nang magtama ang kanilang mga mata, medyo naiilang pa rin sila sa isa't isa hanggang ngayon. "Inocencio, paano pag nilisan ka ng taong mahal mo, anong gagawin mo? " Shyme blurted out.

"Mukhang hindi ko yata kakayanin yon binibini. " nakangiting sambit nito sa dalaga. Biglang nalungkot si Shyme, she admits na hindi talaga niya kayang mawala si Inocencio.

"Hindi ko kayang mawala ka Inocencio. " biglang umakap si Shyme sa binata. Ngayon palang ay nahihirapan na siya. Kahit sa maikling panahon lang ay napamahal na siya sa binata. "Inocencio ayoko. " hindi na napigilan ni Shyme ang mapa-iyak. "Gusto kita. Gustong gusto. Ayokong mawala ka. " parang may kung anong mahika ang mga yakap ni Inocencio na mas nakakapanlambot para kay Shyme. Gods and goddessed know how much she loves this man.

Napa luha rin si Inocencio, wala siyang ibang nagawa kundi ang yakapin ang dalaga at hagurin ang likod nito para mapatahan. "Shyme hindi ako mawawala sayo, pangako. " kumalas si Shyme sa pagkakayakap kay Inocencio at hinarap ang binata. "Gusto rin kita Shyme. "

"Ehem. " napalingon silang dalawa sa isang lalaki, it was Phoebus. Umayos sa pagkaka upo ang dalawa. Nakaramdam sila ng matinding ilang ng binigyan sila ni Phoebus ng nakakalokong ngisi at nanunuksong tingin.

"Phoebus. " mahina at naiilang na tawag ni Shyme sa binata kaya natawa lang ito dahil sa inasal ng dalaga. Iling iling na bumaling si Phoebus kay Inocencio.

"Inocencio, kamusta na? " nginitian siya ni Inocencio, hindi naman maiwasan ni Shyme na hindi mapatingin kay dito, napapikit siya at napangitin. 'Darn those beautiful smiles. ' she said at the back of her head, picturing Inocencio's pretty smiles.

"Ayos lang Phoebus, lubos akong nagpapasalamat sa iyong tulong. " bahagyang nagbow pa si Inocencio kay Phoebus. Nagpalipat lipat ang tingin ng doktor kina Inocencio at Shyme na ikina ilang nanaman nila.

"Marami ba kayong alam tungkol sa mga Greek gods and goddesses? " hindi alam ni Shyme kung silang dalawa ba ang tinatanong e, kay Inocencio nakatingin si Phoebus.

"Onti lang, grade 9 kasi nag stop na ako eh. " kibit balikat na sagot ni Shyme kahit si Phoebus ay nakatingin pa rin kay Inocencio. Napalingon si Shyme kay Inocencio na nakatingin sa ibang direksyon, naisip ni Shyme na baka nahihiya ang binata dahil wala siyang alam tungkol sa Greek gods and goddesses.

"Ikaw Inocencio? " hindi pa rin maalis ang mga mata ni Phoebus kay Inocencio, onting onti nalang sasabihin na talaga ni Shyme na bromance to.

Sa wakas ay nilingon na din ni Inocencio si Phoebus na seryosong nakatingin sa kanya. "Mayroon naman. " medyo nagulat si Shyme.

"May alam ka sa Greek gods and goddesses? Ang akala ko ba hindi ka nakapag aral? Tsaka, tinuturo na ba yung mga ganun sa panahon mo? " dere deretsong tanong ni Shyme kay Inocencio na ikinakaba ng binata. Si Phoebus naman ay kinuha ang upuan mula sa maliit na round table sa kwarto.

"H-ha? Nag kuwento sakin k-kahapon si Mike t-tungkol sa mga i-iyon. " Shyme was convinced but Phoebus isn't. Tumango tango lang si Shyme samantalang si Phoebus naman at matalim na tinitigan si Inocencio, nakita ulit ni Shyme ang mga titig ni Phoebus kay Inocencio.

'Not bromance. ' nanlaki ang mga mata ni Shyme nang may marinig siyang pamilyar na boses na nagsalita sa loob ng kanyang utak.

