webnovel

Alice In The Mafia World

Alice Natasha Baltazar, an orphaned girl, seeking for justice for the death of her parents. Was force to join the Douglas Mafia who promise to help her to hunt those people who killed her parents. But then, slowly, a box of secret was revealed. And she never thought that her life since then was a lie. From the people who killed her parents who she thought that her biological, her sister, and her real identity. What will happened if she finally know the truth about all the lies? Will she able to handle it? Or will she runaway and forget everything?

jeclover · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
45 Chs

Chapter 38.2

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 38.2

Habang naglalakad kami patungo sa isang kwarto kung saan gaganapin ang pagpaplano ay kinakabahan ako. Dahil sa presensenya ng dalawang Douglas. I'm still in a state of shock knowing that Sylvester is here with us. Sion told me that he didn't know where was Sylvester. Isa din iyon sa pinoproblema niya noong nakaraang linggo. He can't track his brother Sylvester.

At ngayon ay biglang siyang nagpakita sa akin kasama ng kanyang ama dito. I know how much he hated our family. Kaya nakakapagtataka kung bakit siya nandito. Pero kahit ganun ay may parte sa akin na masaya dahil muli ko siyang nakita.

Nasa huli kami ni L. Sinilip ko siya pero hindi man niya ako nilingon kahit alam niyang nakatingin ako sa kanya.

"How are you, L?" tanong ko sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa akin dahil sa tanong ko. My eyes met his cold gaze. I stepped back when I saw how he coldly stared at me. But he immediately looked away.

"I don't know." malamig na boses niyang sagot.I don't know kung ano ang problema niya at biglang naging ganito ang pagtrato niya sa akin.

Pinilit ko paring mag-tanong kahit alam kong ayaw niyang makipag-usap sa akin.

"Why? May nangyari ba?" nag-aalala kong tanong.Nakapamulsa siyang umiling at naunang maglakad sa akin ng kaonti.

Napatitig ako sa likod niya. I want to talk to him and ask him if he has a problem to me.

Pinilig ko ang ulo ko. Mamaya ko na 'yon iisipin. Si Saber muna ang pagtutuonan ko ng pansin.

Pumasok kami sa isang kwarto pero hindi gaanong malaki pero malawak ito. Una kong napansin ang malaking pabilog na sofa na gawa sa leather na kulay itim. At tantsa ko ay kasya kaming lahat doon. May malaking bilog din na mesa sa gitna.Inilibot ko ang paningin sa paligid. May bar counter sa gilid malapit sa malaking sofa. Maraming iba't-ibang klaseng alak ang naroon at mga baso para sa inomin.

Nilapitan ako ni Mommy at hinawakan ang kamay ko. Mahina niya iyong pinisil.

"Are you okay?" tanong niya.

Umiling ako.

"I'm nervous and scared, Mom. But at the same time happy because daddy's side didn't hesitate to help me." hinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

Naramdaman kong marahan niyang hinaplos niya ang aking buhok.

"Maayos din 'to. Let's trust them." she smiled.

Napatingin ako sa mga lalaki na nakaupo na ngayon sa pabilog na sofa. Pinasadaan ko sila ng tingin hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Sylvester. Nag-iwas siya ng tingin at umayos ng upo.

I want to talk to him, too. I have a a lot to say to him including saying "I'm sorry.". Kahit hindi niya tanggapin, okay lang. Maghihintay ako kung kailan niya matatanggap iyon.

HInila ako ni Mommy upang makaupo na. Magkatabi kaming dalawa. Sa tapat ko ay si Sylvester na nakatingin sa akin. At kagaya kanina ay nag-iwas agad siya ng tingin.I sighed.

"So, let's start?" lahat ng atensyon namin ay natuon sa ama ko na nakaupo sa pinakagitna.

Tahimik lang kaming lahat habang nakikinig sa mga sinasabi ng ama ko. Bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig ay sinasang-ayunan ng lahat. They also shared their suggestions and opinions how we can save Saber.When Mister Douglas has the chance to speak they all went silent again. Isa sa mga uncle ang nagtanong kung bakit sa hinahaba-haba ng panahon ay ngayon lang siya naisipang pagbantaan ng Godrey.

"Because I was hiding from them those years." Mister Douglas answered with a fear in his voice.

For the first time, in my life, doon ko lang nakitaan ng sobrang takot ang mga mata ni Mister Douglas. Akala ko noon, ang mga taong halang ang kaluluwa ay hindi natatakot mamatay pero mali ako. Dahil napatunayan niya iyon. Nagpatuloy siya sa pag-salita hanggang napunta sa pagkamatay ng kanyang asawa at mga rason kung bakit sobrang laki ng galit ng mga Godrey sa kanila.

Napatingin ako kay Sylvester. Mariing nakakuyom ang kanyang kamao na halos bumaon na sa inuupuan niya. I wonder if he knew already about this o ngayon lang niya nalaman.

