webnovel

After You Fall Asleep

Vampire

xiarls · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
22 Chs

Chapter 13

MARGARETTE'S POV

Hinila ako ni Lennard palayo kay Jason. Nasasaktan ako sa ginagawang paghawak niya sa pulso ko. Sinubukan kong magpumiglas pero hindi niya pa rin ako binibitawan.

Dinala niya ako sa kakahuyan malayo sa maraming tao. Kaming dalawa lang ang nandito.

"Ano ba, Lennard! Nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kanya.

Binitawan niya naman ako pero sinandal niya ako sa puno at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Palapit ng palapit ang mukha niya para halikan ako pero naitulak ko siya na mas lalong nagpangisi sa kanya, na parang may binabalak na masama. Jusko, bampira itong kaharap ko.

"Subukan mong lumapit kay Jason, humanda ka sa gagawin ko. Tandaan mo, akin ka lang!" Maotoridad na sabi niya at may halong pagbabanta.

Napasama ang tingin ko sa kanya pero ngumisi lang siya at hinalikan ako ng marahas at naramdaman kong kumagat siya sa labi ko. Humiwalay ako at sinampal ko siya pero parang hindi siya nasasaktan.

Kung may kaya lang akong gawin na mapalayo sila sa buhay ko ginawa ko na, pero wala eh. Sino ba naman ako at saan ko naman mahahanap ang kapangyarihang 'yon para wala nang salot na mapapalapit sa akin?

Hinila niya ulit ako papunta kung saan. Ang bilis ng bawat kilos niya kaya napapasabay na lang ako sa kanya. Ang hirap naman kasing iwasan ang mga bampira lalo na't alam din nila kung nasaan ka.

Nasasaktan na talaga ako sa ginagawa niyang paghawak sa kamay ko kaya napasigaw na ako.

"Ano ba Lennard! Masakit!"

Nagpupumiglas ako pero hindi pa rin siya napatinag, mas lalong humigpit ang paghawak niya. Naiiyak na ako hindi dahil sa paghawak niya kundi sa kaba ng mapansin kong papunta kami sa lungga nila, ng mga masasamang bampira.

Binitawan niya ako at nagsalita sa harap nilang lahat na ang mga mata nakatutok sa akin.

"Ito si Margarette, nililigawan ko at magiging kami na bukas. Kaya kung sino man ang lalapit sa kanya mapapatay ko. Lalapitan niyo lang siya kapag may iniutos ako sa inyong gagawin niyo para sa kanya." Ano ba siya dito at bakit ganyan siya magsalita sa harap nila?

"At kung sino man ang makakakita sa kanyang kasama si Jason, sabihin niyo agad sa akin dahil papatayin ko ang lalaking 'yon." Patuloy niya.

Humarap siya sa akin at ngumiti ng masama. Hinawakan ko ang pulso kong hawak niya kanina, masakit pa rin.

Alam kong mali talaga ang desisyong ginawa ko, pero ano pa ang magagawa ko? Kontrolado niya ang isip ko kaninang pumunta siya sa bahay. Mas lalo pa akong nag-aalala ngayon kung ano na ba ang ginawa ng tatlo dun kay Jason.

Humakbang ako patalikod pero natigilan ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya at bumulong siya na naging dahilan para tumindig ang mga balahibo ko.

"Huwag mong subukang tumakas kundi magiging bampira ka."

Anong gulo ba 'tong pinasok ko? Ba't lagi na lang ako nadadamay sa ginagawa nila? Ang alam ko lang liligawan ako ni Lennard pero ba't may kasama pagbabanta 'yon sa buhay ko? Tangna! Gusto kong magpakalayo-layo para matigil na 'to, pero saan naman ako pupunta?

Hinatid ako nila Kris, Niel, at Gio sa bayan kung saan pinagdausan ang party. Buti na lang hindi kasama si Lennard kasi inutusan siya nga leader nila. Pagkarating ko dun nakita ko agad si Jason na sumasandal sa kotse niya, wala siyang sugat sa mukha eh akala ko kanina sinaktan siya ng mga 'to.

Hinarap ko silang tatlo at tinignan ng masama.

"Pinagloloko niyo ba ako? Sabi niyo binugbog niyo siya?" Sigaw ko, ngumisi lang sila.

"Sorry pero hindi namin magagawa 'yon." Sagot ni Gio.

Napaisip ako sa sinabi ni Lennard kanina.

