webnovel

An Ideal Love

What will happen if those people around you are just pretending? Including you? Yes, you can fool everyone but not yourselves Yes, you can deny it using your mouth with lies but your own actions and body will deny it for you. Will Eliana feel the Ideal love she wished with Ethan or it just stays as a simple Deal love? Their love story started in a deal or bet, but why is she expecting it to be real and an Ideal love? (This story may be cliché but I love cliché) -- ‼️ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Please do not distribute, reproduced, or transmitted this story in any form or by any means without the permission of the author. PLAGIARISM IS A CRIME.

cutiesize31 · Teen
Not enough ratings
34 Chs

Chapter 9

Eliana's POV

Nakaharap ako ngayon sa study table ko. Imbis na mga nagkalat na libro, papel, at ballpen ang nakalagay dito ay mga make ups ang pumalit dito.

Kasalukuyan akong inaayusan ni Michael sa kwarto ko. Kanina nga ay nagulat ako nang sumating sya at may bitbit na isang malaking bag at isang box. Sinabihan daw kasi sya ni Juliana na ito ang mag ayos sa akin.

Hindi na ako makatanggi kanina nang makausap ko sa telepono si Juliana. Wala raw akong choice kundi magpaayos dahil panigurado ay hindi naman daw ako marunong lalo na at party sa bahay ng Jimenez ang pupuntahan ko.

Hindi naman gaanong makapal ang make up na inilagay sa akin, yung sakto lang. Pinlantsa lang ang buhok ko dahil bagay daw sa ayos ko ang straight long hair.

Nang matapos ay kinuha ko na ang box na nakapatong sa kama ko na ipinadala raw kanina ni Juliana. Pagkabukas ko ay may tumambad na note sa ibabaw ng gown.

'Wear this and I hope you like it because I know that you'll look gorgeous wearing this :)'

Ang cute, may smiley face pa hahaha

Hindi ko naman inakala na marunong pala sa note na ganito si Juliana

Lumabas muna si Michael sa kwarto ko para makapagpalit ako. Ang laman nito ay isang red off-shoulder gown na may slit sa gilid. May kasama na itong red ankle knee strap heels.

(see the picture at the multimedia)

Tumapat ako sa salamin saka napangiti, shet ang ganda ko shet.

Kinuha ko ang silver bracelet na kasama sa box. Bagay na bagay sa suot ko. Bakit naman pati bracelet ay may bigay si Juliana.

"Eliana, gurl, nandyan na ang iyong sundo—Shet ang gwapo! Hello fafa Ethan!"

Natigilan ako sa pag aayos at kakatingin sa sarili ko mula sa repleksyon ko sa salamin. Bumukas ang pintuan at si Michael lang pala iyon.

"Nandoon na si Ethan, kaharap ang magulang mo. Ang swerte mo, Eliana gurl!" kinuha ko ang pouch ko kung saan nakalagay ang cellphone, panyo at ang pinadalang lipstick at powder foundation ni Michael, pang retouch daw, saka ako inalalayan akong maglakad papalabas

Nakita ko ang nakatalikod na si Ethan. At napansin naman ako ni mama kaya nya ako nginitian at sya ring pagharap ni Ethan sa gawi ko.

Nilapitan ko na agad si Ethan para makaalis na kami dahil napatingin ako sa wall clock na malapit na mag alas sais pero itong lalaking 'to ay hindi pa rin gumagalaw sa pwesto nya.

Nagpaalam na muna sila mama na magluluto na sya ng hapunan nila kaya nagpaalam na rin ako sa kanila nila Papa. Kaya naman kami na lang nila Michael at Ethan ang naiwan sa sala.

"Huy!" inilapit ko ang kamay ko sa mukha nya saka kumaway-kaway

Tulala?

Sa kagandahan ko?

Wait ako lang naman 'to

Charot hehe

Napatingin naman ako sa bandang likuran ko kung nasaan si Xander na inaayos ang gamit nya. Nakita ko yung fake ipis at fake gagamba na pinang takot nya sa akin kagabi.

Hmmm..?

What if...

HAHAHHA BAD

Kaso ayaw pa gumalaw ni Ethan, ano 'to, mannequin pose?