"You drag us into your mess! You're such a coward!" Uncle Fauster's voice thundered in the four corner of the room after hearing those. Halos sunggaban niya na si Mister Douglas kung hindi lang siya pinigilan ni Uncle Ethise, Estevan's father.

"Calm down, Faus." saway ni Daddy.

Bumabalik sa pagkakaupo ang ama ni Faustus but he keep glaring at the old Douglas.

Napayuko si Mister Douglas at nang mag-angat ng tingin ay nasa ina ko ang kanyang mga mata.

"You know how much I love my Hera, Alicia." tumango ang ina ko sa sinabi nito. "I will do everything just to make her happy even risking my life. Una palang ay hindi na talaga ako sang-ayon sa mga pinaggagawa niyang pagnanakaw sa Godrey. I tried to stop her but she's persistent and I can't say no to her. Kaya sa huli ay sinuportahan ko siya, kinunsinti dahil iyon ang gusto niyang gawin ko. She wants to build her own empire, Alicia. You know that. Hanggang sa nabulag na din ako sa mga pinaggagawa namin. We built the Douglas Mafia together. I can see how happy and satisfied she was back the. Akala ko titigilan na niya ang Godrey pero hindi pa pala. Because she wanted more. Kaya bumalik siya sa Godrey at muling nagnakaw. At hindi ko man lang naisip na ikapapahamak namin iyon. It's hurt so much that she died without saying goodbye. Her death was unexpected. I blamed you for that. I blamed you for her death because you didn't protectt her when she was here in your country." ramdam ko ang hinanakit niya pero hindi parin sapat ang mga rason na iyon para pagbintangan ang pamilya ko sa pagkamatay ng kanyang asawa.

It was their choice. They put themselves in that situation.

Walang niisang nagsalita. Pero kalaunan ay binasag iyon sa malaming na boses ni Sylvester.

"Why did you fed us some lies about our mother's death?" hindi nakaimik ang kanyang ama kaya bigla nalang siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Aakmang susundan ko siya pero pinigilan ako ng aking ina.

"Let him." marahan niyang sabi. Tumango nalang ako.

Nagpatuloy kami sa pagplano. Alam na namin ang dapat gawin at sa susunod sa araw kami kikilos dahil pilit pang inaalam ng mga pinsan ko kung nasaan si Saber. Sa pagkakaaalam namin ay hindi na siya hawak ng Godrey dahil nakatakas siya. But he's still in chase by them. And I know Saber will find a way so that we can track him down. I know my man.

Matapos ang pagpaplano ay nagpaalam ako sa kanila na mauuna na. Hahanapin ko si Sylvester. I know this is the right time to talk to him. Pero gusto ko lang manatili sa tabi niya ngayon para kahit papaano'y maramdaman niyang hindi siya nag-iisa at mabawasan kahit kaonti ang mabigat na nararamdaman niya.

Halos halughogin ko na ang buong palasyo pero hindi ko parin siya nahanap. Sa hardin ng South Wing ako ng palasyo naisipang magpahing muna. Naupos ako sa gilid ng malaking fountain. Masyadong madilim ang parteng 'to. May ilang poste naman ng ilaw na nakahilera pero sobang layo nito sa isa't-isa at hindi din masyadong maliwang ang mga ilaw.

Napangiwi ako nang maramdamang nananakit ang binti ko dahil sa kakalakad kanina. Inabot ko iyon at marahang pinisil.Marahas akong napabuntong hininga. Nasaan na ba kasi si Sylvester? Imposibleng umalis na siya dahil magrereport naman ang mga guard sa entrada.

"Why are you here?"

Napaigtad ako sa gulat nang marinig ang malamig na boses na 'yon.

"S-Sylvester?" nagbabasakaling sambit ko sa pangalan kung siya nga iyon.

Bigla siyang lumabas sa madilim na parte ng hardin kung saan may malaking puno at nagtataasang mga halaman.

The moon light automatically hit his emotionless face. I've noticed that his hair were already messy and the first two button of his black long sleeve were opened revealing some part of his chest. Kung kanina ay sobrang pormal at ayos ng hitsura niya, ngayon mukha na siyang miserable sa harap ko. At doon ko din napansin ang bote ng alak na hawak niya sa kanyang kaliwang kamay.Nanatili siyang nakatayo at nakatitig malayo sa akin.

"Why are you here, Alice? Are you looking for me? Why?" kahit marahan ang kanyang pagkakabigkas ay naroon parin ang kalamigan ng kanyang boses.

Suminghap ako at umayos ng upo sa gilid ng fountain.

"I was looking for you. Nag-aalala lang ako." sagot ko.

Tumagilid ang ulo niya kasabay ng pag-angat ng giliid ng kanyang labi. At halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.Tumingala siya at mariing ipinikit ang mga mata. Kita ko dito sa kinauupuan ko ang anino ng kanyang mahahabang pilik-mata, ang kanyang matangos at perpekto niyang panga dahil sa liwanang na nagmumula sa buwan.