"At kung sino man ang makakakita sa kanyang kasama si Jason, sabihin niyo agad sa akin dahil papatayin ko ang lalaking 'yon."

Tinignan ako ni Gio ng makahulugan, siguro naiisip din niya ang iniisip ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi namin sasaktan si Jason para sayo."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Eh bakit sunod ng sunod pa rin kayo sa gusto ni Lennard?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan muna sila tatlo bago ako hinarap at sinagot.

"Kasi ganito 'yon." Sagot ni Kris at bumuntong-hininga. "Siya lang naman ang bampirang kung titignan mo sa panlabas na kaanyuan masasabi mong malakas siya, pero ang totoo niyan, hindi niya kayang pumatay gamit ang pangil niya. Mas gusto niyang pumatay gamit ang kamay at kapag hindi mo siya sinunod, papatayin kang wala sa oras gamit lang ang isang pitik sa noo." Paliwanag niya. "At hindi naman namin siyang tinuturing kaibigan. Hindi naman namin siya kapatid eh. Napapasama lang kami sa mga gusto niya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Isang pitik lang sa noo patay na? Anong klaseng kapangyarihan 'yon?

"At hindi naman namin siyang tinuturing kaibigan. Hindi naman namin siya kapatid eh. Napapasama lang kami sa mga gusto niya."

"So, magkapatid kayong tatlo?" Tanong ko sa kanila, tumango naman sila.

Naramdaman kong may umakbay sa akin, si Jason lang pala.

"Huwag kang mag-alala, hindi namin sasabihin kay Lennard 'to." Sabi ni Gio na nakangiti at bumaling kay Jason. "Tol, alagaan mo si Margarette kapag nasa tabi mo siya. Kami na ang bahala kay Lennard. Huwag mong pababayaan 'yan." Patuloy niya.

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Ngumisi naman ang isa.

"Geh, salamat dahil hindi niyo ko tinuluyang bugbugin kanina." Natatawang sagot niya.

"Sige na, umuwi na kayo. Baka ano pang mangyari sa inyo." Si Kris.

"Ibig sabihin ba nito, hindi kayo masasamang bampira?" Biglang tanong ko.

"Oo, hindi naman talaga. Tulad nga ng sabi ko kanina, napapasama lang kami sa gusto niya." Sagot ni Kris saka pinagtutulakan na kami ni Jason papunta sa kotse niya.

"Mag-ingat sa daan." Sabi ni Niel.

Sus, kung napaaga kong nalaman ang mga sekreto nila siguro hindi mapapahamak ang buhay ko, sana hindi sila magbago. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng mga kaibigang tulad nila. At alam ko din pati sila concern sa akin. Sana talaga mawala nang maaga si Lennard sa paligid para magkaroon na ako ng kapayapaan.

~~

JASON'S POV

Inaamin kong nasaktan ako sa sinabi niya kaninang si Lennard ang pinili niya. Ano pa ba ang magagawa ko? Nakukuha't nakukuha niya basta basta ang mga gusto niya. May kapalit man ang pag-agaw mo sa pagmamay-ari niya, at 'yon ang kamatayan mo.

Nakauwi na kami at nababahala pa rin ako sa mangyayari kay Marj kung sakali mang mag-iba ang paningin niya kay Lennard kahit ganun lang ang kaya niyang gawin. Mas mahirap pa rin makontrol ng pag-compel kesa sundin ang puso at utak. Siguro kung ako may kayang gawin 'yon noon pa, sa akin lang siya babagsak. Pero ayoko naman siyang saktan sa mga ginawa kong pagpapaiyak sa kanya. Nasasaktan din ako. Mas masakit sa nararamdaman niya.

Nakatulog siya sa sasakyan kaya binuhat ko siya papuntang kwarto niya. Inihiga ko siya sa kama niya at tinabihan. Halata sa kanyang pagod na pagod siya sa mga nangyari. Alam kong pumunta sila sa lungga nga mga masasama kasi sinabi ng tatlo sa akin kanina na dun sila papunta.

"Mapapasakin ka din, Marj." Sabi ko sa tulog niyang mukha at hinalikan siya sa noo. Tumayo na ako at pumasok na sa kwarto ko. Gusto ko man siyang tabihan matulog ngayon hindi pwede.

Kung mayro'n lang akong pwedeng gawin para hindi siya masaktan, 'yon ay ang ilayo siya kay Lennard. Pero saang lugar naman kami pupunta? Eh kalat na kalat na dito sa lugar na 'to na bumalik ang mga bampira, sa iba pa kaya?