"Pst! Xander, pahiram muna ako ah" bulong ko at tumango lang ito nang hindi ako binibigyan ng tingin

Nakita ko naman si Michael na may kausap sa telepono nya saka ako binigyan ng tingin "Ay gurl, una na ako ha? May aasikasuhin pa kasi ako sa aking salon" nginitian ko sya saka nagpasalamat

Nang makaalis sya ay nilingon ko ulit itong katabi ko na wala pa ring imik. Kaya ang ginawa ko ay bigla akong sumigaw

"AY GAGAMBA! MAY KASAMANG IPIS!" sabay hagis sa kanya na mukhang nagpabalik sa kanya

"Fvck! Remove it, babe! Ilayo mo sa 'kin 'yan!" pag pagpag nya sa tuxedo nya pero nahinto sya nang lingunin nya ako na nagpipigil ng tawa

"You!—" lalapitan nya n asana ako nang maapakan nya yung hinagis ko sa kanya kanina

And when he realized that it's just fake, doon na ako hindi nakapagpigil ng tawa

"You!"

Lalapitan nya na sana ako nang bigla ko syang tinakbuhan.

"Why did you do that? Damn it!"

Nang papalapit na ako sa gate ay saka naman ako nawalan ng balance. Bakit ba nakalimutan ko na hindi pa ako masyadong sanay gamitin itong heels?

Madadapa na sana ako na una ang mukha kung hindi lang ako nahapit sa bewang ng taong nasa likuran ko

"sht! Takbo kasi ng takbo! Tss.." inayos nya naman ang pagkakatayo ko

"Ah..eh.. salamat"

"Bakit mo ako hinagisan nito?" saka ipinakita ang hawak nya

Natawa na naman ako dahil hinding hindi ko talaga makalimutan ang reaksyon nya kanina pero nakatingin lang sya sa akin ng mariin hanggang sa tumigil ako sa kakatawa

"Are you done laughing at me?"

"Ah wait.. HAHAHAHAHAHAHMFF---"

Natigilan ako dahil sa bigla nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Isang tulak na lang goodbye third kiss na ako huhu

"Isang tawa pa, hahalikan na talaga kita. Kahit kailan pa 'yan. Umaga, tanghali o gabi"

Ano 'yon? Full course meal ba ang labi ko?

Napalunok naman ako nang makita ko ang mapula nyang labi. Shet! Naalala ko na naman ang nangyari sa first and second kiss ko huhuhu

"magtigil ka nga! Ahmm.. ano tara na, malelate na tayo" agad akong pumunta sa passenger seat at sumakay ng walang imik

Habang nagmamaneho ay ramdam ko ang awkward atmosphere dito.

"Ahm pwede magpatugtog? Ang tahimik kasi"

"Ok"

Pagkabukas ko ng radio ay saktong kanta ni Sarah Geronimo ang tugtog..

...A kiss me, kiss me in the morning

Kiss me, kiss me in the night

Kiss me, kiss me in the day time

Kiss me, kiss me all the time

Hold me, hold me darlin'

Hold me, hold me real tight

Kiss me, hold me, hug me darlin' with all your might...

@__@

"Hey, why did you turned it off?"

"Ah.. ala lang"

"Ang ganda nga ng kanta, babe. Kiss me, kiss me all the time" pagkanta nya kaya inirapan ko sya

Hindi ko na lang sya pinansin buong byahe, inisip ko na lang kung paano ako mag-a-act sa harap ng magulang ni Ethan at sa ibang pang tao na nandoon.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko pero nagulat ako nang bigla itong hawakan ni Ethan gamit ang kanan nyang kamay habang ang kaliwa nitong kamay ay nasa manubela.

"I can feel that you're nervous"

"Ah kasi.. paano ba ako haharap sa magulang mo? Kinakabahan ako. Baka hindi nila ako magustuhan para sayo at mabuking pa—"

"Shh.. stop thinking like that. Don't be nervous and just be yourself tonight" nilingon nya ako saka nginitian

I think I should start practicing calling him with a sweet endearment

"Love.. babe.. baby.. sweetie.. honey..."

Ano pa ba?

"What?"

"Ahmm ano ba ang endearment natin? Kasi diba ganun ang magkarelasyon, may endearment sa isa't isa"

"Hmm.." napatango-tango naman ito at kita ko sa mukha ang pagngisi nya

"Hoy 'wag kang feelingero! Tatawagin lang kita sa ganung endearment kapag kaharap natin sila para mukhang totoo 'tong ginagawa natin!"