"Galit na galit ako alam mo ba iyon?" nakapikit parin siya habang ako ay nanatitiling nakatitig sa kanya. "Hindi ko akalaing makaramdam ako ng ganitong galit sa tanang buhay ko. Gusto kong mawala 'to. I think I can't handle this anger." nabitawan niya ang bote ng alak. Mabuti nalang at makapal ang bermuda kaya hindi nabasag.

He leaned on the side of the fountain. He's meters away from me. Nakayuko siya habang nasa ibabaw ng mga hita nita ang nakakuyom na kamay.

Tumayo ako at nilapitan siya. Umupo ako sa tabi niya. Umangat ang isa kong kamay, nagdadalawang-isip kung mahahawakan ba siya o hindi. Napabuntonghininga ako at binaba ang kamay ko.

"The only thing to control your anger is to calm down. Don't let your anger eat you, Sylvester. Dahil alam mo ang kakalabasan paghinayaan mong kainin ka na naman ng galit." sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Galit ang dahilan kung bakit nahantong kaming lahat sa ganitong sitwasyon. Galit na nagsimula kay Mister Douglas. Galit ng paninisi at paghihigante. Dahil sa galit ay nagawa ni Mister Douglas na manamay sa taong nanahimik. Ganito din ang naramdaman ko nang masaksihan ang pagkamatay ng nagpalaki sa akin. Wala akong ibang nararamdaman sa panahong iyon kundi galit at paghihigante. My hands that time was craving for blood, blood from the people who killed them. Hanggang sa unti-unti akong nagisinh sa katotohan, na kagaya na pala ako sa mga taong iyon. Mamamatay tao. Dahil pinairal at itinatak ko sa utak ko ang galit at paghigante sa mga taong pumatay sa nagpalaki sa akin. Kina nanay at tatay.

Kaya ngayon ayoko nang maulit iyon. Ayokong madagdagan ang galit sa puso ni Sylvester. Kaya gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay maibsan ang  nararamdaman niyang galit.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Pumungay ang kanyang mga mata na tila nagsasabi na pagod na sila pero may bahid paring galit ang naroon.

"How, Alice? How to fucking calm down after hearing the truth from my father?! Hearing the truth behind my mom's death makes me boil into anger! All this time, it was their fault! I grew up blinded my revenge for my mother. I promise to myself that I will make them pay whoever killed her! And then, I found out that it was them who put themselves in a cliff of death! All my life I was fooled by my father's lies! My brothers..." his voice cracked because of too much emotion.

I looked away when I saw a lone tear escaped from his eyes. Parang piniga ang puso ko namang marinig ang pagpipigil niya sa kanyang hikbi.

I just realize, wala kaming pinagkaiba. Kaming lahat. Pareho kaming ginawang tanga. Mister Douglas manipulate and played us. He fooled us. It's like a chess game. Mister Douglas was the king while his wife was the queen. And me and his son's were his pawns.

Ang pinagkaibahan lang ay mas naunang kinain ng kalaban ang reyna dahil sa maling galaw nito. Ang reyna dapat ang poprotekta sa hari pero wala na ito. Kaya ang nangayri, ang hari ang gumawa ng paraan para protektahanan ang sarili. He used the pawn—us. The king was selfish, as long as he's safe the game still on. Pero ang hindi niya alam na ang mga pawn ay unti-unting tinalikuran siya dahil masyadong makasarili. Selfish and coward. Kaya sa huli ang sarili niyang pawn ang nag-checkmate sa kanya.

Abala ang lahat sa paghahanda. Nangingibabaw ang kaba ang nararamdaman ko habang naharap sa salamin. It's already two in the morning, at buhay na buhay ang mga tao dito maliban sa mga bata na mahimbing na natutulog.

Napatingin ako sa triplets na mahimbing na natutulog sa malaking kama kasama ang kapatid ko. Yanna will look after the triplets while I'm away saving Saber.

"Ate," napalingon ako kay Yanna.

"Hmm?" sagot ko habang hinahanda ang mga baril na gagamitin ko.

"Mag-ingat ka, Ate. Hihintayin namin kayo ng triplets at sana sa pagbalik niyo ay kasama niyo na si Kuya Saber. And I know na galit ka parin dahil sa relasyon namin ni Faustus. But ate, i love him. Siya kasi ang nandiyan sa tuwing gusto kong ilabas ang mga problema ko. He's always there to listen. He's my comforter ate. Hanggang sa hindi ko namalayaang sobrang importante na pala siya sa buhay ko, na mahal ko na pala siya. Ate, sana maintindihan mo. Hindi din naman madali 'to para sa akin—sa amin. His parents didn't know about our relationship. Ang alam lang nila ay binabantayan ako ni Faustus para sayo dahil kapatid mo ako. And if we tell them about our relationship alam kong tututol sila dahil masyado pa akong bata para sa anak nila kasi ganun din ang reaksyon mo diba? Araw-araw lagi akong kinakain ng guilt dahil sa pagsisinungaling sa kanila. They're too good to me, Ate. And once they found out that Faustus and I were in a relationship, they will feel betray. Magagalit sila. Okay lang sana kung sa akin lang pero kay Faustus? Ayokong magalit sila sa anak nila, Ate." nagtakip siya ng bibig para pigilan ang paghikbi.

