webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
34 Chs

Chapter 10

Eliana's POV

I'm currently eating a leche flan as a dessert. Naiwan din ako mag isa dito sa table namin dahil may iilang kakilala si Ethan na dumating at kailangang ientertain since business partner nila iyon.

"Ms. Eliana Ocampo?"

Napalingon naman ako sa nagsalita at nagulat akong napatingin dito

"Sir Nathan!" he's wearing a navy blue tuxedo na mahahalata mo na mamahalin ito

"Yes, it's me. What are you doing here?"

But before I answered, someone snaked it's arms around my waist

"She's my girlfriend and my date so she's invited here"

"Oh really?" gulat itong napatingin sa amin

"Yes, really" siniko ko naman patago si Ethan dahil sa seryoso nyang sabi at pagkakatitig ng mariin kay Sir Nathan

Napalingon kaming lahat nang magsalita ang emcee sa stage at tinawag ang daddy ni Ethan para magbigay ng speech.

"Good evening, everyone. I'm so happy to see all of you here, celebrating the anniversary of the Jimenez company. I'm so glad that you're still with me through the years. And also, I can't wait to be the Dela Franco's partner in business! Yes, I'm announcing that the Jimenez and Dela Franco will be merging business. I can't wait to do businesses with you, Edmund and Elise. That's all, cheers to everyone!"

Padabog namang umupo si Ethan "Damn it. They still continue it"

Nagtataka naman akong napalingon kay Ethan na masama ang tingin sa stage at panay ang mura. Naupo na rin ako sa tabi nya habang si Sir Nathan ay nakatayo pa rin sa pwesto nya, sa gilid ko

"Hey, wag ka ngang magmura, babe" pagkasabi ko nito ay pansin ko na natigilan si Ethan

Before Ethan could say something, someone cleared his throat "Excuse me, I'll just go back to our table" hindi nito binigyang pansin ni Ethan kaya ako na lang ang sumagot at tumango

"It's nice seeing you again, Ms. Eliana" I smiled and nodded at him. Then after that he left

"Paano mo nakilala yung lalaking 'yun?"

"Sa JU. Isa kasi sya sa nag judge ng painting ko nung kumuha ako ng scholarship for Arts"

Tumango lang sya at hindi na ulit nagsalita

"Kamusta nga pala ang pag uusap nyo ng dad mo?" tanong ko na lang

"We should not talk about it. Let's go, sa garden tayo" agad kaming tumayo habang hawak ang kamay ko.

Nakangiti kaming naglalakad dahil sa bawat lakad namin ay may iilang sumasalubong at bumabati. May iilan pa nga na nagsasabi na hindi raw nila inakala na may girlfriend na si Ethan na seseryosohin.

Ang alam ko ay puro flings lang meron yan, girlfriend wala. May iilang nagkakalat na girlfriend nila si Ethan pero itong si Ethan, sasabihin na fling lang nya iyon kaya nga may pagkakataon na maiisip ko na bakla ito eh hehehe

"What are you thinking?" bigla nya akong hinila papalapit kaya napasigaw ako

"Ay bakla si Ethan!"

"Me? Gay? What the heck?"

"Ah hehe.. joke lang yun, ano ka ba"

"Do I need to give you a kiss para malaman mo na hindi ako bakla?" nilapit pa nya ang mukha nya sa akin at umiwas naman ako

"Joke nga lang diba?" ipinalibot ko na lang ang tingin ko sa paligid

Medyo tago ang garden na sinabi nya at tahimik ang paligid. May isang swing sa gitna habang may mga nakapalibot na mga halaman dito. Karamihan na nasa lupa ay mga bulaklak at damo. Tapos sa tabi ng swing ay isang malaking puno.

"You can sit on the swing"

"Eh ikaw? Saan ka?"

"Here" bigla syang naupo sa damuhan na naka indian seat

Tinanong ko muna sya tungkol sa dahilan nya kung bakit kailangan ko pang magpanggap. Actually, hindi ko maiwasang malungkot sa kanya. Kasi sya, pwede nyang hindi maramasan ang maikasal sa taong mahal nya. Yung tipong sya talaga ang nakahanap ng babae na totoong mamahalin hindi katulad na ipagkakasundo ka lang dahil sa business.

Uso yon lalo na sa pagmemerge ng business at para mas maging malakas at makapangyarihan ito.

"Ano na ang sabi ng Dad mo kanina?"

"I told him that you're really my girlfriend pero mas pinagpilitan pa rin nya ang plano nya. But we made a deal"

"Deal?"

He nodded "Yeah. If the Dela Franco's heiress is still missing, I'm free to do what I want and we're still in a relationship. But when they found my fiancee, we need to broke up as soon as possible"

"Hindi pa naman nahahanap ang f-fiancee mo diba? Kaya pwede mo pa kumbindihin ang dad mo na ayaw mo pa magpakasal"

He sighed heavily and looked at me seriously "It's not that easy. Hindi ako malapit sa dad ko at puro gulo ang hatid ko sa kanya so why would he agreed to my decision?"