"Phoebus?! " takang napalingon ang dalawang binata sa kanya. "P-pasensya na hehe. " nahihiya namang nag-iwas tingin si Shyme nang maramdamang tinititigan na siya ni Inocencio.

"So I was saying, Greek god and goddesses, halata nga na onti lang ang alam niyo. Let me introduce some of them. " inilagay ni Phoebus ang kanyang mga siko sa kanyang mga binti at humawak sa kanyang baba. "Let's start with Hades. " tumingin si Phoebus kay Inocencio at nginisian ito, samantalang si Inocencio naman ay nag-iwas tingin dahil sa sobrang kaba. "Hades is the god of the underworld, the dead, riches, misery and fear. " bigla namang nangilabot si Shyme dahil naka ngisi si Phoebus.

"Hehe, bakit sa kanya ka nagsimula? " naiilang na tanong ni Shyme.

"Unlike his brothers, and most gods, he never caused harm to any mortal without provocation. Minsan ay tumulong pa nga siya sa isang kaluluwa dun para bumalik sa kanyang katawan at mabuhay sa ikalawang pagkakataon. " napangiti naman si Shyme, naisip niyang hindi pala ganun kasama si Hades. "Napakabait ng tao na yun, he spent his life serving the poor, kahit kapos palad din siya. Ang pinakatuwang tuwa sa lahat ay si Eros, ang god of love, hindi agad nalaman ni Eros ang propesiya ng taong iyon kaya agad nalang siyang nagpakawala siya ng dalawang pana, ang isa ay tumama sa tao na iyon, at ang isa ay nawala. " napabuntong hininga si Phoebus. "Laking pagtataka ni Eros, usually kasi pag nagpapakawala siya ng dalawang pana ay tatama iyon sa dalawang tao na nakatadhana sa isa't isa. Hindi naka sulat sa propesiya na wala siyang makakaparehas."

"Kawawa naman pala yun, tumulong na nga sa kapwa kahit kapos din siya, nawalan pa ng lovelife. " malungkot na wika ni Shyme. Nakaramdam siya ng sobrang awa sa taong iyon.

"Twenty four years old palang ng mamatay siya, iyon na ang nakatadhanang mangyari sa kanya. " napalingon si Phoebus kay Inocencio na tahimik na nakikinig sa kanyang kwento. "Lubos na natuwa sa kanyang kabaitan si Hades, nagtulungan silang dalawa ni Eros para sa ikalawang pagkakataon ay mamumuhay ng masaya at payapa ang taong iyon. " napangiti si Inocencio dahil sa ikinuwento ni Phoebus. "At duon na realize ni Eros na kaya pala nawala ang isang pana ay hindi pa ipinapanganak ang nakatadhana para sa taong iyon. " nanatili ring tahimik si Shyme na focused sa pakikinig kay Phoebus. "Hades and Eros with the help of Apollo, changed his prophecy, tanging gods and goddesses lang kasi ang nakakagawa nito. "

"Ang babait pala ng gods and goddesses! " Shyme exclaimed.

"Hindi lahat, Shyme, hindi lahat. " nagtaka si Shyme sa sinabi ni Phoebus, paano naman niya iyon nasabi? Bakit, god ba siya? Tss, she shook her head, removing that thought.

"How about, Grace, have you heard anything about her? " tinapunan ng isang kakaibang tingin ni Phoebus si Shyme na ikinakaba ng dalaga.

"Grace, goddess of wishes. Artemis cursed goddess? " napatango nalang si Shyme. "She's a demigod, Tyche's daughter. I know her, siya yung babaeng mahal ni Apollo. " Phoebus bitterly smiled.

"Magkwento ka nga tungkol sa kanya. Pwede? " Shyme feels like Phoebus knows the Greek gods and goddesses very well.

"Grace grew up here in the mortal world with her dad. Normal lang ang buhay nilang dalawa, alam niya ring anak siya ni Tyche, sabik na sabik siya sa isang ina. One time Tyche asked Apollo for help. Nung una, nagtaka si Apollo kung bakit siya ang hiningan ng tulong ni Tyche, sabagay magkapatid naman kasi sila sa ama, pero hindi din sigurado. "

"Bakit hindi sigurado? " tanong ni Shyme.