Napabuntong-hininga ako at inilapag ang hawak na baril bago siya nilapitan.

Naupo ako sa gilid ng kama sa tabi niya at mahigpit siyang niyakap agad naman niyang tinugon.

"Natural na magalit sila. Ganun din ako nung una diba? Pero nang tumagal habang nakikita kong masaya kayong dalawa narealize ko na hayaan nalang kayo. Galit parin ako, oo. Hindi parin kasi ako makapaniwala na may nangyari na sa inyong dalawang ni Faustus, Yanna. Doon ako sa parte na sobrang galit. Ang bata mo pa para sa ganun." sabi ko habang hinahaplos ang kanyang likod.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Mahal ko siya, Ate." maikli niyang tugon sa sinabi ko.

"Pano kung mabuntis ka, Yanna? Nag-aaral ka pa. At teka gumamit ba kayo ng proteksyon?" tanong ko at sinilip ang kanyang mukha na nakasubsob sa dibdib ko.

Umiling siya.

"Hindi. Ayaw niya kasi hindi siya komportable at kung mabuntis man daw ako edi mabuti daw sabi niya. Para matali na ako sa kanya." mahinang sahot niya na parang nahihiya

Natampal ko nalang ang noo ko at hindi na muling umimik baka mag-init na naman ang ulo ko at maputulan ng kasiyahan ang pinsan kong patol-bata. Hayop ka talaga, Faustus!

Pagkababa ko ay handa na silang lahat. Sinalubong ako ng yakap ni Mommy na may pag-aalala sa mukha.

"I'm worried." bulong niya habang yakap parin ako.

Kumalas ako sa pagkakayap para maharap siya. Masuyo ko siyang nginitian.

"Everything will be fine, Mom. I trust Dad. I trust them." sabay sulyap sa grupo ng mga kalalakihan.

"I can't help to get worried, Alice. I have this feeling na may mangyayaring masama sa isa sa inyo and I don't like it. I hate this feeling."

Hindi naman yan maiiiwasan. Gusto kong sabihin iyon pero baka mas lalo siyang mag-aalala.

Napatingin ako kay Daddy. Agad nagtama ang mga mata namin. Lumapit siya sa amin. Niyakapa niya galing sa likod si Mommy na ikinagulat nito.

"Mom is worried, Dad. Giver her an assurance, please. That everything will be fine." tumango si Dad sa sinabi ko.

Nagpaaalam ako sa kanila at nilapitan ang tatlo kong pinsan na nakaupo sa sofa at parehong nakatutok sa harap ng laptop ni Faustus.

"Any update?" tanong ko.

Nag-angat ng tingin ang tatlo

"He's in a province of Japan. Doon namin siya na-track. Hindi namin alam kung paano siya nakapunta doon pero dapat maunahan natin ang kalaban sa kanya. Godrey were already in Japan but still in the city. Mukhang hindi pa nila nachecheck ang mga province." sagit ni Flavian.

Tumagilid ang ulo ko ng may maalala.

"Province? He's in some part of Hokkaido, right?"

Nanlaki ang mata ng tatlo sa gulat at tumango

"How did you know?" gulat na tanong ni Estevan sa akin.

Huminga ako ng malalim. "It doesn't matter why I know. Ang importante ay alam kong nandoon si Saber. So ano at sino pa ba ang hinihintay natin? Let's go!" atat kong saad.

Umiling ang tatlo na ikinakunot ng noo ko.

"We're waiting for Saber's go signal." napalingon alo sa ama ko. Siya ang nagsalita.

"Bakit? Baka maunahan tayo ng kalaban, Dad!" hindi ko mapigilang mairita. "At isa pa, bakit hind niyo pinaalam sa akin na may komunikasyon pala kayo ni Saber?!"

Mariin na pumikit ang ama ko. He reached my shoulder and trying to calm me down.

"We're sorry, princess." alam kong marami pa siyang sasabihin pero pinili nalang niyang ngumiti sa akin.

I sighed at bumaling sa mga pinsan ko.

"Any update?" ulit ko.

Nakatitig ang tatlo sabay tayo.

"Let's go! May nakakita sa kanya na tauhan ng Godrey! He's on his way to Teshio, a town located in Rumoi, Hakkaido!" anunsyo ni Faustus sa lahat.

Agad naalerto ang lahat. Inilibot ko ang aking mata. Kumunot ang aking noo nang mapansing wala ang dalawang Douglas.

"They're already on the rooftop." napaigtad ako nang biglang sumulpot si L sa gilid ko.

"Huh?" hindi ko agad nakuha ang sinabi niya.

"The Douglas." napatango ako. "Let's go." sabi niya kaya sabay kaming nagtungo sa elevator na maghahatid sa amin sa rooftop ng palasyo kung saan nakahanda ang limang helicopter na gagamitin namin papuntang Japan.