"Huh? Bakit naman? Tsaka nasaan ba nag mommy mo?"

"Oh babe, you didn't know?"

"What?" naguguluhan 'kong tanong

"Everyone knows that my mom died when I was 15"

Nanlaki naman ang mata ko sa nalaman "hala! Sorry. Sorry, hindi ko alam"

"You didn't know me that much huh?"

Alanganin akong tumango dahil sa hiya. 'Yan ang napapala ng walang social media accounts, huli na sa balita.

"Ahmm.. edi kapag nahanap na pala yung fiancee mo na heiress din ng Dela Franco, titigil na rin ang deal natin" pagbabalik ko sa topic na pinag uusapan namin

"Yeah. But I'll do everything para lang hindi matuloy ang kasalan"

"Paano kung hindi?"

"Paano kung oo?

"Paano kung—"

"Ano bang problema mo?" pagputol nya sa sinabi ko

"Eh kasi, naiilang ako sa ganitong sitwasyon. Gusto ko na ulit maging single at saka para na rin walang umaaway sakin na fans mo"

"Tss... I already told them what will possibly happen if they'll hurt you"

Napangiti naman ako sa sinabi nya. He's not just the King of Dark Knight Gang na kinatatakutan at laging kapahamakan ang dala. Narealize ko yun nang ipagtanggol nya ako sa fans nya dahil sa tinawag ako ng kung ano ano. Pero sumagi pa rin sa isipan ko na baka parte lang iyon ng pagpapanggap namin.

Kaya heart, huwag kang titibok masyado sa lalaking to ha!

"Where are you going, babe?" he asked me habang nandito kami sa table nung mga pinsan nya. Mostly lalaki yung dito at dadalawa lang yung babae. Hindi naman ako nailang dahil mabait sila tapos yung boys naman kaugali nya ng slight hehe

"Cr lang ako"

Ang sabi ko kasi kila Juliana ay magkita kami kaso mukhang busy dahil kausap nila yung business partners ng family nila kaya wala silang kawala at ang naisip namin ay tatakas muna sila sa kausap nila at sa cr ang meet up hahaha

Juliana: Hoy nasaan na kayo mga babaita

Akilah: Otw

Natalie: Kakatakas ko pa lang

Me: Papunta na

Juliana: Hoy Eli! Alam mo ba na puro kayo ang laman ng bulungan sa party? Grabe tutusukin ko talaga mga mata nung mga malalandi na masama ang tingin sayo eh

Me: Bahala na si Ethan dun. Sabi nya sya na ang bahala kapag may nang away sakin eh

Natalie: Ganda mo kasi girl!

Akilah: Wow you finally have a knight shining armor!

Natawa na lang ako sa sagot ni Akilah.

Me: Baka nakakalimutan nyo na nagpapanggap lang naman kami

Juliana: yeah.. pagpapanggap na nauwi sa totohanan

Me: Hind—

"Ay!"

"Hala!"

Ano ba namang katangahan, Eliana Veronica! Pati dito mambubunggo ka pa

"Hala sorry po! Sorry po talaga!" paghingi ko ng paumanhin sa babae na natapunan ng sarili nyang dala dalang wine glass. Nabunggo ko kasi dahil sa kakatext ko

"Hala! Mrs. Dela Franco, ikaw po pala! Sorry po talaga"

"Look at my gown! Natapunan na!"

"Sorry po talaga. Naku sorry po" sinubukan ko punasan gamit yung extra tissue ko na nasa pouch pero halata sa mukha nya na naiirita sya kaya pinigilan nya ako

"Stop it. Just go" pinagpagan muna nya ang damit saka inabot sa isang waiter yung hawak na wine glass

Nahihiya tuloy ako sa ibang nakakita malapit sa papuntang cr. Tsaka bakit kasi hindi sya umiwas? Oh 'yan ka na naman, maninisi na lang kung kailan tapos na.

Nakakahiya naman. Si Mrs. Elise Dela Franco pa yung nabunggo ko.

"Oh anyare sa mukha mo?" - Akilah

"Luging-lugi girl? Papangit ka nyan. Keep smiling!" - Natalie

"May nakaaway ka ba? Ready na ako manuntok at manabunot" - Juliana

Umiling na lang ako "Nakabunggo ko kasi si Mrs. Dela Franco papunta dito. Natapunan sya sa gown ng hawak nyang wine"

"Ay Juliana, thank you nga pala ha. Sa pagpapaayos mo sakin tsaka sa gown na 'to" nginitian naman nya ako saka ng thumbs up

Nalipat naman ang atensyon ko nang sumigaw si Akilah "Ano?! Paano? Nabunggo? Lagot"

Mas lalo tuloy akong nahiya "Nung nakikipagtext ako sa inyo"

Humarap na lang ako sa salamin saka kinuha ang lipstick para mag retouch dahil wala na palang kulay ang labi ko

"So kami pa yung may kasalanan?"