"Hey chill. Wala naman akong sinasabi. And I think you should call me where you're comfortable with"

"I'm uncomfortable calling you with that endearment, Ethan. Akala ko pa naman ay ang first boyfriend ko ang matatawag ko ng ganoon. Tsaka paano ako maga-act na girlfriend mo eh wala pa akong karanasan sa ganyan?" malungkot kog sabi

"Since we're pretending like a real couple, ako muna ang pagpraktisan mo at tawagin sa ganoong endearment. I'll help you, para kapag nagkaroon ka na ng boyfriend ay alam mo na ang gagawin"

Natigilan naman ako sa sinabi nya "S-seryoso ka ba?"

"Yeah. I know that you're NBSB that's why you have no any idea about relationship and boyfriend-girlfriend thingy" hindi pa rin ako makasagot kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita

"It's fine, Eliana. You're helping me now so I'll do the same to you"

Nag aalangan pero sa huli ay ibinuka ko ang bibig ko para sumagot

"Sige, pumapayag na ako"

Buong byahe ay hindi ko maiwasang titigan si Ethan.

Sya ba talaga 'to?

Tutulungan nya talaga ako?

Nabagok ba 'to?

Himala

Pero tama lang ba ang desisyon ko? Nvm.

"We're here" pagkatingin ko sa labas ay muli akong nakaramdam ng kaba

Lumabas naman kaagad si Ethan at ganun na rin sana ang gagawin ko nag biglang bumukas an pintuan sa gawi ko

Inilahad nya ang kamay nya sa akin "Let's go, love"

Tinanggap ko ito saka naman binigay nya sa isang lalaki ang susi ng sasakyan nya para raw ipark kaya naman nagtuloy-tuloy lang kami sa pagpasok kung san idinaraos ang party.

Magkahawak kamay kami ni Ethan habang papasok. Marami ang bumabati sa kanya na syang tinatanguan nya lang

Karaniwan sa mga naririnig ko na pinag-uusapan ng mga tao dito ay ang tungkol sa anniversary ng Jimenez Company at tungkol sa kanya-kanya nilang business.

"Dad, this is Eliana Ocampo, my girlfriend"

Mr. Jerald Jimenez is wearing an expensive tuxedo like Ethan and also holding a glass of wine. Ang expression nyang masungit at nakakatakot ay naging iba, he looked shocked at what Ethan told him.

"Ahm, sir, nice to meet you po" sinubukan ko na makipagkamay at todo kaba ako nang tanggapin nya ito

"Nice to meet you too"

Ilang sandali pa ay biglang lumakas ang bulungan at medyo nagkaroon ng pag iingay. Nang lingunin namin ang entrance ay nakita ko ang isang babae na nakasuot din ng magarang gown habang ang kasama nitong lalaki ay nakasuot ng mamahaling tuxedo, mag asawa siguro ito.

"Excuse me for a while. The Dela Franco's are here" aalis na sana sya nang lingunin nya ulit si Ethan "Let's talk later, Ethan" at saka kami tuluyan nang iniwan sa pwesto namin

"Hala woohh!" nakahinga rin sa wakas

"Let's eat first, babe" sisigawan ko na sana sya dahil sa pagtawag nya sa kin na 'babe' pero napansin ko ang mga iilang tingin ng mga tao sa paligid.

Dito ang tawag sa akin ay 'babe' pero sa JU 'love' ang endearment nya sa akin. Ano naman ang susunod?

Iginiya nya ako papalapit sa buffet table, kumuha kami ng pagkain saka umupo sa may bandang malapit sa stage.

Hindi ako mapakali dahil ramdam ko ang iilang titig sa amin ng mga tao lalong lalo na ang mga kababaihan.

"Hey, don't mind them, just eat"

Napatingin naman ako kay Ethan "Nakakailang lang kasi, hindi ako sanay"

"Matatapos na akong kumain tapos ikaw di ka pa nangangalahati"

Oo nga noh "Subuan kaya kita?"

Pinaningkitan ko sya ng mata dahil sa sinabi nya "Mas lalo lang tayo pag-uusapan ng mga tao. Papansin ka talaga"

"Gwapo ako kaya ako pinapansin" sabi nya with pogi sign

"Ay ang hangin ah. Wait kapit lang ako baka liparin din ako" natatawa 'kong sabi

Pero nanlaki ang mata ko nang bigla nya akong halikan

"Got ya! Sige tawa pa"

<3