Napayakap ako sa aking sarili dahil sa malamig na hangin na sumalubong sa amin pagkalabas ng elevator. Kahit nakasuot ako ng makapal na leather jacket ay tumatagos parin ang lamig.

Nagtama ang mata namin ni Sylvester. Nakatayo siya sa labas ng pangalawang helicopter. Bahagya niyang iginalaw ang kanyang ulo. He gesture using his head, telling me to get in the helicopter where he's standing.

Tumikhim si L kaya napatingin alo sa kanya. Helis eyes were locking into Sylvester.

"Sa pangatlo tayo." aniya.

Umiling ako. "Sa pangalawa ako sasakay. Nakita ko si Daddy na sumakay doon kasama ang iilang tauhan namin." sabi ko.

He just sighed and nodded before leaving me without a word.

My eyebrows furrowed because of what he did. Malapit na akong mainis kay L dahil sa malamig na pagtrato niya sa akin.

Pagkapasok ko sa pangalawang helicopter ay sumunod na din si Sylvester. Inabutan niya ako ng earphone. Napasalamat ako sa kanya pero wala siyang naging reaksyon. Naupo lang siya sa tabi ko

Nilingon ko ang ama ko na katabi ang ama ng Douglas. Nginitian ako ni Daddy kaya ngumiti din ako pabalik.

Nagsimula nang umangat ang helicopter.

"Hello? Hello? Did you all hear me? Handsome Faustus speaking." rinig ko mula sa suot kong earphone ang boses ng pinsan ko.

I heard Flavian and Estevan curse na agad namang sinaway ng mga ama nila. Buong byahe ay tahimik lang hanggang sa makalapag kami.

Maliwanag na pagdating namin sa Teshio. It's already around seven in the morning. Nasa loob pa lang kami ng helicopter ay ramdam na namin ang sobrang lamig na nanggagaling sa labas. Sumilip ako sa labas galing sa bitana.

Nasa isang malawak na area kami lumapag malayo-layo sa mga kabahayan.

"This is so fucking cold." I heard Sylvester cursed beside me. Sumulyap ako sa kanya.

Mabuti nalang at handa ang ama ko. Lahat kami ay may tig-iisang makapal na jacket at pares ng cloves at scarf.

Medyo mabigat dahil may dala akong baril at alam kong ganon din ang iba.

"So, okay. I'll stay here inside." Faustus said.

"Why? Are you chickening, Faustus?" may panunuyang tanong ni Flavian.

"Hindi. Bobo ka ba? Syempre, ako ang magle-lead ng daan sa inyo at magsasabi kung may paparating ba ba kalaban o wala!" may bahid na inis na tugon ni Faustus.

Tumawa naman ang dalawa kong pinsan. Tinaggal ko ang suot kong earphone at ipinalit ang earpiece. Ganon din ang ginawa ng iba.

Faustus spoke, checking if we can hear him from the earpiece.

Huli kaming bumaba ni Sylvester. Pagkababa ko ay nandoon na ang lahat at may kanya-kanyang kausap. Hindi na ako nagulat nang makita ang iilang itim na sasakyan ba nakaparada.

Nilapitan ako ng aking ama.

"We'll go to the entrance of the town. Douglas will help me." sabi niya sa akin at napatingin sa likod ko. "Don't leave her. And I already told Flavian to go with you." pagkausap niya kay Sylvester.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Muling bumaling ang atensyon ng aking ama sa akin.

"Be careful, princess." saad niya at hinalikan ako sa noo bago naglakad sa nakaparadang itim na sasakyan.

"Be careful too, Dad." bulong ko.

Kanya-kanya nang alisan ang mga tauhan na naka-assign sa mga lugar na posibleng puntahan ng kalaban.

May humintong itim na kotse sa mismong harapan namin. Bumaba ang bintana ng driver seat at ang nakangising mukha ni Flavian ang bumungad sa amin.

"Hop in, partners!" sabi niya.

I rolled my eyes at sumakay sa passenger's seat. Sa backseat naman si Sylvester na tahimik lang. Mabilis na pinaandar ni Flavian ang sasakyan.

"What now, Faustus?" tawag ko sa kanya mula sa earpiece.

I heard he's typing something.

"Wait a sec. I'm trying to connect Saber on the line." kumunot ang noo ko sa sinabi niya

"How?" wala siyang kahit ano kaya papaano niya mai-connect si Saber sa linya namin.

I heard Flavian chuckled.

"Didn't you know? Mangnanakaw at imbentor yang soon-to-be-husband mo? Hindi lang bataang kaya niyang gawin. Kaya niya ring gumawa ng earpiece, Aspasia." natatawang saad niya.

Napaawang ang aking labi sa sinabi ni Flavian. Nilingon ko si Slyvester.

"I can too." poker face niyang sabi sa akin.

Napatango nalang ako dahil wala akong masabi sa nalamang "imbentor" sila.

"Flavian, change route. Maraming nag-aabang na kalaban sa rota mo. Go to South instead. Dalawang kotse ng kalaban ang nakasunod sa inyo." utos ni Faustus.