"Gigil ka, Juliana?"

Umirap na lang si Juliana sa sinabi ni Natalie "Nakakabored kasi dito sa ganitong party. Ayaw ako pakawalan kanina nila mom dahil dapat daw makisama ako sa business partners nila"

"Same!" sigaw nung dalawa pa

"Can't relate" nakisabay ko ring sabi

"Eh nagalit ba si Mrs. Dela Franco?" malungkot naman akong tumango sa tanong ni Natalie

"Bakit sya galit? Bakit hindi na lang sya umiwas? Tapos maninisi pa ng iba nakakairita yung mga ganyan. Hindi na lang umiwas, gagawa pa ng eksena" pairap nitong sabi

Hinawi naman ni Natalie ang buhok nya "Parang hindi na yung tungkol kay Eliana ang sinasabi mo Juliana ah"

"Ay! nakita ko yun!"

Napatingin naman ako kila Akilah na nakangisi habang si Juliana ay halatang inis na inis "Anong meron?"

"Paano kase itong si Juliana ay may nabunggo rin kanina. Tapos yung guy ang nakabunggo pero yun pa ang galit. Kaya naman itong babaeng ito ay sinipa yung guy sa ano nito hahahah basta yun"

"Sinong guy?"

"THE Lucas Fernandez of Dark Knight Gang!" sigaw nung dalawa kaya hinila na sabay ni Juliana ang buhok nila habang nakaharap ito sa salamin

"Ah yung may pagkaseryoso ang ugali?"

"Yes! Natumpak mo girl!"

"Ayaw mo sa Lucas na 'yun, Juliana? Kaibigan naman sya ng kapatid mo tapos diba ang ideal jowa mo ay may pagka mysterious?"

"Yeah. But not Lucas" malamig nyang sabi saka kami iniwan sa cr

Nagsisihan pa nga kaming tatlo dahil sa pag alis ni Juliana. Mukha kasing pikon na pero todo pang aasar nung dalawa kaya walk out tuloy ang Juliana. Ilang sandali pa ay nagkayayaan na rin kaming bumalik sa kanya-kanyang table

Pagkabalik ko ay sya namang tumayo si Ethan saka ako nilapitan "Ang tagal mo naman mag cr"

"Nandun din kasi sila Juliana at nakapagkwentuhan kami kahit saglit" paliwanag ko

Tumango ito saka ako iginiya papunta sa table namin kanina pero ngayon ay nandito na rin sila Kevin, Marco and Lucas. Yung table ngayon kung nasaan kami ay yung pwesto kung saan kami kanina kumain.

"Ay wow ganda naman pala nitong GIRLFRIEND ni king!" pinagdiinan pa talaga ni Marco ang word na 'girlfriend' at napansin ko tuloy na yung ibang babae ay nagsilingunan sa gawi namin

"Hula ko natulala na si King kanina dyan pagkakita pa lang" tatawa na sana ako dahil naalala ko ang nangyari kanina kaso pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Ethan kapag tumawa ako

Nakapangalumbaba pa si Kevin "Hindi naman imposible. Tsaka ang ganda ng ayos mo ah. Mukhang mamahalin rin ang gown mo, saan mo nabili?" sabi nya nang may ngisi sa labi

"Ah eto? Binili sa akin ni Juliana. Sinabihan ko nga na huwag na kasi mahirap pakiusapan ang kapatid mo"

"Yeah. Lalo na kung utos sa kanya 'yan" hindi ko na masyado narinig ang huling sinabi ni Kevin dahil sa binulong nya na lang iyon

"Black card. Black card. Yuhooo. Sana all"

"Kamusta black card mo, King?"

"Shut up, damn it!" sinamaan ito ng tingin ni Ethan kaya biglang napazipper ng bibig

"Black card? Anong meron doon?" Sabay sabay silang napasinghap tapos umayos ng upo

"Ganda talaga ni Eliana noh? Diba King? Imposible pero sa tingin ko natulala ka dyan"

Hindi ko na napigilan at natawa na ako

"Kung alam nyo lang hahahahah... gaandang ganda sakin tapos natulala kaya hinagisan ko ng fake ipis at gagamba!"

"Really?!" - Lucas

"Naks lang!" - Kevin

"At tumigil ang mundooOoOo" - Marco

"Hahahhaha takot na takot pa sya doon! Hahahhahahmff—"

"Naknang tuts" - Marco

"What the..." - Lucas

"Wow! Hokage moves! Paturo naman po King!" - Kevin

<3