"Hindi kasi alam kung si Zeus o si Hermes ang ama niya. " napatango tango nalang si Shyme bago ituloy ni Phoebus ang kanyang kwento. "Anyways, Apollo agreed to help Tyche. Binisita na ni Apollo si Grace sa kanyang panaginip, for the eleventh time, na inlove nanaman ang gwapong si Apollo. " napatawa ng mahina si Phoebus, si Shyme naman ay nanlaki ang mata, samantalang si Inocencio ay tahimik na nakikinig.

"Eleven!? Nako! Baka niloloko lang niyang si Apollo ang kapatid ko ha! " inis na singhal ni Shyme habang dinuduro duro pa si Phoebus. Natawa lang siya at itinaas ang dalawang kamay sa ere. Napatakip si Shyme sa kanyang bibig ng marealize ang sinabi niya. "Continue. " tinawanan lang siya ni Phoebus at nagpatuloy.

"Napadalas ang pagbisita ni Apollo sa panaginip ni Grace, ayun, nahulog na din ang loob ni Grace kay Apollo. " naningkit ang mga mata ni Shyme.

"So pinlano ni goddess Tyche na paibigin ni Apollo si Grace? " tanong muli ni Shyme.

"Hindi, ang gusto ni Tyche ay ang siguruhing ligtas ni Apollo si Grace. " muling tumango tango si Shyme.

"Walang mintis ang pagbisita ni Apollo sa mga panaginip ni Grace noon, isang araw, nakipagpaligsahan sa archery si Artemis sa kanyang kapatid ni Apollo, yun kasi ang bonding ng magkapatid. Nagpustahan sila, pag nanalo si Artemis, lalayo si Apollo kay Grace, at pag nanalo naman si Apollo, hindi na magseselos si Artemis kay Grace. "

"Wait, bakit nga pala nagseselos si Artemis kay Grace? May gusto ba siya kay Apollo? " natampal ni Phoebus ang kanyang noo.

"Kambal sina Apollo at Artemis, nagseselos si Artemis kay Grace dahil nawawalan na ng oras si Apollo para sa kanya. " napayuko si Phoebus. "Ayun, natalo si Apollo. " malungkot na wika ng binata. Nalungkot din si Shyme para kay Grace, napatingin siya kay Inocencio, kumabog ng mabilis ang kanyang puso ng makitang nakatitig sa kanya si Inocencio. Kung siya ang nasa kalagayan ni Grace, hindi niya kayang mawalay sa taong mahal niya. "Isang araw, si Artemis ang bumisita sa panaginip ni Grace, galit na galit siya nun. Pero bigla nalang niyang inofferan ng kapangyarihan ni Grace. Nuong mga panahong iyon, naaksidente ang kanyang mortal na ama, wala na din siyang iba pang kinikilalang kamag-anak kaya sumama na siya kay Artemis sa Mt. Olympus. Hindi pa alam ni Tyche na nandun na si Grace ng mga panahong yon. " tahimik pa din si Inocencio ngunit kay Shyme pa rin ang tingin nito. "Bago pa man dalin ni Artemis si Grace sa Mt. Olympus ay sinumpa na niya ito dahil sa oras na tanggapin ni Grace ang kapangyarihan na inoffer ni Artemis, ay magiging fairy of granting wishes na siya. Nang malaman ni Tyche ang mga plano ni Artemis ay agad niyang binawi si Grace sa puder nito. Dahil nga goddess of fortune si Tyche, nagtagumpay siya sa pagbawi kay Grace at ginawa na din niya ang kanyang anak na maging isang ganap goddess. Nabawi man ni Tyche si Grace ay hindi pa rin nawala ang sumpa ni Artemis sa kanya, lahat ng bibisitahin niya sa panaginip ay bibigyan niya ng sampung kahilingan ngunit ang ika-anim ay mawawala. " Shyme is really curious about Phoebus, bakit ganun nalang karami ang alam niya tungkol sa mga ito?

Nabasa ng binata ang iniisip ni Shyme. "Because I'm Phoebus, Shyme. " mas lalong nagtaka si Shyme.

"Tss, sinasabi mo?! Alam ko yun! " Shyme exclaimed.

"Tss, bahala ka na nga jan. "