"And ahm guys, all your spots and positions are already guarded by the enemy so be careful." dagdag niya.

"Noted." mabilis ikinabig ni Flavian ang kotse paliko papunta sa mga kabahayan.

"Ako ang bahala sa likod." Sylvester pull his gun from his back and open both of the windows of backseat.

Nagsalita sa kabilang linya si Estevan. "We're here but no one is here, Faustus." inis na sabi nito.

"Uh-uh. Of course they're hiding! Hindi sila ganun ka bobo para magpakita agad sa inyo! They're trying to catch you duh!" naiimagine ko ang pag-irap niya.

Napayuko kami nang nagsimula nang magpaulan ng bala ang kalaban.

"Fuck you!" sigaw ni Flavian na saglit na nawalan ng control sa pagmamaneho dahil sa gulat.

Nilingon ko si Sylvester na nakayuko at naghihintay ng tyempo.

"Need help?" tanong ko.

Umiling siya. "Just hand me some bullets kung maubusan ako." tumango ako sa sinabi niya.

Inilabas niya ang kalahati niyang katawan sa bintana at nagsimula nang pagbabarilinang kalaban. Nakita ko ang paggewang ng dalawang sasakyan hanggang sa mabangga ito sa poste.

Kita naming nagsibabaan ang mga kalaban sa sasakyan.

"Patay na ang mga sasakyan pero ang mga tao wala pa." si Flavian.

We heard another more gunshots from Sylvester before he laid his back from the backseat.

"And they are dead now." Sylvester shrugged.

Natawa naman si Flavian at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"H-Hello? F-Faustus?" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na 'yon.

Tiningnan ko ang dalawang kong kasama. Alam hindi sila nagulat.

"S-Saber? Oh god! Baby." sambit ko.

"A-Alice..."

"Yes it's me. Where are you? We'll come and get you, baby. Tell me where are you?" nanginginig ang labi kong tanong.

Mabibigat ang kanyang hininga mula sa kabila.

"South. I'm in the South waiting."

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Flavian, can you drive faster?" tanong ko.

"Yes sure." nakangising niyang sabi.

"Okay, aabangan natin ang pagkikita ng dalawang ibon na nagmamahalan. Oh damn. I miss Yanna." biglang sabi ni Faustus. Ah may madulas.

"Oh fuck! Faustus, didn't you forgot that we can all hear you?!" iritadong saad ni Estevan.

"Patay kang patol-bata ka." komento ko.

Saglit natahimik si Faustus. Nagsalita si Uncle Fauster, ang kanyang ama at si L.

"What's with Yanna, son? Really? You missed her?" may kung anong tono sa boses nito na ikinatakot ko.

"Yanna? My sister, Faustus?" malamig na tanong ni L.

"Patay kang gago ka." bulong ni Flavian.

Nagkandautal-utal na nagsalita si Faustus.

"S-Syempre n-namiss ko ang b-batang iyon. K-kami kasi h-halos laging m-magkasama." kinakabahan niyang sagot.

Sumipol si Flavian.

"Ge benta mo yan, insan." panunukso nito sa huli.

Hindi na muling nagtanong si Uncle Fauster at si L. Rinig namin ang mga putukan.

"Don't worry, bro. I'm with you kung mabisto kayo ni Yanna." narinig ko ang boses ni Sion na napahalakhak.

"Fuck you, Sion! Mabuti nalang at nakafilter sa kanila ang sayo kundi maririnig talaga nila!" galit na sigaw ng pinsan ko.

"Nakakatakot ba, Faustus? Kinakaban ka na ba?" tukso ni Flavian nakatanggap naman siya ng iilang mga mura.

"Sion?!" gulat kong tawag sa kanya.

"Hi Alice." bati niya sa akin.

"Hey brothers. How are you?"

"Fucked up." Sylvester and Saber.

"Oh, I see. You're doing fine huh?" sarcasm na tugon ni Sion sa dalawa.

"Where are you?" tanong ko sa kanya.

"Nasa bahay. Nagluluto ng agahan ni misis—I'm in the kitchen, baby! Gotta go gising na ang dragon! Mag-ingat kayo. Bye!" and he went off. Hmm sweet.

"Kasal na 'yon?" kuryusong tanong ni Flavian na sinagot naman ni Faustus.

"Hindi. Nagfefeeling asawa lang iyon kay Lucky. May pa "hindi ako magkakagusto sa maid ko" siyang nalalaman noon. Scammer pala ang gago! Maghahabol din pala! Kinain lang ang sinabi!" at malakas tumawa.

Sabay kaming napairap ng kasama ko.

"Oo, scammer nga. Parang ang isa diyan, hindi daw papatol sa bata pero kinain lang din ang sinabi. Scammer na nga, pedophile pa. Sino nga iyon? Kilala niyo ba? Ah pinsan natin." pagpaparinig ni Estevan. Magkaibigan nga sila.

Napangisi ako nang nagsimula nang murahin ni Faustus si Estevan habang si Flavian ay tawang-tawa. Napailing naman si Sylvester.

"Saber?" sambit ko sa kanya.

"Hmm? What is it, my Alice?" halata sa boses niya ang sobrang pagod.

"We're almost there." kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na umiyak.

"Okay. I love you, baby." rinig ko ang paglalakad niya. "I'm so tired, baby." mahina niyang sabi.

"I know. I know."

Nang huminto ang kotse ay nagmamadaling akong lumabas . Agad kong binaril ang mga kalaban na naglabasan sa kung saan.

Maraming maliliit na bahay kaya marami din ang pwedeng pagtataguan. Nakakapagtaka nga lang ay walang tao sa parteng 'to.

"Alice, go find my brother!" utos ni Sylvester na abala sa pakikipagbakbakan sa dalawang kalaban.

"We can handle this!" segunda ni Flavian.

Tumango ako at tumakbo sa isang iskinita.

"Baby, tell me where are you?" tanong ko kay Saber.

"Inside a small house. I think this is a laundry shop? Marami kasing damit dito at may washing machine." hindi sigurado niyang sagot.

Natampal ko ang noo ko.

"Can you just go out?"

"No, I can't. My feet were tired." nanliit ang mata ko sa kanyang sinabi.

I sighed.

"Faustus?" sambit ko sa pinsan ko.

"Yes?"

"Pwede mo bang i-off ang earpiece connection namin sa iba? Yung kaming dalawa lang ni Saber ang makakapag-usap." pabor ko sa kanya.

"Well, I can do that. Just press the small button on your earpiece para malaman ko kung pwede na kitang ikonekta sa lahat."

"Okay. Thank you." sabi ko sakanya pero hindi na siya nagsalita. Maybe he already cut my connection off.

"Saber?"

"Yes baby?"

"Nasan ka? Tell me exactly!" inis kong sabi.

I heard him chuckled. Alam ko talagang pinagloloko lang ako nito na pagod ang kanyang paa eh.

"Let's play. Hide and seek. And you're the seeker." he said playfully. "Damn. I missed you so much, Alice. I want to see you right now."

I rolled my eyes. Patuloy parin ang sa paglalakad dito sa gilid ng mga maliliit na kabahayaan para hanapin siya.

"I missed you too. So, come out now. Uwi na tayo. The triplets are waiting for you."

Lumiko ako sa kanan. Mabuti nalang at wala akong nakakasalubong na kalaban.

"I know. Pero maglaro muna tayo." parang bata niyang sabi.

"Fine!"

"Good. I love you, my Alice."

"I love you too."

"So, this is the game twist. Pag-mahanap mo ako ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong gawin sa akin." napataas angkilay ko sa kanyang sinabi.

"Eh kung ikaw ang makanap sa akin?"

"Let's make love right here, right now."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What the—are you kidding me!? Alam mo ba kung anong nangyayari dito? We're in the middle of the fight for pete's sake, Saber! Tapos kahalayan lang ang iniisip mo?!" inis kong sabi.

Nagbibiro ba siya? Ako na nag-aalala ng sobra sa kanya habang siya ay puro kahalayan lang naisip?! Ugh gago talaga!

He laughed.

"I'm just kidding. Galit ka na niyan? Saw you!" narinig kong may binuksan siya. Pintuan siguro.

"Ewan ko sayo! Lumabas ka na diyan!"

"Coming baby." malambing niyang sabi.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang hindi ko namalayang nasa harap na pala ako sa pinakahuling bahay.

Agad ko siyang nakita doon na nakatayo at nakangisi sa akin. May bahid ng dugo ang damit at maraming pasa at sugat ang kanyang mukha't katawan.

Nangingilid ang luha ko at nanginig ang katawan. Kahit nanghihina ang aking tuhod ay nagawa ko paring tumakbo sa kanya at patalon siyang niyakap agad naman niya akong sinalo at niyakap ng mahigpit pabalik.

Napahagulhol ako. "Saber...baby. I missed you so much! I love you, baby. Don't leave me again. I was so scared, Saber. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo." humihikbi kong sabi.

"Shh...don't cry. I'm already here in your arms. Thank you, my Alice. Thank you for coming. I'm finally home. You're my home, baby. I love you so damn much!" humiwalay siya sa pagkakayap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko bago ako siniil ng halik na agad kong tinugon.

"B-bakit hindi mo sinabing sugatan ka pala?" nanginginig kong tanong at dumistansiya sa kanya.

Hinubad ko ang suot kong jacket para ipasuot sa kanya.

"Baka lamigin ka, Alice. Ikaw na ang magsuot nito."

Umiling ako. "I'm fine."

Pinindot ko ang button na nasa earpiece ko.

"Pick us here. Sugatan si Saber." sabi ko.

Si Flavian at Sylvester ang sumagot.

"On the way."

Nilingon ko siya at naabutan kong nakatitig pala sa akin.

"I'm sorry." yumuko siya tila ba nahihiya sa ginawa niya. "I was just desperate that time. Hindi naman talaga ako dinakip. Kusa akong nagpunta sa mga Godrey. I know about my mother's cause of death. Kaya ako nagpunta doon para makausap ang boss nila. Dahil akala ko yun ang solusyon pero hindi pala. Sagad ang galit nito dahil sa ginawa ng magulang ko. They want my father dead, Alice. I was about to leave to warned my father but they didn't let me. Instead they beat me up and imprisoned me. Galit ako sa ama ko, Alice. Galit na galit. Pero nangingibabaw parin ang pagiging anak ko. Gusto kong itama lahat ng pagkakamali niya dahil ayaw kong mamulatan iyon ng mga anak natin." tumulo ang luha niya.

I cupped his face and wiped his tears.

"No need to say sorry. Ginawa mo lang kung sa tingin mo ay tama. You've tried." mahina kong sabi at niyakap siya. "Matatapos na 'to ngayon." pinalidad kong sabi.

Habang hinihintay namin sina Flavian, kinausap ko muna ang ama ko.

"Dad? Ano na ang nangyayari diyan? Is everything fine?"

Mula kanina ay wala akong narinig sa kanila.

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"We're here with the Godrey boss. We're dealing something with out shedding blood. You can walk freely now. Wala na ang mga tauhan ng Godrey." seryosong sagot nito.

Kung anuman ang pinag-uusapan nila ay hindi na ako magtatanong. Sapat na sa akin ang pagtulong nila. Hihintayin ko nalang na sabihin niya sa akin iyon.

"Okay, Dad. Thank you. I love you." may ngiti kong sabi.

"I love you too, my princess. And I will do everything for you." mas lalo akong napangiti nang marinig ang kanyang tugon.

Dumating sina Flavian at inalalayan nila si Saber papasok ng kotse. Napatingin ako kay Sylvester na may pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatingin sa kanyang kapatid.

"Hindi ko alam kung paano kinumbinsi ni Uncle Jace ang boss ng Godrey. Nakakabilib. Uncle is really that powerful huh?" manghang saad ni Flavian habang nagmamaneho pabalik kung saan ang mga helicopter namin.

Napangisi ako. That's my dad.

"Hindi man lang ako pinagpawisan. Akala ko naduwag na sila dahil biglang umatras pero utos pala iyon ng boss nila." dagdag nito.

Galing sa passenger seat ay nilingon kami ni Sylvester sa backseat.

"How's your feeling, Saber?" tanong nito kay Saber na nakayakap sa beywang ko at nakasubsob ang mukha sa leeg ko.

Gumalaw ang ulo niya para maiharap sa kanyang kapatid.

"Fucking tired." sagot nito.

Tumango lang si Sylvester at nag-iwas ng tingin.

"I love you, Alice. I'm so excited to see the triplets." bulong niya at hinalikan ang leeg ko.

"I love you too. Uuwi na tayo."

Paghinto ng sasakyan sa tapat ng helicopter na sinakyan namin kanina ay siya namang pagkawalan ng malay ni Saber. Mabilis siyang dinaluhan ng medic team na kasama namin at isinakay sa helicopter at sumunod naman kami.

Nagsalita si Dad na mauna na kami para masigurado niyang ligtas kaming makauwi.

Sobra ang pag-aalala ko habang pinagmamasdan siyang kinakabitan ng kung ano sa katawan.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napatingin ako doon.

"He passed out because his body was really exhausted, Alice. Walang mangyayaring masama sakanya. Kinailangan lang na gamutin ang mga sugat niya." si Sylvester.

Ngumiti ako. "Thank you."

Tumango lang siya at bumalik sa kanyang upuan.

Binalik ko ulit ang tingin ko kay Saber. Nasa gilid niya si L na salubong ang kilay na pinagmamasdan ang ibang medic. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang naglabas ng tatlong syringe ang isa sa mga medic.

Oh well, I remember takot pala siya sa karayom.

"What the fuck are you doing?!" galit nitong sigaw nang makitang ituturok na ang isang injection kay Saber.

Nakatakot naman bigla ang lalaking medic na may hawak na injection.

"S-sir we need to inject him an anesthesia b-bago namin tahinin ang mga malalaking sugat niya." kandautal-utal na sagot nito kay L.

"Baka mamatay ang kaibigan ko dahil sa karayom!" hysterical niyang sabi.

Napangiti ako. All these time, kaibigan parin ang turing niya kay Saber pero hindi niya lang ipinapakita. He still care.

"Hindi naman po, s-sir."

"Anong hi—" bigla nalang nawalan ng malay si L.

Lumitaw ang tatlo kong pinsan sa likod ni L. May hawak silang syringe na walang laman.

"Pinatulog lang namin. Ang ingay eh." nakangising sabi ni Faustus sa mga nakangangang medic.

"Crazy." rinig kong sabi ni Sylvester.

Tumayo ako at naupo malapit sa bintana. Tumanaw ako sa labas. Sana wala nang gulo sa kasalukuyan.

Hanggang namalayan ko nalang na nakatulog ako dahil sa pagod.